Chapter 16. Painting
MATAPOS magbihis, ay tumuloy nga si Lexin sa penthouse ni Kieffer. At dahil nakatulog na rin naman siya kanina ay hindi siya kaagad na dinalaw ng antok ngayon.
Naisip niya libutin ang penthouse.
Malaki at malawak ang penthouse, aakaling pamilya ang nakatira roon. It's two-storey—scratch that—it was three. May sarili itong gym sa ikatlong palapag, and some arcade machines. Napailing siya at napangiti, sa parteng iyon kasi ng penthouse ay hindi maipagkakailang lalaki ang nakatira.
Dahil wala si Kieffer ay mas lalo siyang nainip. She didn't stroll around the first floor since she was going to occupy the guest room on that floor. Kaya bumaba siya sa ikalawa at doon ulit naglibot.
Kapansin-pansing hindi basta-basta ang mga muwebles na nasa penthouse. Even the paintings looked expensive. Namamanghang tinitigan niya ang isang de-kalidad na abstract painting, alam niyang de-kalidad dahil nabasa niya sa signature—nasa ibaba, bandang kaliwa ng painting—ang pangalan ng artist na nagpinta.
Aurelia Prietto. Ang tanyag na abstract painter. Kung hindi siya nagkakamali ay may kuya rin ito sa kaparehong larangan.
"Sunset," she read the title. It was delicately handwritten in calligraphy style.
Sa totoo lang ay hindi niya alam na paglubog ng araw iyon. Paano'y parang binudburan lang ang canvass ng iba't ibang kahel na pintura. Natawa siya at napailing. Wala talaga siyang kinabukasan sa art.
Pagkuwa'y nabaling ang atensyon niya sa kabilang painting. Isa iyong portrait ng babae. Natigilan siya. Bakit may painting ng babae sa penthouse ni Kieffer? Hindi lang basta babae. Napakagandang babae.
She then looked at the signature—Arc Prietto.
Hindi biro ang halaga ng obra-maestra ng magkapatid na artists, kaya nasisiguro niyang hindi rin biro ang yaman ni Kieffer. Baka wala nga sa kalingkingan nito ang mga sports car at luxury cars niya, na tanging pinagkakagastusan niya nang husto.
Kahit anong pilit niyang baling sa atensyon ay bumabalik pa rin talaga ang isipan niya sa painting. She had been staring at that portrait for a few minutes now. Pagkuwa'y nahagip ng kaniyang paningin ang isang may kalakihang picture frame. She frowned.
Dahil ginamit niya ang elevator sa pagpanhik sa ikatlong palapag kanina ay hindi pa niya nakita kung ano ang nasa ikalawa.
The second floor screamed artwork, but she stopped roaming when she saw the portrait, and now, the framed photograph.
Kieffer was smiling widely, his eyes were tantalising while the woman in the picture was smiling as well. Nakaakbay si Kieffer sa babae habang ang babae ay nakayakap sa balakang ni Kieffer.
Bumuntong-hininga siya. Imbes na magpatuloy sa pagtingin-tingin ay naisipan niyang pumasok sa isang silid. Pinihit niya ang seradura ng pinto at nakabukas naman kaya pumasok na siya. Hindi naman siguro magagalit si Kieffer kung sakali.
Isang library pala ang pinasukan niyang silid. Hindi malawak pero punung-pumo ng mga libro, at hula niya ay ibang klaseng mga libro. Even the encyclopedias looked like limited edition.
There was a table, a computer and a comfortable swivel chair, like that one in his office. May sofa set at mesita sa bandang gitna ng silid.
She then noticed the wall, there were lots of certificates that were displayed. Ang dami ring mga parangal na nakapaskil doon. Even the medals were framed, too. Tatlong frames. Nagmistulang artwork ang mga medals na pinalilibutan ng mga certificates and awards.
She was in awe as she read those one by one.
Kieffer Skyler Sy Sandoval
Napakislot siya nang may yumapos mula sa kaniyang likuran pero hindi siya nataranta nang mapagtantong si Kieffer iyon.
"Tapos ka na sa ginagawa mo?" she asked.
Yumuko ito at ipinatong nito ang baba sa kaliwang balikat niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Ang lumanay ng pagkakatanong nito.
"Uh, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong maglibot sa penthouse mo. Grabe, ang laki."
He chuckled.
"Napagod nga ako kaya humanap ako ng silid na nakabukas para umupo saglit, I hope you don't mind."
Umiling ito at bahagyang binaon ang mukha sa kaniyang leeg. Nagsitaasan ang balahibo niya nang dumampi ang mainit nitong hininga sa kaniyang balat.
"You can live here..."
"Ayan ka na naman. Nag-usap na tayo tungkol diyan, hindi ba?"
Humigpit lang ang yakap nito at bahagyang hinalikan ang kaniyang leeg. Sa simpleng ginawa nito ay kung ano-ano na ang naiisip niyang makamundong bagay.
She tried to divert her attention and stared at the certificates and awards again.
"Ang talino mo pala talaga, 'no?"
"Nah. I'm not," he idly responded.
"'Sus! Pa-humble. Heto nga't ang dami mo ring medals."
Bahagya itong nag-angat ng tingin. "Those were from my sleepless nights. I'm no genius, if that's what you're thinking of."
She pouted. Iyon nga mismo ang nasa isipan niya.
He chuckled a bit. "I was a nerd. Even the clothes I wore before were nerdy."
Napakurap-kurap siya. She suddenly pictured Kieffer in that outfit.
He inserted his hand in her blouse and his palm was now resting on her stomach, near her navel.
"Thick eyeglasses..." Para siyang hinihingal sa naisip. Kahit ano yata ang isuot ni Kieffer ay may itsura at dating pa rin ito.
"Yes."
"D-did you fuck some women w-wearing those—Ah!" Napasabunot siya sa sarili.
Nahigit naman nito ang hininga. "Kaya ba hindi ka mapakali?"
Pilit na kumalas siya sa yakap nito, at hinayaan naman siya.
"Do you want me to wear—"
"Inaantok na ako!" sansala niya sa sasabihin nito.
He chuckled while she was storming out the study room.
Napabusangot siya nang mamataang muli ang picture frame na tinitingnan kanina. Inirapan niya iyon at bumaba na, dumaan na siya sa spiral stairs.
Hindi niya namalayang medyo natagalan sa pagsunod si Kieffer sa kaniya. At nang mapansin ay mas lalo tuloy siyang napabusangot.
Siguro, iyong babae lang na iyon ang may karapatang magpunta roon.
Natigilan siya nang padabog na mahiga sa kama. At umupo rin naman siya dahil sa naisip.
"Kaya ba rito lang ako sa first floor?" Naalala niyang hinabilin kasi nito kanina na huwag siyang aalis doon. Pero dahil nga nainip siya ay nilibot na niya ang penthouse.
May posibilidad na hindi lang siya ang babaeng dinala ni Kieffer sa penthouse, at maaaring sa kaparehong silid kung nasaan siya ngayon tumuloy ang mga babae nito noon.
Nagtagis ang bagang niya at saktong pagtayo ay bumukas ang pinto, pumasok si Kieffer.
"Are you going to the bathroom?"
"I want to sleep in my room now."
Saglit itong natigilan, nabakas ang kalituhan sa mukha nito. "You are in your room."
"Sa single room na tutuluyan ko. Hindi rito."
"Why?" he asked gently. "Ayaw mo ba rito? You can occupy the one on the second floor. Or the other room here."
Sinamaan niya lamang ito ng tingin.