Prelude. Key
HER mouth was gagged, she wanted to scream for help but her words were not vivid or understandable. Kanina pa pilit na pinakakalma ni Kanon ang sarili dahil alam niyang walang patutunguhan kung magsisisigaw man siya sa kung saang lugar man siya dinala ng mga taong dumukot sa kanya kanina habang nagja-jogging siya sa sidewalk malapit lang sa tinitirhan niya. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit pa siya lumabas ng bahay o ng subdibisyon. She'd be safe now if she only jogged in the subdivision's circle. Idagdag pa na mahigpit ang seguridad doon. Pero wala na siyang magagawa dahil nasa mapanganib na sitwasyon na siya't hindi niya alam kung makakaligtas pa ba siya ng buhay ngayon.
Nakapiring din ang mga mata niya kaya hindi niya alam kung ano ang itsura ng silid na kinaroroonan niya. Kung isang silid nga ba iyon, isang abandonadong gusali o ospital. Pero isa lang ang sigurado siya, hindi siya ligtas sa mga kamay ng babaeng dumukot sa kanya at sa mga kasama nito.
Her limbs were tied and so was her body. Base na naramdaman niya ay itinali siya sa isang upuan para hindi makakilos kaya kahit magpumiglas siya ay walang-wala siyang magagawa.
They might be thinking that she was still asleep from the drug they forced her to smell few hours ago because she was woken up by a hard slap, and they poured some freezing cold liquid on her head. She just hoped that that's just some cold water. Not blood or any kind of disgusting fluids.
Napahiyaw siya sa sobrang ginaw at sinubukang magpumiglas pero hindi talaga siya makakilos. Ilang segundo pa ay tinanggal ang pagkakabusal sa kanyang bibig ngunit imbes na sumigaw at nanatiling tikom ang kanyang bibig. She must reserve her remaining energy so if she'd have the chance to escape, she would still have some strength.
"Sino ang nag-utos sa iyo?"
Kahit nakapiring ay masama ang tingin niya kung saan mang direksyon siya bumabaling.
"Magsalita ka," naiiritang utos ng babae. She's the same with her, soft-spoken, but she could feel that the woman was not as soft as the tone of her voice.
Napalunok siya. "I really don't know what you're saying. I don't even know which package—"
Isang malakas na sampal sa pisngi muli ang iginawad sa kanya at napahiyaw nang maramdamang may kung anong mga maliliit na bagay ang inipit sa balat niya, sa bandang tiyan.
"Just tell us about the syndicate where you belong."
"What syndicate?" Natatakot man ay nakuha pa niyang magtaka. Pagkuwa'y nagmakaawa, "Please, stop it already. Wala talaga akong alam sa mga paratang mo."
"The package was delivered by your shipping company. You should at least know who's the sender."
Nahigit niya ang hininga para hindi na sumigaw. "Maraming mga nagpapadala sa FastEx araw-araw. At kahit ilang taon ko nang pinamamahalaan iyon ay imposibleng matandaan ko ang mga—ah!!!"
"I don't need your stupid explanations. I only want to know the exact details of the sender. Or better yet, give me information about the Phantom Syndicate."
The what? She wanted to ask but she stayed still. Kaagad na papakagat-labi siya para pigilang muli ang pagsigaw. Pakiramdam niya ay nalapnos ang balat niya sa paso at may kutob siyang sigarilyo ang ginamit nito dahil iyon ang naamoy niya kaninang paglapit ng babaeng nagtatanong at pinararatangan siya ng kung ano-anong bagay.
"Just freaking tell me who sent that key to Lexin Osmeña and you're free to go!"
"Wala nga talaga akong alam!"
She wanted to cry for help because the woman pulled her hair strongly. Halos mapunit na yata ang anit niya sa paraan pagsabunot nito sa buhok niyang perpekto ang pagkaka-bun kanina, na ngayo'y alam niyang magulo na.
"Damn it!" Isang malutong na mura ang nagpatigil sa ginagawa ng babae sa kanya. "Anong ginagawa mo, Kristen?!"
Napasinghap siya. That man's deep authorative voice was oddly familiar.
"I..." gumaralgal ang tinig ng tinawag na Kristen. "Akala ko ba m-may gagawin ka't lilipad pa-Cebu?" Lumiit ang tinig nito. Animo'y tumiklop sa bagong dating.
"The men called me to report about this. What are you doing to her?" madilim na tanong ng bagong dating na lalaki. Just as few seconds ago, he wasn't shouting but the tone of his voice was sending her chills down to her spine.
Maging siya ngayon ay napalunok na sa kaba, pero kakaibang kaba ang namayani sa kanyang sistema. She had suddenly forgotten about the situation she's into at that moment because of that voice...
"I w-was just interrogating her. Ayaw niya kasing magsalita kaya nairita na ako at nasigawan ko na siya."
Liar!
In one swift move, she felt someone touching her left forearm, as if he or she was checking on it.
"Did you do these?" he asked dangerously and she knew that he was talking to that woman who burnt some small parts of her creamy-white and soft skin using her cigarette.
Napasinghap siya nang hawakan nito ang mga bagay na nakaipit sa balat niya sa bandang puson. She was wearing a cropped top tube and her blazer was removed a while ago. Heat suddenly ran through her system.
"Pinaplano mong kuryentihin siya?"
Muli siyang napasinghap nang mapagtanto ang mga bagay na inipit sa balat niya kanina. Those were some electric shock devices. Nasindak siya sa isipang kung sakaling kinuryente siya ay baka malala ang kanyang matatamo dahil basa ang buong katawan niya, o hindi kaya ay tuluyan nang mawalan ng buhay.
Pero hindi pa rin nangibabaw ang takot at sindak nang malamyos na hinaplos ng lalaki ang balat niyang nasipit kanina. She wanted to utter some words but she couldn't find the right words to say.
She gulped as she noticed that even his touches were familiar, too. His gentleness and his warmth.
"C-can you remove my blindfold?"
Saglit itong natigilan nang magsalita siya. Kahit natatakot at mahahalata sa paggaralgal ng malamyos niyang boses ay gusto pa rin niyang makasiguro na hindi siya nililinlang ng kanyang katawan at isipan.
Tila napapasong lumayo ang lalaki sa kanya. She sighed heavily and tried her best to compose herself. She couldn't believe that even in that utmost dangerous situation, she became distracted just by the thought that he could be possibly the same guy she was head over heels back in her teenage days.
"Untie her. Let her go now," mariing utos ng lalaki.
Pagkatanggal ng piring niya ay papalayong mga yabag ang sunod na namayani roon.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ng babaeng nagpasakit sa kanya kanina.
Subalit hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang babaeng si Kristen dahil napako ang paningin niya sa pamilyar na bulto ng lalaking kalalabas lamang sa silid na pinagdalhan sa kanya.
Hindi siya maaaring magkamali. Dahil kilalang-kilala niya ang lalaking naging susi para mabuksan ang inosenteng puso niya sa larangan ng pag-ibig... humigit-kumulang dalawang dekada na ang nakalipas.