Crissa Harris' POV
Pinangunahan ko sila sa pagpasok sa loob. Hinigpitan ko na rin ang hawak ko sa shotgun ko. May namamataan na kasi akong mga gumagalang undead sa hindi kalayuan. Hindi naman karamihan pero iba pa rin talaga yung nag-iingat at handa.
Bago maghiwalay yung grupo namin ni Christian, pinaalalahanan nya uli ako.
"Take care of yourself. As well as your group.."
Binigyan nya ako ng trabahong maglead sa grupo na to kaya hindi lang ako responsable para sa sarili ko lang. But sa lahat din ng kasama ko. Cheesy at corny mang isipin pero makikipagpatayan talaga ako para sa mga to. Hindi ko hahayaan na kahit isa man lang sa amin ang malagay sa delikadong sitwasyon.
Ngayon, kasalukuyan na kaming tumatakbo papunta sa west wing nitong campus nila Zinnia. May mangilan-ngilan kaming nakakasalubong na mga undead pero tinakbuhan nalang din namin yung iba at hindi pinansin. Hindi naman sila ang pakay namin dito. Kailangan naming matapos halughugin lahat ng sulok nitong west wing as soon as possible dahil sobrang hirap magtagal sa lugar na to.
Idagdag pa yung fact na, may sumusunod at nagmamatyag din sa amin.. na mga tao..
"Guys, put your guards up. Para tayong nasa loob ng isang obstacle course. Bukod sa mga undead na kailangang iwasan, andyan din yung mga nagkalat na kung ano-anong sira at basag na gamit. Baka masugatan kayo.." paalala ko at kay Harriette at Lennon lang nakatingin.
Nahihiya pa rin kasi ako kay Renzo at Tyron twing naaalala ko yung mga mukha nila pagkatapos ko silang ipagmaneho.. Para silang na-trauma na ewan. Huhuhu.. Tas sumuka pa sila ng tatlong balde..
Ibinalik ko na yung tingin ko dun sa tinatakbuhan ko at sakto namang tumambad sakin ang nagkalat sa sahig na basag-basag na laboratory apparatuses. Kamuntikan ko na talagang matapakan ang mga yon kung hindi lang sana may humawak sa braso ko at hinaltak ako.
Naramdaman ko nanaman yung di maipaliwanag na sting/ spark sa katawan ko dahil doon. Kaya hindi ko man tignan kung sino yung humaltak sakin, kilala ko na kaagad.
Pero gusto ko pa ring makasiguro kaya unti-unti akong lumingon sa likod. At ayun, hindi nga ako nagkakamali..
"S-salamat Tyron.." bulong ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Pero nagulat naman ako nang bigla nya akong haltakin. Mas lalo tuloy akong napalapit sa kanya.
"Wag ka na ngang lalayo. Dito ka lang malapit sakin para mababantayan kita.." bulong nya rin sakin na ikinatindig ng balahibo ko. Wagas ding tumibok na parang abnormal yung puso ko.
Bakit ganto nalang ako kaapektado sa sinabi nyang yon?.. Kinilabutan ako ng husto.. Pero hindi dahil sa takot.. Hindi ko lang talaga malaman at maexplain sa ngayon kung dahil sa ano o dahil saan.. Wala akong idea.. Sobrang gulo..
Kahit parang nababaliw at nagwawala na naman yung nasa loob ng katawan ko, pinilit ko pa rin na panatilihin ang composure ko. Patay-malisya akong umiwas ng tingin sa kanya at dun nalang ako tumingin sa tatlo pa. Si Harriette at Lennon, nakangiti sakin tapos eto namang si bestfriend Renzo, parang neutral lang yung expression.
"T-tara na.. M-mag-ingat din kayo ah?.." paalala ko uli habang nililingon sila sa may likod
Nag-umpisa na akong maglakad ng mabilis. Hindi naman nakaakbay o nakahawak si Tyron sa akin. Halos may kalahating dangkal pang pagitan ang mga braso namin pero kahit ganon, nararamdaman ko pa rin yung init at parang daloy ng kuryente. Hindi nanaman tuloy maiwasan na maabnoy yung tibok ng puso ko dahil sa ewan na feeling na yon. Pero pinipilit ko pa ding itago at wag ipahalata.
Kinuha ko nalang yung mapa na inabot sakin ni Christian saka ko pinagmasdan. Nilagyan nya kasi ng highlights at tanda yung mga spot lang na kailangan naming puntahan. Meron kasing iba na i-skip na daw gaya nalang ng mga faculties at offices ng staff nitong university.. For safety reasons na rin siguro.
But base sa mga nilagyan ni Christian ng mark, ito yung mga kailangan naming halughugin at puntahan:
•Student Lounge
•Science Laboratory and Research Center
•University Clinic
•Arts and Letters Library
•Theater Arts Hall
•El Musica Performance and Concert Hall
•Fine Arts Exhibit Hall
•Physical Education and Sports Science Activity Center
•Criminology Training Field
Puro pala mga facilities nitong university nila Zinnia ang napunta samin. Marami-rami at malaki-laki rin. Pero parang di hamak naman na mas marami at malaki yung pupuntahan nila Christian. To be specific, mga building ng colleges ang pupuntahan nila. E ilan yung colleges na yon, di bababa ng sampu. At bawat building, may limang floor. At ang average na rooms per building ay 40. Bale ang estimated na room na hahalughugin nila ay, mahigit 400? Samantalang itong sa amin, hanggang mga 2-3 floors lang yung iba..
Jusko. Iniisip ko palang yung gagawin nila, bumubula na agad ang bibig ko sa sobrang hilo at pagod. Good luck nalang sa aming lahat. Talagang mapapalaban nga kami dito.
Huminto ako saglit sa paglalakad at hinarap ko yung tatlo pa sa likod.
"Hehehe. Anong uunahin nating puntahan?" tanong ko sa kanila.
Si Renzo, biglang ngumisi at lumapit sakin. Inagaw nya rin yung mapa na hawak ko.
"Kung may daan dito na makapagtuturo kung nasaan ang puso mo Crissa, pupunta nako." sabi nya sabay talikod. Dere-deretso rin syang naglakad palayo habang seryosong nakatitig sa mapa.
At ang kinalabasan, ayon. Nadapa sya at plumakda sa sahig nang una ang mukha. Napailing nalang ako habang tumatawang tumatakbo papunta sa kanya. Tinulungan ko agad syang makatayo kahit na ang bigat nya.
Napangiti nalang din ako nung ngumiti sya sakin.
"First time kong matuwa sa pick-up line, bestfriend.." sabi ko sabay akbay sa kanya.
Nung dati kasi na pinagtripan ko sya n ganong banat at sumakay naman sya, sa huli sinapak ko rin sya diba? Ang bad ko nun! Samantalang ang bait bait nya nga sakin. At ni hindi man lang din sya nagalit sakin dahil sa pagdadrive ko kanina.. Huhuhu.. Bait bait talaga nitong bestfriend ko.
Niyakap ko ng mahigpit yung braso nya.
"Swerte ng mamahalin mo.." bulong ko.
Nakita ko naman na parang biglang lumungkot yung itsura nya. Pero hindi nako nakapagreact dahil may bigla nang humaltak sakin.
Si Tyron. Naabnoy nanaman kasi yung tibok ng puso ko e..
"Tara na. Kailangan na nating magmadali.." sabi nya habang hinahaltak pa rin ako.
Nilingon ko naman si bestfriend Renzo at sinenyasan ko na sumunod na rin sa amin. Si Lennon at Harriette din kasi, mas nauuna nang maglakad. Parang may sariling mundo. Parang gumagawa ng music video. Samantalang may mga mangilan-ngilan ring undead na nagkalat.
Ganyan ba talaga kapag in love? Hmmm..
"Kung ano yung pinakamalapit, yun ang uunahin. Para mas madali." biglang bulong ni Tyron sakin na ikinagulat ko naman.
"A-ah. Sige. Hehehe.." hinaltak ko si Renzo papalapit samin at kinuha ko yung mapa. Pero hindi ko sya binitawan at kinapitan ko sya sa braso para katabi at kasabay ko na rin syang naglalakad sa may kaliwa ko.
Feeling ko mas safe ako kung andun din sya e. Sa kaliwa sya, tapos si Tyron naman sa kanan. Para rin kasing nararamdaman ko na ipagtatanggol talaga nila ako at hindi pababayaan..
Inabot ko kay Tyron yung mapa.
"Student Lounge ang una. At kung hindi ako nagkakamali, ayan na yan.." sabi ko sa kanilang dalawa habang itinuturo yung two-storey building na nasa gitna ng green grounds.
Kinuha ko yung atensyon ni Harriette at Lennon. Parang may sarili na talaga kasi silang mundo e. Enjoy na enjoy silang pumapatay sa ilang mga undead na nakakasalubong namin.
Nung makarating kami doon, pare-parehas na naming inihanda ang mga sarili namin. Hindi namin alam kung anong makikita namin sa likod ng pintuan na ito once na buksan na namin. Kaya kailangan talagang handa kami.
"Ready na kayo?.." bulong ko sa kanila at hinawakan ko na nang maigi yung shotgun ko. Pare-parehas naman silang nag-okay sign sakin bilang pagsagot.
"Then, let's go.."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at ako na rin mismo ang nagtulak nung pinto. Umalalay naman agad sa magkabilang gilid ko si Tyron at Renzo.
"Wow.. Ang ganda ah? At ang linis pa din.." bulong ko.
"Mukhang wala namang undead dito.. Bukod sa malinis at maayos pa nga, ang tahimik din.." - Harriette
Naglakad ako papasok at naramdaman kong sumunod din sila sakin. Pinagmasdan kong mabuti yung paligid. Mukhang wala ngang undead dahil wala ring bakas nila. Wala ring mabahong amoy at wala ring mga dugo-dugo.
Pero kung wala ngang undead dito, may possibility na tao ang meron..
Tumingin ako kay Tyron only to find out na nakatitig na rin pala sya sakin. Naabnoy nanaman yung loob ko pero pinilit kong mag patay-malisya nalang.
"A-anong gagawin natin? Maghahalughog o gagawa nalang ng ingay para kung sakaling may undead o iba pang nandito, kusa nalang na lalabas?.."
"Mas mabuting maghalughog nalang. Kung mag-iingay tayo, maaaring makuha natin yung atensyon nung iba. Baka dito pa tayo ma-overrun.." seryosong sabi nya.
Tumango ako dahil tama naman yung sinabi nya. Hindi na ako kokontra dahil isa pa, mukhang bukod kay Elvis, sya yung isa pang pinagkakatiwalaan at inaasahan ni Christian pagdating sa mga bagay na tulad ng pagdedesisyon.
Matalino sya at kakaibang mag-isip.
Tahimik pero maraming tumatakbo sa utak. At yung ganong katangian, hindi lang basta nakakabilib. Nakakatakot at nakakakilabot din.
"Tara Crissa, ako ang sasama sayo.." sabi ni Renzo at inakbayan ako.
Tinignan ko si Tyron para humingi ng permiso sa kanya. Tumango naman sya sakin.
"Dun nalang ako sa part na yun. Lennon, Harriette, dun naman kayo." tinawag nya yung dalawa pa tapos naghiwa-hiwalay na kami.
Napaisip naman ako. Bakit nga ba nagpaalam pa ako kay Tyron na si Renzo nga ang kasama ko? Samantalang ako naman ang leader at ako ang masusunod? Hmmm. Ang weird ko naman..
Nagpunta na nga lang kami don sa may kabilang part na kung saan dulo nitong student lounge. Masayado ring malinis at tahimik. Binuksan din namin yung ilang mga kwarto sa gilid, pero ganun din. Nakakapagtaka naman at student lounge ito pero dito pa walang undead.
"Wala kaming nakita.." sabi ko pagkabalik namin ni Renzo sa entrance.
"Kami din ni Lennon." dagdag pa ni Harriette na umiiling. Nalipat naman ang tingin ko dun kay Tyron dahil hindi sya nagsasalita at nakatanaw lang sya dun sa may labas.
"May problema ba?.." tanong ko.
Bahagya pa syang nagulat pagkaharap nya sakin dahil ang lapit ko sa kanya. But well, hindi ko sinadya yun ah? Huhuhu..
"Wala. Tara na. Ano na ngang sunod?.." sabi nya na nakangiti sakin. Automatic naman akong napangiti rin kahit na medyo nahihiya pa ako.
Itinuro ko naman yung mapa na hawak-hawak nya.
"T-tignan mo dyan oh. Hahaha."
"Ay, oo nga no? Hahahahaha." namumula pa yung mukha nya habang pinapasadahan ng tingin yung mapa.
At inaamin ko, parang natunaw ang buo kong pagkatao nang makita ko uli ang tawa nyang yon. Yung pakiramdam na parang isa akong bata na unang beses palang na dinala sa amusement park. From the word itself, hindi ko pa rin maiwasan na ma-amuse kahit na hindi ito yung unang beses na nakita ko ang tawa nyang yon.
Totoo nga talaga yung naririnig ko dati na sinasabi ng iba. Na may mga bagay na kahit paulit-ulit mo nang nakikita, para pa ring FIRST TIME..
"So, Science Laboratory and Research Center pala ang sunod.. Ayan na yun.."
I immediately snapped back in reality nung marinig ko syang magsalita sa tabi ko. Sinundan ko naman ng tingin yung itinuturo nya sa labas na hindi kalayuan mula rito. Isang puting building na pahaba at may dalawang palapag lang. Made of glass din yung halos kabuuan non kaya natatanaw na yung nasa loob.
"S-sige. Magready na kayo ah? Mukhang mapapalaban tayo."
Mula kasi dito sa kinaroroonan namin, kitang-kita ko na yung mga undead na nagpapalakad-lakad sa loob at labas nun.
At marami-rami rin sila.