Chapter 12. Ancestral House
KUMUHA muna ng tissue si Nami sa gilid ng mesa at suminga bago nagsalita. "Sino namang mananakit sa 'kin?" ganting-tanong niya kay Romano. Ito ang pumasok sa opisina ni Stone. "Saka anong ginagawa mo rito? Akala ko, umalis ka na?"
Doon nito napagtanto kung ano ang naabutan. "You were practicing..."
"Oo, at inistorbo mo ako."
"I didn't mean to. I just came in to ask if you want some snacks."
"Why would you?" Nakataas ang kilay na tanong niya. "Are you Stone's secretary?"
"Tss."
"Umamin ka nga, Romano, magkakilala kayong dalawa, 'no?"
"And what if we are?"
Nagkibit-balikat siya. "Itatanong ko lang kung kasama mo siya sa trabaho. If he's an agent like you."
Tumawa ito kahit halata namang hindi natatawa.
"What's funny?" iritadong tanong niya bigla.
"Himala yatang hindi mo siya tinatanong? Mukhang patay na patay ka pa naman sa kaniya."
Nangunot ang noo niya sa tono ng pananalita nito. Gusto niyang manliit na ewan. "Ano'ng patay na patay?"
"Bakit? Hindi ba? Nilapitan mo nga kaagad."
"He's a nice person, and we are compatible to be friends naman..." Naiinis siya dahil iba ang dating niyon sa kaniya kaya idinikdik niyang kaibigan niya lang si Stone kahit pa nga hinahangaan niya ang huli.
"O baka mas pinupunan niya ang kuryosidad mo?"
"Kuryosidad saan? Alam mo, naiinis na ako."
"Your curiosity abou—"
Malakas na tikhim ang nagpatigil dito. "Your curiosity about wordly things. I think that's what he's implying to."
"What?!" Napalakas ang tinig na bulalas niya. Now, she's totally offended by what she had known.
Si Stone ang nagsalita at nagtagisan ng tingin ang dalawang lalaki matapos niyon. Iyon nga lang ay si Romano ang mukhang mas napikon habang si Stone ay ngumisi-ngisi na.
"For your information, Romano—" Kunot na kunot ang noong bumaling siya rito. "—virgin pa ako! At kahit curious ako sa makamundong bagay, hinding-hindi ko tataluhin ang kaibigan ko! I'd rather have sex with some random guy kaysa—"
"Fuck! Don't you dare, Monami Quiroz!" Nagkandalitaw-litaw ang litid nito sa pagsigaw na iyon at napakatalim ng titig nito sa kaniya.
"Bakit ka ba nagagalit?!" ganting-sigaw niya.
Malakas na tawa ni Stone ang namayani sa silid na nagpatigil sa kaniya. Bakit ba sila nagsisigawan ni Romano?
He stormed outside the room while Stone was still laughing. Lumapit siya rito at tinampal ang braso nito para patigilin pero mas lumakas lang ang pagtawa nito.
"Para kang baliw!" bulalas niya.
Naluha pa ito sa sobrang pagtawa nang mapansin niya. Bumaling ito sa kaniya saka tumigil sa pagtawa. "Did you cry?" pansin nito.
"Yes. Nagpa-practice nga kasi ako pero inistorbo ko ng mokong na iyon."
"Ah..." Napatango ito. "Akala ko, pinaiyak ka na niya, e. Susugurin ko na sana."
"Baliw!"
Nagpatuloy siya sa pag-e-ensayo, ngayon ay sa ibang silid siya dinala ni Stone, sinabi nitong meeting room iyon doon. Mas kulob at mas malawak ang espasyo. May malaking pabilog na mesa sa gitna, projector screen sa harap. Sabandang likod naman ay parang mayroong mga white board o bulletin board ang nandoon.
Napapitlag siya nang biglang may nag-flash sa screen ng projector, natigil na naman siya sa pagpa-practice at bumaling kay Stone na hindi umiimik. Seryosong nakatitig sa kaniya. Nagtaka siya.
"What's wrong? Is my acting too bad?"
His gazes pierced through her, diretso nang nakatitig sa projector screen.
"I came to know that you're so curious about Romano's job," he started.
Nangunot ang noo niya pero saglit lang iyon. May kutob naman na siya kaya hindi na gaanong nagulat sa narinig. Na kung alam nito ang trabaho ni Romano ay tama ang hinala niyang kasamahan nito ang lalaki.
"Why are you so curious about it?" he probed.
"Bakit? Ka-trabaho mo ba siya?"
"Do you want to join us?" he asked instead. There's no hint of humor in his voice. "I can recruit you right away."
"Huh? Ibig sabihin ay kasamahan mo nga siya..."
"I am his boss."
Napaatras siya at napakurap-kurap. "B-boss?" Why did she suddenly feel intimidated? It was just Stone! Her newfound friend!
"And you're in Phoenix right now."
She wanted to voice out "Alam ko" but she couldn't say anything. Where was that jolly Gaston Herrera? Ang tingin niya ngayon dito ay hindi matitinag sa kahit anong bagay, ni hindi niya mabiro.
"This isn't just a security agency, Nam."
Nilakasan niya ang loob na magsalita. Walang mangyayari kung matatakot siya lalo pa't wala namang dapat na katakutan. "I'm not getting any of it, ano ba'ng mayroon dito? Are you a pimp? Ibubugaw mo ba ako sa mga kliyente mo?"
He smirked evilly. "I think I will be. I might do that. If you'll agree, of course." Pinasadahan siya nito ng tingin pero hindi iyong nakakabastos na tingin. Tila mas kinilatis nito ang kabuuan niya. Like he meant more than pimping her. That he meant to give her a different job.
She instinctively crossed her arms. "Is this some kind of a prank? May hidden camera ba rito?"
Dahil nakatayo siya at nakaupo ito ay malaya siya nitong napagmasdan. Walang nagbago sa seryosong itsura nito.
"Sinadya kong lapitan ka," amin nito.
A quick silence, then, she asked, "S-sa hotel?" nautal siya. Iyon ay dahil bigla siyang nasaktan sa inamin nito. Pero saglit lang naman iyon dahil may iba siyang naramdaman.
Umiling ito. "After that incident."
Hindi niya alam pero nakahinga siya ng maluwag. At least he wasn't the one behind that encounter in the elevator with the hostage-taker. Pero hindi maipagkakailang parang may humalukay sa tiyan niya sa nalamang sinadya nitong lapitan siya. Hindi takot, hindi kaba. In fact, it was the other way around. And it was more than that.
"Maupo ka muna."
"Do I have a choice?"
Seryosong tumango ito. "The door is not locked. You can go out anytime you want. I won't bother you anymore after that."
Saglit siyang natigilan, bumaling sa pinto at sa projector screen. Oo nga't kuryoso siya sa kung ano ang nasa screen pero gusto rin naman niyang makasigurong wala itong gagawing masama sa kaniya. Oddly, her instinct was telling her that she's safe...
"I'll give you an hour to think. Lalabas muna ako."
Pinigilan niya ito. "Si Romano ba ang nagsabing tanong ako nang tanong tungkol sa ginagawa ninyo?"
"Yes and no."
"Huh?"
"He mentioned about that thing to Kieffer Sandoval, I believe you already know him, and Kieffer told me that."
"Napaka-tsismoso namang lalaki," she muttered lightly. Napagtanto niyang mas nangibabaw na ngayon ang gaan ng loob niya rito at tiwalang hindi siya sasaktan.
Ngumisi si Stone pero saglit lamang iyon. "I'll go out now."
"Teka lang naman, iiwanan mo ako ritong mag-isa? Paano kung multuhin ako?"
Bahagya itong napamaang at pagkuwa'y umiling. "For a second, I thought you're scared of me."
"I am," amin niya.
Tinitigan siya nito at sa mababang tinig ay sinabing, "I'm dead serious though, Nami. I want you."
A ghost of smile crept on her lips. He wanted her and she exactly knew what did that mean. "Takot ako... pero may tiwala ako sa iyo."
"Don't trust people too much. Look what happened to your father."
Her pupils widened by the mention of her father. "How did you know..." She couldn't finish what she was saying. "So you're really an agent? And this isn't just a prank..." It was more of a statement than a query.
Nawaglit na sa isipan niya ang posibilidad na prank lang ang lahat at nanumbalik ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo nang may pinindot ito sa laptop na nasa harapan nito at nag-flash sa screen ng projector ang litrato ng isang pamilyar na lugar sa kaniya.
It was their ancestral house in Camarines Norte.
Sino na nga ba iyong sa Camarines Norte noon? Hmm...