Unduh Aplikasi
29.78% PHOENIX SERIES / Chapter 109: Single

Bab 109: Single

Chapter 15. Single

   

   

NANG matapos kumain ay niyaya na si Lexin ni Kieffer na magpunta sa penthouse. At dahil hindi pa sila nakakapag-picture ay hindi pa siya pumayag. Pero ang totoo ay ayaw niya rin talagang pumayag gawa nga ng ayaw niya ng issue.

"I can just stay here. This suite is really big. Kahit sa sahig o sa sofa ako matulog, komportable pa rin."

"You already agreed a while ago," katwiran ni Kieffer.

Ngumuso siya.

"I'll just stay here."

"B-bakit?"

"I want to sleep beside you."

"Ano ka ba? Medyo lito lang ako kanina pero nakapagdesisyon na ako. Dito ako maglalagi sa hotel, pero hindi sa penthouse mo."

"Sa bahay ko na l—"

"No. Kahit saang bahay mo pa. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalamang nagli-live in na tayo?"

"I don't really c—"

"But I do. I care about your reputation. I don't want others to think that you're just marrying me out of duty." Ang lakas ng loob niyang magbanggit ng kasal, eh, hindi naman totoo ang nilabas na News ng Media.

"What duty?" kunot-noong tanong nito.

Shet, Lexin! Lusotan mo iyan, Bulalas niya sa isipan. Paano'y bigla niyang naalala ang mga magulang niya. She didn't want to disappoint them. Kapag kasi nagsama sila ni Kieffer sa iisang bahay ay baka sumakit ang loob ng mga ito dahil sa pabigla-bigla niyang pagdedesisyon.

At isa pa, may mas malalim siyang dahilan.

"I will sleep here." Pinal ang desisyon nito.

Ngumuso siya at kinuha ang cellphone. "'Picture tayo."

"What?" Hindi makapaniwalang bulalas nito sa biglang pagyaya niyang kumuha ng litrato.

"I want to take a photo."

"Why are you suddenly asking for a..." Natigilan ito nang makuha ang dahilan. "Is it because of our matching robe?"

Nahihiyang tumango siya.

"Damn... You are so adorable."

Nanulis ang kaniyang nguso. Mahilig kasi siyang kumuha ng pictures basta ba sa tingin niya ay importanteng mga pangyayari sa buhay niya.

"I have a Polaroid camera in my office, do you want to use that instead? Ipapakuha ko kay Ice."

Agad na nalukot ang ilong niya nang makarinig ng pangalan ng babae. "Who's that? Babae mo?"

Kinurot naman nito ang ilong niya. "She's my secretary."

Ah, oo nga pala. Naalala niyang nasa files nito ang impormasyong iyon.

"Gusto mo ba'ng gamitin ang pola?" tanong ulit nito

Tumango siya. "But let's take one on my phone first."

"Alright. Saan mo gustong pumwesto? Do you want inside the bathroom? Para 'kita ang jacuzzi?"

Nangunot ang noo niya. "Bakit sa banyo?"

"I just thought. Since we're both wearing white robe."

"Kahit dito na. Lumapit ka na lang." Pumwesto siya at itinutok ang lente ng camera ng phone sa kanila.

"Do you seriously want to take it here?" tanong nito nang makalapit sa pwesto niya.

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba?"

Hindi ito sumagot. Binaba niya ang cellphone nang hindi pinipindot ang shutter.

"Huwag na lang pala." Hindi siya nagpahalatang dismayado siya.

"Let's take some. Sa veranda."

"Huwag na nga sinabi."

"Marunong ka palang magtampo."

Sinamaan niya ito ng tingin, paano'y ang lapad ng pagkakangisi.

"Seriously, let's take it outside."

"Bakit ba kasi? Naka-pose na tayo kanina, eh."

"'Kita ang magulong kama sa background."

Napakurap-kurap siya at sinubukan ulit itutok ang camera sa kaniya. Tama nga ito, halata na may ginawa silang kamunduhan sa kama dahil sobrang gulo niyon.

"H-huwag na nga lang tayong mag-picture—"

Impit siyang napatili nang alisto nitong inagaw ang hawak niyang cellphone, at itinulak siya sa kama. Mabilis itong pumaibabaw sa kaniya, hinagkan ang kaniyang noo, at maliksing pinindot ang touch screen ng kaniyang cellphone. She only knew he took some photos because of the shutter sound.

She blinked twice when she realised what just happened. It was so sudden. Ni hindi niya namalayang naihiga siya nito sa kama o nakuha nito ang cellphone sa kaniya. Namalayan na lang niyang kumuha na ito ng litrato.

"Snatcher ka ba noon?"

"What?" Natatawang bulalas nito. Nang-angat lang ito ng tingin pero nakatukod pa rin at nanatili sa ibabaw niya. Tumayo rin agad ito at inalalayan siyang makabangon. Pero nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama.

"Ang liksi mong kumilos. Daig mo pa ang snatcher sa eskinita sa Ilang-Ilang."

"Saan?" he asked keenly.

"Hey, why did you become so serious? I was just kidding."

"Saang eskinita ka na-snatch-an? Saan ang Ilang-Ilang?"

She frowned, was a bit surprised. "How did you know?"

"You mentioned about it."

"Huh? Kailan?" Mas lalo siyang nagtaka. Hindi niya naikwento kanino man na na-snatchan siya ng cellphone at wallet sa eskinita noong isang buwan. Hinayaan na lang niya dahil hindi naman siya napahamak. At isa pa, nagmamadali siyang makauwi noon para makapaghapunan sa bahay nila. Kaya siya nandoon at dahil inutusan siya ni Mikael na maghatid ng milyong halaga ng pera na isinilid sa isang backpack. Mabuti at nagawa na niya ang utos, naihatid na ang bag sa isang warehouse doon, bago siya na-snatch-an sa eskinita.

"Ngayon-ngayon lang. Lexin, hindi mo masasabing may snatcher sa eskinita pwera na lang kung may naka-engkwentro ka."

"Ha?"

"Most people will state an example that the snatchers are on the road. Not on a particular place."

Literal na napanganga siya sa talas nitong mag-isip. "Wow... So clever," puri niya. "Magna Cum Laude ka nga."

"Lexin, hindi ako nakikipagbiruan. Saan ang Ilang-Ilang?"

"Tantanan na nga natin ang Ilang-Ilang na iyan at naiilang na ako."

She needed to divert his attention or else, he would probe more. Baka maikanta niya pa rito ang mga maruruming trabahong ginagawa niya. Nakapagdesisyon na siyang mananatili siya bilang Dra. Lexin Osmeña sa paningin ni Kieffer Skyler Sandoval.

Nanatili namang tahimik ang lalaki. Kaya hinila niya ito at nagpatihulog sila sa kama.

"Why were you there?"

"I wasn't," she lied. "I think I just read that somewhere online."

Saglit itong natigian, pagkuwa't marahang tumango at iginamiya siya para tumayo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mukhang nagpipigil itong magpaakit.

"I'll sleep in your penthouse."

Doon tuluyang nabaling ang atensyon nito.

"Pero ngayong gabi lang, ah?"

Ngumuso ito pero pumayag din.

"Bukas ay lilipat ako ng mas murang suite. Ang laki masyado nitong b-in-ook ni Nikolaj para sa akin."

Nangunot ang noo nito. "Who's that fucker?"

"Hey! Huwag mong murahin ang kaibigan ko. Ako lang dapat ang nagmumura sa kaniya," biro pa niya.

"You were the one who booked this suite. I checked it on the records yesterday."

Umiling siya. "It was my best friend. Ipinangalan lang niya sa akin kasi ako naman daw ang gagamit ng suite."

Nagtagis ang bagang nito. "Lilipat ka. Pero sa Royal Suite ka—"

"Bakit?" agap niya sa sasabihin nito. "I want an ordinary room. Just a single one. Magtatagal ako rito, Kieffer. Ayokong ubusin ang pera ko sa—"

"You won't pay. It's my hotel."

"Malugi ka naman, ay!"

"Eh, 'di sa penthouse ka na lang."

Mautak!

"Single Room," giit niya.

"No."

"Single, Kieffer."

Hindi ito sumagot. Naghubad lang at kinuha ang malinis nitong damit na nasa couch. Komportable rin itong nagbihis sa harap niya. Hula niya'y pinahatid na rin nito ang mga damit na iyon sa room service o sekretarya nito kanina.

"I'll just stay on a different hotel."

"Alright," sumusukong anito. "Single Room, then."


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C109
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk