Unduh Aplikasi
40.98% PHOENIX SERIES / Chapter 150: Commute

Bab 150: Commute

Chapter 12. Commute

        

    

NANGINGINIG na pinili ni Kanon ang ibang file at nang buksan iyon ay nasiguro na niyang tama ang napuntahan niyang file lalo pa't mayroon itong pangalan niya.

She clicked the video with a name 'Alas'.

"Are you alright?" Narinig niyang tanong ni Dice bago nag-play ang video. Walang sounds pero nakilala naman ang mga taong nahagip ng CCTV.

Tumango siya at natutok ang paningin sa footage. Gaya nga iyon ng sinabi sa kanila, pero ang ikinagulat niya ay nang hindi natapos ang footage sa paghagis ng lalaki sa hawak nitong garbage bag kung saan nakasilid ang walang-buhay na sawa. Ipinagpatuloy niya ang panonood.

"D-Dice...?" Lumakas ang kabig ng dibdib niya nang makilala ang nasa video.

"Hmm?"

Tinanggal niya headset at maang na tumitig kay Dice.

"May masakit ba sa iyo?"

Akmang lalapit ito sa kanya pero pinigilan niya't binunot ang flash drive sa laptop nito 'tsaka siya tumayo.

"May gagawin pa pala ako!" She almost ran just so she'd get away from him. She couldn't be mistaken. Si Dice ang nakita niya kopya ng CCTV footage.

Napalunok siya at mahigpit na naikuyom ang palad lung saan hawak niya ang flash drive at isinilid iyon sa bulsa ng kanyang blusa 'tsaka dumiretso sa banyo para pakalmahin ang sarili.

She went to the clinic so she could excuse herself on the next class. At mukhang hindi nga talaga maganda ang pakiramdam niya dahil may sinat siya. Dahil doon ay pinayagan siyang umuwi. Halos isang oras lamang ay dumating na ang sundo niya—ang kanyang mama.

Mataman itong nakatitig sa kanya sa buong durasyon ng biyahe, nakikiramdam. At nang makarating na ng bahay ay nabungaran nila ang lolo niyang naghihintay sa sala.

"Sa kwarto na ako," aniya matapos magmano sa nakatatanda. Her Lolo Ramon was already in his late fifties, mas bata ang itsura nito sa edad at matindig pa rin. Maagang nag-asawa noong araw at namatay na ang esposa.

Pinigilan naman siya ng mama niya sa pag-akyat sa kanyang kwarto.

After a few, he spoke up. "Apo, may sasabihin kami ng mama mo sa iyo—"

"No, I don't want to hear any of those!" agap niya.

Nagtatakang nagtinginan ang mga ito. She grabbed the flash drive inside her pocket and put it on the small table rudely. Maging siya ay nagulat sa ikinilos niya. Nakonsensya siya pero nang maalala ang napanood ay nanindigan siya.

"Nasa iyo nga—"

"I don't want to listen, 'Ma. My only dad was Ramon del Rio, Jr."

"Have you w-watched the video?"

"Papanhik na po ako." Pinilit niyang huwag magtaas ng boses.

"Kanon! Listen to me! It's not what you th—"

"Ah!!! I won't listen!" parang batang paslit na hiyaw niya't padabog na pumanhik sa kwarto.

Kung may nagbago man kay Kanon mula nang araw na iyon, iyon ay ang pagiging masiyahin niya.

Si Dice ay patuloy pa rin sa panunubok na kausapin siya pero kalauna'y tumigil din nang pagtaasan niya ito ng boses at sabihing layuan na siya. Naalala pa niyang sa kasusunod nila ay nakalabas sila ng campus. Sumakay na lang siya bigla ng jeep at nang makahuma ay kinakabahang nagmasid sa paligid. Nasiksik pa siya sa bandang dulo't hindi alam ang gagawin.

Hanggang sa huminto ang jeep at wala nang ibang mga pasahero kundi siya lang at ang babaeng nasa tabi ng driver.

"Saan ka bababa, ineng? Paparada na kami."

"P-po? Sa Sunrise Village."

"Sunrise?" saglit na nag-isip si Manong. "Ah! Naku, hindi roon ang ruta ko, nagkamali ka nang sinakyan. Dapat kanina ka pa nagsabi nang hindi ka na lumayo. Ang mabuti pa, bumaba ka na't sumakay ng kulay green na jeep."

Kahit hindi naintindihan ay bumaba siya't napansing nasa terminal na siya ng jeep, pero hindi niya malaman kung alin sa mga napakaraming pampasaherong jeep na iyon ang sasakyan niya.

She almost jumped out when someone stopped beside her, it was Dice, removing his helmet.

"You don't know how to commute?"

Namula siya sa kahihiyan pero piniling magsungit at irapan ito.

"Wala akong spare helmet. Mag-commute na lang tayo pabalik mg eskwela. Baka nandoon na ang sundo mo."

"Magco-commute akong mag-isa ko!"

"Baka makarating kang Jolo niyan."

Napipilan siya. Wait, was that a joke?

"Let's just hail a taxi. Para komportable ka."

"I d-don't ride taxis. May napanood kasi ako noon na ano..." Hindi niya matuloy ang sasabihin. Mula nang mapanood niya ang naturang video kung saan h-in-arass ang pasahero ng driver ay sinumpa niyang hindi siya susubok na sumakay ng taxi. Kaya nga ba't lagi siyang hatid-sundo saan man magpunta.

"You aren't serious, are you?"

Inosenteng tumingin naman siya rito.

"How about tricycle? Have you ridden one before?"

"No."

"Do you even know what a tricycle is?"

"Of course! I am not ignorant, Usui!"

"I didn't say you are," he defended.

Inirapan niya muli ito.

Ilang sandali pa ay may humintong taxi at iginiya siya pasakay roon.

"Teka, ang bike mo." She was pertaining to his motorbike.

"P-in-ark ko na muna roon. Babalikan ko mamaya."

Tumango na lang siya't tahimik na lumulan ng taxi. Ilang sandali pa ay sinindi ng driver ang stereo kaya kahit paano ay hindi sila nainip sa halos tatlumpung minutong biyahe.

She already texted their driver and told him to wait for her, that's why when they got out the taxi, she immediately saw their car. Walang-lingong pumasok siya sa sasakyan at hinayaan nang si Dice ang magbayad ng pamasahe nila.

"Umuwi na ho tayo."

Magdamag na hindi mapakali si Kanon dahil sa naranasan kanina. Hindi nga siya ignorante pero nang mapagtantong marami pa siyang bagay na hindi alam ay napaisip siya ng malalim. At doon niya napagpasyahan na pilitin ang mama niya na hayaan siyang bumukod kapag tumuntong na ng kolehiyo.

Kinabukasan ay mahahalata ang kakulangan niya sa pagtulog. Mabuti na lamang at weekends kaya matutulog na lang ulit siya pagkatapos kumain ng breakfast.

Ganoon pa rin naman ang pakikitungo niya sa mama't lolo niya, ang nangyari noong nagdaang gabi ay tila alaalang kanyang binura. Ayaw na niyang isipin ang tungkol doon kaya mas pinili niyang huwag nang buksan ang usapin at hindi magbago ang pakikitungo niya sa mga ito.

Just as planned, she slept the whole day, and the next day, she went to the mall and bought some stationery stuffs that she'd use to write a letter.

Idadaan na lang niya sa liham ang nais sabihin kay Dice dahil hindi siya makaapuhap ng salita sa tuwing sinusubukan niya. At isa pa, parati niya itong nasusungitan kahit ayaw naman niya talaga.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C150
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk