Unduh Aplikasi
1.63% PHOENIX SERIES / Chapter 6: Mansiyon

Bab 6: Mansiyon

Chapter 3. Mansiyon

"THESE are your favorites, right?"

Jasel smiled after Vince asked her. That's when she saw her favorite foods served on the rectangular eight-seaterdining table. Bukod sa adobong manok at sushi ay may mga ubas doon at graham cake.

"Kumain na tayo. Pinahanda ko talaga ang mga iyan dahil nasabi ni Stone sa akin na rito kayo gagawa ng project."

"So, bahay n'yo talaga ito?"

Tumango ito. Namangha siya. Hindi nga niya alam kung bahay pa bang matatawag ang mala-mansiyong tahanang iyon. There were also lots of modern and extravagant things that she didnot want to touch any. Pakiramdam niya ay mas mahal pa iyon kaysa sa kanya. Napailing siya sa naisip. Walang katumbas na presyo ang buhay ng isang tao kahit pabiro pa nga iyon.

Bumalik siya sa usapan matapos ng ilang sandaling pagmamasid sa loob ng bahay. "Pero bakit sabi ni Stone, sa kanila kami gagawa ng project?"

Saglit itong tumahimik bago umaming, "I honestly asked him if could he do something to get you closer with me."

"Huh?" Nagulat siya sa isiniwalat nito. "But we are close though."

"I mean, so we could meet." He just sighed. "Naging abala tayo sa pag-aaral nitong nakaraan. We don't often the see each other anymore."

That was true. Dahil naging mas abala ang huli sa ospital habang siya'y sa pag-aaral. "You could've just asked me, you know. I won't say no to you."

"I thought that you're so occupied since I'm seeing Stone to be very busy."

Hindi na niya napigilan ang mangiti nang umupo sa hapag. Tumatak kasi sa isip niya na gumawa ito ng paraan upang magkita sila nang hindi siya naaabala.

Ito nama'y umupo na rin sa katabiniyang upuan at sinabing, "Gusto kita, Jasel."

Napakislot siya at bumaling dito. "Ito naman! Pabigla-bigla."

"I thought I made myself clear. But I realized it won't be if I don't say it aloud. Ayaw nang wala tayong label, Jase. I want you to be mine alone."

Napangisi siya at kumuha ng sushi gamit ang chopsticks na nasa hapag. Pagkuwa'y isinubo iyon sa lalaki.

"Kumain ka na nga. Mukhang nagugutom ka na," she joked.

Kumuha ulit siya ng sushi at ngayo'y isinubo niya iyon. Parehas silang ngumunguya nang mag-angat siya ng tingin at salubungin ang mga titig nito. Pero hindi ito sa kanya nakatitig kundi sa kamay niya, partikular na sa chopsticks na ginamit nila.

Is he thinking about our indirect kiss? Sa isip niya. How adorable for him to notice even that smallest detail!

Lumapad ang ngisi niya nang malunok ang nginunguya at kumuha ulit ng isa pang pirasong sushi.

"Ah..."Iminuwestra niya na ibuka nito ang bibig dahil susubuan niya ulit ito gamit ang chopsticks niya.

Mabilis naman itong tumalima. Habang ngumunguya ay hindi na nito inalis ang paningin sa kanyang mukha. She flashed her most beautiful and sweet smile at him.

"Alam mo naman siguro na gusto rin kita."

Nasamid ito. Tumatawang inabutan niya ito ng isang basong tubig habang hinahagod ang likuran.

"I'm sorry," labas sa ilong na paumanhin niya. Hindi niya napigilang matawa dahil halata na ninenerbiyos ito. Dinaig pa nito ang kabang nadama niya.

"I know, I can feel it," sagot nito nang makahuma.

"Alam mo naman pala, bakit ka pa nagulat?" ngingiti-ngiting tanong niya. "Kaya pala ang lakas ng loob mong umamin ngayon, ha?"

"I just... Damn, don't smile at me that way."

"Why?" Ngumisi siya.

"My heart is fluttering."

Tinapik niya ang braso nito. "Ang cheesy mo naman pala!"

He nervously smiled. "Why am I chickening out?"

"Huh?"

"Ang cute mo."

"Out of the blue?"

He chuckled and he slowly relaxed.

Nagpatuloysiya. "Bakit ngayon ka pa lang umamin kung matagal mo na akong gusto?"

"Masyado ka pang bata noon. Baka kasi crush mo lang pala ako, 'tapos, kung umamin ako, baka mawala iyaong katiting mong paghanga sa 'kin."

"Whoa... You already got to know me, huh?" May ugali kasi siyang ganoon. Magkaka-crush, at kung umamin na may gusto rin sa kaniya ang crush niya, nawawalang bigla iyong parang kiliti? Iyong kilig niya sa alam niyanh crush na crush niya. Then, she added, "Paano mo naman nasabing katiting lang ang paghanga ko sa iyo?"

"You had a crush with other guys while you're crushing on me."

She guiltily bit her lower and smiled. "Well, maraming gwapo sa campus."

He groaned to protest.

"Pero ikaw lang iyong totoong gusto ko. As in, gusto ko talaga."

"I know now."

"Ibang klase ang confidence level natin ngayon, ah?"

Napangisi ang huli. Pagkuwa'y naging maayos na ang pagkukwentuhan nila sa mga bagay-bagay.And that was the start of their beautiful relationship.

WEEKS after the courtship, Jasel said yes and became Vince girlfriend. Finally, she could officially name what's going on between the two of them.

Gayunmapa'y hindi pa rin ito tumigil sa panliligaw at kahit naging sila na ay patuloy pa rin ito. Kaya nama'y feel na feel niyang kayhaba ng kanyang hair! Sabagay, hindi naman natitigil ang ligawan kapag sinagot na ng babae ang lalaking nanliligaw, eh.

Nang Christmas break ay napagpasyahang nilang magkita-kitang magkakaibigan bago umuwi ang mga ito sa kani-kanilang mga tirahan. They went toDela Costa's Mansion and decided to stay there the whole day, instead of eating out just as what they originally planned.

Kinalabit niya si Vince nang mapansing lapit nang lapit si Bobby sa bisitang babae ni Jave. Kahit pala wala na siyang komunikasyon kay Bobby ay naco-contact pa rin ito ng mga kaibigan niya.

"Hindi ba nakararamdam iyang si Bobby?" naiiritang tanong niya kay Stone na katabi niya sa upuan. Si Vince nama'y bahagyang pinisil ang palad niya. Napagigitnaan kasi siya ng magpinsan sa mahabang sofa, ang katabi ni Stone ay si Bobny.

"Puwede kong makuha ang number mo?" tanong pa ni Bobby nang dumaan ulit iyong babaeng halos ka-edad niya.

"Bobby," awat niya.

"Ano?!"Inis na bumaling ito sa kaniya.

"Tigilan mo nga iyan. Nakakahiya."

"Bakit naman nakakahiya?"

Saktong bumalik na si Jave galing sa kusina at inakbayan nito ang babaeng gustong kuhanin ng contact number ni Bobby.

Napawi ang ngiti nito nang makuha ang ibig ipakahulugan ng akbay na iyon.

She already knew who that girl was. Bukambibig kaya ni Jave noon pero iyon ang opisyal na ipinakilalang kaibigan nila ang girlfriend nito sa kanila.

"Why are you still frowning?"masuyong bulong ni Vince sa kaniya.

Mas lumapit siya rito, dahilan upang bahagyang madikit ang kaniyang bibig sa tainga nito, saka bumulong ng, "Naiirita ako kay Bobby."

"Shh... Kumalma ka nga muna, masisira ang mood mo hanggang mamaya, sige ka."

"Hoy, respeto naman sa mga single!" kastigo ni Stone.

Doon siya natauhan at lumayo nanh bahagya kay Vince.

Napalingon naman sa sa gilid,kung saan nakaupo siSinned, na malapad na nakangisi sa kanila.

"May ibinulong lang naman ako!" depensa niya.

"Sa korte ka magpaliwanag." She rolled her eyeballs towards the future lawyer's joke.

Pero namula rin naman siya kaagad nang magkantiyawan ang mga ito.

"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako," iwas niya sa usapan.

"Hindi mo kami matatakasan. Ga-graduate muna tayo bago n'yo kami bigyan ng inaanak, ah!" si Sinned na nakangisi rin.

"Grabeng utak naman iyan! Bata pa ako, 'no!"

"Pero itong si Vince, marunong nang gumawa ng bata," si Stone iyon.

"Kung hindi pa kayo ready, may condom naman ako. Malaki ang siz—"

"Mga bwisit talaga kayo!" putol niya sa sasabihin pa sana ni Jave. Kung hindi lang siya sanay, malamang na kanina pa siya lumubog sa upuan. Because she was really close with the guys, they sometimes treated her as one of the boys, too. And she never minded it. Komportable rin siya sa ganoong usapan. Ang mga ito pa nga 'ata ang halos bumuklat sa isipan niya tungkol sa bagay na ganoon dahil kung magkwentuhan ang mga ito, walang filter kung magsalita kahit kasama siya.

Ginagap ni Vince ang kaliwang palad niya't bahagya ulit iyong pinisil para pakalmahin siya. Ngumuso lang siya at napadako ang tingin sa magkahawak nilang kamay.

"Damn, my cousin is really whipped by our Jasel's charm."

"Ano'ng our?" kunwaring kastigo ni Vince.

Nagtawanan lang sila.

May isang lalaking dumating at ipinakilala iyon ni Jave sa kanila. Nakatatandang pinsan pala nito iyon, at ang pamilya pala ng gwapong pinsan nito ang may-ari sa mansiyon kung saan nakikitira si Jave. Tubong-Davao kasi ang kaibigan nila at nag-transfer lang sa Maynila upang mag-aral ng kolehiyo.

"Nagseselos na ako," bulong ni Vince nang mapansing matagal siyang nakatitig sa bagong dating. He sounded as if he was joking but she felt he was serious as well.

"Ha?"

"Kanina ka pa nakatingin sa pinsan ni Jave."

"Gwapo kasi." Lumingon siya rito at halatang sumimangot na ito. "Huwag kang magselos. I'm just in awe kasi hindi siya katulad ni Jave na magandang lalaki."

He groaned. Nabaling na naman tuloy sa kanila ang atensiyon ng luko-luko nilang mga kaibigan.

"Lalanggamin na tayo rito," si Bobby iyon.

"Mamaya naman, iyan!" si Stone ulit.

"Tumigil nga kayo! Kumain na tayo," singhal niya.

Pero hindi sila pa kumain at nabaling ang atensiyon nila kay Jave at sa girlfriend nitong kanina pa nangingiti at natatawa sa usapan nilang magkakaibigan.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C6
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk