Unduh Aplikasi
83.06% PHOENIX SERIES / Chapter 304: Yes

Bab 304: Yes

Chapter 33. Yes

  

   

JUST like the plan, Romano came back as a professional choreographer in Montreal Agency, and was solely choreographing an idol group's—Eclipse—dances along with the other choreographers. And just like Nami, he's still an agent in Phoenix. Madalas na silang dalawa ang magka-partner sa mga misyon lalo na kung kailangang may magpanggap na magka-relasyon. Gaya nang nakaraang araw, nagpanggap silang buntis ito at ilegal na magpapalaglag ng anak pekeng doktor na kanilang hinuli.

Today, it was a warm afternoon, they're inside one of the situation rooms in Phoenix wherein they just had a briefing about the upcoming cases they're going to handle. Kaniya-kaniya sila ng mga misyon dahil hindi lang iisa iyon. May magmamanman sa isang strip club, sa isang casa, at maging ang dating naging misyon ng agency ukol sa isang pharmaceutical company ay babalikan nila. Mayroon ding bahay-ampunan ang nasa listahan ng posibilad na sangkot sa sindikatong tinutugis nila, pero kailangan pa ng pruweba kaya ibinigay ang misyon na iyon kay Vince para makakuha ng sapat ebidensiya. Sila ni Nami ay backups lamang sa misyong iyon, sa Casa Manarang sila kasama ang iba pang naatasan sa misyong iyon.

Nang matapos ay isa-isang nagsialisan ang mga kasamahan nila kaya naiwan sina Romano at Nami sa loob ng silid.

Sa loob ng lagpas tatlong taon ay iilang beses na niyang niyayang magpakasal si Nami, pero hindi pa ito handa. Then, he noticed the reason why, she's still enjoying the thrill that their job gave them; of her job being an actress as well. Aminado siyang ganoon din naman siya sa pagiging agent, pero mas higit ang kagustuhan na malagay sa tahimik kasama ang pinakamamahal.

Probably, after these missions, he'd persuade her again. He'd start with preventing her to take another contraceptive shots so he could get her pregnant already. Kahit hindi ito pumayag ay pipilitin niyang mabuntis na ito. They're not getting any younger anymore, especially him. He wanted to take care of their kids while they're still strong. Hindi naman siguro siya magmumukhang makasarili sa bagay na iyon, ibinigay naman na niya ang ilang taon dito para magawa ang mga bagay na gusto nito.

"Nam," he called out her attention. He opened the topic to her but it seemed like she's eager to stop him from talking. Pero ayaw niyang palampasin ang araw na hindi ito nakakausap tungkol doon kaya sinabi niyang lahat ang nasa isipan kanina. "Let's get married," sumamo niya. "Though I said I've given you enough time, it's not like I'm going to condemn you in doing the things that you want to do. I'll even support you all the way. Let's just get married already. I might tell you to quit being an agent, but that still depends on you."

"Rome, not now!" matigas na saad nito, hindi mapakaling lumingon-lingon sa paligid.

"Then, when? Magfo-four years na tayo at alam kong gusto mo naman akong pakasalan, kaya bakit hindi pa ngayon?" He sounded a little desperate.

Bumukas ulit ang dalawang pinto at nagtaka siya kung bakit nagsibalikan ang ilan sa mga kasamahan nila. Malalapad na nakangisi ang mga ito at halatang tinutukso siya sa paraan ng mga tingin ng mga ito.

Nalilitong tumingin siya kay Nami na kagat-kagat na nito ang pang-ibabang labi at namumula ang mga pisngi.

"Is this why you kept on interrupting me?"

Ngumiwi ito at tumango. Napamura naman siya at doon na nagkantiyawan ang mga agents.

"Gusto na palang lumagay sa tahimik ng bata natin! Wala na tayong pagpupustahan nito," si Rexton iyon na nagtanggal ng suot na relo. Inilapag nito iyon sa pabilog na mesa.

Sinned smirked evilly and got that obviously expensive timepiece. "One Jacob & Co. down."

"What's the meaning of t—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang ihampas na lang bigla sa kaniyang mukha ang isang two-tier vanilla cake. "Fucking hell! What the fuck are you all doing?!" Naiiritang pinunasan niya ang mukha sa likod ng kaniyang palad. Nang makitang si Vince ang may hawak ng rounded cake board ay tumayo siya at dire-diretsong lumapit dito saka itinulak ng malakas.

Mura naman ito nang murang nagreklamo. "Stone just handed it to me!"

Kaya sinamaan niya ng tingin si Stone.

"What? Hindi ako kasali sa pustahan," depensa ng huli sa sarili. Ang cake iyong mas kinainisan niya ngayon, hindi iyong pustahan. "Itong abogago lang saka—" Natigil ito nang may tumamang relo sa tainga nito at nasalo nitong kaagad iyon. "Uy, akin na lang 'to!"

"Mga gago!" singhal niya. "Para kayong mga bata!"

Nag-init ang magkabila niyang tainga nang iniwan na lang ang mga ito roon. Nakakairita pala ang gawain nilang iyon, bakit ba siya nakikisali sa tuwing may pinagti-trip-an silang mga kasamahan? Hindi pala nakakatuwa!

Pero ilang segundo lang ay bumalik siya.

"Hindi ka na magwo-walk out?" si Jave iyon na hahawak sa isang misyon nila sa club, pinsan ni Rexton ang huli.

He only rose his middle finger towards him. Pagkuwa'y biglang nag-flash sa projector screen ang mga pangyayari kanina sa silid na iyon. Pumailanlang pa sa speakers ang boses niya.

"Let's get married. Though I said I've given you enough time, it's not like I'm going to condemn you in doing the things that you want to do. I'll even support you all the way. Let's just get married already. I might tell you to quit being an agent, but that still depends on you."

"Rome, not now!" si Nami.

"Then, when? Magfo-four years na tayo sa July at alam kong gusto mo naman akong pakasalan, kaya bakit hindi pa ngayon?"

Nagmura siya at hinila si Nami na siyang dahilan kung bakit bumalik siya roon. Hindi nito alam kung matatawa ba o maaawa sa kaniya. Bago pa sila makalabas ay naghiyawan ang mga naiwan sa loob.

"Mabuhay ang bagong kasal!" shouted Stone.

"Ninong ako, Pare!" it was Kieffer Sandoval.

At sa speakers naman, pumailanlang ang boses Dice na pasimuno sa pagpe-play ng video, bumati ito pero iba sa naunang mga bati ng iba, kaya naalala niyang bigla ang petsa.

"Happy birthday, man!"

"Happy birthday!"

"Pa-canton ka naman!"

Napabuga siya ng hangin at napangiti. "Fuck you all," he whispered but the truth was he's thankful for having these men who sometimes acted like boys in his life. Kahit magkatrabaho kasi ay naging magkaibigan na rin naman ang ilan sa kanila, lalo na iyong mga palagi niyang nakakasama.

Sa parking ay nakasalubong pa nila ang isang kadarating lang.

"O, anong nangyari sa mukha mo?"

Si Nami na ang sumagot. "Hay, 'naku, Timo, late ka na. Tapos na ang birthday."

"Akala ko ba magca-club tayo?"

"Kayo na lang. Uuwi na—"

"Susunod kami," sansala niya sa sasabihin ni Nami at bahagyang pinisil ang palad nito.

Nagtanguan sila ng bagong dating at iniwan na sila roon.

Nami opened the car door and grabbed some tissue in her Camaro's dashboard. Bahagya itong tumingkayad para makita nang husto at mapunasan ang mukha niyang puno ng icing.

"That's a mess," nakangiwing komento nito sa nangyari. "Sorry if it didn't go as planned. Mukhang nadala ang mga mokong sa panunukso sa iyo. Kasi naman, pinatitigil na kita, eh," tunog-naninisi pa ito.

"Hayaan mo na. Hmm... Ano? Pakakasal ka na ba sa 'kin?"

Tinapik nito ang braso niya at nagpatuloy sa pagpupunas sa kaniyang mukha, sa bandang noo naman ngayon.

"Forget about this fucking icing, we'll just shower later. Let's go?"

Ngumuso lang ito, at nang papunta na siya sa kabilang banda ng sasakyan para lumulan sa driver's seat ay hinila siya nito kaya napatigil siya saka bumaling ulit dito.

"Where's my ring?" namamaos nitong untag.

"The what?"

"My engagement ring?"

"I didn't bring it. It's in my car—holy shit! Are you saying yes to me now?" tarantang paninigurado niya.

Namumula ang mga pisnging tumango ito at napahiyaw siya. Sa sobrang tuwa ay binuhat niya ito saka kinintalan ng malalim at mabilis na halik sa labi.

"You weigh like a feather now. I miss your voluptuous body." He meant when they first made love. He still memorize her every curves back then...

"Eh, 'di, patabain mo ulit ako?"

"Kain tayo nang kain pero hindi ka naman nananaba. You always work out religiously."

"Buntisin mo kasi ako para tumaba ulit ako?"

Napamaang siya pero tumawa rin nang ibaba niya ito. "Sinabi mo iyan, a?"

"Oo. Wala na rin namang gaanong projects akong tinatanggap. We can now come out in public, too."

Itinago kasi nila ang relasyon sa madla, maging sa mga pamilya. They didn't intend to, but it came that way. Hinayaan na lang muna nila. Pero alam niyang may hinala na ang mga ito, lalo ang tatay nito nang bumisita sila sa probinsya.

He claimed her inviting lips hungrily, and just after a few, someone shouted, "Get a room, folks!"

Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Timo who's still at the basement parking, secretly filming them.

"Say hi to the camera." Hinarap nito ang screen sa kanila at nakitang hindi naman pala ito nagvi-video, kundi pinapanood ang parte ng footage kung saan halos magmakaawa siyang pakasalan ni Nami kanina.

"Who fucking sent that?"

"Dice. Arc said he wanted to see what's going on in here so this footage was sent in the GC for him to see it."

Hanggang sa group chat ay pinagpi-pyestahan siya ng mga iniwan nila sa loob. Ang tinutukoy naman nitong Arc ay wala kasi roon.

Lumapit si Nami kay Timo at inagaw ang cellphone na hawak ng huli. Her aura immediately shifted and she looked evil now that she's smirking that way.

Nami sent a voice message, she threatened, "Fucking delete all the copies you have or I'll go to your girlfriends and say that I am your wife. I'm going to fucking torture their minds so they will leave you."

Pabagsak na ibinalik nito kay Timo ang cellphone at mabilis itong tumipa sa roon.

"They don't have girlfriends," paalala niya rito nang makalapit na sa kaniya.

"Wala nga ba?" nakakaloko itong ngumisi.

Napangisi siya nang makuha ang ibig sabibin nito saka na sila umalis doon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C304
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk