Chapter 37. Exhibit
NATIGILAN si Rellie at kaagad na napalingon sa pintuan. Bumukas ang pinto at napako ang tingin niya sa namamagang mukha ni Sinned. Afraid that her brother might attack him, she immediately went in the middle and put her defenses up.
"Let him go back to his family," matigas na aniya kay Kuya Arc. Sa totoo lang ay kinakabahan siya nang husto dahil natatakot siya sa maaaring mangyari.
"You're mistaken, Rellie."
Bumaling siya kasi si Sinned ang mahinahon na nagsalita, at napangiwi pa ito dahil ininda ang ilang sugat sa gilid ng labi.
"Nahimasmasan ka na pala. Umuwi ka na," malamig na sambit naman ng kuya niya rito.
Puno ng kalituhan siyang bumaling kay Arc at kay Sinned. "What's the meaning of this?"
"Ah, Rels, you didn't know, but, Sinned and I are close friends. Best friend pa nga 'ata kami."
Nangunot ang noo niya. "Akala ko, si Kuya Stone ang best friend mo?" Naalala niya kasing palagi nitong kasama iyon noon.
"Best friend ko rin iyon." He went back to the topic. "Parehas kami ni Arc—"
"He was a secret agent?" putol niya.
"He is," pagtatama naman ng kuya niya.
"But, he's a lawyer!" Bumaling ulit siya kay Sinned. "Totoo ba?"
Tumango lang ito. "I take care of the legal matters..."
Hindi makapaniwalang tumitig siya sa mukha nito.
"...and some illegal," dagdag pa nito na nagpamaang sa kaniya. He went on explaining while her brother went outside. "I've been in the agency long before I became a lawyer."
She couldn't believe they're talking about his other job the moment she saw him this close again. Ang akala niya noon ay iiwasan niya ito, maiinis o magagalit, o hindi kaya ay maiiyak siya kapag nakita ulit ito. Pero heto at nakipa-chikahan na kaagad siya! Hey, she's dying out of curiosity here!
"Is there anything I don't know about you?"
"There is. But I don't think you'd ever believe me if I say it."
Iniba niya ang usapan. Ayaw niyang marinig na humihingi ito ng tawad sa nangyari sa kanila. Sa palagay niya kasi ay iyon ang gusto nitong iparating sa kaniya. Kaya sinabi na lang niyang, "Let's go to the hospital. Baka mamaya, nabalian ka na pala ng buto."
Umiling ito. "I am fine."
Fine? Namamaga ang mukha, 'tapos, fine?!
"I know your brother purposely punched me in the face."
Hindi nita napigilang pagtaasan ito ng kilay. "How sure you are?"
"I just know."
"Ah..." Napatango siya. "S-sige, kung wala naman palang problema, uuwi na ako. Pasensiya n-na sa gulo."
Hindi pa siya nakatalikod nang magtanong ito, "You're not going to ask me why did he do this?" Hindi siya kumibo pero nagpatuloy ito. "It's because I told him about our past. That I was such a big jerk for fooling you, and I was too selfish for not noticing your feelings and my own."
"O, tapos?" Napamaang ito sa sarkastikong reaksyon niya. Pero, ayaw nga kasi niyang pag-usapan iyon. "Matagal naman na iyon. I was so young and what happened to us taught me a lot of lessons. I learned how to be stronger, how to love myself, and on how to keep going. So don't be too harsh on yourself, Attorney. We should move on already." Lalo ka na. May pamilya ka na.
"I can't. I love you, Rellie..."
Alam niya sa sariling nagulat siya sa ipinagtapat nito, pero hindi niya makuhang kumibo. She kept a straight face and told him, "I will never be a kept woman. I deserve to be loved wholeheartedly, Sinned. Iyong walang kahati. Iyong mamahalin ako nang buong-buo at hindi ako pag-iisipan ng masama kailanman."
She saw how he guiltily avoided her gazes.
SINNED heaved a deep sigh upon hearing those words from Rellie. Walang kwenta ang mga katagang iyon ngayon lalo pa't masyado niyang sinira ang loob nito tungkol sa pagtingin niya rito noon. Hindi niya ito masisisi kung nagtanim man ito ng pagkamuhi sa kaniya dahil masyado siyang naging malamig dito at hindi tinapunan ng pansin ang sariling damdamin.
Kaya hindi na niya ito pinigilan nang umalis na sa bahay na iyon.
Nagpagaling muna siya sa loob ng halos tatlong linggo, at gayunpaman ay walang palya siyang nagpadala ng mga pumpon iba't ibang bulaklak kay Rellie. At ngayong naghilom na ang mga sugat at pasa ay nagpasya siyang puntahan na ito sa pinagtatrabahuan. Sa pag-i-imbestiga ay nalaman niyang part-time curator na ito roon, at ngayon ay abala sa pagkuha ng Master's Degree
Based on what he found out, she's planning to have her Doctorate Degree too since aside from being a curator, she's the Acting Museum Director now that her parents acquired the largest share of the Museum of Art. Iba pa ang shares ng Kuya nito.
Sa ngayon ay bakante pa ang posisyon at nang malamang nag-quit na si Rellie sa pagmo-modelo ay ito kaagad ang in-offer-an na humalili sa nag-retire na director.
Pagkarating niya sa museum ay inasahan niyang ito ang aabutang nagtu-tour sa mga visitors pero hindi pala nito schedule nang araw na iyon. Pero nandoon pa rin naman ito. So he asked where her office was and the guard told him where to go. Inayos niya muna ang necktie at saka ang hawak na bouquet of roses bago nagpasyang kumatok na.
Pero papalapit pa lang siya ay narinig na niya ang bahagyang pagtaas ng boses ni Rellie.
"What do you mean they want to acquire the position?! Ganoon na lang iyon? Pagkatapos kong isalba ang museum, itatapon na lang ako?"
Lumapit siya at nanatili sa tapat ng pinto.
"They had a meeting behind your back, and they voted that you should be ousted, Ma'am," the man answered. Empleyado siguro roon.
"For what reason?"
"You don't have PhD."
"That's bullshit!"
Nangunot ang kaniyang noo sa narinig. Kaagad niyang tinawagan si Arc.
"Why is Rellie—"
Binabaan siya nito ng tawag bago pa niya matanong kung anong nangyari.
He cleared his throat before knocking on the door. Ang nagbukas ng pinto ay ang kausap ni Rellie kanina at alam niyang secretary nito iyon. Nagpaalam ang lalaking sa tantiya niya ay ilang taon lang ang tanda kay Rellie. Bakit ba kasi lalaki ang sekretarya nito?
Now that he thought it, she's twenty-nine; while he's thirty-eight. Napapikit siya nang mariin. Bakit ba hinayaan niyang umabot pa sila sa ganoong edad bago niya napagtanto ang totoong damdamin para rito? If only he did not get blinded by his true feelings...
"Anong ginagawa mo rito?!" she shouted. Damn, she must not be in a good mood today.
Pumasok pa rin siya para ibigay ang pumpon ng rosas dito, pero hindi man lang uminit sa palad nito ang bulaklak dahil pabalyang itinapon nito iyon sa sahig.
Napalunok siya. He's never been this nervous in his life.
Iniba niya ang usapan. "I heard you're being ousted in your position?"
"So?" Nagtaas ito ng kilay. "It's none of your business. Now, please, if you'd excuse me."
Akmang lalagpasan siya nang sabihin niyang, "I c-can your lawying." He cleared his throat and repeated, "I can be your lawyer."
Mas nangunot ang noo nito at ilang sandali pa ay pinagtaasan ulit siya ng isang kilay. "I don't need you."
Fuck. He exactly knew she meant deeper than that.
"There's a lot of competitive art lawyers out there. Matitino. Kaya salamat na lang," she coldly replied, giving emphasis to the words 'art' and 'matitino'. Pagkuwa'y lumabas na ito roon.
Napahawak siya sa sentido. This would be hard, yet he's thinking he deserved the cold treatment. He deserved more than that and he's willing to accept her wrath without giving her up. Kahit pumuti pa ang buhok niya ay hindi siya magsasawang suyuin ito, dahil sa loob ng anim na taon mula nang makilala niya ito, walang-wala ang pagiging malamig nito ngayon sa mga nagawa niya.
Right away, he pulled his connections to open a law firm with a specialised art law department in Velizario Law Offices. Kinuha niyang paralegal, dalawang lawyer at iba pang mga empleyado ay rati nang nagtatrabaho sa field na iyon.
In just a five days, he went back to Rellie and offered her his services. Ang akala pa nga nito ay yayayain niya ulit na kumain kaya nagsungit na naman ito.
"Sinned, bakit mo ba ginagawa ito?" tanong nito sa kaniya at napaupo na lang sa swivel chair sa opisina nito. Her secretary excused himself when he probably thought there would be a small fight between them again.
"I just want to help."
"If you're just guilty about everything, it's fine. You can just forget it." Mahinahon ang boses nito. O mas tamang sabihing pagod na.
"I can't," matigas na aniya.
Nag-angat ito ng tingin. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng mesa nito.
"I can't, Rellie. I really love you but I know you are still not believing it—"
She interrupted, "Of course! You were head over heels with Candace Ferrer back then. So do you expect me to believe you now that she's gone? Paano kung bumalik? Mai-ichapwera na naman ako!" Nalaman na pala nito ang nangyari.
"She will never come back, Rellie. Candace and our child died for me."
Napamaang ito sa seryosong isiniwalat niya rito. Mukhang hindi pala nito alam ang detalye.
"If you think I'm doing this because I'm just guilty, I would never be this persistent. You know what kind of a person I am. I don't give a damn about things that don't matter to me."
She remained emotionless afterwards. Pero hindi siya nagpatinag.
"Kung mahal ko pa siya, sa tingin mo, tatapunan kita ng tingin?" Gusto niyang murahin ang sarili dahil tunog sarkastiko ang mga napili niyang salita.
"Malay ko. Baka mamaya, gawin mo lang akong panakip-butas gaya noon."
"Hindi kita ginawang ganoon."
"E, 'di, sex slave!"
"I never treated you as one. Even if we had kinks, I always asked for your permission. We both agreed to explore. We even had our contract, did we not?"
"I..." Napaiwas ito ng tingin.
"It's my fault," he said. "I was blinded by what I thought how I feel. Yes, I loved Candace but that was long before I met you. I was just really a jerk for not noticing my true feelings right away."
Nang mag-angat ito ng tingin ay nawala ang tapang na ipinapakita ng mga mata nito. All he could see now was tiredness.
"I've wronged you in many ways, Rellie... If you're not going to accept me in your life, I would understand. But I will never stop trying."
Ilang sandaling nagtitigan sila bago ito nagtanong, "Bakit ngayon lang, Sinned?"
"Bakit ngayon nga lang? Iyan din ang tanong ko sa sarili ko."
She kept still. Naitukod nito ang magkabilang siko sa mesa, sinapo ng mga palad nito ang noo pagkayuko, at hinilot-hilot ang sentido. Then, he remembered about that one mistake he did. Kailangang isiwalat na niya ang lahat.
"I..." He cleared his throat. "I am Ash, Rellie."
Natigilan ito pero nanatiling nakayuko.
"I fucked your life up. I was that rider who shamelessly fucked you that day..."
Gumaralgal ang balikat nito matapos ang ilang sandali. Parang sinaksakan ng punyal ang dibdib niya nang mapagtanto kung gaano niya ito nasaktan.
"I'm sorry, Rellie, I'm so sorry I wasn't there when you had a miscarria—"
"Don't mention anything about my child, Sinned. Wala kang karapatan sa anak ko. Dapat sa iyo, nagdurusa. Hindi mo alam kung ano ang nawala sa akin! Para na rin akong n-namatay noong araw na iyon kaya huwag mong mabanggit-banggit ang anak k-ko..." Puno ng hinanakit ang garalgal nitong tinig.
Natigilan siya't nangilid ang luha dahil sa matinding pagsisisi.
Nag-angat ito ng tingin. "Kuya Stone told me everything. He went to Vancouver before to ask if where's the father of my child. Na gagawin niya ang lahat, matulungan lang akong mapakulong ang gagong iyon. But you know what? We were both surprised when we found out you are that jerk who used me!" Nangunot ang noo nito. "Matalino ka ba talaga? Bakit iyang utak mo, nasa bayag mo?"
Wala siyang maapuhap na salita kundi, "Si Stone?" 'Tangina naman, Sinned, bakit iyan pa ang inalala mo?
"My brother's best friend! Or should I say, your best friend, too?"
"Why did you not tell me if you already found out I am Ash?" he asked instead. His heart felt heavy; his throat felt stuffy.
"Para ano pa? Hindi ba, kasal ka na?"
Everything backfired at him. His tears fell and he did not bother wiping his face.
Kahit na lumuluha na rin ay matapang na tiningnan siya ni Rellie. "Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak iyak mo. Tatanggapin ko ang alok mong maging abogado ko, pero hanggang doon lang. Kaya sana, tigilan mo na ang panliligaw mo. Hindi uubra iyan."
BEING professional at work made Rellie amazed at Sinned. Hindi na pinaabot sa korte nangyari kung saan pinapatalsik siya sa posisyon. She was able to keep her position being a curator, but the board decided she couldn't be a director.
"After everything I did?" she asked them when she called for a board meeting to tell them she would step down on her position. Kahit kalahating taon pa lang siya roon ay may mga nagawa na siya nag-benefit sa museum. She held a lot of exhibits. Marami na ring bumibisita ngayob kaysa noon.
Umiwas ng tingin ang mga ito. Now she got what happened. Napaikot ang mga magulang niya kaya nabenta ang ilang porsyentong share sa mga Anderson, isa sa mayamang angkan sa buong bansa. Then, the Andersons did everything to tarnish her name to the other board of directors, making them believe she was not qualified enough for the higher position.
"Don't worry, I'm stepping down now, however, I'd like you to meet the new Managing Director as well." Pinakilala niya ang kaniyang kuya, na kilalang-kilala ng mga nandoon. Based on their facial expressions, they were pleased of the news. Lalo na nang sinabi niyang hindi lang ito acting director kundi ang director na mismo. Mas lalong nakuha ang pabor ng board noong tumayo na ang kuya niya at palitan siya upang makapagsalita. Iba talaga kapag isang Arc Prietto na ang pinag-usapan sa industriyang iyon.
Ayaw na nga sanang pumayag ng Kuya Arc niya dahil gustong mag-focus sa pamilya, pero nang makapag-isip ay nagpasya itong ite-take over ang posisyon habang siya ang magiging Assistant Managing Director. But few years from now, once she was competitive enough, she would take over the position. Iyon ang naging usapan nila nito nang maisip nitong pumayag sa paghalili sa kaniya.
After the meeting, they ate out and she expressed how grateful she was.
"Mabuti na lang talaga at nagbago ang isip mo. Kung sakaling ang mga Anderson na ang nag-manage, baka malabong maibigay na ang posisyon sa akin. Baka ipatalsik din ako sa pagiging curator," aniya sa Kuy Arc niya.
Ngumisi lang ito at tinapunan ng tingin ang abogado niya. Kasama kasi nila ito at ang sekretarya niya, maging ang paralegal na nakasama ni Sinned.
Pagkuwa'y sinabi ng kuya niyang, "Don't thank me, thank him." Ngumuso ito kay Sinned. "Siya ang pumilit sa akin."
"Huh?" Nangunot ang noo niya. "In exchange of what?"
"That he would stop pestering you," ngingisi-ngising sagot ng kuya niya.
"Excuse me," si Sinned na sinabing pupunta lang sa restroom.
Hindi pa ito nakalayo nang sumagot siya sa kuya niya. "He's not pestering me, though. He always waits for me to be free before he tries to woo me."
Naningkit ang mga mata nito. "Pinagtatanggol mo?"
"Hindi naman. Sinasabi ko lang na hindi siya peste. Ang laki nga ng naitulong niya sa 'kin. 'Kita mo nga, napapayag ka pa niya."
"Jesus..." Bahagyang pinisil ni Arc ang ilong niya. "My sister is so goddamn whipped. Bakit? Mahal mo pa ba?"
Napanguso siya at tinaboy ang kamay nito. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya sa lalaki. Oo, nasaktan siya, pero nandoon pa rin iyong damdamin niya para rito. Parang mas lalo pang tumibay iyong katiting na pag-asa niya nang malamang biyudo na pala ito.
"Blimey! That bastard is bloody lucky!" eksaheradong bulalas ng kaniyang kuya. Gayang-gaya pa nito ang accent niya.
"Inaasar mo ba ako?"
"Hindi naman, pero kapag kasi ikaw ang kausap ko, parang awtomatikong bumabalik ang British accent ko."
But the way he was smirking was telling her he purposely mimicked her accent. Napansin niya ring nagpipigil ng ngiti ang dalawa pang nandoon. "Anong nakakatawa?"
"Eh, Ma'am, sinabi mo kasi na mahal mo pa si Att—" Natigil sa pagsasalita ang sekretaryo niya nang sapakan ng brownie ang bibig nito at ang kuya niya ang may gawa.
"I did?" paninigurado niya. She did not mean to say that aloud, though.
A few days after that, she felt that Sinned hadn't really stopped courting her. He did everything in other ways. Naroong pumunta ito sa museum para lang magpa-tour, kung minsan nga ay tyempo sa closing hours kaya solo niya itong nakakasama. Minsan naman ay bumibili ito ng pa-merienda, at gaya noong una ay buong staffs ang nakakakain. May pakimkim pa para sa kaniya! Nagdadala rin ito ng bulaklak every other day, at inaakala niyang para sa kaniya, pero sinasabi nitong para sa isang vase iyon na nasa table niya.
Napanguso siya. He really stopped pestering her, as per her brother bargained.
"Hi, busy ka ba?" she asked when she noticed he was already there, in front of the same painting he's always staring at whenever he arrived at the museum. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at kaswal itong kinausap. Hindi kaya dahil may dalaw siya ngayon? Teka, hindi ba baliktad? Dapat ay mas mairita siya ngayon? Bahagya siyang umiling at nagtanong ng, "Kumain ka na?"
Kitang-kita ang bahagyang pagkagulat sa gwapong mukha nito. But it was eventually replaced by his usual stern look. "I still did not eat, but I will, once I go home. Nagluto si Mayumi kaninang umaga."
"Mayumi?" Babae? Nasa bahay mo ba? She wanted to add.
"Yes."
"Ah, ganoon ba? Sige, babalik na ako sa opisina." She thought he would ask for a tour that's why she slowed down her steps, but, he kept still. Hanggang sa makalayo na siya rito; nagtago siya sa likod ng isang iskultura para matingnan ito. "Did he really stop courting me?" bulong niya pero iba ang sinasabi ng utak niya, eh.
Kung gaano katagal itong nakatitig sa partikular na painting na iyon ay ganoon din katagal na napako ang mga tingin niya rito. She almost jumped out when he turned his face towards her direction. Nag-iwas naman siya ng tingin at kunwaring iniinspeksiyon ang iskultura.
Nang matantiya niyang hindi na ito nakatingin ay nag-angat siya ng tingin dito pero nahuli niyang may multo ng ngiti sa gilid ng labi. "V-Vino!" tawag niya bigla sa sekretaryo na nasa kabilang banda ni Sinned para hindi mahalatang sa huli siya nakatingin.
Kaagad namang bumaling si Vino sa kaniya. "Ma'am?"
"Halika nga rito at pakitingnan kung ano ang itim na ito," palusot niya at tumuro sa isang banda ng iskultura.
Lumapit ito at nang tingnan ang tinuro niya ay bahagyang nangunot ang noo. "Nasaan, Ma'am?"
"Dito pala banda." Tinuro niya ang nasa kabilang parte.
Ininspeksyon iyon ni Vin. "Dito? Wala naman."
"B-basta, nandiyan lang iyan!" Kinabahang bumaling ulit siya kay Sinned na ngayon ay napangisi na. Nag-iwas din naman ito ng tingin habang siya ay namula na. Nahuli siya nitong nakatitig dito kahit sinabi niyang wala na siyang interes dito!
"Ma'am, wala talaga."
"Hayaan mo na. B-baka langaw lang."
"Ganoon ba? Magpa-disinfect na lang ako mamaya," presinta nito.
"Sige, ikaw ang bahala," aniya kahit my schedule sila for disinfection day. Mabilis na tumalikod siya at umalis na roon.
Patuloy na naging ganoon ang eksena sa kanilang dalawa ng lalaki. Until the following week, she got an invitation for her to exhibit her works in a Museum of Art in El Salvador. Kaagad na tinanggap niya iyon dahil matagal-tagal na rin naman noong huling exhibit niya. Kumbaga, sabik siya.
Ngayon ay nasa opisina siya para official na mag-file ng leave. Arc and her were sharing that office since she still didn't have hers renovated. Gusto kasi niyang ipa-sound proof at ipalagay rin ang ilan sa mga paintings niya at ilang paborito niyang artworks and sculptures bago mag-opisina roon.
Umupo na siya sa tapat ng table ng kuya para pirmahan ang vacation leave niya ng isang linggo. Then, she said, "Ayaw mo bang sumama sa Colonia San Benito?" That's where she would go in El Salvador. "I bet it would be a pleasure for them to have us both. At saka matagal na rin noong huling exhibit nating dalawa. Naging busy ka na mula nang mag-asawa, eh."
"Nah, I have a lot on my plate now, Rellie. Thanks to you." Sarkastiko man ang dating ay alam niyang biro lang naman iyon.
Napanguso na lang siya dahil kung hindi nito t-in-ake over ang posisyon ay mas marami pa sana itong libreng oras para sa pamilya nito
Napasulyap ito sa bandang likod niya bago nagsalita, "I just remember, back in London, when we had our first painting exhibit together..."
Nagtaas siya ng dalawang kilay para iparating na magpatuloy ito.
"Why did you exhibit your artworks of Sinned?"
While frowning, she answered anyway. "I wanted the crowd to have bad impressions at him that's why I told you to bring all of my paintings of him and I painted 'Heartless' back in London."
Natawa ang kuya niya. "Aren't you too childish to think that way? This is art, Rellie, Did it not come to you that people would just think of that as the theme of your artworks?"
She just winced because she honestly thought it would taint his name. "I didn't think he would be praised instead. Well, honestly, looking back, he actually helped me become well-known in our field. Ang taas na kaya ng offer ng 'Heartless' ngayon." Now, she came to realize she's kind of proud of her favorite subject since he did well in every sessions they had before. Pero nunca aminin niya iyon sa lalaki!
"Damn, my little sister, I didn't know you're proud of him."
"H-huh?" takang-tanong niya. Ginulo lang nito ang buhok niya at napagtanto niyang napalakas pala ang pagpuri niya sa lalaki.
"I remember Hyra when she modeled for me, that's how I felt that time, too. She did great." Her brother looked dreamy as if he went back to those times when he met his wife.
"Pero sinunog mo naman ang mga gawa mo."
Nagkibit-balikat lamang ito at ibinalik ang usapan. "Bakit hindi mo pa pala ibenta ang mga iyon? I heard lots of collectors are offering you sum of money to acquire those. Karamihan ay babae." Napamura ito. "Iba pala talaga ang kamandag ng kumpare ko, ano?"
Nangunot naman ang noo niya. "Why would I sell those? Akin ang mga iyon!" Natutop niya ang bibig; napataas naman ito ng isang kilay, pero tumawa rin kaagad. "You're not mad?" she added.
"Damn, why would I get mad? Anyway, enjoy your vacation! Kailan na nga?" Pinasadahan nito ng tingin ang pinirmahan niya. "Ah, sa susunod na araw? Ang bilis naman yata?"
"Rushed, eh. Saka sagot naman nila ang airfare at accommodation." Kahit kaya naman niyang bayaran iyon ay mas pabor sa kaniya na sagutin ng management iyon lalo pa't minadali siya ng mga ito.
Tumango lang ang kuya niya. Tumayo na siya at nagsabing aalis na. Pero natuod siya nang makita si Sinned na nakatayo sa may pinto. May dala itong pumpon ng tulips. "K-kanina ka pa?!" Napataas pa ang boses niya.
"Kadarating ko lang," namamaos na ani nito. Napaiwas siya ng tingin dahil iniisip niyang narinig nito ang mga sinabi niya. Paniguradong pulang-pula na ang mukha niya ngayon!
"Ah, s-sige." Nilakasan niya ang loob na lumakad at lampasan ito, pero pagkalapit niya sa pinto ay inabot nito ang mga bulaklak sa kaniya.
"For you..."
"J-just put these on my vase like the usual," sagot niya at nagmadali nang lumabas doon. Bago pa makalayo ay narinig niyang humalakhak ang kuya niya.
Kinabukasan ay maghapon niyang inayos ang mga dadalhing painting sa El Salvador, sampu ang lahat ng iyon at pinabalot na rin niya. Madaling-araw kasi ang flight niya pero nag-check in siya malapit sa airport para hindi na hassle.
After a long, tiring flight, the first thing she did after meeting the organizer was to take a rest in her hotel room. Ipinagkatiwala na siya sa organizer ang mga abstract paintings na dinala niya.
Nang makapagpahinga ay nagpunta siya sa museum para i-check kung okay na ang lahat. Nangunot ang noo niya nang mapansing iba na ang frames ng mga paintings niya kaya tinawagan niya sa cellphone ang organizer upang magtanong. Nagulat pa nga ang huli na nandoon siya.
"I was just wondering why the frames were replaced without my knowledge?" Naging gold plating kasi oyon kahit silver naman ang orihinal na mga frames. Saka medyo kumapal.
"Uh, it's to fit the theme, Madam."
May tema pala? Hindi siya nasabihan tungkol doon. Ang sinabi lang ay magdala siya ng ilan sa mgagandang gawa niya. Sa huli ay pinalampas na niya. Hindi na lang siguro siya uulit sa mga ito, o hindi kaya ay sisiguraduhin niya muna ang lahat bago pumayag na magpa-exhibit.
Anyway, she chose to bring those artworks she did with 'love' as the theme—unrequited, family, friendship, and even forbidden love. Ang paborito niya sa mga dinala ay ang tinititigan niya ngayon.
"Tears"
The medium: acrylic and crayons on Canvas. She painted it back when she was twenty-five. It's one of her best masterpieces; and, yes, Sinned was her inspiration for creating that. The theme was about her unrequited love to him back then—her painting showed a young woman who's in deep pain and heartbreak; silently crying. And the background had a lot of blemishes of black and grey colors. On top of that woman she painted, she drew a teary blue eye. But she doubted if other people would see what she wanted to express. Sa biglaang tingin kasi ay mukhang sinabuyan lang ng kung ano-anong kulay ang canvas.
Looking back, she realized that most of her paintings were actually inspired by her affection, hate, and anger towards the only man who caught her heart.
Anyway, she would explain more about her artworks to the visitors tomorrow so they would be able to comprehend those.
She just heaved a sigh and decided to go back to the hotel room after checking all of her paintings.
The next day, was the first day of the exhibit that would last for three days. Posturang-postura pa siya at nang makarating sa venue ay binati siya ng ilang mga nandoon na pawang nagulat sa pagdating niya. Mas maaga kasi siyang dumating kaysa sa pinag-usapang oras na alas dose. Sinadya niyang alas otso dumating upang makasigurong maayos na talaga ang lahat at hindi magka-aberya.
But instead of being brought straight to the gallery, she, along with the managing director and his wife headed for a breakfast instead. Sa isang restaurant sila kumain. While eating, her phone rang. She excused herself to answer it. She decided to go to the restroom as well. At habang patungo roon ay sinagot niya ang tawag.
"O, Kuya, bakit? Akala ko pa naman kung sino na ang tumatawag."
But in a panic voice, he asked, "Will the exhibit be held in Zona Rosa?"
Nagtaka siya sa tanong nito. "I already told you, didn't I? Colonia San Benito; Zona Rosa. I believe parehas lang."
"Exactly where?"
"Dito nga ang MARTE." MARTE was the abbreviation of Museo de Arte de El Salvador, on where exactly the exhibit would take place. Hindi lang siya ang naimbitahan doon, anim sila.
"It's not in San Salvador?" It's the capital of El Salvador.
"Dito nga iyon. Ang kulit." She's exactly in Colonia San Benito, Final Avenida la Revolución, San Salvador, El Salvador. "Bakit ba kasi? Nagsisisi kang hindi ka sumama?" biro niya pero mas lalo itong nagmura. "Bakit ba, Kuya? Naiinis na ako, ah."
"Fuck! Get your ass back in here, Aurora Aurelia! Do not go to that museum anymore!"
"Pinagsasabi mo? Lasing ka ba? Anyway, kanina pa ako nandito, nag-breakfast lang kami saglit. Mamaya na lang tayo mag-usap, pagkatapos ng exhibit. Bahala kang mainggit. Bye!"
Happy Mother's Day!