Dream destination ko ang France. Noon pa man. Gusto na akong kunin ni kuya Cedric, e di naman ako makaoo noon dahil nag-aaral pa ako. Tsaka, ayaw ni papa. After grad ko nalang daw o pag makahanap na ako ng trabaho at malala, ng kasintahan ko. Alam mo yun?. Mas atat pa silang magkaroon ako ng boyfriend kaysa ako.
"Kasalanan mo rin naman Jane dahil di mo naman kasi pinapakilala mga manliligaw at ex's mo.." kinutusan ko ng palihim ang sarili ng mga panahong iyon.
Ngayon, sobrang nalungkot sila sa biglaang pag-alis ni Elijah.
"Wala ba syang sinabi sa'yo hija?.." paniniguro pa ni papa minsan sakin ng sabihin sa kanya ni mama na di na sya nagpakita sakin. Umiling lang ako dahil nanlalabo na naman ang paningin ko.
"Wag mo ng tanungin.. iiyak na naman yan.." tinampal ni mama ang balikat nya upang suwayin sa mga itatanong pa nya. Nagbaba ako ng tingin. Kinutkot ang kuko sa ilalim ng mesa. Nangingiliran na ng luha. Shit!!
"Wag kang mag-alala.. babalik din yun.. si Elijah pa.." gusto ko sanang kumapit sa sinabing ganun ni papa kaso nakakapanghina.
Nanghihina ako sa tuwing bumabalik ang mga araw na lagi nya akong tinatawagan o dinadalaw sa bahay. Nanghihina ako sa tuwing nakapikit ako't nakikita ang gwapo nyang mukha na may suot na ngiti.
Kung kaya ko lang halughugin ang bawat sulok ng lugar at ng mga bansa. Gagawin ko. Mahanap ko lang sya.
"Pa." suway muli ni mama dito. "Kumain ka na hija.." dinig kong sambit ni mama. Doon lang ako nag-angat ng tingin. "Kumain ka ng marami, baka kapag dumalaw tayo sa kuya Ced mo, sabihin nya saking pinabayaan kita.." kumain nalang ako kahit bumabara sa lalamunan ko ang kanin at ang sinigang.
Lumipas ang araw na naging normal ang lahat. Sinamahan ako ni mama na nag-asikaso ng papeles para sa flight at ayusin ang lahat ng bills bago umalis.
"Sa mall muna tayo nak, bili tayong damit mo.." hinila nya ako pabalik sa daan nilampasan ko.
Pumasok nga kami ng mall at namili ng mga damit.
"Ma, bat nahiwalay upuan ko sa inyo?." nagtaka talaga ako kung bakit. Kaya bago pa kami makapunta ng airport. Tinanong ko na iyon.
"Si Carl ang nag-book nyan, ask him.." itatanong ko sana iyon kay Carl kaso ilag naman ito sakin. Ewan ko kung sadya ba nya o he's just acting na di nya sadya.
"Pah!. Bahala na nga!.." siring ko.
Sabay sabay kaming pumasok ng eroplano ngunit magkaiba na kami nv upuan.
"Carl, pwedeng dito ka nalang?.." hingi ko ng favor sa kanya ngunit, "Ayoko nga!." iyon pa ang naging sagot nya.
Wala akong choice kundi umupo nalang at magpakalunod kung bakit nangyari to.
Maya maya.
May naamoy akong isang napakapamilyar na pabango. Lahat ng alaala ko noon, kasama sya, bumalik. Yung hinanap hanap kong amoy ng isang taon. Biglang lumamon ngayon sa ilong ko patungo sa aking lalamunan. Tinignan ko sa gilid ng aking mata ang taong naupo sa tabi ko.. Nakahead phone at hoodie sya. Nakayuko kung kaya't di ko kita ang mukha. Faded ripped jeans din at sneakers.
"Ate Mary Jane. Can I borrow your phone?."
Di ko alam kung bakit binanggit ng buo ni Carl ang pangalan ko. Tumayo pa sya sabay abot ng kamay sakin. Binigay ko nalang ang cp na hinihingi nya. Nang dahil dun, nabaling ng wala sa oras ang tingin ko sa katabing nakatingin na din sakin.
Oh my god!!...
Yung panty ko nalaglag na naman..
Napatakip ako ng bibig. Gustong sumigaw pero walang kumawala na boses mula sakin.
Yung iniyakan ko ng matagal. Isang taon. Kaharap ko ngayon. Nakangisi na parang wala lang.
"Long time no see, babe.." anya. Ngiting ngiti pa. Mas nadagdagan ang kagwapuhan. Binaba ang kanyang hoodie at headphones. Ako, heto. Tulala. Yung luha ko, nag-unahan na pababa. Di ko alam ang gagawin.
"Eli.." di ko na napigilan pang yakapin sya ng mahigpit.
Di ko na nakontrol ang emosyon ko. Natalo na naman ako... ng feelings ko.
I miss him so much.
I miss My Stranger Babe.