Chapter 32. Bullshit
KUNG inakala ni Dice na magiging madali ang lahat, ay nagkakamali siya dahil humigit-kumulang isang buwan matapos niyon ay galit na galit si Kanon nang mag-overseas call sa kanya. He didn't know why she called unexpectedly but when she started speaking up, everything made sense.
Paulit-ulit siyang nagmura nang maputol ang tawag at hindi na niya ito ma-contact. Ang pagkataranta, takot at pagkabahala ay namayani sa kanya. At nagpasya siyang tumawag kay Kieffer nang gabing iyon para magtanong kung may nangyari ba. Ito kasi ang nangunguna sa misyong iyon, at siya'y nagpatuloy sa plotted schedules ng Eclipse habang ginagawa ang parte niya sa misyon—kung saan nasa likod ulit siya ng computer, hina-hack ang mga listahan ng mga posibleng kumpanya kung saan maaaring tinuloy ng sindikato ang mga ilegal na gawain.
"You should go back here. That fucking Lemuel Castillo started making his move. He was with your girlfriend, and now, we can't track her. Malakas ang kutob kong itinago si Kanon," bulalas nito.
Sa narinig ay mas lalo siyang nabahala. Kanon's anger over the phone was frightening him, he never felt her that fuming mad before. "Fuck! I'm really going home now! Baka kung anong masamang nangyari kay Kanon!"
"We couldn't find Lemuel Castillo, too. And the news we failed to stop from releasing will be on the evening news. That Lemuel manipulated the media into saying that they eloped away from you because your fiancée is pregnant—"
"How can she be pregnant?" They didn't make love yet!
"Lemuel is the father."
"What kind of shit are you talking about?"
"Matagal na kayong parang LDR ni Kanon, at miminsan lang kung magkita. Paano kung tawag ng laman ang nangyari sa kanila? Lalo pa't may nakaraan—"
"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Kanon! She isn't that kind of woman."
"Hindi nga ba?"
Fuck! Ginugulo nito ang utak niya! Pero alam niya sa puso niyang hindi ganoong klase ng babae si Kanon. Kahit nga ba halos naghubad siya sa harapan nito't akit-akitin ay mas nananaig pa rin ang disposisyon nito.
Pero kung sakaling totoo mang buntis ito—'Fuck! I will father her child!' No one else should but only him!
"You're needed here. Rexton said Eclipse would be fine without you. He already sent your temporary replacement."
Sa pagbanggit nito sa grupo ay 'tsaka lang niya naalalang nasa iisang VIP room lang sila't nagpa-party dahil successful ang North American tour ng grupo. Natahimik ang miyembro at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Sa huli at tumahimik ang mga ito.
After an hour, he was informed by Kieffer that a private plane was already prepared in the airport, so he immediately went there and took the flight back to the Philippines.
But he was already too late. Kanon was nowhere to be found along with his fucking ex-boyfriend, Lemuel Castillo. Kahit ang pinakamagaling na imbestigador ng Phoenix ay hindi mahanap ang mga ito. Maging siya ay hindi nagawang hanapin ang kasintahan, hanggang sa dalawang buwan na ang lumipas...
"You should go back with Eclipse. Hindi mo kailangang ubusin ang oras mo rito sa Phoenix. Hindi kita bibigyan ng misyon dahil alam kong ayaw mo naman talagang maging agent. This isn't your passion." He felt that he was talking as his friend.
"I don't give a damn, Herrera. I'll continue working with you until I find her."
The latter only sighed and left him in the Situation Room wherein they just had a briefing about the current missions. It was decided to leave the Castillo's case months ago because the mastermind, Lemuel, disappeared. So the agents would be focusing on the other cases related to it. He was pulled out on those missions but was given a different one. A simpler mission than those senior agents handled.
Nakatulong ang pagbalik niya sa Eclipse at pagtanggap sa misyong tinatrabaho na hindi siya mabaliw kaiisip kung nasaan si Kanon. Pero hindi pa rin siya titigil hangga't hindi ito nahahanap.
Why did these have to happen when everything was fitting in their lives perfectly?
Dalawang buwan pa ang nakalipas nang magkaroon ng bakasyon ang Eclipse para sa paghahanda sa recordings ng susunod na album na mga ito, pero siya'y hindi nagbakasyon. He made his way to join the senior agents' missions again. Malakas ang kutob niyang mahahanap niya si Kanon kapag doon siya nag-focus.
Nagulat ang mga nasa silid nang pumasok siya roon, natigil sa pagsasalita at ang head na si Gaston Herrera ang tumawag sa atensyon ng mga naroon.
"He'll be rejoining us in these missions." Iyon lamang at nagpatuloy na sa pagpupulong.
"Do you remember that key you delivered before?" bumaling ito kay Kieffer. Ito kasi ang nagpanggap na delivery guy noon para ihatid ang package sa nasabing address. Medyo maselan ang usapin tungkol doon lalo pa't sangkot ang asawa na ngayon ng lalaki na matagal nang nawawala.
Tumiim ang bagang nito.
"We really need to find that key because it'll lead us to the evidences that we need. Nag-iisang kopya lamang ang mga iyon."
"What should I do?" tanong ng isa pa niyang kasamahan.
"Focus on staking out at The Eve Club. Soon, you'll be on undercover. While Sandoval will stay in Casa Manarang as a client. And about Liberi Orphanarium, we'll still investigate the orphanage before we take an action." Ang mga binanggit nito ay mga lugar o establisyimento na konektado sa mga misyong hinahawakan ng mga agents.
"Copy!"
Tumikhim siya para iparating na nandoon din siya. Nasabi na kasi nito ang lahat pero wala pa ring trabahong inatas para sa kanya.
"You will go to Cebu."
Nangunot ang noo niya. Parang wala namang koneksyon ang Cebu sa mga pinag-usapan nila.
"You need to go to Cebu, Lemuel Castillo was seen shopping with your ex-fiancée on a One-stop baby stuffs shop yesterday—"
"She's not my ex!" agap niya. Nagpupuyos ang kalooban. He didn't break up with Kanon and he would never will!
Herrera only sighed knowingly. "But they already have a child."
"Imposible iyan." Kapansin-pansin nga ang pagbigat ang timbang ni Kanon noong mga nakaraang buwan pero kahit ganoon ay hindi niya iisiping buntis ito! Walang nangyayari sa kanila kaya imposible ang sinasabi sa kanya na nabuntis ang pinakamamahal niya't ngayo'y nanganak na!
"Kung ganoon, bakit matagal na nagtago si Kanon del Rio at ngayong nakita ay napabalitang nanganak na?"
"That's bullshit!" Nanatiling tikom ang bibig ng ibang mga kasamahan niyang nandoon. He would never believe in such groundless rumors.
"This is the reason why I can't let you join this mission—you're mixing your private life, especially your emotions. You're better off with computers, Usui, not with these."
Tumiim ang bagang niya't hinayaan itong magpatuloy sa pagtotoka ng mga gawain. Walang mangyayari kung ilalabas niya ang inis at galit sa mga ito dahil ginagawa lang ng mga ito ang mga trabaho. But Kanon giving birth was totally a crap! A bullshit! Naikuyom niya ang mga palad at nanatiling nakikinig.
"Paras will look for the people who possibly know the whereabouts of that key..."
And the meeting went on for about an hour.