Unduh Aplikasi
77.77% Stranger Babe (COMPLETED) / Chapter 14: Chapter 14: Is this destiny?.

Bab 14: Chapter 14: Is this destiny?.

Para akong binuhusan ng nagabbagang yelo nang napagtanto na mali pa ang pagyakap ko sa kanya. Nahihiya akong kumalas sa leeg nyang sobrang bango. Damn!!

"You really miss me huh?." Bulong nito sakin habang tumatawa. Mabilis nagsalubong ang kilay ko at tinitigan sya ng masama. Kulang nalang masunong sya.

Sinong di makakamiss sa taong nagpahulog sayo tapos iiwan ka nalang bigla?. E loko pala sya!. Sana di ko nalang sya yinakap. Ano ba kasing nangyari sakin at ginawa ko yun?. Pinagtawanan nya tuloy ako. Bwiset!.

Di ko na sya pinansin ng nasa ere na ang eroplano. Kinukulit nya ako. Nginingitian. Umiiling tapos ngumingisi. Hawak pa ang baba na nakatitig sakin. Tapos ililipat sa labi ang daliri. Na parang bang may iniisip na nakakatuwa dahil sa labi nitong bahagyang nakaangat. Kita ko lahat ng iyon sa gilid ng aking mata. Di ko sya matignan dahil nakakaloko ang ginagawa nya. Kung wala lang kami sa loob ng eroplano. Naku!. Kanina pa siguro basag mukha neto. Maswerte lang talaga sya.

"I miss you, babe." Inilapit pa nito sa mismong mukha ko ang mukha nya. Inirapan ko lang sya.

Did he planned this?.

Or is this destiny?.

Might be!

Bahala ka dyan!. Bwiset ako sayo!. Inis na sigaw ko ngunit hanggang sa sarili ko na lamang ito dahil ang lintik na puso ko, iba ang isiinisigaw. Tayo nalang Elijah!. Bakit ngayon ka lang kung kailan tanggap ko ng wala akong halaga sayo? Bakit ngayon pa kung kailan nasasanay na akong wala ka sa tabi ko?.

"Babe.." nakapangalumbaba pa syang nakatitig sakin.

Shit Jane!! Calm your heart down!

Umirap ako sa kawalan.

"Tse!. Di kita kilala."

"E bakit mo ako niyakap?." nakangisi talaga sya. Yung ngising matagal kong nakikita kapag nakapikit lamang ang aking mata.

"Wala ka na dun.." pag-iinarte ko. Galit ako sa'yo! Gusto kong idagdag at isampal iyon sa pagmumukha nya pero ayoko rin naman syang ipahiya. Kaya bago pa ako makapagsalita ng masahop pa sa mura. Tinikom ko na lang aking labi para di sya masaktan kahit nasaktan na nya ako.

Tumaas ng bahagya ang sulok ng kanyang labi. Pinipigilang ngumiti.

Bwiset!!!..

"Paanong wala ako dun e andito nga ako?." Sarkastiko nya pang sabe. Aba! Gusto yatang makatikim ng sapak! Bigyan mo nga ng isa Jane!. Utos sakin ng galit kong isip subalit kinontra iyon ng malambot kong puso.

Imbes pinagsalubong ko ang kilay nang tinignan sya. Hindi lang bwiset ang nararamdaman ko ngayon. Inis at galit. Yung isang taon syang di nagparamdam tapos sasabihin nya saking namiss nya ako. E di wow!. Bahala sya dyan!.

"Pakialam ko sayo.." di ko talaga mapigilang maging masungit.

"Pero ako... may alam tungkol sayo." kindat nya pa. Hinawakan ang baba ko ngunit mabilis ko iyong iniwas sa kanya.

Kunot na ang noo ko sa pinagsasabi neto.

"Anong alam?. Sino ka ba para alamin ang tungkol sakin?."

"Babe.."

"Stop calling me 'babe'. It's annoying you know.."

"But babe?."

"I said--." Pinandilatan ko sya ng mata. Natahimik naman ito. Pero di pa rin mawala ang kanyang ngisi.

Maya maya.

Kainan na. Gutom ako ngunit nawalan na ako ng gana. Paano kasi, hindi mawala sa akin ang titig ng loko. Sinong di mawawalan ng gana?. Naiilang ako na naduduwal na ewan. Nakakainis!.

Mahabang byahe pa ang lumipas bago namin narating ang kalupaan ng Paris. Sa haba ng byahe, ganun rin kahaba ang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa pagbaba ng eroplano. Di ko alam kung bakit maging sa paglipat ng eroplano ay katabi ko pa rin sya. Plano nya ba ang mga yun o gawa ng tadhana?.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C14
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk