Chapter 26. Clubbing
REXTON was surprised when Liwayway came while his childhood friends were still in his office. At dahil nga nagpapabango siya ng pangalan sa babae ay binigyan niya ito ng access na makapunta sa opisina niya kahit walang appointment. Hindi nga lang niya inaasahan ang pagdating nito ngayon.
Nahanap ito ng private investigator nila sa Phoenix sa Romblon halos limang buwan na ang nakalipas, at nagpanggap siyang bakasyunistang naligaw sa lugar kung saan banda nakatira ang babae, saka ito nilapit-lapitan, aniya ay nabighani siya sa taglay nitong kagandahan.
"Oh, I'm going." Tumayo si Bree saka tuloy-tuloy na umalis.
Maang na napatingin siya rito hanggang sa makalabas na, at napalingon kay Brian na halos saksakin na siya sa talim ng mga titig nito sa kaniya. Chelin shook her head disappointingly. Kung hindi lang siya ang nakakapansin, malamang ay totoo nga ang hinala niyang may gusto pa rin sa kaniya si Bree... Maybe that's the reason why she doesn't do boyfriends. Puro flings, and... fucking friends with benefits. And the reason why she left right away when Liwayway came. Gusto niyang habulin at tanungin.
Are you jealous, love?
"Rexton, can we go to the mall now? Gusto ko ulit mag-shopping sa VIP section ng dept. store ninyo." Napakahinhin ng boses ni Liwayway. Halata na naglalambing.
Fuck. Mas gusto niyang habulin si Bree at suyuin. After that night, she had forgotten about what happened to them, and he's regretting why did he let her take that fucking pill. Wala naman kasi sa planong aangkinin niya ito! Nasira ang diskarte niya't ngayon ay hindi alam kung paano ipapaalala rito ang nangyari noon.
His plan was to make her a sleeper agent, just like what the others were thinking about what did he do to her, but it never happened.
"S-sure..." wala sa sariling sagot niya.
"We're leaving," desisyon ni Brian pagkasagot niya kay Liway, saka magkapanabay na tumayo ang mga kaibigan niya.
Pagkaalis na pagkaalis ay sumalakay kaagad ng halik si Liwayway sa kaniya, bago pa niya ito naitulak ay bumukas ulit ang pinto. At dahil nakaharap siya roon ay kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Bree, at ang pagdaan ng matinding selos at sakit sa mga mata nito.
"What the fuck!"
"Holy shit!" malutong na mura niya nang nandidiring tumingin sa kaniya si Bree, saka bumaling sa kinalalagyan ng painting.
"No, Bree, it's not wh—"
"I just came back to remind you about our clubbing tonight. But I guess you won't be able to come with me." Ngumiwi pa ito, halatang dismayado at sumulyao ulit sa sikretong silid. He fucking had a hard on right away when an image being on top of her, on that very same room, flashed on his mind. Hindi kaagad siya nakahuma.
"Bakit, sis? He'll be with me the whole night," si Liwayway iyon. Gusto niya itong patigilin.
"Obviously," nakataas na kilay na sagot ni Bree. "Excuse me, too, I forgot my purse." Taas-noo itong lumakad at dumaan sa tapat nila. Napaatras siya kaagad sa yakap ni Liwayway pero mabilis itong dumikit. Napansin iyon ni Brre kaya tumawa ito ng nakakaloko. "Don't worry, Tita Liwayway, hindi ko aahasin si Rexton sa iyo. Kahit maghubad pa iyan sa harap ko, hindi ko papatulan."
Napakurap-kurap siya. "T-that's true..." Damn, why was he stammering?
'Are you not really remembering what happened, Bree?' He wanted to voice out instead. Dahil ilang gabi na siyang hindi pinapatulog ng isa sa mga oinakamagandang bagay na nangyari sa kanila. Everyday, his body was aching for her soft touches... Longing for her sweet and sensual moans...
"You've seen each other's naked body?!" eksaheradang bulalas ni Liway. Kung wala sila sa ganoong sitwasyon ay matatawa siya sa pagtawag ni Bree ng 'Tita' kay Liwayway dahil mas matanda ito ng halos anim na taon sa kaniya.
"Oh, we kissed, too. But he's not turning me on at all. Siguro kasi, hindi magaling manghalik."
Fuck, Brianna Lei. Come here and I'll kiss you again until you reach your fucking orgasm.
"God! Tuod ka kung ganoon. Rexton is the best kisser I ever met. He's my best sex, too."
Lalong tumaas ang kilay ni Bree. "I bet you're screaming because he's spanking you while hammering you from behind—"
"Fucking stop it," he meddled in. He didn't have sex with Liwayway at all after that night. Palagi siyang nagdadahilan.
"Why?" asked Bree in her mocking tone. "Are you embarrassed that we're talking about how bad you are in bed? You're making your partner cry."
"Just... leave."
Tumaas-baba ang dibdib ni Bree dahil napikon ito. "Aalis talaga ako!" sigaw nito at nag-martsa palabas ng opisina.
Paulit-ulit siyang nagmura. Hindi si Bree ang pinapaalis niya kundi si Liwayway. In the end, he sighed heavily and decided to go with Liwayway.
Nang nasa DC Mall na sila't halos mapagod na siya sa rami ng sh-in-opping nito ay nagpasya silang kumain sa isang restaurant. They're in the middle of their meal when someone approached them.
"Rexton?"
Napaangat siya ng tingin.
"It's you nga! Long time no see, ah?"
It's Kristen Paras, his constant partner in Phoenix Agency when he's still active in missions. She's also his, well, you could say fuck buddy, too. Matagal silang hindi nagkita dahil ang alam niya ay naging abala ang ito sa mga misyon.
Kapuna-puna ang pagkagulat nito nang makitang may kasama siyang babae, pero kaagad ding nakahuma.
"You're with someone."
Matalim namang nakatingin si Liwayway kay Kristen. "Yes, and if you can see, Miss, we're still eating."
"Oh, s-sorry. Sorry. I'll go, then." Mabilis ding umalis si Kristen.
Ang daming tinanong ni Liwayway tungkol kay Kristen at halata na ayaw nitong nadidikit siya kahit kaninong babae. Kung hindi lang niya kailangang gawin iyon ay nunca pansinin niya ito. She's so controlling and it's exhausting. Mabuti na lang at pagpapanggap lang ang pagkahumaling niya rito dahil kung nagkataong hindi ay kawawa siya. Lulubog din siya sa utang dahil sa sobrang gastadora at pagkahilig nito sa mga materyal na bagay.
After having a meal, he told Liwayway to just continue shopping and put the tabs on him. Inihabilin na rin niya sa mga staffs. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit laging sinasabi ni Bree na nagpapakitang-gilas siya sa babaeng ito, dahil bigay siya nang bigay kahit mamahalin ang mga bagay o alahas.
"Bakit ka aalis? You said we'll be together until evening?" Lumabi ito. He almost rolled his eyes. Walang-wala ang pagpapa-cute ng babaeng ito kay Bree na titig pa lang ay natutunaw na siya.
Nagdahilan na lang siya rito na may emergency meeting siyang pupuntahan at sinabing bilhin nito ang lahat ng gusto nito. Mabilis pa sa alas quatrong pinayagan siya nitong makaalis samantalang ayaw na ayaw nitong nawawalay sa kaniya sa tuwing nagsa-shopping.
Nang nasa sasakyan na siya ay naglaro sa isip niya ang sinabi ni Bree kanina. He's not buying that she's not remembering anything at all.
"Are you embarrassed that we're talking about how bad you are in bed? You're making your partner cry."
At ilang sandali pa ay nandoon na si Bree, lumulan ito sa sariling sasakyan at siya naman ang susunod dito. Kanina pa kasi niya napapansing may sumusunod sa kanila, at hindi siya nagkamali nang mamataan ito sa restaurant kanina.
Habang nagmamaneho ay naalala na naman niya ang pangyayari halos dalawang linggo na ang nakalipas...
REXTON received a call from their hacker, saying that he found the identity of the person who tried to hack dela Costa Malls and Montreal Agency's main system. Good thing he freed his schedule that day because he'd talk with the members of Sunshine regarding the keyboardist's issue.
"Who would do that?"
"You wouldn't be surprised. I detected he's from AIA, I found his identity through the device he used to hack. But don't worry, I already destroyed his laptop that day he tried to infiltrate your system. Hindi na niya mabubuksan kaya walang ebidensiyang maiiwan sa kaniya."
"How sure you are?"
"Are you doubting my skills?" he asked but he's not sounding offended.
"Just making sure."
He went on telling him the name of that hacker, and he said, "I think we should do your plan. Let's hack AIA's system."
"Have you thought about how?"
"Yeah," he sounded lazily. "We'll send the virus to Estacio's computer in AIA, and, when he opened that, all of the computers connected to AIA's system will be hacked, too."
Wala siyang naintindihan sa prosesong inesplika pa nito, pero isa lang ang nakasisiguro siya, their hacker, Dice Usui, was a fucking computer geek.
"Call?" tanong pa nito.
"Call!"
They set up that day to send the computer bug or virus. Pero maya-maya na, may meeting pa siya sa banda.
Pagkatapos ng meeting, kung saan pinayagan niyang mag-hiatus ang banda, ay naiwan si Timo. Ang broadcasting company kasi na pinagtatrabahuan nito ang official na partner ng kumpanya nila pagdating sa exclusives, just like that issue. Pero hindi pa rin ilalabas sa madla ang tunay na dahilan kung bakit umalis ang keyboardist.
Timo asked her when the members already left. "Why didn't you tell her the truth?"
He was pertaining to why didn't he tell the lead guitarist about his plan to turn her into a spy at Wang Xi. Hindi pa rin kasi siya sumusuko sa pagkalap ng konkretong ebidensiya at kailangan niya ng tao para roon. Pero ayaw niyang isugal si Jinny. She's a single mother, and he kind of have a connection with her since he's a single parent, too.
"Bree was here. And it isn't the right time for that. Baka mabigla si Jinny kapag binigay ko ang trabaho ngayon. Saka na, kapag may sapat na tayong ebidensya."
"Bakit ba si Jinny ang napili mo?"
"Of all the girls, she's a mother. She's experienced and I think it's easy for her to execute the job. Lalo na ngayong hiatus ang Sunshine ay sakto ito para sa kanya."
"How will you know that she won't turn it down?"
"I'll make sure of it. Wala siyang pagkakakitaan ngayon at kakailanganin niya ng perang panggastos sa pamilya niya. Lalong-lalo na sa anak niya. Mahal ang magpagatas," he said as a matter of fact, not trying to sound ruthless.
"Talking from experience, huh?" the latter commented and he smirked.
Pagkuwa'y umalis ito, he put some tracking device on his clothes when he had the chance. Pagkaalis nito ay sumunod siya, nagpunta siya sa isa sa mga hideout ng Phoenix.
Nang makasigurong nasa AIA nga si Timo ay pinasa na ni Dice ang folder na naglalaman ng bug sa computer ni Timo roon.
Nakakalokong ngumisi siya nang ilang sandali pa ay na-activate ang bug, at kumalat na kaagad sa buong main system ng AIA. Napakabilis namang tumrabaho ni Dice at nakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga trabahong hinawakan ng AIA, lalo na iyong mga high-profile, at ang ilang impormasyon tungkol sa mga agents ng mga ito.
Makalipas pa ang ilang minuto ay tinawagan na niya si Timo, nasisiguro na nilang may hinala na ito kung sino ang maygawa niyon sa AIA.
"Where are you?" bungad nito. It seemed like he's expecting his call, too.
"Why are you so slow, Estacio? Akala ko ba magaling ka?" he mocked.
He muttered a curse under his breath. "Who are you?"
"I'm your friend, dude, Rexton dela Costa."
"Fuck you!"
Tumawa siya nang nakakaloko. "I believe you already opened my gift to you. Come and meet me at this address." At sinabi niya ang eksaktong lokasyon kinaroronan nila ni Dice. There weren't any backups at all. Iyong mga tauhan ay aalis din maya-maya. Gusto niyang ipakita kay Timo na sinsero ang kagustuhan nilang makuha ang serbisyo nito.
Almost an hout, the latter arrived at their hideout. It's an old building that's abandoned already. Its business had stopped years ago, even the block where it's located wasn't a residential area anymore. Remote area na.
Pagka-park pa lamang nito sa bakanteng lote ay pinalibutan na ito ng mga nakaitim na lalaki.
"Dude," nakangising bati niya kay Timo Estacio. "Drop your weapons," baling niya sa mga kasamahan niya. Then he looked at Tim and told him to drop his weapons, too.
Nilabas nito ang dalang baril.
"Tara, sa loob. I'll let you meet our best hacker."
Tahimik man ito ay halatang alerto pa rin nang sumunod sa kaniya. The other men left their sight just as what they talked about.
Pagkapasok nila sa gusali ay bumulaga sa kanila ang malinis na kapaligiran. May mga modernong kagamitan at kung ano-ano pa na hindi aakalaing iyon ang abandonadong gusali na nabungaran niya sa labas kanina.
Before they got in, there was a sanitizing area and a modern machine that inspected if he brought some weapons. May metal detector at nakita roon sa monitor screen ang balisong na nakatago sa inner pocket ng suot nitong leather jacket.
"I told you to drop your weapons, dude," nakangising bulalas niya rito.
He cussed aloud.
"This is one of our hideouts," Rexton informed him.
Pumasok sila sa isang sikretong lagusan at dumilim ang kapaligiran nang sumara ang pintong pinasukan nila. Sa gitna ng kadiliman ay bumulaga sa kanya ang liwanag na nanggagaling sa malaking projector screen.
"Why are our agents' profiles in there?" Timo asked after a few and he clenched his jaw.
"You know the answer to that."
"You're those fucking hackers."
"I'm not. That man is." Tumingin siya sa bandang kaliwang gilid kung nasaan ang projector screen at nginuso si Dice na nakaupo sa tapat ng laptop na nandoon. "He created that bug. But it's not a bug, though, because it's a bird. Ang galing niya, 'di ba? May lahing Hapon iyan."
Ngingisi-ngising sumaludo ang si Dice Usui sa banda nila.
Sinuntok siya ni Timo pero madali siyang nakailag kaya hindi siya nadale sa mukha.
"Easy. Mainitin naman masyado ang ulo mo, dude," nakakalokong bulalas niya.
"'Tangina, wala akong oras na makipagbiruan sa iyo!"
"I'll get straight to the point. Didn't you want to find who murdered your family?"
"I thought he's the culprit, man?" sabad ni Dice.
"Loko! Nakalaya nga, o."
"Ah, akala ko mapera lang kaya nakalaya."
"Shut up!" nanggagalaiting singhal nito sa kanila.
"At saka tropa ko 'to. Wala akong tropang mamamatay-tao."
Tumawa ng nakakaloko si Dice sa kaniya. "Didn't you kill that serial rapist last week?"
Bumaling siya kay Timo para sabihing alam nito iyon.
"You know that case, I believe your people were catching that criminal, too."
He's talking about that forty-year old ex-professor who harassed and violated some of his female and male tutees. Even his own mother...
"That bastard who killed his mom after violating her." Bumigat ang pagkakasabi niya roon. Kahit sino namang makarinig sa balitang iyon ay magagalit nang husto. Hindi makatao ang ginawa ng gagong iyon.
However, he kept still and waited for the next statement.
"I killed him," Rexton ruthlessly stated.
Nangunot ang noo nito. "No, you did not. Hugh shot him."
"Yes, your agent did. The same time I shot him to death. Dumaplis lang ang bala ng tauhan n'yo sa punyetang iyon kaya nasisiguro kong ako ang pumatay sa kanya."
"Hugh?" bulalas naman ng Dice at mabilis na tumipa sa keyboard ng laptop nito. After a few, Hugh's profile flashed on the screen.
"Ah, this person. He tried to hack into the dela Costa's Mall computer system last time. He also tried with Montreal," Rexton idly stated. "I hoped he already bought a new laptop though. Hindi na gagana iyong luma niya. Or maybe you should buy him a new one. Dice here can recommend an excellent unit."
Timo glanced at Dice, and he gritted his teeth before looking back at him. "What do you want from me?"
"That's the question I've been waiting to hear..." Umakbay siya rito na parang tropa pa rin niya, naramdaman niya kaagad ang pag-igting ng mga ugat nito. "Join us, Estacio. Phoenix needs your skills."
Mukhang napikon na niya talaga ito dahil ilang sandali pa ay tinanggal nito ang pagkakaakbay niya saka sinuntok siya ulit nito. Sa pagkakataong iyon ay gumanti na siya, hanggang sa magbunuan na sila't parehas nang namamaga ang mga kamao nila.
Nang paalis na ito ay tumunog ang ringtone ng cellphone niya, ang kuya ni Bree ang tumatawag.
"O, Mendoza!" bungad niya.
Tahimik na nakinig siya sa ipinaalam nito sa kaniya. Nagtagis ang bagang niya nang sabihin nito sa kaniya na biglang nagyayang mag-club si Bree, at kasama nito ang buong banda. What's disturbing him was the place where they'd go. The Eve Club had a fucking secret bar solely for sexual things. And he's doubting if the girls even knew that.
Good morning, sunshine! Salamat at sumilip ka rin.
Maaraw na rito sa amin, sana'y maayos na ang lagay ng panahon sa inyo, at kayo rin mismo at maayos at ligtas.
Let's start the week with positivity! Love lots!