Unduh Aplikasi
37.97% PHOENIX SERIES / Chapter 139: Smile

Bab 139: Smile

Chapter 1. Smile

   

    

"HI! Welcome back to my channel! Today, I will show you my workplace—we will be having an office tour first, then I'll show you what am I doing in..."

Kalahating araw ring nag-shoot ng video si Kanon para sa content ng latest vlog na ipo-post niya sa Biyernes ng gabi. Since she liked taking videos, she decided to venture out being a vlogger just a few months ago. The term 'vlog' derived from video blog or video log and referred to a type of blog where most or all of the content was in video form.

She's just starting and she could say she had lots of supporters already, but she had bashers or those who were throwing hates to her as well. Pero hindi na niya pinapansin ang mga negativity na iyon para sa kanya lalo pa't wala namang katotohanan ang mga ibinibintang. Numero unong idinidikdik sa kanya ang paggamit umano niya ng kanyang katawan sa mga vlogs niya. But no matter what clothes she wears, she'd still receive some criticisms from her bashers. On her previous vlog, she wore a black high neck halter bikini and it looked elegant in its floral printing when she vlogged about the island they went to. Matapos i-upload ang video ay may mga pumansin na naman sa katawan niya. She's five feet and four inches tall, and had a voluptuous body. Noong kabataan ay may kapayatan siya pero nang tumuntong ng edad dalawampu ay roon nagsimulang magkalaman ang katawan niya.

"Your bashers are starting again. Noong nakaraan, halter na ang suot mo, ligtas iyang dyoga mo pero pinansin naman ang tiyan mo. Ito namang ngayon, naka-turtle neck ka na nga't tight jeans sa makeup tutorial vlog mo, katawan mo pa rin. And it's not like you're showing your full body. Hanggang balikat na nga lang ang 'kita," pagmamaktol ng video editor niyang si Nami. Nami was a rising actress and also a famous vlogger. Kaklase niya ito sa noong college nang ma-discover ito ng isang talent manager. Ito rin ang nagpresintang mag-edit ng videos niya dahil madalang na lang naman itong mag-vlog, at passion talaga nito ang pag-e-edit ng videos. They both graduated last year, with the same course, Business Management.

"Hayaan na lang natin. Mas marami pa rin naman ang good feedbacks. Have you read the other comments? Bagay raw sa akin ang tanned skin." Gumamit kasi siya ng tanning cream noong huling vlog niya at sinubukan ang mga makeup shades na babagay sa mga tanned skin.

Nasa sala sila ng bahay ng artista at doon sila manananghalian ngayon. Kasama niya itong nag-shoot ng video kanina para sa susunod niyang vlog na may content na "My Half-Day In FastEx", ang courier company ng pamilya nila na itinatag ng kanyang lolo. She'd been working in the small branch for about a year now and she knew she still had lots of things to learn. But honestly, she's contented being in that small branch, working as a normal employee. Kahit alam ng mga kasama niyang anak siya ng President ay hindi iyon naging sagabal sa pagtatrabaho nila.

To be honest, her mom was rooting for her to follow her steps but she disappointed her when she stated and insisted that she wanted to work in FastEx instead.

P-in-lay naman ni Nami ang latest vlog niya na nagpabalik sa kanyang atensyon sa kaibigan.

"Nagugutom na ako. Mamaya na tayo manood." Bukod sa iniiwas niya ang topic tungkol sa mga bashers niya ay totoong nagugutom na siya. Alas dos y media na kasi at hindi pa sila nananghalian. Matapos kasing mag-shoot ng vlog ay may hinabilin pa siya sa ilang mga tauhan tungkol sa mga paparating na parcels bago tuluyang umalis ng opisina.

Hindi nito pinansin ang sinasabi niya. "Look at these comments, iyang dyoga mo na naman nga ang pinansin. Sinasabi pang sinadya mong sikipin ang turtle neck na suot mo para magmalaki iyang mga iyan."

Napanguso siya at wala sa sariling napayuko para tingnan ang suot na damit ngayon. Naka-polo shirt siya na siyang uniporme sa FastEx. "Hayaan mo na nga lang kasi sila."

Nami played another video, wherein she was wearing a peach off-shoulder.

"Tama na nga iyan. Ako na lang ang maghahanda ng hapag." Tumayo siya at kinuha ang dalawang brown paper bags kung nasaan ang mga pagkaing binili nila sa drive-thru fast-food restaurant kaninang papunta sila roon.

"Ang tino naman ng damit mo rito pero sinasabing sinadya mong i-flex iyang mga iyan." Saglit pa nitong pinasadahan ng tingin ang dibdid niya. "Sabagay, may ipagmamalaki ka naman talaga."

She just sighed. "Bahala ka na nga riyan."

"Ay! Grabe itong isa, sinadya mo raw na humagikgik para umalog ang dyoga mo! I mean, how can you giggle without shaking your shoulders or your chest? Syempre, 'matik na aalog din iyang dyoga mo. Hindi siguro maka-relate si ate sis kasi pader ang kanya."

"Tama na nga sabi, e. 'Tsaka bakit ba dyoga ka nang dyoga?" Halos pabulong ng pagsabi niya ng mga huling kataga.

"Ano ba dapat? Suso?"

"Monami!"

Tumawa lang ng malakas ang huli. "Grabe naman kasi iyang iyo. Effortless kung umalog."

Napayuko ulit siya. "What can I do? Ganito talaga..."

Tumahimik naman si Nami at tiningnan siya, pagkuwa'y nagsalita. "Mine were big, but yours were, well, bigger. Malulunod ang magiging jowa mo riyan."

Hindi na niya pinansin ang huling pangungusap. "Kaya nga nagsusuot ako ng tight clothes, baka umurong o magmukhang maliliit."

Ang lakas ng halakhak ni Nami. "Girl! Hindi iyan uurong. Mas lalong na-e-emphasize kapag nagsusuot ka ng fitted shirts. Nakakaloka ka! Kaya pala lately napapansin kong nag-iba ka mg style ng pananamit. Pati uniform mo, sumikip."

"Malay ko ba kasi? I don't really know anything about fashion clothing. Si Mama ang pumipili sa mga damit ko noon. Siya ang fashionista."

"But now you're living alone. So you should be independent."

"S-siya ang pinabilhan ko ng mga damit ko. I know how to dress but she's way better than me."

"Well, she's a renowned fashion icon. Kaya nga hindi ko gets kung bakit hindi ka nagmana kay tita."

"Baka kay Papa ako nagmana."

"Huh?"

"Kasi subsob siya sa trabaho, kaya baka sa kanya nga ako nagmana."

"What are you talking about?"  Kunot na kunot na ang noo ng kanyang kaibigan.

She was taken aback. "I mean, ano, uh, wala iyon. Kumain na tayo."

Naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito at agad siyang nag-iwas ng tingin 'tsaka tumalikod para makadiretso na sa kusina. Pero hindi siya tinantanan ni Nami.

"What does that mean?"

"Ang alin?" Nagpatay-malisya siya.

"You're talking about your father!"

"Ha?"

"Kanon, I heard you saying na nagmana ka sa Papa mo."

Napalunok siya. "Alam mo, nagugutom ka lang. Baka namali ka lang ng dinig. I didn't say that. Tama na nga, nagugutom na rin ako." Pilit niyang iniiwas ang usapin.

She couldn't just say that she already knew who her father was. Things would be complicated. Kahit kay Nami ay hindi niya masasabi ang bagay na iyon lalo pa't pinangako niyang ibabaon niya sa limot, o kung hindi man ay ibabaon niya sa hanggang sa hukay niya ang sikretong iyon. Sapat nang malaman ng lahat na patay na ang ama niya noong bata pa lamang siya.

Pero walang sikretong hindi nabubunyag, Anang kanyang isipan.

"Ganoon ba? Gutom na nga yata ako."

Tumango siya at naghugas ng mga kamay, 'tsaka nagpatuloy sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.

Before they could eat, the doorbell rang.

"Are you expecting a visitor?" tanong niya kay Nami.

Umiling ito. "Wait lang, iche-check ko kung sino."

She nodded and when she was left in the kitchen, she decided to make a coffee. She suddenly wanted to drink iced black coffee. Few more minutes and she heard footsteps coming to the kitchen.

"Sino iyong nag-doorbell?"

"Nami went out. May nakalimutan daw siya sa FastEx."

Daisuke?

"Pinapasabi rin niyang kumain ka na raw."

Para siyang natuod nang marinig kung sino ang taong nasa kusina na inakala niyang si Nami. Napalunok muna siya bago pumihit at harapin ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

He smiled, flashing his perfect set of white teeth. His smile was really one of his charms, and his eye smile, too. Kung makapuri si Kanon sa isipan niya'y aakalaing hindi siya nito sinaktan nang husto noong high school sila.

"I m-mean, kumain ka na ba?"

"I still didn't."

"Kung ganoon, kumain ka na rito. Mukhang matatagalan si Nami." Kinakabahang niyaya niya ito.

Mas lumapad ang ngiti nito at tumango. Ah, her heart was melting as if it was kindled by his charming smile once more.

Napapitlag siya nang makalapit ito, hindi man lang niya namalayan iyon dahil okupado ang isipan niya kung ano ang maaaring pag-usapan nila ng dalawa. She unconsciously sniffed his musk scent when he passed by in front of her. Naghugas ito ng kamay sa lababo at siya'y nagpasyang magpatuloy sa ginagawa.

Teka, ano na nga ba ang ginagawa niya?

"Are you making a coffee?" puna nito nang nagpupunas na ng kamay.

Ah, yes, I'm making an iced black coffee. "Oo, gusto mo ba?"

"Yes."

"Sige, maupo ka na. Ipagtitimpla kita."

"Gusto ko niyan. Iyang tulad sa iyo." Ngumuso ito sa hinahawakan niyang clear tumbler. Oo nga pala, lalagyan na niya ng ice cubes iyon at ise-shake.

"Ito?" takang-tanong niya.

Tumango ito.

"I thought you don't like black coffee?"

"You still remember that, huh?"

"Uh, ano kasi, naalala ko lang bigla," palusot niya.

"Kumain na nga lang tayo," nakangiting anyaya nito. She wanted to insist making his coffee. Pero naisip niya na baka ayaw nga nito ng black coffee o baka hindi talaga ito umiinom ng kape kaya nagyaya na itong kumain.

She put some ice cubes in the tumbler, mixed it well and poured the coffee in the glass. May natira pa nga sa lalagyan. Pagkuwa'y umupo na sila at kumain.

After they ate, she was still thinking what to talk about or should they go now when he asked if he could taste her coffee, and she nodded without thinking that he's about to drink on the same glass she's using. Agad na pinigilan niya ito nang maisip iyon.

Kumunot naman ang noo nito.

"Mayroon pa. I'll just get you a glass."

Without ado, she stood up and got him a glass. She poured the coffee in the glass and served it to him. She waited for him to taste her coffee. Nakalimutan na nga niyang umupo ulit dahil kinakabahan siya. Kapag pa naman nasa paligid lang ang lalaki ay mabilis siyang ma-distract.

The way his Adam's apple moved when he was drinking made her gulped. He didn't cut their eye contact as well while he drank the coffee.

"M-masarap?" Kinakabahang tanong niya. Paano kung mapait pala o matabang ang tinimpla niya? O kung sobrang tamis? Matamis pa naman kung magtimpla siya ng sariling kape.

"Masarap."

Napanguso siya para pigilang mangiti.

"Pero parang mas masarap kung dito ako iinom." Walang sabing kinuha nito ang basong iniinuman niya kanina na nasa mesa at inisang lagok ang lagpas kalahating laman niyon.

Napakurap-kurap siya sa ginawa nito. He still didn't cut their eye contact as he licked his lips after drinking her coffee. He smirked playfully right after.

"I was right. Now, it tasted sweeter."

 

He's obviously flirting, Kanon, Bulalas niya sa isipan. Knowing Dice and his reputation with girls before, she knew he's already taking a step to probably make her warm his cold nights anytime soon.

And she wouldn't fall in his trap.

"I'll just wash the dishes and I'll go. Mauna ka nang umalis," walang ganang aniya rito, hindi pinansin ang sinabi.

"You know how to wash the dishes?" Totoong namangha ito sa nalaman.

Ayaw man niyang ma-offend ay ganoon ang naramdaman niya subalit pinili na lang niyang bumuntong-hininga.

"I'll help you. Baka makabasag ka pa."

Mahaba ang pasensya ni Kanon kaya hindi siya mapipikon sa mga pasaring nito. Tutal ay nakilala siya nitong laki sa layaw. She had been living in comfort and was really pampered by everyone just like a princess the moment she was born. If she didn't insist to be independent and work in the company, she must still being pampered up to that point of her life. She's twenty-two and she already wanted to stand in her own feet. Halos isang taon na rin naman ang nakalipas mula nang mag-graduate siya, at aminado namang nahihirapan siya sa mga pagbabago pero kinakaya niya. Lalo na ang mamuhay ng simple.

"O kaya, maupo ka na lang at ako na ang maghuhugas sa mga ito."

"Hindi, ako na," agap niya. "Pwede ka nang umalis."

Imbes na sundin ang sinabi niya ay naupo itong muli at tamad na sumandal sa upuan. "I'm really worried. I'll just wait for you."

Bago pa mapigilan ang sarili ay nakapagtanong na siya. "Bakit?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Baka makabasag ka't masugatan ka pa." Kinuha nito ang cellphone na nasa bulsa ng suot nitong pantalon. Siya nama'y pinunasan ang mesa matapos ilagay sa lababo ang mga hugasin. Binilisan niya ang pagpupunas sa mesa dahil naramdaman niyang nakatitig si Dice sa kanya. Then she grabbed the plain black apron and wore it. So he's really thinking na makakabasag siya ng pinggan?

Nang pasimpleng sumulyap siya rito ay nagkamali pala siya sa hinalang nakatitig ito sa kanya dahil abala ang lalaki sa pagtipa ng kung ano sa cellphone. Talagang hindi na rin siya nito tinulungan dahil sinabi niyang huwag na. At isa pa, pabor iyon sa kanya dahil mas maiilang siya kung tumulong ito. Baka kung saan-saan na naman lumipad ang isipan niya gaya na lamang ngayon.

Para niya akong maybahay ngayon na pinagsisilbihan siya...

Tumikhim siya at pinigilan ang pagdaloy ng kung anong mga bagay sa kanyang isipan. Ilang gabi na rin siyang hindi tinatantanan ng kakatwang isipan niya. Habang naghuhugas naman siya ng pinagkainan ay tahimik lang siya't dinadaldalan naman siya nito. Ang dami na nitong nakwento na hindi naman talaga niya pinakinggan. O maa tamang sabihing nakinig siya pero hindi inintindi ang sinasabi nito. She was too preoccupied by his presence alone, kaya paano pa kung itinuloy niya ang pag-iisip ng kung ano-ano kanina, hindi ba? Baka wala na siyang magawa. Ngayon tuloy ay napakabagal niyang kumilos.

"Are you sure you know how to do that?"

He didn't sound arrogant, he's purely curious and worried that she might be pretending to know how to do some chores so he'd let her do that. But still, his question had offended her. Ganoon na ba siya kawalang-kwenta sa paningin nito?

Teka, wala naman siyang sinabing walang-kwenta.

"Are you alright?" he asked critically.

Tumango na lang siya at mas binigyan na ng pansin ang ginagawa. Siguradong nakabusangot na siya ngayon kaya hindi na rin siya kumibo at ganoon din ito. Abala na naman siguro sa pagse-cellphone ang huli.

Nang matapos ay napapitlag pa siya nang pagkapihit niya ay napansing nakatitig lang sa kanya si Dice. Punung-puno ng emosyon ang nasa mga mata nito na hindi naman niya mapangalanan. Hawak-hawak nga nito ang cellphone pero nasa kanya naman ang atensyon nito. Na-conscious tuloy siya na baka namuo na pala ang pawis niya sa noo o baka nakabusangot pa pala siya.

"Tapos na ako." She tried to sound as casual as she could. Pero nailang pa rin siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. It was like he wanted to say something but he couldn't find the right words to.

Pasimpleng kumuha siya ng paper towel at dinampi-dampi iyon sa kanyang noo habang patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kanya na tila kinakabisado ang mga kilos niya.

She cleared her throat and removed the apron and put it back on its place.

"Baka pabalik na si Nami. Hintayin mo na lang," halos pabulong na aniya.

"I'll just go back here later. Ihahatid kita."

Kinakain na siya ng selos. The two seemed to be close. Because if not, why did it look so natural for Dice to visit Nami in her place? To think that her friend lived alone... May relasyon kaya ang dalawa? May planong magpakasal? Hindi kaya magli-live in na? Agad na umiling siya para itaboy ang mga iyon sa kanyang isipan.

"Huwag na, magta-taxi or bus na lang ako."

"You even ride public transportations now?"

She just sighed heavily and looked down. Ganoon ba talaga ang tingin nito sa kanya? She's a grown up now, for Pete's sake. Hindi na siya ang batang nakilala nito noon.

"I'm sorry, I didn't mean to offend you again."

Napaangat siya ng tingin dito at nangunot ang noo.

"I know I offended you a while ago, too. But I didn't know how to take back my words."

Parang gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. At least he was not ignorant about her feelings, eh? Para siyang timang na nagpipigil mangiti.

"I didn't mean to sound that way, Kan."

She bit her lower lip and looked down again so he wouldn't notice her suppressing her smile like an idiot. "It's fine. I get that all the time."

"You... have changed."

Tumabingi ang ngiti niya sa narinig. Hindi siya sigurado kung papuri ba iyon o kung ano. Basta umalingawngaw sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon.

"I should keep quiet instead," kastigo naman nito sa sarili.

I changed a little bit because of you. She wanted to voice out but she didn't.

Was she that obvious? To think that it had only been days since they saw each other again after all these years.

Anim na araw ang nakalipas nang magpasundo si Nami sa entertainment company na may hawak dito dahil nasiraan daw ng sasakyan at ayaw namang mag-taxi o makisabay sa mga kasama, at habang naghihintay siya sa lobby ay aksidente niyang nakita si Dice. Hindi siya maaaring magkamali na si Dice nga iyon, idagdag pa ang kakaibang kaba na sa binatilyo, na ngayo'y lalaking-lalaki na, lamang niya naramdaman noon pa man.

Halos magkasunod lamang ito at si Nami nang makita niya.

"Kanon!" Kumaway si Nami para kuhanin ang atensyon niya. Natulala lang kasi siya nang makilala ang lalaki nauna lang ng bahagya sa paglalakad dito.

Tumayo siya at bumaling kay Nami. "Akala ko ba matatagalan ka pa?"

"Maagang natapos ang meeting."

"Ah..." She's really lost of words.

"Siya nga pala, si Daisuke Usui. I met him a few weeks ago, he'll be an actor soon."

"A what?"

"Joke lang! He's a company nurse. Nasugatan kasi ako kanina sa meeting kaya siya ang gumamot sa akin. Look." Itinaas ni Nami ang daliri.

Agad naman niyang ibinaba iyon. "Why are you raising your middle finger? Baka may nakakita, magawan ka pa ng chismis."

"I was just showing my injury. Nakagat ko't nahila ang ingrown ko kanina, nagdugo tuloy."

She almost rolled her eyes. "Injured ka na pala sa lagay na iyan?" Paano'y may pink na bandaid lang na may design na mga puso ang nakalagay sa kaliwamg hinlalato nito.

"Aba, l-um-evel up ka na ngayon, ah. You know how to sound sarcastic na! Akala ko mahinahon ka lang na tao at may halo sa tuktok ng ulo mo, at mga pakpak na rin." Nami even tapped her shoulder. "Pero ganoon pa rin talaga ang tono ng boses mo kahit sarcastic ka na, 'no? Kasing-soft ng kutis-artista ko. Teka, artista nga pala ako."

This time, she really rolled her eyes. Parang bago naman siya nang bago kay Nami. Nangunot ang noo niya't napakislot nang may bahagyang tumawa. Agad na napabaling siya sa kung sino iyon.

Oo nga pala, nandoon pa si Dice, at naaaliw na nakangiti habang nakatingin sa kanila ni Nami.

O mas tamang sabihing sa kanya lamang ito nakatingin.

She ignored him but she couldn't do so especially when his eyes were smiling that way. Those eyes were so beautiful and tantalising, and that she could stare at those all day... because his smile could light up her world.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C139
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk