Unduh Aplikasi
43.71% PHOENIX SERIES / Chapter 160: Daisuki

Bab 160: Daisuki

Chapter 22. Daisuki

     

     

HALOS araw-araw na pinupuntahan si Kanon ni Dice sa trabaho kapag hindi ito busy, lagi rin silang kumakain sa labas tuwing weekends at sasama na rin ito sa mga susunod pang travel niya para sa kanyang vlog. Ang huling vlog upload niya ay nang magpunta sila sa Pangasinan last week para sa virtual tour vlog niya't kapansin-pansin ang pasimpleng pag-eksena ni Dice sa ilang mga kuha.

Many were speculating that they were already in a relationship, but she was denying it. Hindi pa kasi pormal ang relasyon nila. Dahil doon ay may mga bumabatikos na naman sa kanya na dumidikit siya sa sikat na choreographer para mas umingay ang kanyang pangalan, pero gaya nga nang natutunan niya habang lumalaki, ay hindi na siya nagpapaapekto sa mga bagay na hindi makakatulong sa pag-grow niya as a person. 'Ika nga, e, pinapapak na lang niya ang mga tsismis.

Ang importante nama'y mas marami pa ring nakaka-appreciate sa mga contents niya at sa kanya mismo.

"Why didn't you include that video wherein I'm hugging you from behind while we're watching the sunset?" tanong ni Dice nang panoorin nito ang latest upload niya nang araw na iyon. It was Saturday but it's toxic in the hospital so he was working on his dayoff. Tumawag lang ito dahil break time na.

"Why would I? Beautiful natural scenery ang content, hindi ang pagyakap-yakap mo sa akin."

Hindi ito kaagad na tumugon kaya nagpatuloy siya.

"At isa pa, sa pagsingit-singit mo nga lang sa vlog ko, inaakusahan na akong ginagamit ka para umingay ang pangalan ko, paano pa kung isinali ko iyon. Goodness, Dice, bakit hindi ko alam na sikat na dancer ka pala! Wait, I think choreographer din."

"It's because you don't really pay attention to me."

"Hmm... Noon naman iyon."

"Pero ngayon, patay na patay ka na sa akin, 'no?"

"Manigas ka!"

"I love you, Kan..."

Nasamid siya sa biglang bulalas nito at inabot ang tumbler na nasa maliit na mesa sa gilid. Nasa silid kasi siya kung saan siya nagsu-shoot ng vlogs at naghahanda para mag-shoot nang mag-video call si Dice.

"Siya nga pala, fiesta sa amin sa Miyerkules, anong oras ka mag-a-out? Five pa rin ba?" Naghahanda kasi ang pamilya nito tuwing pista.

"Sa Miyerkules na ba iyon?" Saglit siyang nag-isip. "Wala naman kaming ine-expect na ngayong linggo kaya maaga na lang akong mag-a-out."

"Okay lang kahit alas sinco na."

"Ayoko nga. I need to prepare, nakakahiya kung haggard ako galing trabaho, tapos—"

"I-I'm really sorry, I need to go—"

Hindi pa nga nito natatapos magpaalam nang maputol ang linya. Mukhang may emergency na naman sa ospital. Sanay na siya sa trabaho nito lalo pa't alam niya kung gaano kaabala ang mga medical personnel kapag toxic o busy sa ospital. Afterall, her grandpa was a pediatrician so she had a bit background about Dice' work environment.

In-adjust niya ang lighting para makapagsimula nang mag-shoot ng product review vlog. Her content for that day was to do her makeup using the brush set from one of the famous makeup companies where she brought those brush set.

Okupado ni Dice ang isipan niya habang nagmi-makeup, kaya nang magsalita na ay tila lutang pa rin siya. Napailing na nagdesisyon siyang huwag na munang ituloy ang pag-shoot nang araw na iyon at mag-swimming na lang sa pool ng village pero bago pa makalabas ay tumawag si Nami.

"Grabe! Kayo na ba ni Dice? Balitang-balita sa radyong sira!"

"Ano ba namang joke iyan, ang luma! At ang tagal mong nawala, tsismis kaagad ang itatanong mo? To be clear, we're not in a relationship," natatawang bulalas niya.

"Hindi pa 'kamo! O, siya, busy ako sa shooting, nagulat lang ako sa ibinalita nitong P.A. kong si MC." Nakasubaysbay kasi ang personal assistant nito sa mga vlogs niya. "At ang ganda pala talaga rito sa Switzerland! Dito ka na lang mag-vlog sa next international travel mo. Syempre, kasama ako," dagdag nito.

"We'll see. Anyway, mag-iingat ka riyan! I miss you."

"I miss you, too. Bye, girl!" At naputol na ang linya. Sa Switzerland kasi ang setting ng pelikulang isu-shoot nito, isa sa mga supporting actresses ang kaibigan niya at nasasabik na siya para rito dahil alam niyang malaking achievement nang mapabilang na umarte kasama ang mga batikang aktor.

Mabilis lamang ang araw at Miyerkules na. Alas tres pa lang ay nag-out na siya sa trabaho, sinigurado muna niyang tapos na ang mga ginagawa at hinabilin sa empleyado na ito na ang tumanggap kapag may dumating na namang listahan ng mga ipapadalang packages.

She decided to wear a high-waisted jeans that accentuated her defined waist for a flattering fit. Hindi magmumukhang curvy. T-in-ucked in niya ang suot na puting three-fourths polo shirt na nakabukas ang butones hanggang dibdib—malakas ang loob niyang mag-unbuttoned polo shirt dahil naka-tube naman siya—at gumamit ng leather belt na kulay itim na itinerno niya sa maong na pantalon. She also wore a branded simple-designed pumps in cream color. Pagkuwa'y pumili ng bag at napagpasyahang gamitin na lamang iyong handbag na iniregalo sa kanya ng mama niya noong huling kaarawan niya. She trusted her mom's taste with fashion so she'd never go wrong with that bag.

Kinakabahan siya dahil iyon ang unang beses na dadalhin siya ni Dice sa tahanan nito.

"Kumalma ka, Kanon Grace, naimbitahan ka lang sa handaan, hindi ka ipakikilala bilang girlfriend." Pilit na sinasabi niya iyon nang paulit-ulit sa harap ng salamin habang nag-aayos ng makeup. Simple lang ang ilalagay niya, ayaw niyang magmukhang flashy at maarte roon.

Mag-a-alas seis na nang sinundo siya ni Dice, suot pa rin nito ang uniporme. Napanguso siya't naisip na mabuti na lang at hindi niya itinuloy na suotin iyong agaw-pansing dress na binalak niyang suotin. Hindi siya komportable dahil malalim ang neckline niyon. 'Di naman sa iniisip niya na baka pagsalitaan siya ng masama, baka lang kasi out of place iyon sa event at maging uncomfortable sa kanya.

"I thought you'll wear a dress?" tanong nito nang pasadahan siya ng tingin.

Kinabahan siya. Baka kasi pangit ang suot niya.

"But I'm fine with your clothes now. Hindi nakahantad ang mga hita mo't ang ganda mo lalo."

She immediately blushed by his sudden praises. Ang akala niya kasi'y hindi nito nagustuhan ang suot niya kaya nagngitngit na ang kalooban niya kani-kanila lamang. Ngayo'y kabaliktaran niyon ang nararamdaman niya. Parang sinasayawan ng mga katagang iyon ang puso niya. Iba pa rin pala talaga sa pakiramdam kapag palaging sinasabihang maganda ang babae ng taong gusto niya.

"Hindi ko na lang susuotin iyong tux mamaya. Iyon kasi ang pinahanda ko kay Mommy kaninang tumawag ako sa bahay at sinabi kong susuotin ko sana iyon."

"Ha? Bakit?"

"Kasi magdi-dress ka."

"I mean, ang mommy mo ang naghahanda ng damit mo?"

"Ah," Tumikhim ito. "Mommy's boy ako, eh."

Napangiti siya sa ka-cute-an nito't hindi nahihiya na ipagsabing malapit ito sa mommy nito.

"Joke lang. Nakisuyo ako kasi may damit pa naman ako sa bahay kahit nakabukod na ako ng tirahan, at nang sinabi mong magdi-dress ka kanina, naisip kong mag-tuxedo, para terno tayo."

"Hindi naman kasi iyon formal event kaya nagbago ang isip ko."

Napatango naman ito. "Pero totoong Mama's boy ako kahit madalas niya akong suwayin noon dahil sa paggi-girlfriend ko. Ngayon naman, siya na ang nanliligaw para magka-girlfriend ako."

Doon nito nakuha ang buong atensyon niya. "So you go on a blind date? From time to time?"

"Hindi naman. Minsan pa lang niyang ginawa iyon."

"Bakit hindi na lang iyon ang g-in-irlfriend mo? Mukhang gusto ng mommy mo to the point na nag-set up ng blind date." Kahit kaswal ang pagkakasabi, mahahalata naman sa itsura niya ang pagngiwi dahil aaminin niyang nagseselos siya.

"Hindi naman siya sumipot."

"Kung sumipot, eh, 'di, girlfriend mo na nga siguro, ano?"

"Don't get jealous about that. Nangyari naman iyon bago tayo nagkitang muli. Ewan ko ba kay Mommy, hindi pa naman ako matanda pero inaalala na niya ang pag-aasawa ko."

"Bakit naman?"

"She's worried because I didn't have girlfriends in college."

"Hindi ba mas maganda iyon? Nakapag-focus ka sa pag-aaral mo. Mahirap pa naman yata ang related sa medicine na courses."

"Hindi kasi siya makapaniwalang hindi ako naggi-girlfriend noon lalo pa't kilala ako na papalit-palit ng girlfriend na kala mo'y nagpapalit lang ng panloob."

"May point naman siya. Pero ako, duda akong hindi ka nagka-girlfriend."

"Hindi nga."

"Maybe, flings?"

Tumahimik ito at tumikhim.

"See?" She shook her head. "Babaero."

"Hindi, ah. Lima lang naman yata sila—"

"Lima! Babaero ka nga!"

Bumuntong-hininga ito at hinigit siya 'tsaka niyakap. "Huwag ka nang magselos, ikaw naman ang mahal ko."

Mahal... Parang noong nakaraan lang, hindi ito sigurado kung may gusto pa rin ito sa kanya o wala, tapos ngayon, palagi nitong hinahayag ang malalim na salitang iyon.

"I'm not saying this because I'm courting you. I am saying this because I love you. Kung bakit? Hindi ko alam, basta mahal kita."

"Why are you suddenly blurting out mushy stuffs?"

"Because I love you." There wasn't any hint of playfulness in his tone. It was full of affection and she could feel all of it. Gumanti siya ng yakap dito at pinakinggan niya ang malakas na tibok ng kanilang mga puso. Napangiti siya nang mapalunok ito, mukhang gaya niya ay kinakabahan ito dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. He gently stroke her hair as he kissed her head.

"Dice..."

"Hmm?"

"Daisuki!"

"Hmm?" Akala yata nito ay pangalan nito ang binanggit niya kaya ganoon ang naging tugon nito. Pero nang mapagtanto nitong iba ang sinabi niya't ang ibig sabihin niyon ay kumalas ito mula sa pagkakayakap, hindi makapaniwalang tumitig sa kanya.

"Yes, I'm not calling your name. It's sounded different, did it not?"

Hindi ito sumagot, tila pino-proseso ang kanyang isiniwalat.

Walang sabing hinawakan niya ang kamay nito. Then she started stroking on his palm as if she's writing something.

What she wrote were the Japanese characters of 'daisuki'. She learnt that back in college.

"I'm saying that I like you." Diniinan niya ang pagkakasabi ng huling tatlong kataga.

His eyes widened as he gulped by her sudden confession. Sigurado siya sa sarili niyang hindi lang pagkagusto o paghanga ang nararamdaman niya para kay Dice. Mas malalim pa roon.

"And... I love you, too." She smiled sweetly after uttering those words affectionately.

Napakurap-kurap ito. "D-does it mean..."

She nodded and bit her lower lip to suppress herself from grinning widely, then, she uttered, "Oo, Daisuke, sinasagot na kita."

Suminghap ulit ito at niyakap siya ng mahigpit, kumalas para titigan ang mukha niya, nakangiti ito at pagkuwa'y yumakap ulit at hinagkan ang tuktok ng kanyang ulo. He cupped her face as he stared at her lovingly, then, he kissed her forehead, the tip of her nose, down to her waiting lips. She responded the moment his soft lips touched her plump lips.

She smiled in between their light kisses. Ramdam na ramdam niya ang tuwa nito dahil mula sa araw na iyon ay pormal na ang relasyon nilang dalawa.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C160
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk