Unduh Aplikasi
16.39% PHOENIX SERIES / Chapter 60: Pregnant

Bab 60: Pregnant

Chapter 10. Pregnant

       

        

THAT Christmas break, Nicolea had to go to Manila to send condolences to Yvonne. Namaalam na sa mundo ang lola ng kanyang kaibigan. Matapos umuwi ng mga Esguerra ay inayos ng mga magulang niya ang ilang kailangang ayusin para makapag-leave sa trabaho at bumili ng flight tickets pa-Maynila.

Nalungkot siya nang makitang tulala lamang si Yvonne at ayon kay Tita Ara ay hindi pa raw ito kumakain ng maayos. Hindi rin daw nakitang umiyak ang kanyang kaibigan. That's why she immediately attended to her and let her friend cried on her shoulders. Naiyak din siya nang parang bata itong nagsumbong tungkol sa sakit na nadama.

Hindi niya iniwan si Yvonne hanggang sa maihatid na nila sa huling sandali ang mga labí ng mamayapa nitong lola.

Kahit ayaw pa niyang bumalik ng Davao ay kinailangan na niya dahil na rin sa may klase na ulit sa mga susunod na araw.

Hindi rin sila gaanong nagkausap ni Jave dahil mas nag-focus siya sa nagdadalamhating kaibigan. Naintindahan naman iyon ng binata.

Pasukan na sa eskwelahan nang magkita ulit sila ng nobyo. Lunch break ay niyaya siya nito. Niyakap niya ito ng mahigpit nang magpunta sila sa hindi mataong parte ng silid-aklatan. Pagkatapos ay niyaya niya itong maupo muna.

"Naging busy ako."

"I know. I understand."

"Yvonne needed a friend..."

Muntik na siyang maiyak nang maalala ulit ang malungkot na itsura ng kanyang kaibigan.

"Babawi ako sa iyo."

"It's fine. Really."

She pouted. "You are so understanding, Jave. You are kind, and selfless. I wonder what did I do to deserve you."

Ngumiti ito ng bahagya. "It's because I deserve you, too."

Nasa tapat na upuan niya ito at may mesang nasa pagitan nila. He leaned and held her hands, intertwined their fingers, as they heard a camera shutter sound.

Mabilis niyang binawi ang kamay kay Jave at sabay silang lumingon sa ka-eskwelang may hawak na camera.

"You, two, will be featured on our Valentine magazine. Ang sweet ninyo! Nililigawan ka ba?"

"Kayo na ba?" tanong naman ng isa.

Nagpakiramdaman sila ni Jave, alam niyang hindi ito magsasabi dahil sinabi niyang gusto niyang maging patago ang relasyon nila.

"Oo, kami na." Ginagap niya ulit ang kamay ni Jave at ngumiti sa dalawang ka-eskwela.

The gay squealed a bit and they got attention. Lumapit tuloy ng bahagya ang mga ibang nasa library para maki-usyoso.

"Can we interview you?"

"Para sa article lang for upcoming Valentine's!"

She politely declined. "We want to keep our relationship lowkey."

Tumikhim si Jave at tumayo. His ears were now reddish.

"Excuse us," anito at inalalayan siyang tumayo. Kinuha rin nito ang mga libro at dumiretso sila sa librarian.

Nanunuksong tiningnan sila ng working student na nakatoka dahil wala ang librarian.

"Kung nandito si Ms. Miller, nasita na kayo. Ang ingay kanina! Pasalamat kayo at break time niya," sambit pa nito.

Naiilang na ngumiti siya.

Natapos na sa pag-fill out si Jave sa library card at lumabas na sila.

"Sa bahay n'yo na lang tayo mag-aral ng mga nito mamaya," bulalas nito.

Tumango siya at hinuli ang kamay nito.

He stopped for a while and glanced at their intertwined hands.

"Ipakikilala na rin kita kay Mama. Sasabihin kong boyfriend na kita."

He blinked twice as his ears started to turn redder. Bahagya ring tumaas ang sulok ng labi nito. "Are you sure?"

"Kinikilig ka, 'no?"

"So what if I am?"

Suminghap siya. Her boyfriend was really adorable! "Eh, ako? Kailan mo sasabihin sa inyomg girlfriend mo ako?"

"They already knew."

"H-Huh?" takang-tanong niya. He never told his family that she was his girlfriend before.

"Bago pa kita niligawan, alam na ni Mama. I asked her some tips on how to tame my boyish best friend."

Napamaang siya. "Pero hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Tita sa akin."

"Dahil ganoon na talaga siya sa iyo. Dati ka pa niya tinutukso sa akin."

"So, uh, anu-ano ang mga tips na binigay niya?"

"She told me to kiss you. End of conversation."

She was flustered. "W-What?!"

"Ganoon daw kasi ang ginawa ni Papa sa kanya bago siya niligawa nang husto. Pero hindi ko naman ginawa. I gifted you things that you liked instead."

Ngumuso siya. Sayang, dapat hinalikan na lang siya nito, eh. Nakatipid pa sana ito.

"Why are you looking at me that way?" nakangising tanong nito. "Don't tell me, you wanted the kiss better?"

She pouted even more.

"Bawal ang PDA dito!" kantiyaw ng ilang ka-eskwelang dumaan. Mukhang kumakalat na ang pag-aaming ginawa niya.

"Bawal nga ang PDA rito. Nasa school tayo." Jave meant Public Display of Affection.

"But we aren't even doing anything," katwiran niya.

"Baby, you're almost hugging me and if you won't step back a bit, I might end up kissing you here. Ma-guidance pa tayo." Dinaan nito sa biro pero alam niyang totoo ang sinabi nito.

Sa sinabi ay agad siyang napaatras at binawi ang kamay. Mabilis na lumakad na rin siya palayo para mauna na rito sa pagbalik sa silid-aralan.

Nang hapong iyon, bago matapos ang klase, ay nakapagpaalam na si Jave na maghahapunan ito sa kanila. While she told her mom he was going to visit.

"May sasabihin din po kami sa inyo mamaya," aniya pa.

Lulan na sila ng sasakyan nito at ang driver ay ngingiti-ngiting sumulyap sa kanila.

"Manong, diretso ang tingin. Baka bumangga tayo," si Jave.

Tumawa ng malakas ang driver. "Kanina ka pa kasi ngingisi-ngisi. Ano'ng atin?"

"Kami na ho kasi ni Jave," sabad niya.

Paulit-ulit na bumusina si Manong. Agad niya itong binawalan.

"No blowing of horns po! Bala hulihin tayo!"

Nagtawanan lang ang dalawa. Humingi naman ng paumnhin si Manong sa kanya.

Nang makarating ay magalang itong bumati sa kanyang mga magulang. Mas lalo siyang kinabahan dahil nandoon din ang kanya ama. Kakatwang maaga itong umuwi samantalang lagi itong ginagabi sa trabaho. Kadalasan ngang sa agahan lang sila nagkikita nito.

"Pinauwi ako ng mama mo, anak. May sasabihin daw kayo?"

Napalunok siya.

"Sa hapag na tayo mag-usap, Dax," awat ng mama niya sa kanyang papa.

"O-Okay lang pong dito na..." Nasa en grandeng sala kasi sila at nakaupo pa rin ang mga magulang sa sofa.

"Are you pregnant, Nicolea?"

Napakurap-kurap siya sa diretsong tanong ni Donn Axel Punzalan. He looked so stern and sounded angry.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C60
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk