Chapter 10. Whore
SINUBUKANG magpumiglas ni Rellie saka bahagya silang natigilan ng lalaki nang matitigan siya. Ilang sandali pa ay tumahimik na ulit sa loob ng banyo kaya nagpumiglas ulit siya upang makalabas na pero diniinan nito ang pagkakatulak sa kanya sa pader at nadiin na rin ang sarili nitong katawan sa kanya.
If a while ago, she was daydreaming about how his masculinity felt, now she's afraid because he's way too different than in her dreams. Aside from that, she's scared on what would happen to her now. Bakit siya nito pinasok doon?
"Where's your phone?" he asked coldly.
"Hmm...!" She wanted to ask why but she couldn't say anything.
"Damn it, where's your phone, little girl?!"
Napatiim-bagang siya nang ito na ang kumapa sa bulsa ng skirt niya't nagmura nang hindi iyon nahanap. Nagpumiglas siya ngunit mas dumiin lamang ang katawan nito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang masakmal ang suot nitong dress shirt at pilit na itinulak. Mukhang naramdaman naman nito iyon kaya bahagya itong umatras at mariing tumitig sa kanya.
Kumunot ang noo niya nang hindi mawari kung ano ang nasa kulay-kapeng mga mata nito. Pero isa lang ang sigurado siya:
Sinned Hipolito in her dreams was far better than reality!
Nagtagis ang bagang niyang kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang sling bag at walang sabing inabot dito iyon.
"What's this?" kunot-noong tanong nito nang mag-browse sa kanyang cellphone.
"What? Cellphone ko! At pwede bang lumayo ka pa?"
She was undeniably sweating now and she wanted to breathe normally, which she's still having a hard time with his presence. Para siyang kinakapusan ng hininga sa halo-halong nararamdaman. Hindi maipagkakailang natakot siya nang husto sa biglaan at kakatwang mga kilos nito.
"Are you alright?" His voice was now... husky?
She was really taken aback on how the tone of his voice suddenly changed from rude to calm. Mas maingat at mas nag-aalala kaysa sa pagsasalita nito kaninang kausap ang akusado sa kabilang cubicle.
"T-tapos ka na?" Pilit niyang pinatapang ang boses. "Gusto ko nang lumabas. Mainit na rito." She's honestly torn between being scared or in awe about meeting the man she'd been adoring for weeks now.
"I'm sorry," in his low baritone.
"H-huh?" Napalunok siya.
"I'm sorry for accusing you. I thought you filmed us a while ago..."
She seriously got offended.
"Here's your phone—"
Marahas niyang hinablot iyon. "Wala akong pakialam sa sex life mo, Attorney! I just needed to use the loo ASAP so I went here to pee! But, what's the use of explaining though? I was already judged by a person who's not even a bloody judge!" Gusto niyang murahin ang sarili matapos magsalita. That wasn't a pun intended but it sounded like one. Mabilis na napakagat-labi siya para pigilan ang inis sa sarili kung bakit nasabi pa niya iyon.
That's why she couldn't blame him who's now having a ghost of smile on his kissable lips.
Namungay ang mga mata nito nang mapansin kung saan siya nakatitig at hinuli ang kanyang baba saka gumanti ng titig sa kanyang nag-aabang na labi. Why am I acting this way? I should be disappointed! Scared!
"I'm really sorry," anas nito.
Wala sa sariling tumango siya't napamaang. Tila nahipnotismo nang unti-unting bumaba ang mukha nito...
But then, she remembered how the defendant moaned and the sound of their kissing a while ago dominated the place so she immediately woke up from her senses and pushed the lawyer away. Nagtatakang tumitig sa kanya ang huli. Kaylakas talaga ng dating nito pero hindi siya padadaig dito. Kasehodang type pa niya.
"Hahalikan mo pa yata ako, eh, katatapos mo lang humalik sa iba! I'm not a whore, Attorney!"
Napamaang ito sa sinambit niya habang siya ay mabilis na tinakpan ang sariling bibig para hindi siya nito tuluyang mahalikan at malakas na tinapakan ng isang beses ang makintab na sapatos—ang kaliwang paa nito, saka nagmadali nang lumabas ng cubicle at ng banyo.
Curse that heartless lawyer!
Pagkalabas niya ng banyo, bago pa makalayo roon ay nakasunod na ito. "Look, Miss, I apologize for what happened."
Pero nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad dahil parang hindi ito tunog na nanunuyo.
At bakit ka naman susuyuin? Her mind castigated. Lalo lang siyang napabusangot.
Pero patuloy ito sa pagsunod sa kaniya. Para tuloy sila nitong naghahabulan nang mas bumilis din ang lakad nito para maabutan siya. Idagdag pa na mahahaba ang bawat hakbang nito.
"Hey, Miss, I'm really sorry about my actions. Don't be mistaken—"
Tumigil siya kaya nabundol ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Kahit na naghahalo-halo ang emosyon niya ngayon ay hindi niya napigilang mamangha nang hindi man lang ito napaatras sa lakas ng pagkakatama ng katawan nila.
Lakas-loob niya itong hinarap.
"Alright, just stop following me. Mukha tayong mag-jowang may LQ." Bugger me! Why am thinking about a lover's quarrel?
"What?" He frowned.
"W-wala." Lumunok siya para alisin ang pagkapahiya sa sarili at nagpatuloy na parang wala siyang nasabi. "Rest assured, Attorney, I didn't take any videos. Kahit nga recording, wala."
"I know. I just really want to apologize. Hindi dapat kita inakusahan."
"Oo na nga, hindi ba?"
"I want to make it up with you, I really didn't mean—"
"You know what? You should be heading back. I'm pretty sure Candace Ferrer is waiting for you." Kahit ayaw niyang lagyan ng malisya ay ganoon ang naging dating ng kaniyang sinabi.
Nairita siya dahil humingi ito ng dispensa sa nangyari pero hindi niya mabosesan ang sinseridad dito. She felt as if she didn't have any choice but to accept his apology. He was so authorative!
SINNED had no idea about what was he doing at that moment. He already apologized a while ago and there's no need for him to follow this young lady. Kaya ano pang ginagawa niya?
Hindi niya rin ito masisisi kung puno ng malisya ang boses nito pagkasabi kay Candace lalo pa't narinig nito ang usapan nila ng kababata sa banyo kanina.
Napansin niyang pinagtitinginan na rin sila ng ibang mga napapadaan kaya nagpasya na siyang iwanan ito.
Bumunot siya ng isang calling card mula sa inner pocket ng coat niya at sinabing, "If you need anything, you can contact me."
Looking so confused, she got the small calling card he handed to her, then, she met his gazes and he was taken aback on how beautiful her blue eyes were; those pair of cerulean eyes were very calming to look at. Pero mabilis din naman siyang pormal na nakapagpaalam bago pa nito mahalata ang paninitig niya.
What's happening to you? He asked on his mind irritatingly as he headed back to where Candace was waiting.
Pakisagot nga si Sinned. Thanks! Haha!