Unduh Aplikasi
38.79% PHOENIX SERIES / Chapter 142: Caught

Bab 142: Caught

Chapter 4. Caught

          

            

NAG-ANGAT ng tingin si Kanon at nakilalang si Dice ang pumigil sa kanya na pumasok sa loob ng lab. Tinakpan din nito ang magkabila niyang tainga pero hindi sapat iyon para hindi madinig si Luna. Pilit niya inalis ang mga kamay nito't hinayaan naman siya nitong makinig.

"Dice... m-may masakit yata sa kaibigan ko. Iligtas natin siya..."

He just stared at her indifferently. Tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"I've been hearing her screams for a few minutes now. B-baka sinasaktan siya ni—"

"Shh..."

"Save my friend, p-please..."

Dahil nasanay na ang paningin niya sa dilim ay napansin niya kung paanong nahirapan sa pagdedesisyon si Dice kung tutulungan ba nito si Luna o hindi.

"Ahh...!"

"Dice, dali!" natatarantang bulong niya nang marinig na naman ang kakaibang paraan na pagtili na iyon.

"Let's just go out, Kan."

Umiling kaagad siya kahit nagtataka kung bakit parang nahihirapan sa pagsabi si Dice. "Hindi ako aalis dito nang hindi kasama si Luna."

"Seryoso kang bibitinin mo ang kaibigan mo?"

"Bibitinin saan?"

Napatingala lamang ito at napansin niyang lumunok ng ilang ulit. Tila nahihirapan talaga kung tutulong ba o hindi.

"Natatakot ka bang masaktan?"

"What?" Bakas ang pagkairita sa boses nito.

Napalunok siya. "Ayaw mo bang madamay sa gulo?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"I know what am I saying. She's my friend and I have to save her."

"Lumabas na lang tayo..."

"Please...?" sumamo niya.

He sighed, as if he was left no choice. "Alright, then. But you have to stay outside the classroom."

"Papasok din ako sa lab—"

"Kanon, hindi. Paano kung ikaw naman ang sugurin?"

Napakagat-labi siya nang maisip na may punto ito. Paano kung may patalim o kung ano mang armas ang binatang iyon? Patuloy pa rin si Luna sa impit na pagsigaw nito. "S-sige. Mag-iingat ka. Alam ko namang magaling ka sa judo."

That's true. Elementary pa lang ay nag-e-excel na ito sa martial arts.

Humiyaw ulit si Luna. Mas malakas at mas mahaba iyon kaysa noong una na dahilan kung bakit mas nataranta siya. Napakapit siya ng mahigpit sa damit at braso ni Dice dahil sa sobrang takot at kaba.

"Dice—"

"Mukhang tapos naman na sila. Sige, hintayin mo na lang ako sa labas."

Kaagad na tumango siya nang maintindihan ang ibig nitong sabihin pero bago pa man siya makakilos ay bumukas ang pinto. Dahil nasa gilid silang dalawa ni Dice ay natakpan sila ng pinto at hindi makikita ng kung sino mang galing sa loob ng lab.

"Clean up yourself, Lu. Mamaya ulit sa bahay."

"Y-yes... Please let's do it longer later. Ayoko na ng quickie."

Napamaang siya nang may mapagtanto. Ang lalaking iyon nga pala ang pinagsisilbihan ni Luna sa mansyon ng mga Devila, kung saan nakatira ang kaibigan niya't nagtatrabaho ang mama nito bilang isang kasambahay roon mula pa noon.

Mahabang katahimikan din ang namayani na tila paghinga at malakas na tibok ng puso lang nila ni Dice ang naririnig sa maliit na espasyong iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na si Luna. "Punyeta, nangalay ako sa posisyon iyon! But still, I like it..."

Sumilip siya sa siwang at iika-ika itong lumakad papalabas ng silid-aralan. Ilang sandali pa bago siya nakahuma. Tila pinakikiramdaman naman siya ng binata.

"Dice?"

"Hmm?"

"Is that... what... I t-think it is?" Kaya ba ayaw nitong sumugod kanina? Dahil alam na nito ang nangyayari o ginagawa ng dalawa?

Napalunok ito at tumango.

Nahiya siya dahil hindi dapat niya nasaksihan o nalaman ang intimate na bagay na iyon kahit pa nga kaibigan niya si Luna. Dapat pala ay nakinig na lang siya kay Dice kanina nang sabihin nitong lumabas na lang sila. Pero hindi pa rin talaga siya makapaniwala.

"B-but... we're still underage. M-mas matanda lang ng isang taon si Luna sa akin pero hindi pa rin dapat na—" Hindi na niya tinapos ang sasabihin. Wala siya sa posisyon para i-judge ang kaibigan.

Napalunok siya at tagaktak na ang pawis pero wala pa rin ni isa sa kanila ni Dice ang kumikilos.

"Uh, I have a favor to ask..."

"Hindi ko ipagsasabi." She was in awe because it was as if he already knew what kind of favor she would ask him.

"Kahit kanino, ah?"

"Kahit kanino." He sounded reassuring.

"Thank you," halos pabulong niyang untag.

"Are you okay now?"

Bakit naman hindi siya magiging okay?

Umatras si Dice pero parang nanghina naman ang mga tuhod niya kaya napatalungko siya.

Malutong na nagmura si Dice na ikinangiwi niya.

"Okay lang ako. Nagulat lang talaga ako nang husto."

"Shit!"

"Don't curse at me!" depensa niya. Medyo tumaas ang boses dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"I didn't..." Tumalungko rin ito at hinawakan ang kanyang baba, hinuli ang kanyang tingin. "Hindi kita minura. Sorry, hindi na ulit ako magmumura."

"I mean, ano, okay lang, b-basta huwag sa harap ko."

He just nodded and helped her get up. She absentmindedly went inside the lab and still couldn't believe what just happened in there. Sumandal siya sa pader at pinakalma ang sarili. Bahagya ulit na umatras si Dice na nakasunod sa kanya sa pagpasok doon at parang noon lang siya nakahinga ng maayos.

Nag-ring ang kanyang cellphone at tumikhim pa muna bago niya sinagot iyon nang makita kung sino ang nasa Caller ID.

"O, Luna, b-bakit?" Paano ba niya aalisin sa utak niya ang nalaman?

"Nasaan ka ba? Magsisimula na niyan ang game in a few!"

"CR." Tumikhim siya. "Pabalik na rin naman ako."

"Sige, bilisan mo't panoorin nating lampasuhin ng volleyball team natin ang mga taga-St. Benedict."

"Oo. Saglit lang."

She immediately ended the call and she was panting. Parang pinigilan kasi niya ang paghinga kanina habang kausap si Luna sa cellphone.

"Sigurado ka bang okey ka na?"

Tumango siya. Akmang lalapit ito at tila yayakapin siya para pakalmahin.

"Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo riyan?"

Nanlaki ang mga mata niya nang mahuli sila ng guwardya na nandoon.

Dahil sa nangyari ay pinatawag ang mga magulang ni Kanon kinabukasan. Nasisiguro niyang ganoon din ang nangyari kay Dice sa St. Benedict. Napigilan naman ang pagkalat ng balita pero may mangilan-ngilang nakakaalam at iba ang alam ng mga ito.

Hindi na rin siya pinapunta sa nalalabing araw ng Athletic Meet para pahupain ang balita. Idagdag pa na inilayo siya kay Dice dahil iniisip talaga ng iba na may ginawa sila nitong kababalaghan sa laboratory room.

That was one of her most embarrassing moments in her life because the people who knew thought that she was that kind of teenager. Lalo pa't nang i-check kasi ang lab ay nakitang may bahagyang kalat na mula kila Luna, pero dahil silang dalawa ni Dice ang nahuling nandoon ay sila ang napagbintangan.

Her parents insisted to have the fluids that the personnel got in the lab on that day she and Dice were 'caught' doing lewd things to be checked by the experts. Ilang tests at ilang araw rin ang nakalipas bago napatunayang inosente sila ng binata.

But the fact that they were both inside that laboratory room hyped the rumor that they were really about to do it if they weren't caught that day.

At fifteen, her reputation was plummeted just because of some baseless rumors... and that almost made her took her own life.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C142
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk