Unduh Aplikasi
76.5% PHOENIX SERIES / Chapter 280: Exactly

Bab 280: Exactly

Chapter 9. Exactly

   

    

THE moment Nami opened her eyes and was welcomed by the gazes of that stranger she just met, she suddenly realized that that choking wasn't just a dream. Naalala niya ang eksena kung saan hinila siya ng isang taong hindi niya inakalang gagawan siya ng masama, at nakita niya ang lalaking kasama ni Kieffer Sandoval sa harap ng elevator na mukhang hinahabol nito ang hostage-taker.

Subalit paano kung hindi pala nito hinahabol ang lalaki kahapon? Paano kung kasabwat pala ito? Paano kung tuluyan siyang na-hostage at ngayo'y hawak na ng mga ito?

Kinapusan siya ng hininga at bigla ay tila sinasakal pa rin siya saka nasa tabi niya ang lalaki kahapon. Sa sobrang takot ay paulit-ulit siyang nagmakaawang pakawalan na siya ngunit parang mas lumalapit pa ito sa kaniya saka pilit siyang niyayakap.

"Nam..."

Natigilan siya nang marinig ang pagtawag na iyon sa pangalan niya. It was so calming and she felt serene so she stopped crying and shouting hysterically as she caught the stranger's worried gazes towards her. Napalunok siya nang unti-unting bumaba ang mukha nito at malumanay na sinakop ang kaniyang umawang na bibig.

Her eyes widened especially when she clearly saw him closed his eyes while kissing her tenderly. Suminghap siya nang bahagya nitong kagatin ang pang-ibaba niyang labi. He was a damn good kisser that she found herself responding equally to his distracting and yet, so gentle kisses.

Kung hindi pa bumukas ang pinto at nakarinig ng mga yabag papalapit ay hindi siya matatauhan at lalayo para maputol ang halik. Sa sobrang hiyang nadama niya ay hindi na siya makatingin ng diretso rito at hinayaan nang daluhan siya ng mga medical personnel para matingnan.

Ang nakakaloka ay umalis na ang lahat ay nanatili pa rin ang lalaki sa loob ng silid, tahimik siyang minamasdan. Hindi tuloy niya malaman kung paano ito haharapin.

Tumikhim ito kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumingin dito. Halata namang ginawa nito iyon para kuhanin ang atensyon niya.

"About what happened earlier..." lakas-loob niyang panimula saka huminging paumanhin.

Nginisihan siya nito. "Are you sorry about how you cried or about the kiss?" prangkang tanong nito.

This was why she didn't want to talk to him sana. Dahil sa halik. "Both," she replied.

"I'm just kidding. I should be the one who's sorry about that. But I only kissed you so you'd calm down."

Alam niya. Gets na niya.

"Effective naman. We both enjoyed it."

Damn this guy! Did he have to say it aloud? Pero totoo nman kasi...

"By the way, I'm Gaston Herrera, just call me Stone," pakilala nito sa sarili.

"Monami. Just 'Nami'."

Tumango ito saka lumapit sa kaniya, inilahad ang kamay. Nakipag-shake hands siya rito at ngumiti na. Gumaan na ang pakiramdam niya kahit pa nga hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang pinagsaluhang halik kanina lamang.

"My lawyer is coming over, I'll just wait for him so we can talk about what happened to you."

"Ha? Why?"

"Hindi ka magsasampa ng kaso sa nang-hostage sa iyo?" he asked instead.

Umiling siya. Wala siyang balak na magsampa ng kaso. Ang mahalaga naman ay ligtas siya. Salamat sa lalaking ito.

Teka, hindi pa pala siia nakapagpasalamat.

"Uh, salamat nga pala sa pagligtas sa akin," pag-iiba niya sa usapan.

Napansin niyang bahagyang kumunot ang noo nito pero saglit lang iyon. Lumampas ang tingin nito sa kaniya kaya napabaling din siya sa may pinto pero wala namang ibang tao ang nadoon sa silid.

"I said 'thanks', Mister," ulit niya kaya bumaling ulit ito sa kaniya.

"No problem." He sounded monotonous.

He excused himself and went out. Mukhang may kakausapin o baka susunduin iyong sinabi nitong lawyer.

      

        

KAAGAD na lumabas ng silid si Romano nang masaksihan ang halik na iyon. He had to go out so he could calm himself down. Iba ang naging pakiramdam niya pagkakita sa halikang iyon. It was as if he wanted to go berserk and pull Stone away from Nami so he could punch him because he took advantage on her. Mabuti na lamang din at hindi nagtagal ay dumating na ang mga titingin kay Nami kaya sigurado siyang natigil na ang halikang iyon.

"Putcha! Easy to get pala ang Naming iyon!" dismayadong bulong niya sa sarili. Kung siya ba ang humalik, tutugon din ito?

He sighed harshly.

Few minutes after, the medical personnel went out the hospital room.

"Excuse me," tawag niya sa pansin sa isa sa mga iyon. "How's the patient?"

"Who are you?" she asked. He guessed she's a doctor since she's wearing her doctor's gown.

"I'm her brother," he lied.

"Oh," she exclaimed and went on. "Aside from the bruises on her neck, I can say that the patient is physically fine already. We'll just conduct some few tests to make sure that everything's alright. I'll refer her to a counselor, too. Maaari kasing na-trauma siya dahil sa nangyari."

Napatango sya saka nagpasalamat dito.

Tumuloy siya sa silid pero nasa bungad pa lang siya nang marinig niyang nag-uusap ang dalawang naiwan doon. Nangunot ang kaniyang noo nang mapagtantong ang gaan ng paraan ng pakikipag-usap ni Nami kay Stone.

Does she like him? Is that why she kissed him back?

Napangiwi siya.

"Uh, salamat nga pala sa pagligtas sa akin," ani pa nito na mas lalong nagpakunot sa kaniyang noo.

Mukhang napansin na ng matinik na si Stone ang presensya niya dahil lumingon ito sa pwesto niya. The way he's looking was signalling him to tell her that he was the one who saved her instead. But he shook his head and stepped back before she could notice him.

Laglag ang mga balikat niyang lumakad palayo sa silid pero ilang sandali ay tinawag ni Stone ang atensyon niya.

"Why don't you tell her?" tanong kaagad nito. Tinutukoy ang pagliligtas niya rito.

Iyan mismo ang tanong niya sa sarili. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "It doesn't matter. Ligtas naman na siya."

Umiling-iling ito saka siya nilampasan. "I'll see you at Phoenix tomorrow," dagdag pa nito bago siya iniwan doon.

Natigilan siya. Nag-iisip kung babalik pa ba sa silid ni Nami o aalis na lang. Bumalik siya, pero mukhang hindi siya nito napansin dahil tila nakalutang ito sa mga ulap nang masulyapan niya.

He sighed disappointingly when he realized it must be because of that fucking kiss. That woman might be daydreaming right now, thinking that her prince charming had come to save her and woo her. That she and Stone would have their happily fucking ever after.

Sa huli ay nagpasya siyang umalis na lamang doon at padabog na lumabas sa silid. Padabog na naglakad palayo at padabog na pumasok sa loob ng minamanehong sasakyan.

Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang halik na iyon kanina at naiinis siya na nasaksihan niya pa iyon.

"I don't give a damn!" sigaw niya sa loob ng sasakyan at nahampas ang manibela.

He's thinking about the possible reason why he's getting heated up. Nakarating na siya ng bar para uminom at lahat-lahat ay hindi pa rin niya maisip kung bakit.

It was when she saw Glaze dancing on the dance floor that he realized the reason why he acted and felt that way earlier.

Because aside from their complexion, Nami looked exactly like her twin—his first love, Glaze.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
jadeatienza jadeatienza

Labas, mga team Romano x Glaze since "Accidentally In Love" era. Mukhang sila talaga ang endgame. Haha!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C280
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk