Unduh Aplikasi
80.05% PHOENIX SERIES / Chapter 293: Takas

Bab 293: Takas

Chapter 22. Takas

     

    

NAKABABA—o mas tamang sabihing nakakalat ang mga unan at kumot sa lapag; wala si Glaze sa kama. Kaagad na kinutubuan si Nami at tarantang lumabas ng silid.

"Shit, Monami, calm down!" bulalas niya sa sarili. Nakapagtatakang wala roon ang mga pulis na naabutan pa niyang nakaaligid kaninang lumabas sila ni Idy.

Pagkuwa'y naalala na naman niya ang mga nakasalubong na medical staffs na nakasuot ng PPE kanina, at napasabunot siya sa sarili nang mapagtantong kakaiba ang ikinilos ng mga ito, parang nagmamadali at iniiwas sa kaniya ang pasyente.

"But that's may be an emergency," kausap niya sa sarili.

What if something happened and the doctor was running through some tests on her twin? But, no, her instincts was telling her that wasn't the case.

Nag-flash sa utak niya iyong lumitaw na paa ng pasyenteng tina-transport kanina—there were some bluish and reddish marks, and it hit her—those were the same marks from her twin's. She couldn't be wrong!

Napamura siya nang marahas, at mabilis na pinindot ang button ng elevator pero nasa basement parking pa iyon habang ang isa ay nasa first floor. Nasa ika-apat na palapag siya. Sumatutal ay may limang palapag ang ospital bago makarating sa rooftop. Hindi na siya makapaghihintay pa kaya't nagmamadaling tinahak niya ang emergency exit. Halos masubsob siya makababa lamang sa basement parking ng ospital. Malakas ang kutob niyang doon idineretso ang pasyenteng nakita niya kanina, at malamang ay gagamitin din ng mga ito ang ambulansya.

"Sana'y hindi si Glaze iyon," hinihingal niyang usal at paulit-ulit na nagmura.

Habang tumatakbo pababa ng mga hagdan ay nagawa pa niyang i-dial ang numero ni Romano subalit hindi ito sumasagot. She tried to redial it but he didn't answer again.

"Shit! Where the hell are you when I badly need you, Romano?!" she muttered under her breath. Ikinuyom niya ang kamao habang hawak-hawak ang cellphone saka binigyan ng pansin ang daang tinatahak. Ilang beses na kasi siyang muntikang masubsob, at kung ida-dial pa niya ang contact number ni Romano ay baka tuluyan pa siyang matisod at masubsob pababa ng hagdan dahil wala roon ang focus niya.

She was already at the basement parking when she tried to dial his number again, but still, no answer.

Luminga-linga siya habang hinihingal na naghahanap ng ambulansya ngunit wala siyang nakita. Tumakbo pa siya at sa bandang dulo ay napansin niyang may paalis na isang ambulsansya. Adrenaline rush na rin kaya nagawa niyang takbuhin pa ang distansya kahit pagod na pagod na, saka hinarang ang sarili sa dadaanan ng sasakyan.

Binusinahan siya ng driver pero hindi siya natinag.

"Miss, may emergency! Tumabi ka—"

"Ilabas ninyo ang kakambal ko!" she shouted instead. "Alam kong itinakas n'yo siya! Hindi n'yo siya madadala kahit saan!"

"Miss, may emergency kaming pupuntahan, umalis ka na riyan!" sigaw lang pabalik sa kaniya ng driver.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa likod kaya mabilis na tumungo siya roon, pero walang pasyente sa loob, walang ibang tao kundi ang mga medical personnel na mukhang banas na banas na sa kaniya dahil sa pagharang niya sa daan.

Her eyes widened in horror when she realized that she was indeed wrong. Her twin wasn't in that ambulance, and now, she's going crazy thinking about what might happen to her.

Mabilis na tumalikod siya para makabalik sa loob ng ospital. Ipagtatanong niya muna dahil baka tama lang na nagka-emergency ang kakambal niya at kinailangang i-check ng mga doktor.

But even before she could move her limbs, she passed out.

   

    

"YOU'RE right, we can't use the ambulance," bulalas kay Romano ng kausap niya sa ear comm. Si Dice iyon. Mabilis na nakasunod sa kaniya sa Bicol nang magpatawag siya ng backup sa agency. Itinakas kasi niya si Glaze sa ospital para masigurong ligtas ito. Wala siyang tiwala sa abogadong nagnanais na malipat ang girlfriend niya sa ibang ospital kaya gumawa na siya ng aksyon.

"Did she insist that her twin was inside the ambulance?" He's talking about Nami. Nang muntik na sila nitong maabutan kanina ay mabilis niyang binago ang plano. Imbis na ang ambulansya ang gagamitin nila ay ang van na lamang. Mabuti at nakapaikot ang mga upuan sa loob kaya naisakay pa rin nila nang maayos ang nahihimbing pa ring si Glaze sa gitna.

They injected some sedatives to her that's why she's still sleeping soundly.

"Oo. Hinimatay siya pero maayos naman ang lagay niya. Dinala ko sa emergency." The latter meant E.R. or Emergency Room. "Pagod daw sabi ng doktor. Mukhang hindi pa 'ata natutulog."

He was taken aback and felt guilty. Sa kagustuhan niyang makapag-imbestiga kahapon ay nakaligtaan na niya si Nami. Lalo pa siyang nakonsensiya nang mapansing ang dami nitong missed calls kani-kanina lamang.

"Should we really stick to the plan?" Dice wasn't in favor of the plan. Anito ay makagugulo lang lalo sila kung itatakas si Glaze, pero siya pa rin ang nasunod.

"Yes."

"Alright. I'll go back in Manila now. I already told Kanon that I am going home today. Mabuti na lang pala at hindi kahapon ang sinabi kong uwi ko—"

Naglilitanya pa ito nang pinatayan niya ng tawag. Pagkuwa'y tumawag siya kay Stone pero hindi ito sumasagot. He tried calling Phoenix' landline and someone answered it.

"Transfer me to Herrera," aniya kay Vince na nakasagot ng tawag. Ilang segundo lamang ay sumagot si Stone.

"Where's Monami?" malamig ang tinig na bungad nito.

"She's in the hospital." Sinabi niya ang eksaktong lokasyon kahit alam naman nito iyon. "You should go to her now. She's alone."

"Fuck you."

Napangiwi siya nang babaan siya nito ng tawag.

Pero habang nasa biyahe ay hindi mawaglit sa isipan niyang mag-isa roon si Nami, nawala si Glaze doon, at hindi malayong putaktihin ito ng mga katanungan ng mga kapulisang nandoon, pati na rin ang mga medical staffs. Baka ito pa ang pagsuspetyahang nagtakas kay Glaze.

"Bullshit!"

Inutos niya sa kasama niyang nagmamaneho—dahil hindi pa siya makahawak ng manibela gawa nga na masakit pa ang mga kamao niya—na ibaba siya sa tabi.

"Stick to the plan," habilin pa niya bago siya maiwan sa tahimik na lugar na iyon.

Napailing pa siya nang mapagtantong malayo-layo iyon, at walang masasakyan. Panay ang pagmumura niya nang malutong nang mapagpasyahan niyang lumakad na lamang.

Siguro'y halos tatlumpung minuto na ang nakalipas nang may dumaang tricycle, may mga gulay sa sidecar niyon.

"Hijo, nasiraan ka ba ng sasakyan?" tanong ni Manong sa kaniya. Noong una'y Bicolano ang salita nito, nag-Tagalog lang noong mapansing hindi niya maintidihan, at nilinaw nga niyang Tagalog ang salita niya.

He smiled sheepishly. "Hindi ho, nagpababa ako kasi gusto kong pumunta ng ospital, medyo makirot kasi ang mga sugat ko." Bahagya pa niyang itinaas ang magkabilang kamay para ipakita rito ang nakabendang mga kamao.

"Ganoon ba? Siya, umangkas ka na rito at ihahatid kita."

Hindi na siya tumanggi pa at ipinaalam dito kung saang ospital ba. Pasikat na ang araw at may ilang sasakyan nang dumaraan, pero mas pinili niyang mag-backride na lang kaysa makisakay pa sa mga sasakyan.

Paulit-ulit siyang nagpasalamat pagkahatid sa kaniya sa pribadong ospital na iyon, kaagad na dumiretso siya sa private ward na inookupa ni Glaze, para hindi siya pagsuspetyahan.

Naabutan niyang wala na ngang pasyente roon, at nililinis na ng staffs.

"Nasaan ang pasyente rito?"

Nagkatinginan ang dalawang nandoon. "Ah, eh, Sir, hindi po namin alam."

Doon pa lang siya nagpunta sa Nurse's Station para magtanong. Sinadya niyang pagalitin ang kaniyang boses.

"Where's my girlfriend?!"

The head nurse went to him and tried to calm him down. Dinala siya sa isang empty ward at doon nag-esplika.

"Where's her guardian? Did she disappear, too?" he asked right after he 'calmed down'.

Nakuha naman nito ang tanong niya. "Nasa Room A21, Sir. Samahan ko po kayo," presinta ng nakatatandang nars. Iniutos nito sa kasama na iwanan na lamang sila roon.

Nang maihatid siya ay natigilan siya nang matitigan si Nami. She's still wearing the same clothes she was wearing yesterday. Bago makalabas ang nurse ay may pinakisuyo siya rito.

"Bring me some clothes. Kahit hospital gown."

Tumango ito at ilang minuto pa ay ito na ang personal na nagdala sa kaniya niyon. Hospital gown ang iniabot nito sa kaniya.

"Leave us."

Ipinaalala pa muna nito na kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ng pasyente, pero sinabi na lamang niya na mamaya na lang nila pag-usapan; na siya mismo ang magpapahanap kay Glaze.

He convinced her and she left him alone with Nami.

Napalunok siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang pumutok nitong labi. Sa lakas ng suntok niya ay alam niyang ininda nito iyon. Hinaplos niya ang gilid ng sugat nito kahit na nakabenda ang kaniyang mga kamao.

Pagkuwa'y sinubukan niyang hubaran para mabihisan ng malinis na saplot, subalit nahirapan siya. Bukod sa may benda, ay bigla niyang napagtantong mali na siya ang magbibihis dito. He didn't know exactly why, but that just felt a bit strange or wrong to him.

Sa huli ay nagpatawag na lamang siya ng aasikaso rito.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C293
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk