Crissa Harris' POV
DAY 30 of Zombie Apocalypse
That morning when I woke up, dala-dala ko pa rin yung mabigat na pakiramdam buhat sa nagdaang gabi. Hapo ang katawan ko. At dama ko pa rin yung matinding kirot sa balikat ko dahil sa pagkakasaksak dito. Pero sa tuwing mapapatingin ako kay Harriette, alam kong mas matindi pa yung sakit na nararamdaman niya ngayon.
Ako, simpleng saksak lang ang nakuha. E siya? Malaking portion ng laman sa hita niya ang nawala. Yung uka na yun, habambuhay na niyang dadalhin dahil mag-iiwan yun ng napakalalim na marka. Sobrang sakit isipin na sa tuwing mapapatingin siya sa markang yun, magpapaalala ito sa kaniya ng isang mapait na karanasan; na muntik nang pumatay sa kaniya.
At ang mas masakit pang isipin, ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganon.
Kasalanan ko.
"How are you feeling?" naramdaman kong tumabi sa akin ang kakambal ko sa pagkakaupo ko sa damuhan.
Hindi ko siya nagawang sagutin dahil nanatili lang akong nakatingin sa natutulog na si Harriette sa may di kalayuan sa akin. Yung hita ni Lennon ang unan niya at si Renzy at Alessandra ay alala ring nakatingin sa kaniya.
Yung iba pa naming kasama, nasa may di kalayuan din at naguusap usap. Kasisikat lang ng araw at may bahid pa ng konting dilim yung paligid. Nang mapatingin ako sa pistol na hawak ni Christian, may bigla akong naalala.
"Nasan na nga pala yung bata? May lagnat pa ba siya? Okay lang ba siya? Nakakain na? Nakainom na ng gamot?" sunod-sunod na tanong ko habang hinahanap siya sa paligid.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko, narinig ko lang na bahagyang napatawa yung kakambal ko. Naramdaman ko nalang din ang mabagal niyang paghaplos sa buhok ko.
"Bilib din talaga ako sa iyo, kambal. Alalang-alala ka sa ibang tao pero yung sarili mo, ni hindi mo lang napapansin." tumigil siya sa paghaplos at isinandak niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Rest, twin sister. Yung bata? Inaasikaso ni Fionna dun sa van. Tulog pa rin hanggang ngayon dahil nilagnat na naman kagabi. Pero okay naman na siya ngayon. Hindi na ulit inatake ng hika."
Napahinga ako ng malalim dahil sa narinig ko. Ibinalik ko ulit yung tingin ko doon kay Harriette at sa hita niyang ngayon ay may benda nang maayos.
"Christian, sino nga pala yung naggamot ng mga sugat namin?" tanong ko.
"Hmm, yun ba? Owen did. May alam siya sa first aid thingy dahil na rin naituro yun sa course nila. And yeah, hindi ko pa ba nababanggit sayo? May alam din si Fionna sa panggagamot dahil doctors ang both parents niya."
Tumango-tango na lang ako. It is a great relief na may iba pa pala sa grupo namin ang may alam sa ganong klaseng gawain. Mahirap na kasi, lalo na ngayon na ganito ang nangyari samin. Parehas kaming injured ni Harriette, we cannot fully take the responsibility of being the healer or nurse of the group. May iniinda rin kami. At kailangan namin ng time para maka recover.
Lalong-lalo na siya..
Isang malalim na buntong-hininga pa ang pinakawalan ko. At imposibleng hindi yun narinig ng kakambal ko. Kaya after non, naramdaman ko ulit ang malumanay na paghaplos ng kamay niya sa buhok ko.
Napapikit ako dahil doon. Sobrang sarap sa pakiramdam.
"I know, you are blaming yourself again. But I'm telling you, there's no one to blame here. Lalo pa at alam din naman natin sa mga sarili natin na ginawa natin lahat ng makakaya natin para maiwasan yung ganon. Sadyang may mga bagay lang talaga Crissa na kahit paghandaan mo pa ng sobra, hindi ka pa rin fully magiging prepared. There is always an unexpected thing that will surely shook the hell out of you." wika niya. Malamang napagtagni-tagni na rin niya yung istorya base sa kwento ni Harriette.
Itinigil niya ang paghaplos sa buhok ko. Matapos ay hinawakan ang mukha at inangat para magkatinginan na kami.
"And you did great. Even though you think you messed up everything. Just imagine, if you did not insist na magpunta doon, hindi rin siguro maliligtas yung bata at mas napahamak pa siya doon." full of assurance na pagkakasabi ng kakambal ko.
Napaisip ako dahil doon. Totoong maituturing na blessing in disguise yung nangyaring panloloko samin dahil eto, kasama namin yung bata. Ligtas at humihinga. Nagawa pa naming agapan yung sakit na idinadaing niya. At di hamak na masusustain din namin yung pangangailangang ng katawan nya sa pagkain.
Laking pasasalamat ko na lang din sa kabilang banda dahil yung bata na yun ang nagligtas ng buhay ko mula doon sa matandang lalaki na kamuntikan nang kumitil sa buhay ko. Siguro sa kagustuhan lang nung bata na mailigtas ako, kaya nagawa niyang mapaputok yung baril. At naasinta pa niya talaga yung isa sa pinaka fatal part ng katawan. Ang lalamunan.
Pero teka. May nakaligtaan ako.
Mabilis akong tumayo at tiniis yung sumasakit pa ring balikat ko.
"Hephephep, san ka na naman pupunta?" paghabol sakin ng kakambal ko.
Hinarap ko siya at sinserong nakiusap. "Christian, yung tatay nung bata, andun pa rin sa treehouse. At nangako ako dun sa bata na babalikan natin yung tatay niya."
Hindi ko man deretsahang sinabi yung gusto ko talagang ipabatid sa kaniya, alam kong nakuha na niya agad iyon. At base sa ekspresyon ng mukha niya ngayon na nakakunot ang noo, nakakagat sa labi at nakatingin sa malayo, malamang pa sa malamang na hindi pumayag to.
Bakit nga ba papayag pa siya? E muntik na kaming pare-parehas na mamatay kahapon?
"Fine, lets go." matipid na sabi niya.
Medyo nabingi ako ng kaunti doon kaya kinapitan ko siya sa balikat. "T-talaga, babalik tayo doon?"
"Yes. But this time, buong grupo na tayong babalik doon. Para deretso alis na tayo pagkatapos." nakita kong hinawakan niya ng madiin yung assault rifle na hawak niya. "At para if ever din na magkaron ulit ng problema, sama-sama na rin tayong lalaban."
Kakaibang excitement at konting kaba ang rumehistro sa sistema ko habang pinagmamasdan ang kakambal ko. Yung bumabalot na awra sa kaniya ngayon, kaiba pa dun sa awra na pinapakita niya dati kapag may pinaplano siya. Mas intense siya ngayon.
Mas nakakakilabot.
Wala na kaming inaksaya pang oras at ipinaliwanag na namin sa lahat yung plano. Wala namang against at pare-parehas silang sumang-ayon kaya kumilos na kami. At dahil wala yung pick up namin, napilitan kaming nagsiksikan sa van.
Sa huling row ng seats, nakapwesto si Harriette habang nakahiga at nakapatong ang ulo sa mga hita ni Lennon. Kailangan kasing maipahinga yung hita niya para sa fast recovery nito. Sa ilalim ng upuan nila ay doon nakalagay yung mga natitira pa naming stocks ng pagkain. Thankful kami na paubos na yung stocks namin na yun kaya hindi na masiyadong matakaw sa espasyo.
Sa harap nila Harriette, which is the 3rd row ng seats, magkatabi si Alex at Alessa, at sa tabi nila ay si Sedrick. Sa pangatlong row naman nakaupo si Renzo at si Renzy, pati na rin si Elvis. Sa two seater naman na seats sa harap nila, nakapwesto si Owen at Si Fionna. Nandun din nakapwesto yung foldable na bike ni Scott. Lahat kami, kaniya-kaniyang bitbit sa mga personal naming gamit at mga armas.
Si Tyron ang nagdadrive nung van. Ako yung nakaupo sa passengers seat at katabi ko yung batang lalaki. Samantalang si Christian naman, gamit yung big bike ni Zinnia at siya ang naglilead ng way namin.
Pare-parehas lang kaming tahimik habang tinatahak yung daan pabalik sa kampo nung nga cannibal na nakasalamuha namin kahapon. Walang umiimik samin lalo pa nung madaanan namin yung isa pa naming sasakyan na iniwan na kagabi dahil walang gas; hindi agad mahahalata pero may butas daw ang lahat ng gulong nun base sa sinabi ni Christian. Huminto kasi siya saglit para icheck yun.
Kahit di kami naguusap usap, alam kong lahat kami ay nagkaroon na ng hindi magandang kutob. Malamang nung nalingat kami kagabi, mayroong kung sinong humal na tumira sa pickup namin at binutas yung mga gulong nun. Hindi namin alam kung yung matandang babaeng cannibal pa ang gumawa nun dahil posibleng buhay pa siya hanggang ngayon.
Pero ang isang bagay lang na sigurado talaga kami, yun ay yung katotohan na planado na naman yung pagkaka sabotahe sa pickup namin. Talagang ginigipit nila kami. Sila na mga humahabol at nagmamatyag sa amin. Gusto nilang pahirapan muna kami ng husto. Animo talagang iniinis at pinaglalaruan nila kami.
Saglit kong sinilip yung iba mula sa rear view mirror. Lahat sila, parang may kaniya-kaniyang malalim na iniisip. At alam kong tungkol din yun sa banta na nag-aabang samin. Siguro nag-iisip isip na rin sila ng mga plano nila. Or mga paraan kung paano maipagtatanggol ang bawat isa. Kung paano kaming lahat makakaligtas at mananatiling buhay nang sama-sama; hanggang sa huli.
Napatingin ako sa harapan at nun ko lang napansin na nandito na pala kami sa kampo nung mga cannibal.
Huminto si Christian gayon na rin si Tyron. Bumaba ako agad hatak-hatak yung bata at nilapitan ko sila na ngayon ay nag-uusap na.
"Elvis and I will check the treehouse. Ikaw, si Sedrick at Renzy, go to that house." itinuro ni Christian yung bodega. "Harriette mentioned last night na nandiyan daw yung weapons natin pati na rin yung ibang weapons na nakukuha nung mga cannibal mula sa mga biktima nila."
"Alright." tipid lang na sagot ni Tyron.
"And the rest, dito na lang sa ibaba." dagdag ni Christian sa sinabi niya at nagpunta na sa van.