Unduh Aplikasi
9.01% PHOENIX SERIES / Chapter 33: Pagpupulong

Bab 33: Pagpupulong

Chapter 30. Pagpupulong

     

     

NAPAG-ALAMAN nina Vince na ang mga kriminal na siyang bumangga sa sinasakyan ni Jasel noon ay nagtatrabaho rin sa Casa Manarang.

"How could that be fucking connected with these missions?"

"You weren't supposed to know them. You weren't supposed to go on missions. You should be working at the hospital and staying out of the agency's works," pagpapaalala ni Stone sa kanya.

Nagtangis ang bagang niya dahil totoo ang sinabi nito. If that didn't happen to Jasel, he would never join the agency. He'd just stay as the co-founder of the Security Agency, not an agent at its Private Intelligence Agency. Hanggang doon lang. Pero simula noong gabing mahanap nila ang si Jasel, at walang buhay, ay hindi na siya tumigil sa pag-iisip kung paano matutugis ang mga kriminal.

"The sole reason why you joined the agency was because you wanted to find out those criminals. Ngayong nahanap mo na't patay na, hindi ka pa rin tumigil." Nanatili lang itong nakatayo sa tapat nila. Nasa pabilog silang mesa at nasa loob ng conference room. Katabi niya sa kaliwang banda si Kieffer, habang si Jave ay nasa kabilang banda. Stone was in the center seat. Kahit na may mga hinihintay pa sila pero nagsimula na sila, at kanina pa nila pinag-uusapan ang mga nakalap na impormasyon.

"What're you going to say? That I should step out of these missions and get my ass back in the hospital?"

"Hindi ba ganoon dapat ang ginagawa mo? Bakit ka nga ba nag-aral para maging neurosurgeon?"

"I will never stop until I catch those animals." Madilim na hayag niya.

"Leave everything to us and bring your life back. Do you think Jasel would want you to neglect your patien—"

Tumayo siya sa kinauupuan at sinuntok ang kanyang pinsan. Walang umawat sa kanila.

Bumalik na kasi siya sa ospital ilang linggo na ang nakalipas, dahil kinailangan sa misyon. Hindi nga sila nagkamali dahil noong nakaraan ay dinala ni Jave at ng partner nito sa ospital ang isang babaeng tinrabaho ng mga nito sa club, pinainom ng malakas na pampatulog ang babae para makuha ang mga ebidensyang kakailanganin sa misyon. Pinalabas na masakit daw ang ulo at hinimatay kaya itinakbo sa ospital. Since he was a neurosurgeon, he's the one who checked on her. Hindi nilagay sa record nito na pinainom ito ng pampatulog at sinabing inatake lang ito ng migraine at dala ng pagod kaya hinimatay.

Labag sa batas ang ginawa niyang pando-doktor o pamemeke sa record ng pasyente. But he did not fucking care anymore. Eversince he joined the company, he had been doing dirty and illegal works to catch the bad guys. They may not be the police but that was the purpose why his cousin built up Phoenix—Stone wanted to do the work and at the same time, wouldn't be under the government jurisdiction.

"You should listen to me. You aren't working on your missions, Vince. You are killing yourself. Sino'ng tanga ang lulusob sa kuta ng kalaban nang walang dalang kahit na ano'ng armas? Sigurado ka bang papatay ka o ikaw ang mapapatay?"

Iyon ang hindi lang niya magawa—ang pumatay dahil na rin nangingibabaw pa rin ang pagiging surgeon niya.

Sinuntok niya ulit ito para matigil sa pagsasalita. Sa sobrang lakas ay halos tumabingi ang pisngi ni Stone at dumura ng dugo. His cousin just wiped the blood using the back of his hand.

"Gago!" Gumanti ito at mas malakas ang suntok na iginawad sa kanya. Hinayaan niyang pagsusuntukin siya nito at hindi lumaban. Nawalan siya ng balanse at napahiga na sa mesa, nahulog na ang laptop nito, at patuloy pa rin sa panununtok sa kanya.

"Fucking stop it!" si Jave ang umawat. Nasuntok pa ito ni Stone.

"Damn it! Bitiwan mo ako! I'll fucking kill this shithead before he kills himself!" sigaw ni Stone.

"You're only doing what he wants you to do!" sigaw naman ni Jave dito. Doon natauhan ang pinsan niya at inayos manggas ng suot na damit.

"Jave is right," si Kieffer.

Siya nama'y tumayo at isinandal ang pang-upo sa conference table, bahagyang nakaupo.

"He's provoking you so you would hurt him," komento naman ni Kieffer na nakaupo pa rin sa puwesto nito.

Nagmura si Stone at humugot ng malalim na hininga. "Let's get back to the meeting."

Sakto namang dumating ang iba pa'ng mga kasamahan nila.

"What happened?"

Pero nabaling din ang atensyon ng lahat sa projector screen nang pinaupo na ni Stone ang mga ito at nagpatuloy na sila sa pagpupulong, hindi alintana kung putok ang gilid ng labi niya't namamaga ang ibang bahagi ng kanyang mukha.

"Paanong nadawit si Jasel sa kanila?" Sumabad siya sa kahit malayo sa usapan ang itatanong niya.

Kieffer just sighed. "Tell him already."

"No, we'll focus on our agendas first. Mamayang gabi na tayo kikilos, sina Arc ay papunta na sa Casa." Marami pa silang napag-usapan tungkol sa mga gagawin. "Jave, focus on The Eve Club. And you—" bumaling ito sa kanya. "—focus on Liberi Orphanarium. Dapat mamayang gabi ay tapos na ang lahat ng ito."

"Then I should go back to Casa Manarang. Nasabi sa aking may ihahain silang babae, pasalamat daw nila dahil nag-invest ako sa Casa," paalam ni Kieffer.

Tango lang ang isinagot ni Stone. Tumayo na rin ang mga huling dumating, ang mga ito kasi ang mga magiging backup sa Casa. Kaya sumunod na rin ang mga ito kay Kieffer, pero magkakahiwalay ang mga itong tutungo sa Casa.

"You should go back to Liberi as well, Vince. Pretend that you're courting Ella Olivos. Make sure she won't leave your side throughout the operation."

"And the children, make sure they are safe," dagdag ni Jave.

Pabalandrang bumukas ang pinto ng conference room. Napansin niyang natigilan si Jave.

"May meeting pala, bakit hindi mo ako sinama?!" galit na bulalas ng bagong dating kay Jave.

"I... I just thought it's not needed." Napansin niyang napalunok si Jave at tila natuod ito sa kinauupuan.

"Why? Are you doubting my skills, Jave? I've been an agent even before you knew how to fucking kill!"

Napailing lamang si Stone at tumayo na. "Tell her everything that we talked about," utos nito kay Jave at lumabas na ng conference room.

Siya nama'y nanatiling nakaupo at nakangisi, pinapanood kung paano pagsabihan si Jave, para itong batang nasesermon dahil nahuling nangungupit ng barya sa duster ng nanay.

"Nginingisi-ngisi mo riyan?" Naiinis na baling sa kanya ni Jave. "Go to the clinic and fucking put ointments on your—"

"I'm still talking here!"

Iniwan niyang tiklop ang lalaki habang patuloy sa paglilitanya ang pamilyar na babae. 


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C33
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk