Unduh Aplikasi
19.12% PHOENIX SERIES / Chapter 70: Mall

Bab 70: Mall

Chapter 20. Mall

    

     

HALOS isang linggo rin ang itinagal ni Nicolea sa Germany at p-in-ull out siya sa misyon dahil ipinasa na iyon sa iba. She was given another mission and she must go back to America to fulfill that. Tinugis nila ang nakatakas na miyembro ng sindikatong nahuli nila noong nakaraang misyon. Dalawang linggo rin ang ginugol nila para matapos iyon.

Sawakas ay nakauwi na rin siya. Pero ang flight niya ay pa-Maynila, kaya minabuti na niyang magpahinga ng isa o dalawang araw bago umuwi ng Davao.

Wala sa sariling nagmaneho siya't namalayan na lang niya ang tinatahak niya anh daan papunta sa mansiyon ng mga dela Costa. Mabilis na nag-U-turn siya at nag-park saglit para pakalmahin ang sarili.

"Saan ba tayo nagkamali?" tanong niya ulit sa sarili habang nilalaru-laro ang singsing na binigay sa kanya ni Jave noon.

Sa huli ay napagpasyahan niyang mag-book na ng ticket para makauwi na sa kanila. Sosorprehasin na lang niya ang mga magulang sa pag-uwi niya. She just hoped they weren't busy as they always had been.

Madaling araw ang nakuha niyang flight kaya nagmaneho siya pabalik ng hotel para kunin ang maleta at makapag-check out na rin.

Mag-a-alas quatro nang makarating siya ng Davao. Tatawagan niya sana si Karding na driver nila pero naisip niyang masyado pang maaga kaya nag-taxi na lang siya, kasehodang mahal ang binayaran niya dahil malayo ang airport sa Villa.

Tama ang hinala niyang natutulog pa halos ang mga tao sa villa dahil nang makarating siya ay ang mayordoma pa lamang ang gising at ang bagong kasambahay.

"Ay, susmaryosep kang bata ka! Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka?"

Bahagya siyang natawa. Paano naman kasi'y bigla na lang siyang pumasok, at dahil na rin siguro sa nasanay siyang huwag gumawa ng ingay sa tuwing papasok sa mga bahay o establisimyento, ay na-apply niya rin iyon sa pang-araw-araw na buhay.

"Kumain ka na ba? Aba'y mukhang pagod ka sa biyahe!"

"I miss you, too, Manang." Nagmano rin siya sa nakatatanda. "Magpapahinga lang po ako."

Dumiretso siya sa kanyang silid, at agad na ibinagsak ang sarili sa malambot niyang kama. Hindi na nag-abalang magbihis o magtanggal man lang ng sapatos.

Ilang sandali pa ay maririnig na ang mahihinang hilik niya. Iyon na yata ang isa sa mga bilang na pagkakataon kung saan mahimbing siyang nakatulog.

She felt serene in their home.

Kinabukasan ay nagising siya nang maramdamang may marahang nagtatanggal ng suot niyang sapatos. Muntik na niyang magamitan ng self defense ang kung sino mang iyon, at natigil sa ere ang mga kamay niya nang mapagtantong ang kanyang ina iyon.

"Mama! Tinakot mo naman ako. Akala ko kung sino na," kunwaring reklamo niya.

Malakas na tinampal ng kanyang mama ang balikat niya nang makahuma ito. Mukhang nagulat ito sa biglaang pagkilos niya.

Nag-peace sign siya at agad na bumangon para yakapin ang huli, nakaupo na ito sa gilid ng kama.

"Why didn't you tell us you're going home?"

"Because I don't want a party?" Dinaan niya sa biro pero totoo iyon.

The last time she said she's going home, they threw a party for her and people thought she's getting married. Kung minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang inang si Leandra, may edad na pero party is life pa rin. Kaunting kibot, gusto, may selebrasyon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap dito.

"Because we didn't celebrate your debut before. Dapat ay nag-party na tayo noon, eh. I didn't see you in elegant gowns."

"'Ma naman, babalik na naman ba tayo riyan?"

She pouted like a teenage girl.

"Nagugutom na ako."

"You should take a shower first. Mukha ka nang bruha."

"Magpapagupit na lang ako para hindi nagkakandabuhul-buhol ang buhok ko kada umaga."

"Suklay ang kailangan mo, anak. Hindi haircut."

"Ah, basta, uso naman iyong maiiksing buhok ngayon."

"Can you hug me again, Nikki?"

She sighed and hugged her mom. Alam niyang naiiyak na ito kanina pa't pinipilit lang na pagaanin ang usapan. Hindi nga siya nagkamali nang maramdaman niyang gumaralgal ang balikat nito habang nakayakap siya.

"I miss you, too, 'Ma. Why do you always cry whenever I go home?"

"It's because I miss you everyday. Gusto kitang pigilan sa tuwing umaalis ka't naglalagalag. Tinalo mo na yata si Dora sa dami nang pinuntahan mo."

She chuckled a bit. "Bakit naman kay Dora mo pa ako kinumpara? Pwede namang kay Boots?" biro niya. She was pertaining to Dora's pet monkey, Boots, on the cartoons.

"Hindi ka pwedeng maging unggoy, anak," pakikisakay nito.

"Bakit naman?" Bajagya siyang lumayo para matingnan ang mukha ng kanyang mama.

"Kung unggoy ka, at ako ang mama mo, parang sinabi mo na ring unggoy ako?"

"What kind of logic is that?" Natawa siya.

"Enough of this. Mag-shower ka na't ipagtitimpla kita ng paborito mong batirol."

"Sige po!"

Her mom went out and she took a shower quickly.

Nang makababa ay agad na humalik siya sa pisngi ng kanyang Papa na nakaupo na sa pwesto nito sa hapag-kainan. Naghuhugas siya ng kamay nang magsalita ito.

"I will go home early tonight. Let's eat dinner outside."

Nagpunas siya ng kamay at umupo na sa kanyang pwesto. "Nasaan po sina Manang?" she asked.

"Bakit?" her dad.

"Sabay-sabay na po tayong kumain."

Hindi na siya maselan sa pagkain. One more thing was that she missed eating with her family, and she treated them as parts of their family as well. Si Manang ay matandang dalaga at naging Yaya niya mula pagkabata. May choice itong hindi sumama sa Davao noon pero sumama pa rin at piniling mamuhay kasama sila.

Naging maingay ang hapag-kainan dahil sa kwentuhan nila. Kinwentuhan niya ang mga ito tungkol sa mga lugar na napuntahan niya, pwera sa mga misyon na ginawa niya. Until now, her job remained a secret to her family. She didn't want to compromise their safety if she'd blow her identity to them.

Matapos ng agahan ay nakatanggap siya ng tawag muna sa boss niya. Gusto nitong magpunta siya sa branch ng AIA sa Davao dahil may kailangan siyang gawin. At dahil nagkataong nandoon din siya, ay siya na muna ang inatasan sa misyong iyon habang hindi pa nakakarating ang totoong hahawak niyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung aling mall ang kailangan nilang manmanan dahil nagkakaroon daw ng anomalya.

"Sigurado ba kayong ang dela Costa Mall ang target natin?" kunot-noong tanong niya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C70
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk