Unduh Aplikasi
78.14% PHOENIX SERIES / Chapter 286: Thumped

Bab 286: Thumped

Chapter 15. Thumped

    

    

BUMUNGAD kay Romano ang nagtatakang itsura ni Glaze nang imbis na magbiyahe pa-probinsya ay bumalik siya sa dormitory ng kambal. Pinilit niyang maging kaswal, na parang walang nag-aalburoto sa loob niya, nang gumanti ng tingin dito.

Tumikhim siya. "I got wet in the rain, can I borrow some spare clothes?"

Maang na napatitig ito sa kaniya bago sinabing, "Hindi kakasya sa iyo ang mga damit ko!"

He didn't think about that. "Can I have some hot coffee instead? I'm cold."

Nagtataka man ay pinatuloy siya nito at pinaupo sa monoblock na kinuha nito sa kusina upang hindi niya mabasa ang sofa.

"O, akala ko ba umuwi ka na?" baling ng ka-dorm mate ng kambal na si Claridad. Hindi na nadagdagan ang tatlong dalagang nakatira roon. Ang sabi sa kaniya ni Glaze ay sa susunod na semestre na lang daw tatanggap ng boarder ang landlord.

"Nabasa lang ako sa ulan, manghihiram sana ako ng damit—"

"Weh? Hindi dahil na-miss mo si Glaze?" putol nito.

Sakto namang bumalik si Glaze na may hawak nang tuwalya. Hindi na niya kailangang manghula kung malinis iyon dahil nang ihagis nito sa direksyon niya at nasalo ay humalimuyak ang mabangong amoy ng fabric conditioner.

"Anong miss? Kakahiwalay lang namin ng ilang oras." Natawa pa si Glaze pagkatapos sumagot.

Ngumisi na lang siya kahit ang totoo ay hindi rin siya sigurado kung bakit siya bumalik. Dapat ay sa condo siya tumuloy bago magbiyahe pauwi ng probinsya.

"Siya, sige, lalabas muna ako."

Naiwan silang dalawa ni Glaze sa sala, at nagkuwentuhan sila ng kung ano-anong bagay. Ni hindi niya namalayan ang oras at ginabi na pala sila.

"Ang tagal naman ni Nami? Akala ko ba alas seis ang uwi niya? Kakain pa kami sa labas," biglang bulalas nito nang mapansing mag-a-alas siete na.

Tumayo ito at mukhang may kukunin 'ata sa itaas. Nagsasalita ito pero napako lang ang tingin niya sa magandang mukha ng dalaga.

He's suddenly seeing Nami in Glaze's face. He blinked twice and stood up to grab her forearm so he could pull her closer towards him.

This is Glaze. The one that I love, He dictated on his mind.

"Romano, bakit—"

He shut her mouth by claiming it gently. Napalunok pa siya dahil maging sa pagpikit ay naalala niya ang mukha ni Nami nang makita itong may kahalikang iba. The way she closed her eyes, the way she responded to the kiss—it was glued inside his head.

"Fuck!" he muttered a curse in between the kiss and pulled Glaze's body even closer to him.

Umungol ito at yumakap sa batok niya bago tumugon sa kaniyang halik.

He groaned, too, when he suddenly pictured her twin's face again.

"Glaze..." masuyong bulong niya para paalalahanin ang sariling ang babaeng napupusuan ang kaniyang kahalikan, hindi ang kung sino mang kamukha nito.

Tama nga siya, kaya nainis at tila nagalit noong naghalikan sina Nami at Stone sa ospital ay dahil nakikita niya ang mukha ni Glaze sa kakambal. Wala nang iba pang rason.

Glaze became more aggressive as she pressed her body harder to him. While he, on the other hand, slowly pushed her until they were already lying on the sofa.

Nakasandal ito roon habang siya ay lumuhod para makakuha ng suporta nang hindi pinuputol ang halik. He should end it soon. Baka kung saan pa sila mapunta ng kababata at maaaring pagsisihan nila kalaunan.

Ni hindi pa siya nito sinasagot.

"Hmm..." she moaned as she slowly opened her eyes and she met his gazes. Pero mukhang tagos sa kaniya ang mga titig nito, o baka masyado nang nalulunod sa pinagsasaluhan nila at ipinikit muli ang namumungay na mga mata.

He also closed his eyes as his left hand was supporting her back. Para hindi ito tuluyang mahiga at baka magpadausdos pa sa sofa.

"'Love... y-you..." anito sa pagitan ng paghalik na nagpatigil sa kaniya.

Saktong pagmulat niya ay nabungaran niya ang nabiglang itsura ni Nami at mukhang hindi kaagad ito nakahuma kahit na nagtama ang paningin nila.

Glaze noticed he halted. "Why did you stop?" in her low tone.

"Nami is here."

Instinctively, she pushed him and he got up. Inayos naman nito ang upo at naiilang na ngumiti at binati ang kakambal. "N-nandiyan ka na pala?" Tumikhim ito. "May nakalimutan pala akong b-bilhin. S-sandali lang, 'no?"

Tumayo ito at nagkukumahog na lumabas. Ni hindi na niya napigilan dahil bigla siyang nahiya kay Nami sa naabutan nitong sitwasyon. Na para bang ayaw niyang ipakita rito ang nasaksihan dahil kinakabahan siya sa maaaring iisipin nito.

Nangunot ang noo niya nang mapasadahan ito ng tingin. Iba ang suot nito kaysa kanina, at gabi na nga pala...

"Uh, I'll go upst—"

"Where did you go?" he interrupted, his voice was cold. There's no way he'd let her go to her room without knowing why was she late. And why was she wearing clothes that were obviously not hers?

She frowned, there's something she wanted to say but she stayed quiet instead.

Pinasadahan niya ulit ito ng tingin at napako ang tingin sa mga binti nito. It seemed like she wasn't wearing underneath that big-sized hoodie and her pair of legs were screaming sexiness, or maybe, it's just his mind fucking with him. Pero totoong magaganda ang pares ng binti nito, kahit ano ang isuot ay babagay.

"Stop staring at me that way. Hindi ako si Glaze!"

Nangunot muli ang noo niya sa lakas ng tinig nito saka nag-iwas ng tingin. Nakonsensiya. Mukhang hindi pa humupa ang init na naramdaman sa halikan kanina kaya ganoon siya mag-isip ngayon. Na halata sa mukha niyang pinupuri niya ang mga binti nito.

Fuck! Ano'ng pinupuri? You were feasting over her beautiful pair of legs! His mind sarcastically replied to him.

"Bakit nag-iba ang damit mo?" tanong niya bigla.

"Pakialam mo?"

"Kanino iyan?"

"Pakialam mo nga?"

"Magkasama kayo ni Herrera? Anong ginawa ninyo?" He didn't want to sound malicious but that's how he sounded.

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang marahas nitong pagsinghap. "What are you implying to?" Naningkit ang mga mata nito. Damn, her hazelnut eyes were still lovely to see even if she's irritated.

"You know what I am saying."

"Fuck you!" matigas na mura nito at napamaang siya.

"Did you just curse at me?"

"Oo, gago!" Her jaw clenched.

"Why are you so defensive?"

"Bobo ka ba? Nabasa ako sa ulan, malamang pinahiram niya ako ng damit! Ang dumi ng utak mo, Romano! Nakakadiri ka!"

"Malay ko bang nabasa ka sa ulan?!" naiiritang segunda niya rito. Kahit alam niya ay nagpanggap na lang siyang walang nakita.

Ito naman ang napamaang.

     

      

OO nga naman, Ani Nami sa isipan. Iniwan siya ni Romano na kasama si Stone, 'tapos uuwi siya ng iba ang suot niyang damit matapos ang ilang oras. Na halatang hindi kaniya ang hoodie at naiwan nga siya kasama ang lalaki. Kaya ganoon siguro ang naisip ni Romano.

Pero hindi siya natinag at naiinis na tiningnan ulit ito. Eh, ito nga, maabutan niyang halos maghubad na kasama ang kakambal niya, at sa dorm pa talaga! Kung hindi lang niya kakambal si Glaze ay isusumbong niya ang lalaking ito sa landlord nila para ma-ban doon!

"I'm sorry..."

Nagulat siya nang humingi ito ng tawad. "Sorry about what?"

He just stared at her. Mas nainis tuloy siya.

"Sorry that you looked at me as if you're seeing my twin in me?"

"What?" kunot-noong tanong nito, pero halatang defensive.

Nagtagis ang bagang niya at iniwan itong mag-isa roon. Pumanhik na siya sa kaniyang silid at naiinis na ni-lock ang pinto.

Her eyes were pooling with tears out of irritation. Why did he have that apologetic look? That defensive look?

Maybe it was true that he saw Glaze as he stared at her. Kutis lang naman ang magkaiba sa kanila, bukod sa mas malaman ang katawan ni Glaze, maiksi ang buhok, may biloy, at gatuldok na nunal nito sa ilalim ng kaliwang mata, ay wala nang magkaiba sa kanila. Kaya hindi na siya magtataka kung si Glaze ang nakikita nito kaninang puno ng pamumuri siya nitong tinitigan. Halata pa namang nabitin ang mga ito sa ginagawa dahil sa pagdating niya. Pero bakit kailangang tingnan siya ng ganoon ni Romano? More like, he was praising and ogling her body...

The way he looked at her made her heart thumped and she wasn't sure what's the reason... If was it because of excitement or disappointment, or both.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
jadeatienza jadeatienza

Parang gusto ko nang mag-time skip. Nakakaloka ang pagiging in denial ng dalawang ito!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C286
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk