Unduh Aplikasi
60.92% PHOENIX SERIES / Chapter 223: Everything

Bab 223: Everything

Finale. Everything

     

     

"ITO na nga ba ang sinasabi ko sa iyong bata ka. Kaya noong una pa lang ay sinabi ko nang ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal mo kay Luella. Ngayon, ano? E, 'di iniwan ka rin ng ipinagmamalaki mong boyfriend."

Kanina pa tinatalakan si Jinny ng kanyang nanay dahil ipinaalam niya ritong hiwalay na sila ng lalaki, pero hindi niya sinabing siya ang nakipaghiwalay.

"Tama na iyan, baka magising pa si Luella sa ingay ninyo," saway ng tatay niya. Nasa sala kasi sila at nakatulog ang kanyang anak na nakaunan sa kandungan ng kanyang amang nakaupo sa mahabang sofa.

"Dalhin mo na sa kwarto't hindi pa ako tapos na pagsabihan itong anak mo. Makapaghihintay naman ang pag-ibig, kusang dumarating iyan. Ewan ko ba, bakit kasi kaagad na sinagot, por que natipuhan lang noon..."

Napanguso siya't tinanggap ng lahat ng sinasabi ng kanyang ina. Hindi nga niya kaagad na sinagot ang lalaki noon, umabot pa muna sila ng lagpas isang taong nagliligawan...

Iiling-iling na umalis ang itay niya't ipinasok na sa silid ang kanyang anak para makatulog nang mahimbing.

Gusto niyang mangatwiran na hindi lang dahil sa natipuhan niya ang papasikat na news anchor noon, kundi dahil umusbong din kaagad ang damdamin niya para rito. She never believed in love at first sight but when she first saw him, she started believing so.

"Kapag hindi naayos ang gulong ito, uuwi kami ng probinsya ng tatay mo't ng apo ko. Iiwanan ka naming mag-isa rito dahil ayaw naming madawit si Luella sa gulong ito. Masyado pa siyang bata para kaharapin ang ganitong buhay. Mas mainam na sa probinsya, payapa ang pamumuhay roon. " Iyon lamang at iniwan siyang mag-isa sa sala ng kaniyang inay at pumasok na rin sa silid. Napaaga ang pagkain nila ng hapunan kaya maaga ring matutulog ang mga ito.

Napanguso siya nang maalala ang mga bagay na pinagdaanan nila ni Timo sa nakalipas na mga taon, pagkatapos, dahil lamang sa mga walang katuturang sabi-sabi tungkol sa kaniya ay nasabi niyang mag-break na lang sila ng lalaki? And here she thought that nothing could break them apart after that confrontation months ago.

She's also frustrated because of her impulsive decision yesterday. At bakit hindi pa siya nito tinatawagan? Kung puntahan na kaya niya ito sa bahay nito?

"But there are reporters everywhere. Baka lumala ang tsismis." Hindi niya napansing napalakas ang pagsabi sa iniisip niya.

Her phone rang, Rachel was the one who's calling.

"You broke up with him?" bungad nito.

"Bakit alam mong ako ang nakipag-break?"

"Alam namin kung gaano kabaliw sa iyo ang jowa mong news anchor, ayan nga't nasa TV! Sinabi niyang hiwalay na kayo kaya huwag ka nang guguluhin pa."

"Ha?"

"Pinabulaanan niya iyong mga tsismis tungkol sa iyo! Sinabi rin niyang totoong binilhan ka niya ng bahay at lupa pero hindi iyang tinitirhan ninyo."

"Ha?!"

"Puro 'ha' na lang ba ang comments mo? Manood ka nga ng balita!"

She immediately did and she saw he's being interviewed exclusively at the showbiz section of the weekend news. It's on live airing, too! And... he looks dashing wearing that dark grey suit that he usually wore whenever he's at work. She bit her lower lip regretting how she hurt him by saying she wanted to split with him. Nangangatal ang kamay niyang tawagin na ito at humingi ng tawad. Na nabigla lang naman siya kaya niya iyon nasabi.

"...just want to tell everyone that she's not that kind of woman. She's the softest person I ever met. She's an obedient daughter, a loving mom, a kind friend..." a pause, then he smiled as he say the following, "...and an understanding partner. She doesn't let her emotions overrule her, and if she does, she apologizes right away and will bravely admit that she's at fault about what she has said or done. And I'm loving her more for that."

Tuloy-tuloy kung magsalita si Timo na ikinataas ng balahibo niya dahil humaplos ang huli nitong pangungusap sa puso noya. He's so sincere declaring his love for her to the whole world. Pakiramdam niya ay pulang-pula na maging ang kaniyang mga tainga.

"How did you know what I was thinking, love?" bulong niya na animo'y kausap niya ito sa personal.

Lumabas sa silid ang inay niya at naabutan siyang naiiyak na.

"Ikaw talagang bata ka," tunog-nanenermon ito pero alam niyang gusto nitong iparating sa kaniya na bigyan pa ng pagkakataon si Timo.

"'Nay, mahal na mahal ko po siya..."

Bumuntong-hininga ito at umupo sa tabi niya para mayakap siya. "Alam ko, 'nak. At alam kong magiging mabuting asawa't ama siya sa inyo ni Luella. Kaya huwag mo nang alalaahin pa iyang tsismis tsismis na iyan. Bakit? Sila ba ang bumubuhay sa inyo para maapektuhan ka ng ganiyan?"

Napakagat-labi siya dahil may katwiran ang kaniyang ina. And she's still feeling guilty about hiding the truth from her parents, so, she decided to tell them now.

Kalilipat lamang nila sa bahay na pinagawa niya para sa mga magulang mag-iisang buwan na ang nakalipas, at, tuwang-tuwa ang mga ito, lalo na ang nanay niyang mahilig magtanim ng mga halaman. Nagpasadya kasi siya ng hardin para sa taniman nito. Alam niyang sa ilang taong pamamalagi nila sa siyudad ay nami-miss na rin naman ng inay niya ang magtanim. Patunay niyon ang mga maliliit na pasong naipon nito sa balcony ng apartment na tinirhan nila noon.

She decided to call Peach in her room and asked her to accompany Luella while she's talking with her parents.

Ilang sandali pa ay pumasok na sila ng nanay niya sa silid ng mga ito. Naabutan nilang nanonood ng kung anong TV show ang tatay niya dahil katatapos lamang ng balita. Sigurado siyang napanood nito ang live interview ni Timo gaya ng nanay niya.

"Tinawagan mo na ba ang boyfriend mo?" tanong kaagad nito nang mapansing nandoon din siya.

Umiling siya. "May gusto akong aminin sa inyo..."

Umayos ng upo ang kaniyang ama at sa gilid ng kama ito pumwesto. Nanatili silang nakatayo ng nanay niya sa tabing kama.

"Hindi ko ho tunay na anak si Luella."

There was a moment of silence before her mom sighed heavily and her dad said, "Matagal na naming alam ang tungkol sa bagay na iyan. Ikaw lang naman ang hinihintay naming magsabi noon, pero kalaunan ay hinayaan na namin ng nanay mo."

"Ho?" takang-tanong niya sa kaniyang tatay.

"Noong una'y inakala naming anak mo talaga siya, pero kilala ka namin, Pangea, matatag ang pangarap mo at hindi ikaw ang tipo ng babaeng magpapagupo sa sariling damdamin."

Her lips parted, wanting to utter a word, but, she didn't know what to say.

"Kilala ka namin, dahil kami ang nagpalaki sa iyo. Kami ng nagturo sa iyong huwag magpadaig sa makamundong pagnanasa habang hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral," her mom added. She didn't know if was she going to cry or smile, in the end, he bit her lower lip to suppress her emotions.

"Huwag mo nang isipin ang bagay na iyan. Hindi na namin aalamin ang buong pangyayari dahil para sa amin ay totoong apo namin si Luella." Her eyes pooled with tears when her father stood up and embraced her warmly. Some other time, she'd tell them everything. And if Timo approves, she'd tell them about his real identity, too. Except from being a secret agent. That'd be too much for her parents to handle, so, better keep that thing a secret.

"At gaya ng sinabi ko sa iyo noon, ang mga sanggol ay biyaya. 'Kita mo nga, mula nang dumating siya sa buhay natin, inulan tayo ng grasya."

Napatango siya sa sinabing iyon ng kaniyang inay.

"Saka, bigyan mo ng pansin si Timo. Baka mamaya, maapektuhan pa ang pagre-review mo dahil sa pagkakatampuhan ninyong dal'wa," her dad added as he stroked her long hair.

With the mention of her studies, she already graduated and was now self-reviewing to take the upcoming board exams.

"Puntahan mo na kaya? Magpahatid ka roon sa driver ninyong si Teban, tawagan mo iyong boss n'yo. Mabait naman iyon," ana pang kaniyang inay.

Botong-boto talaga ang mga magulang niya sa lalaki. At alam niyang nasabi lang ng inay niya kanina na dapat ay ibinuhos niya kay Luella ang lahat ng pagmamahal niya, kasi'y nahuli siya nitong umiiyak kagabi pagkagaling sa bahay ni Timo. Marahil ay inisip nitong sinaktan siya ng lalaki kahit siya naman talaga gumawa ng dahilan para masaktan siya. Makipag-break ba naman dahil lamang sa kumalat na walang-katuturang balita.

Nanulis ang kaniyang nguso habang inaalala ang interview nito kani-kanina lamang. Tama ang nanay niya, dapat ay puntahan niya si Timo para magkaayos sila.

She called Rexton and asked for a favor. At makalipas ng isang oras, imbis na si Kuya Teban ang sumundo sa kaniya'y si Timo mismo ang nandoon, lulan ito ng sedan na laging minamaneho ng kaniyang boss.

Pagkapasok niya sa sasakyan ay mabilis itong nagmaneho palayo. Sa labas ng gate ng subdivision ay maraming mga reporter ang nag-aabang. Mabuti na lamang at hindi pinayagang makapasok sa lugar nila, at walang nakakalusot sa seguridad.

Napanguso siya at napasulyap kay Timo na suot pa rin ang suot na dress shirt kanina nang magbalita ito saka ma-interview na rin. He just removed his necktie and his suit, then, he unbuttoned the first two or three buttons from his neck up to above his chest. She suddenly looked away because she felt in heat as she's praising how hot he was in her mind. Napabuga siya ng hangin na para bang mawawala niyon ang kamunduhang bagay na kaniyang gustong gawin habang nagmamaneho ito. She promised to herself that she wouldn't do that wildest thing she did to him before. Baka mamaya, maaksidente pa sila o hindi kaya'y mahuli.

Mabuti na lang at tumunog ang cellphone nito na nakalagay sa cellphone holder nitong malapit sa aircon kaya nabaling ang atensyon niya.

"Can you take that call, Ji? I'm focusing on driving," namamaos na bulalas nito at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

She did and she was told to put it on speakers.

"You're with him?!" bulalas ni Bree nang mabungaran nito ang boses niya. "How about Rexton?"

"We changed cars, why?" si Timo ang sumagot.

"Fuck you! You're both in danger now. Nakasunod sa inyo ang mga tao ni Torres, marahil ay inakalang si Rexton ang nagmamaneho."

"Fuck?"

"Ano'ng ibig sabihin nito?" nagtatakang bumaling siya kay Timo.

"Nasa misyon ang mga kumag na iyan, Ji—"

"I'll explain later. Kumapit kang maigi, Jinny."

Napalunok siya't napapikit nang mas bumilis pa ang pagmamaneho ni Timo. Pero sa huli ay mas pinili niyang magmulat at maging alerto kung sakaling anong mangyari.

"Timo! Maabutan nila tayo!"

He cursed aloud and drove on full speed. She's so sure that they're captured for over speeding but that's not what she should be thinking right now. Hinahabol sila ng mga masasamang tao at nagkataon pa kung kailan sobrang luwag ng trapiko, mabibilang nga ang mga sasakyan at halos sa kabilang lane pa ang mga iyon. Paano'y holiday nang araw na iyon kaya ganoon. Idagdag pa na gabi na kaya wala nang gaanong bumibiyahe.

She glanced behind again and noticed that they were really catching up towards them. Dumungaw pa ang isang nasa passenger's seat at pinaputukan sila ng baril. She saw how that person's arm stretched so he or she could aim the gun towards them. Sa pangalawang pagkakataon ay dumaplis ang bala ng baril sa sasakyan at bahagya silang gumewang.

"Shit! Jinny, hold on tight."

Namatay na rin ang tawag nang mahulog ang cellphone ni Timo. Halos masubsob pa siya nang bigla na lang itong nag-U turn, bagay na ikinatili niya dahil mali ang daang tinatahak nila. As he was driving on the wrong way, the headlights from the other cars or trucks were blinding her, and yet, he managed to avoid them.

Halos kumawala ang puso niya sa kaniyang dibdib sa matinding kaba dahil sa halo-halong emosyong nadarama. She didn't know what to feel anymore, she only prayed they'd make it safe.

They were already nearing the bridge when she looked behind again and that they were still being chased by those people who were working under Luigi Torres, or the organization itself.

"Goddammit!"

"We can make it. We have to make it," bulalas niya nang mapansing iritado at naghahalo-halo na rin ang emosyon ni Timo.

"Why did it have to be tonight ? Fuck! I'm planning to propose to you again!"

Napasinghap siya at nakagat ang ibabang labi.

"Jinny, are you still going to marry me after we go through this hell?"

"Focus on driving! Damn it, Timo, pakakasalan kita basta't siguraduhin mong mabubuhay tayo!" Nataranta siya dahil biglang bumagal ang pagmamaneho nito gawa nang sumulyap muna ito sa kaniya.

"We're never going to break up, baby. Hold on tight!"

Nasa tulay na sila nang ginagap nito ang kaliwang kamay niyang namumutla na dahil sa diin ng pagkakakuyom niya kanina.

"Remove your seat belt, Jinny, we're going to jump out of this car."

"What?!" Her eyes widened in horror. "Are you crazy? We will die if we do that! Maaabutan nila tayo—"

"Do you still trust me?" he interrupted her, and he's still calm.

"I do, but, we're both going to be on danger if we jump right now." Bukod sa aabutan sila ng mga sumusunod sa kanila, ay duda siyang makakalayo sila roon pagkatalon. Baka nga magkandabali-bali ang buto nila dahil mabilis ang takbo ng sasakyan, o hindi kaya'y mabangga ng makakasalubong na sasakyan kung sakaling tumalon sila.

"We will jump in the water."

Maang nanapatitig siya rito. Nasa kalagitnaan na sila ng tulay nang matapos nitong sabihin ang planong ililiko nito ang sasakyan at lalagpas sa tulay, hanggang sa mahulog iyon, at saka sila tatalon sa dagat.

"What if we don't make it?"

"Then, I guess I can only marry you in heaven."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya gusto niyang matawa, mainis, maiyak, o magalit dahil sobrang kalmante pa rin ito at nagawa pang idaan sa biro ang inaalala niya. But, she's done getting ruled by her emotions. Slowly, she nodded as she removed her seat belt.

Ganoon din ang ginawa ni Timo.

"Let's jump together..." desisyon niya't kasabay niyon ay ang pagkabig nito sa manibela at hinila siya nito, dahilan upang mapaupo siya sa kanang kandungan nito. Impit na napatili siya nang saktong pagkapwesto niya sa kandungan nito ay tinamaan ng nakasalubong nilang sasakyan ang pwesto ng kinauupuan niya kanina.

"That's too close," mabigat na komento ni Timo at naramdaman niyang humigpit ang kapit nito sa kaniyang baywang.

"Timo... n-natatakot ako..."

"I'll be right here."

"B-but—" Her words were drowned when he opened the door the moment the car was already falling, and, they both jumped. Kumapit siya nang mahigpit kay Timo hanggang sa bumagsak na sila sa nanunuot  ang lamig na tubig-dagat.

Sa taas nang tinalon nila, pakiramdam niya'y inabot nila ang ilalim ng dagat, hanggang sa mabitiwan nila ang isa't isa.

She wanted to scream but the saltwater came in, almost drowning her. Kahit nasa ilalim ng dagat, pakiramdam niya'y tuloy-tuloy na naglandas ang kaniyang luha dahil nagkalayo sila ni Timo at saka wala siyang maaninag. It was so dark and freezing cold, which made her believe that this must how hell looked and felt like. Taliwas sa nakagisnan niyang paniniwalang lumalagablab ang apoy sa impyerno.

As she was already losing her hope and closed her eyes, letting the saltwater fill her lungs, someone enveloped his arm on her waist and she immediately held onto him and attempted to swim with him into the surface.

Suminghap siya't hinabol-habol ang paghinga nang makalanghap na ng hangin. Kahit mahapdi ang mga mata ay nagmulat siya at nabungaran niyang titig na titig sa kaniya si Timo habang mahigpit na nakahawak sa kaniya, hinahabol din nito ang paghinga.

Uminit ang gilid ng kaniyang mga mata nang matitigan ito at nginitian siya. She saw how relief changed the fear in his eyes as he gave her a quick and deep peck on her now cold and trembling lips.

"Umahon na tayo..."

Bahagya niyang sinuntok-suntok ang dibdib nito at pagkuwa'y yumakap din dito habang humahagulgol.

"I thought we didn't make it. I t-thought I was going to die.. y-you were going to die, too!"

Hinagkan nito ang noo niya at hinaplos-haplos ang kaniyang likuran.

"I was so scared..."

"Hush, baby, we're now safe. Let's get out from here first, your body feels like an ice."

She nodded as she stopped crying, but she was still sobbing thereafter. Ilang sandali lang ay dumating na ang backup nila galing Phoenix kaya bago pa man sila mahanap ng search and rescue team ay nadala na sila ng mga kasamahan nila sa agency, kung saan tiningnan kung may natamo ba silang pinsala.

Mabuti na lamang at walang matinding pinsala. Napilayan siya sa kaliwang paa't na-dislocate din ang buto sa kaniyang balikat pero gagaling din naman ang mga iyon.

"Hindi mo lang naramdaman kanina," komento ng doktor na tumingin sa kaniya.

"Pwede naman na kaming umuwi pagkatapos nito, hindi po ba?" tanong niya't tumango ang huli.

Si Timo ay binigyan ng pampatulog ni Dice dahil sa ingay nito kaninang tinitingnan siya ng doktor. Iginiit nitong dapat ay walang mangyaring masama sa kaniya, lalo na sa mga kamay niya't daliri dahil naggigitara siya. Ang dami pa nitong satsat, kaya 'yon, pinagtulungan na itong hawakan ng iba para matarakan ng pampatulog. Pinalitan na rin ang suot nitong damit.

Bago sila makaalis ay dumating si Bree, puno ito ng galos at may benda sa kanang braso.

"Ayos ka lang ba?" tanong kaagad nito. "Pasensya na, hindi ako nakadiretso rito, nilinis at binendahan pa kasi itong sugat ko."

"Ano'ng nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

"That fucking Torres tried to have sex with me. He spiked my drink and I almost, almost gave in! Nilaslas ko lang itong braso ko kaya bumalik ako sa huwisyo."

"Akala ko ba tapos na ang kabalbalan ng hayup na iyan?"

"Mukhang kailangang wakasan ang buhay ng animal bago tuluyang matapos ang mga gawain. Hindi pa sapat para sa kaniya ang mental torture na ginawa ni Rexton noong una."

Nalaman din niyang si Torres ang may pakana sa pagkalat ng blind item at maling mga paratang tungkol sa kaniya.

"He also told me he still have that footage to strengthen the facts regarding your scandal, but, that's just a bluff. Siniguro kaya ng boyfriend mong wala nang mahahanap ng kopya ng video na iyon kahit saan." Her friend was talking about that failed mission a few months ago.

She pouted. Until now, she could still feel Timo's wrath  when he learnt about what happened to her. And the fact that another man—men, because her nudity was seen via video—saw her body that's supposed to be exclusively for him, he went berserk.

Pero para sa kaniya ay mas mainam na iyon kaysa sa natuloy ang masamang balak sa kaniya ni Torres. Napapikit siya at napalunok dahil naalala na naman niya ang pambababoy at pananakit na ginawa nito sa kaniya.

"You're trembling!" Napamura si Bree at tumawag ng aasikaso sa kaniya.

Her friend thought that she's trembling out of fear, but it's the other way around. She's fuming. Kaya maiintindihan niya kung tumuloy pala ito sa misyon ng lingid sa kaalaman niya dahil nakagagalit namang talaga ang kahayupan ng Torres na iyon.

But still, she was given a sedative shot, and when she came in, she's already lying on the bed, beside her beloved. Sandaling nakalimutan niya ang nangyari nang matitigan ang payapa nitong mukha habang natutulog.

Hinatid nga sila ng mga kasamahan nila sa bahay ni Timo at marahil ay umalis din kaagad matapos masigurong ligtas na silang dalawa.

Napanguso siya nang mapansing may espasyo sa pagitan nila at sinubukan niyang lumapit pero napaigik siya nang tamaan ang pilay niya.

"Oo nga pala," naiiling na bulong niya.

Nanatili siya nakatitig kay Timo hanggang sa magmulat ito ng mata. Napaiwas siya ng tingin nang ngumiti ito't napatingin sa bandang ibaba. His morning erection was visible and she wanted to regret why did she look at it.

"If you're not injured, you are now moaning as I hump you. You like that, don't you?"

She groaned to protest. "You're not helping me at all," kunwaring reklamo niya.

"Kanina pa ako gising at kanina pa kita gustong gisingin. Nakatulog na lang ako ulit."

"Bakit hindi mo ako ginising, kung ganoon?"

"Ibang paggising sana ang gusto kong gawin, kaso naalala kong may masakit nga pala sa iyo."

She winced because her navel was suddenly hurting, wating a release. "Bwisit ka! Puson ko na ang sumakit ngayon."

Bahagya itong natawa at tumunghay para magawaran siya ng halik. "Good morning."

"Good morning din."

Bumangon na ito at naghilamos. Nanatili naman siya sa kama. Ibinalita sa late night news ang pagkahulog ng sedan sa tulay, pero hindi isiniwalat na sila ni Timo ang lulan ng sasakyang iyon.

"Ipagluto mo ako ng sabaw, parang gusto ko ng mainit na chicken soup," habilin pa niya bago ito makalabas ng kwarto.

She turned on the TV and she was surprised seeing it was already afternoon. She decided to watch some television drama, but her mind wasn't totally occupied by the program. Iniisip pa rin kasi niya kung totoo ba ang mga nangyari kagabi o panaginip lamang. But given the fact that some of her bones got dislocated, the proved that it really happened.

Timo went back and he's already carrying a tray with their food on it. Doon na sila nito kumain at doon na nag-stay hanggang sa hindi nila namalayang maggagabi na.

Inalalayan din siya nito sa pagligo para hindi mabasa ang mga pilay niya't ito rin ang nagbihis sa kaniya. Pagkuwa'y naligo na ito saka tinabihan siya sa kamang bagong palit ang kobre-kama. Nakaupo naman siya habang sinabi nito sa kaniya ang buong detalye ng misyon. Pagkuwa'y naalala niya ang mga magulang.

"Magpapaalam muna pala ako—"

"Baby, I told your parents that we're going to Hawaii. I also said sorry for not telling them ahead of time..."

Tumikhim siya. "Maiintindihan nila. Sila nga ang nag-udyok sa aking puntahan ka na."

Tumango lang ito at sumenyas na humiga siya sa braso nito. Inulunan naman niya iyon at siniguradong hindi tatamaan ang nasaktang balikat at paa.

"Timo..."

"Hmm?"

"Is it okay if I continue calling you Timo?"

"Is that really your concern?"

She groaned and he just chuckled.

"Kahit tamulmol pa ang itawag mo sa akin, ayos lang. Pakakasalan mo naman ako."

Natawa na rin siya dahil natutuwa siyang totoo ngang nakaligtas sila sa panganib. "Pero sasabihin ko muna kay Luella. Baka mabigla iyon."

"Ji, she knows already. She proposed to me first, asking if I could be her real daddy and your loving husband."

Gulat na napaangat siya ng tingin dito. "Wella did? Kailan?" namamanghang tanong niya.

"When you were recording for your next album, probably two months ago." That was before they moved out from the apartment. "Ako ang sumundo sa kaniya sa iskul. We stayed in the playground for a few minutes as we made that pinky promise."

She giggled as she sat on the bed, then, she smiled sweetly picturing how adorable that scene was.

"You're really beguiling whenever you smile."

"Kapag nakangiti lang?" biro niya.

"Uh, yes?"

"Bwisit ka!" Tinapik niya ang braso nito at tumawa naman ito ng malakas.

"Come here, Ji." Pinahihiga ulit siya sa tabi nito.

Umiling siya't tinanong ang tungkol sa tunay na ama ni Luella. Sumeryoso ang mukha nito at nagtagis ang bagang. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya.

"Lemuel Anderson Castillo."

She frowned. "I-ikaw ang..."

Umiling ito. "But, that's what on her registry at the hospital where Tami gave birth to her."

She didn't know that. Throughout the years, she didn't have any legal documents for Luella. Balak pa lang niyang lakarin ngayon lalo pa't kailangan na sa paaralan.

Nanatili siya tahimik para makinig pa sa sasabihin nito.

Nalaman niyang nilapit-lapitan pa rin ng totoong Timo si Tami noon at nabilog nito ang ulo ng babae't pinangakuang pakakasalan, pero, nauwi sa malagim na trahedya ang lahat.

She didn't know what to feel after knowing about everything. She only laid down beside him as she kept on sobbing, remembering her dear friend.

"I'm glad you're a good person... I'm grateful  that you're still going to accept Luella despite of her father's history."

"Baby," in his low tone. "we both know that Luella didn't do wrong. Her father's mistakes won't define her. She must have and live her own life."

Kaya nagdesisyon silang itago sa ibang tao ang katotohanan patungkol kay Luella at pinanindigan niyang siya ang nagluwal dito. With Timo's help, they managed to alter her documentations regarding her real parents. Aa loob lang ng dalawang buwan ay nasundan na nito ang apelyido niya, na kalauna'y mapapalitan din naman.

Timo, or the real Lemuel, on the other hand, chose to continue living as an Estacio, because the one who used his identity was now serving his life in prison. It would be hard for him to regain his identity, but just as what she always said, it didn't matter to her anymore. She would always love him unconditionally.

"Let's get married soon, Jinny," Timo uttered as they both reached their climaxes while still inside his car. Hindi na sila nito nakaalis para ihatid siya sa bahay dahil sa sasakyan pa lang ay hindi na sila nakapagpigil.

She was on top of him, resting her chin on his broad shoulder, still panting, when she nodded. Mula nang gumaling ang mga pilay niya ay halos araw-araw na yata siyang pinapagod ni Timo. Mas pagod pa nga yata siya sa ginagawa nila kaysa sa pagpa-practice ng banda o hindi kaya'y pakikipaglaro o pagtuturo ng assignment sa kaniyang anak.

She moaned when he grabbed her waist and moved her so she could grind her hips. "I'm tired already..." reklamo niya.

"I am not yet done."

"I can't right now. Let me regain my strength first."

"I'll move."

Napatili siya nang kahit sa masikip na espasyo ay nagawa nitong pagpalitin ang kanilang pwesto. Eversince he learned that she had a kink for sex in a car, he always did her, whenever they had the time and privacy.

He reclined the passenger seat and she held on to the seat, almost hugging it, while she's on all fours to get some strength as he started humping her from behind. Inakala niyang wala na siyang lakas pa pero sa huli ay sinalubong niya ang bawat galaw nito hanggang sa maramdaman na naman niyang pinunan siya nito.

"Damn..." Napamura ito namg mapasubsob siya sa sandalan. Saka humingi ng paumanhin nang lumbas na ito at buhatin siya.

"As if you're really sorry. Tuwang-tuwa ka nga na pinagod mo na naman ako. Baka sa kasal natin, malaki na ang tiyan ko."

Napakurap-kurap ito at sandaling natigilan. "Are—"

"Nope. Not yet. Kaya galingan mo sa susunod para maging ate na si Luella."

"Kung gusto mo ngayon na?"

"Pwedeng mamaya naman?"

They're both laughing as they entered the house he bought to her years ago. Napagpasyahan nilang doon sila titira pagkatapos nilang magpakasal. Malaki-laki rin kasi iyon at pwede pang ipa-renovate kung gustong magpadagdag ng silid. At isa pa, aprubado ng anak nilang si Luella ang magiging tahanan nila dahil may swimming pool doon. Bagay na wala sa pinagawa niyang bahay. May swimming lessons kasi ito kaya ganoon na lang ang pagkamangha nito nang malamang may indoor pool sa lilipatan nila.

Half a year after, she's now walking in the aisle, teary-eyed, as she focused her eyes on the man who's waiting for her in front of the altar. Gaya niya'y nangingislap ang mga mata nito sa ligaya't galak na sawakas ay ikakasal na sila.

It was during their wedding vow when she cried out of joy.

Timo cupped her face using his free hand, wiped her tears first, and he was holding the mic on his left hand.

"I'm grateful that I agreed to do your exclusive interview, seven years ago, baby..."

Seven years. Wow. But it still felt it's just yesterday.

"Right there and then, I knew that I have the same effect on you. And I'm sorry for being a jerk. I shouldn't have turned cold after knowing that you're a single mom..."

"Seryoso ka bang iisa-isahin mo ang nangyari sa atin?" That was supposed to be a murmur but she was heard because of the microphone. Umugong tuloy ng tawanan sa loob ng simbahan.

"I love you, Jinny," he uttered and he glanced at Luella who's smiling and crying out if happiness, too. "'Love you, too, little angel," he ended his vow with that sentence.

When it was her turn, she suddenly felt sad remembering those times they almost drifted apart.

"I honestly thought that I fancied the wrong person, and, it was a little too late when I realized it. I already lost everything... But, I was totally wrong, because you completed my everything."

He shed a tear after listening to her say those things wholeheartedly, and yet, he chose to lighten up the mood. "Baby, why are you crying? Baka isipin nila, pinilit kita rito."

Tinampal niya ang dibdib nito at natawa siya. "'Kainis ka!"

Natawa rin ang mga bisita nila kahit naluha na rin.

"You should always make me laugh like this. Para kapag lumabas na si baby, masiyahin din siya."

Tumabingi ang ngiti nito at napakurap-kurap. Umugong din ng bulungan sa loob ng simbahan pero hinintay munang matapos ang seremonya bago kumpirmahin ang mga narinig sa kaniya. Si Timo nama'y hindi matanggal ang mga titig sa kaniya. His eyes were flickering and he kept on smiling, knowing that she's already expectant with their child.

"Mama," si Luella iyon na bahagyang hinila ang laylayan ng kaniyang traje de boda.

"Ano iyon, anak?"

"Picture po tayong tatlo ni Tito."

Timo groaned upon hearing the last word and carried Luella. Nasa harap pa rin sila ng altar at katatapos lang mag-picture.

"Call me Papa, dear princess."

"Ay, opo nga pala. Sorry, Papa."

"Masasanay rin siya," bulong niya kay Timo.

"Luella, ready ka nang maging big Ate, hindi ba?"

The lovely child in her white gown nodded. Katerno nito ang suot niyang wedding gown.

"Ready ka na rin pong mag-alaga ng baby brother or sister ko, 'di ba? Sinabi mo po sa akin noon..."

Timo chuckled and he kissed Luella's fluffy and rosy cheek. "Yes, Ate Wella, ready na ako."

"Mamaya na nga iyan, magpa-picture na tayo at baka mainip na iyong mga nasa reception."

Nagpababa si Luella dahil gusto nitong tumayo sa bandang gitna ni Timo, at matapos ng ilang sandali ay tumuloy na sila sa reception area.

Sa loob ng kalahating buwan ay maraming nangyari bago sila natuloy aa simbahan. At hindi siya nagsisising bumalik siya—sila ni Timo sa misyon dahil ngayo'y hinding-hindi na sila magugulo pa ng Torres na iyon.

At first, Timo was against her decision, but in the end, they both did it. Parehas silang nagtiwala sa isa't isa na malalampasan nila iyon at mamumuhay na sila ng tahimik.

"Ang lalim ng iniisip mo," pukaw nito sa kaniyang atensyon habang lulan silang dalawa ng sasakyang maghahatid sa kanila sa pantalan. They'd be cruising for their honeymoon.

"Wala lang. Naisip ko lang na kung nagalit lang kaya ako noon at iniwan ka, anong mangyayari sa atin?"

"I'd probably be chasing you until now."

"Won't you get tired though?"

"I'd rather get tired chasing you, than getting tired of regretting and thinking why didn't I..."

Humilig siya sa braso nito at pinaikot-ikot ang hintuturo sa hita nito. His muscled immediately tightened.

"What if I didn't trust you and didn't agree on jumping—"

"Jinny, stop thinking about those things. Those won't happen anymore," putol nito sa sasabihin niya. "Baka makasama kay baby."

She only pouted and pressed herself on his arm, where his veins were already protruding. She's not really minding those things. Itinataboy lang niya ang gusto niyang gawin nila ngayon.

"Damn it, Ji... You're really... easily turned on inside a car, huh?"

He giggled guiltily. "I honestly want to give you a head right now."

"Fuck!"

Since they're riding a white, bridal limousine, they actually have a privacy because the driver couldn't see the inside.

"Later, baby... Later."

"Alright!" Tumuwid siya ng upo para maibsan ang pagnanasa rito. She then kept on thinking of a new topic. "What if I didn't let you court me?"

"We're back at it again."

"What if nga lang, eh!"

"You love me now, and that's the only thing that matters," he replied instead and tried pulling her back to lie on his arms. Nagpagiya siya at sumandal na sa braso nito't umakbay sa kaniya. Saka nag-angat ng tingin dito at kinintalan niya ng mabilis na halik ang labi nitong nag-aabang.

But he wanted more so she let him claimed her mouth gently, and, as they were kissing, she uttered the following words softly:

"Wrong, my husband. What matters the most is trust. Because without trust, love is nothing."

    

     

     

      

***


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C223
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk