Chapter 23. Asset
KINAKABAHAN nang husto si Nicolea habang tinatahak nila ang daan pauwi ng Villa Punzalan. Parang hinahalukay ang sikmura niya sa sobrang kaba at gusto niyang isipin na dahil iyon sa dadalhin niya si Hugh sa kanilang tahanan. But she knew better why she was feeling that way.
She saw Jave.
Technically, they saw each other, but not in person. Yet she could not deny that he looked so strikingly drop dead gorgeous wearing his uniform. To think that she only saw him on a cellphone screen, what more if she saw him flesh to flesh?
"Leigh, are you sure you're alright?" pukaw ni Hugh sa atensyon niya. Since he didn't have a car, he rode hers. Ito na rin ang nagmaneho habang ang mga magulang niya'y nasa kabilang sasakyan. Si Karding ang nagmaneho sa sasakyan ng mga ito.
"I am. I'm just thinking what should we tell my parents."
"But I don't think you're too preoccupied just because of that."
She kept a straight face. "What do you mean?"
Humagalpak ito ng tawa. Ilang sandali pa ay nag-park ito sa gilid ng kalsada.
"Bakit ka tumatawa?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Babae ka naman pala."
"Gago! Ano'ng akala mo sa akin? Tomboy?"
"Well, you are one of the boys. And you don't bed your missions. Naisip ko lang naman na baka pusong maton ka kaya ayaw mo sa mga lalak—"
Naiiritang hinila niya ang kwelyo nito at siniil ng halik. Mabilis lang iyon pero malalim.
"Wow... I didn't know you're a good kisser."
"Shut up, Hugh! Now, drive."
Inayos niya ang upo at ang seat belt.
"Why aren't you driving?"
"That man from the restaurant was following us."
"Huh?"
"Iyong katabi ko."
"Si Kuya Rexton?"
Akmang lilingon siya sa likuran nang higitin siya ni Hugh at halikan muli, pero mababaw lang iyon at hindi naman ito gumagalaw para lumalim ang halik.
Siya na ang humiwalay. "You just wanted to kiss me!"
Hindi ito sumagot at pasimple itong tumingin sa likuran. Ilang saglit pa ay may humarurot na motorbike at sabay nilang sinundan iyon ng tingin.
"There he is." Tama nga ito dahil nakita nilang umangkas ito kanina sa kaparehong dumaan na motorbike.
Nagtaka siya. "Bakit naman niya tayo susundan? Nagkataon lang iyon, baka may lakad lang at dito rin ang daan."
"Nasaan na ang matinik na Nicolea?"
She just rolled her eyes.
Sa huli ay lumarga na sila't ang kwentong gagamitin na lang nila ay ang ginamit nila noong huling misyon nila sa Indianapolis, kung saan nagpanggap silang magkasintahan.
"Should we say you're pregnant?"
"Oo, para wala nang maraming tanong." Nakokonsensya siya dahil sa sariling pamilya niya iyong gagawin, pero kailangan. Ayaw niya ring bitawan ang misyon, hindi dahil sa mamahaling motorbike, kahit na anong bagay o pera, kundi dahil gusto niyang linisin ang pangalan ng mga dela Costa sa files nila.
"YOU should've gotten married first before you got pregnant, Nicolea," seryoso ang tinig na pagkakasabi kina Nicolea at Hugh ng ama niya iyon nang makarating na sila sa Villa. Sa sala sila nag-usap.
"I'm sorry, 'Pa, pero nandito na po, eh." Ano ba namang katwiran iyan?
"Sir, hindi ko po pababayaan ang anak ninyo. Pananagutan ko po siya."
"Kung pananagutan mo siya dahil lang sa buntis siya, makakaalis ka na sa pamamahay ko."
Humawak ang mama niya sa braso ng kanyang Papa na parang pinakakalma ito.
"Mahal na mahal ko po si Leigh kaya ko siya pakakasalan."
Magaling umakto ang mokong. May pa-holding hands holding hands pa itong nalalaman.
Sa ganoong paraan ay alam niyang lumambot na ang puso ng ama niya.
"Sige na, pumanhik na kayo sa kwarto nang makapagpahinga na," sabad ng kanyang Mama.
"Huwag na kayong humanap ng matitirhan. Dito kayo sa Villa," ang kanyang Papa.
Kunwaring pumayag na lang din sila kahit na ang totoo ay iyon naman talaga ang naunang plano.
"You can sleep in my daughter's room."
Her eyes widened but she immediately composed herself. Bakit ba hindi niya naisip iyon?
"Sa guest room na lang siya, 'Pa."
"Bakit pa kayo maghihiwalay ng kwarto kung mag-aasawa rin kayo kalaunan?"
Napalunok siya. Paano ba niya lulusutan ito?
"Sige na, Nikki. Naiintindihan naman namin. Pwede kayong magsama sa kwarto mo. You can both live here if you want to."
"Pero—"
"Bakit?" Isang tanong. Isang salita. Pero hindi niya masagot.
"Sir," pukaw ni Hugh sa atensyon ng kanyang ama. "Leigh doesn't want to sleep with me for weeks now. It's because of her mood swings. Kahit sa America ay hindi kami magkatabi sa pagtulog pwera na lang kung siya ang lalapit. Nire-respeto ko po siya at ayaw kong makasama sa pagbubuntis niya kaya pinagbibigyan ko po ang kagustuhan niya."
Napatangu-tango ang kanyang Mama.
"Naiintindihan ko. Sige na, pumanhik na kayo."
"What do you mean in America? Are you two living together?"
Maraming salamat sa kanyang ina dahil sa pagsuway muli nito sa ama niya kaya nalusutan nila ni Hugh ang pagtatanong pa sa kanila.
"Dada ka kasi nang dada, muntikan pa tayong mabuko!"
"Just be thankful I came up with an idea so we won't end up sleeping in one bedroom."
"Thank you," puno ng sarkasmo ang tinig niya.
"Your family has a nice place."
Ngumisi siya ng nagmamalaki. "Dito ang kwarto mo. Doon sa kabila ang akin."
Tumangi ito. "I want to take a rest. Maaga pa tayo bukas."
"Tayo? Ikaw lang."
He only chuckled. "Goodnight!"
Sa ilang araw na pagmamanman nila sa dela Costa Mall ay mas dumami ang ebidensya nila kung saan may mga nagaganap na ilegal na transaksyon doon. Ikalimang araw na nang magpasya si Hugh na magpanggap na kliyente.
Nakuha na nila ang modus operandi ng mga ito. Ang ilang mga maintenence na may maliit na blackened square tattoo sa kaliwang pulso ay silang mga namumulot ng mga natatapong mga basura. Sa ngayo'y hindi pa nila alam kung ano'ng mha basura ba iyon.
Nalaman din nilang ang ilang gwardiya, pwera sa main gate, ay mga kasabwat. Dahil napag-alaman nilang nakakalusot sa mga pasukan ang mga may dalang patalim o maaaring pinagbabawal na gamot.
Hindi pa sila sigurado kaya bukas-makalawa ay ti-tyempo si Hugh para maging asset nila. Nagtawag na rin sila ng backup kung saan magmamanman din muna ang mga ito bukas at sa makalawa ay mag-s-standby para sa malawakang operasyon.
Sa gabi, tuwing nagsasara ang mall, ay 'tsaka nagaganap ang mga ilegal na transaksyon. Kaya sa susunod na gabi ay kailangan nilang maging handa sa pagtugis sa mga ito.