Unduh Aplikasi
60% I Am Weird / Chapter 3: o n e ?

Bab 3: o n e ?

"Ako,si Azbogah ang taga-hatol ng ikapitong langit ay hinahatulan sila Zaphkiel,Sachiel at Asariel ng kaparusahang pagbaba sa lupa at sila'y mananatili dun ng tatlong buwan bilang mga mortal.Ang paghahatol ay tapos na"-napa-buntong hininga ang tatlong binata saka sabay na tumayo

Lumapit si Sachiel sa kanyang inang lumuluha na inaalo naman ng kanyang ama

"Ina,tigilan mo na ang pagluha,Tatlong buwan lang naman ang ilalagi ko sa lupa pagkatapos ay babalik na 'ko dito.Mabilis lang namang lilipas ang tatlong buwan na iyon"-ani Sachiel sa ina saka ito niyakap,pinalo naman nito ang dibdib nya kaya natawa s'ya

"Napaka-tigas kasing talaga ng ulo mo eh,ilang beses na kitang pina-alalahanan na huwag maging pasaway!Sana naman ngayon ay mag-tanda ka na"-pangaral pa nito habang patuloy na lumuluha tumawa lang ulit si Sachiel at ang kanyang Ama

"Os'ya s'ya,mag-handa ka na Sachiel ijo dahil paniguradong maya-maya lang ay ipapatawag na kayo para sa pag-baba nyo sa lupa"-singit naman ng ama nya kaya tumango lang sya saka niyakap ang mga magulang saka lumapit sa dalawa pang binata

"Ano,Sachiel?Kamusta ang pama-maalam?"-pangisi-ngising tanong ni Asariel,binatukan lamang sya ng huli

"Manahimik ka,palibhasa ay hindi ka mahal ng iyong ina"-bawi naman ni Sachiel saka humalakhak,humalakhak lang din si Asariel saka siniko si Sachiel

"Asariel,anak.Paglapag nyo sa lupa ay hinihintay na kayo dun ng aking kaibigan,sakanya muna kayo tutuloy pansamantala at papasok din kayo sa paaralan ng nga mortal"-tawag ng ama ni Asariel,tumango lang si Asariel saka yumakap sa ama

"Dalhin mo 'to,Zaphkiel.Nasisiguro kong magagamit mo ito"-tawag ni Azrael sa kapatid na si Zaphkiel na agad namang lumingon.Iniabot nito ang isang kwintas na may maliliit at kulay puting bato

"Zaphkiel,Sachiel at Asariel, oras na ng pag-baba nyo"-tawag ng isang kawal kaya lumapit na sila duon,hinubad nila ang suot na kalasag at ang mga espada,ikinumpas ni Azbogah ang kanyang tatlong daliri at nawala ang pakpak ng tatlong binata

-----

"Hoy weirdo!ipina-patawag ka ni Yumi,pumunta ka daw sa likod ng Building One"-tsk!tatawagin na lang ako sisipain pa ang upuan ko.Mga letche talaga sa buhay ang mga kaklase ko na 'to,oo

Tumayo ako saka pupungas pungas na nag-lakad,nakitang natutulog ang tao eh sisipain ang upuan.Kung mukha kaya nila ang pinagsisipa ko?

"Why so tagal,weirdo?are you pagong ba?"-maarteng tanong ni Yumi pag-karating ko kaya napa-irap akong palihim,why so arte?are you maganda ba?huff!

"Do my assignments,I have lakad kasi and I can't tapos it so do it para sakin"-maarteng saad nya ulit saka hinagis sakin ang tatlong notebook nya,hayy.Eto na naman,ako na naman ang gagawa ng assignments nya

"Pero may pasok ako sa trabaho ko mamaya kaya baka hindi ko din magawa ang mga assignments mo,pwede namang unahin mong gawin ang assignments mo saka ka umalis"-pangangatwiran ko.Palagi na lang akong nale-late dahil inuuna kong gawin ang mga dapat nyang gawin,baka matanggal na 'ko sa trabaho ko

"What the?!you have the lakas ng loob to say that sakin?!you weirdo!"-napa-pikit ako dahil ihahampas nya nanaman sakin ang sapatos nyang may takong,ilang beses na 'kong nagkapasa dahil d'yan sa sapatos na 'yan

Mga ilang segundo ang lumipas pero hindi ko naramdaman ang paghampas nya kaya napa-dilat ako at napansin ang tatlong lalaki na naka-harang

"Hindi tama 'yan,binibini.Hindi mo dapat sinasaktan ang kapwa mo"-parang naiinip na turan ng isa

"W-who are you ba?why so pakialamero?"-tanong ni Yumi,dahil naka-talikod sila saakin ay hindi ko alam kung sino sila.Ang huling pagka-kaalala ko ay wala naman akong kaibigan dito so sino sila?mga transferee ba?

"Hindi importante kung sino kami,ang importante ay hindi tama ang ginagawa mo,binibini.Itigil mo na bago ka pa namin parusahan"-dagdag naman ng isa pa,sino ba kasi sila?SSC officer?

"Hah!I can't paniwala this!You don't know me ba?I'm Yumi,the Queen Bee of this school!You don't have pakialam what I want to do with that weirdo!I'll gonna report this!"-wrong grammar pa,tsk!

Inis syang suminghal saka umalis na,pinulot ko naman yung mga notebook ni Yumi saka ako tumayo.Para akong biglang nasilaw dahil biglang nagliwanag kaya tumingin ako sa tatlo at muntik na 'kong mapa-nganga.Sheet!Ang ga-gwapo naman ng mga lalaking 'to!Hindi makatotohanan ang taglay nilang kagwapuhan!

"Pinaalalahan ka na ni Tiyo Jared,Asariel.Salitang mortal ang dapat nating gamitin"

"Loko,Yui ang pangalan ko.Nakakalimutan mo ba?"

"Tch!"

Naka-tanga lang ako habang nag-uusap yung dalawa,ilang sandali lang eh napag-pasyahan kong umalis na dun at bumalik sa classroom

---

Umayos ako ng pagkaka-upo para hindi sumakit ang likod ko,susubukan kong bumalik sa pag-tulog hehe.Sana naman ngayon ay wala ng manggulo ng tulog ko dahil kulang na kulang talaga ako sa tulog nitong mga nakaraang araw,bakit ba naman kasi hindi pumasok si Mikka eh wala tuloy akong kapalitan sa shop

"Excuse me,pwede bang dito kami umupo?"-napa-tingala ako nung nay nagsalita sa tabi ko,napansin kong sila yung tatlong lalaki kanina.Tumango na lang ako saka bumalik sa pag yuko,hayy.Ngayon na lang ulit ako magkaka-roon ng katabi.Yung upuan ko kasi ay nag-iisang nasa pinaka sulok

"Hi,anong pangalan mo?ako nga pala si Asar--Yui"-muli akong napa-angat ng tingin nung biglang nagsalita ang katabi ko,tiningnan kong mabuti ang mukha nya at ng mga kasama nya.Ang gwapo talaga ng mga lalaking 'to,punyeta

"Miracle Salvador"-pakilala ko din,lalong lumaki ang ngiti nya saka sumandal ng kaunti

"Ang ganda naman ng pangalan mo,oo nga pala sila nga pala ang mga kaibigan ko,sya si Fall at yung nasa dulo naman ay si Shou Hope.Sana maging mag-kaibigan tayo"-naka-ngiting dagdag nya pa kaya ngumiti na lang din ako ng alanganin saka bumalik sa pag-yuko

Miracle?hah!Mukha ba akong milagro?baka sumpa pwede pa

"May tanong pala ako kung okay lang hehe"-napa-buga ako ng hangin saka muling tumingin sakanya,ano na naman kaya?

"Anong tawag jan sa nasa leeg mo?bakit ka may suot nyan?"-napa-balikwas ako ng upo at napa-hawak sa leeg ko dahil sa tanong nya.Hayy

"C-choker ang tawag dito,hehe"-sagot ko habang hawak pa din ang leeg ko,tumango naman sya na parang nasagot na ang lahat ng katanungan nya sa buhay

"Hayaan mo na syang makatulog,Yui"-maiksing singit nung nasa tabi nya,tumango lang naman sya saka ngumiti

"Sige matulog ka n--"

*kring*kring*kring*

Napa-buntong hininga ako saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa

"Hello?Bakit po,Tay?"

[Anak?Ikaw muna ang bahala sa bahay,aalis lang ako]

"Sige po"

[Nga pala,may mga bisita tayo at saatin muna titira,os'ya kailangan ko ng ibaba.Magiingat ka pauwi okay?]

"Opo,Tay.Ingat po"

"Ahm,Miracle?May tanong ako ulit,hehe"-dahan dahan akong lumingon sa katabi ko na naka ngiti ulit

"Anong tawag jan sa hawak mo?"-tanong nya sabay turo sa cellphone ko.Hindi nya alam kung ano ang cellphone?

"Ah,cellphone 'to hehe"-sagot ko saka iniharap sakanya ang cellphone ko na bigay ni Tatay.Matagal tagal na din 'to,buti nga matibay at hindi nanghihingi ng kapalit

"Nakaka-usap mo ang ibang tao gamit 'yan?kahit hindi kayo magkalapit?"-tanong nya ulit kaya tumango ako

"Oo hehe.Madaming gamit 'to"-paliwanag ko pa,tumango naman s'ya na parang tuwang tuwa.Para s'yang bata,ang cute!tch!

"Pwede mo ring gamitin 'to pang-picture hehe"-dagdag ko pa,para naman syang biglang naguluhan"Ah ganito oh,hehe"-binuksan ko yung front camera saka hinarap yun sakanya

"Uwah!Bakit nanjan ang mukha ko?Fall!Shou!tingnan nyo ito oh!Ang galing!"-tuwang-tuwang sabi nya saka kinuha ang cellphone ko at ipinakita sa dalawa pa na pareho ding nagulat.Mga taga saan ba ang mga 'to?

"Ano ang bagay na 'to?bakit nandito ang mukha ko?"-tanong nung nasa dulo,kung tama ang pagkakaalala ko ay Shou ang pangalan nya.Shou nga ba?

"Ang gwapo naman nitong nilalang na 'to"-saad naman nung nasa gitna habang walang tigil ang pagpihit ng mukha pakanan at pakaliwa,para silang may mga aning

"Okay class,sorry for being late may inasikaso lang ako,by the way nakilala nyo na ba ang mga bago ninyong kaklase?boys,kindly introduce your selves"-biglang pasok ng teacher kaya inagaw ko na ang cellphone ko at itinago sa bulsa ko,tumayo naman ang tatlo saka pumunta sa harap

-----

"Ang lakas ng ulan"-bulong ko saka tiningnan ang kalangitan.

Buti na lang may dala akong plastick para sa gamit ko kaya kahit na lumusong ako sa ulan ay okay lang.Ang problema ko lang ay ang sarili ko,mahina ang resistensya ko kaya madali akong magkasakit.Sayang,ang ulan pa naman ang pinaka-gusto ko sa lahat.Pakiramdam ko ay napaka-kalma ng mundo ko kapag umuulan.Hayy

Nagtumpukan ang mga estudyante sa dulong pasilyo dahil nga umuulan,nakisiksik ako hanggang sa makalabas,unti unti kong naramdaman ang pagpatak ng ulan sa katawan ko.Paisa-isa hanggang sa tuluyan na 'kong nabasa,hayy

Sana palagi na lang ganito,Umuulan.

"Bakit ka nagpapaulan,Miracle?"-napa-tingala ako at nakita si Fall na may hawak na payong

"Wala akong payong eh"-sagot ko saka nagkibit balikat,inilapit nya naman yung payong nya sakin para makasilong pero inilapit ko yun pabalik sakanya

"Huwag na,basa na din naman ako at pauwi na 'ko.Ikaw na lang ang gumamit"-sabi ko saka sya nginitian.Ang gwapo talaga ang mga punyetang 'to

"Anong ginagawa mo jan,Fall?Sinong kausa--Miracle?bakit ka nagpapa-ulan?"-gulat na tanong ni Yui saka inilapit din saakin ang payong nya pero umiling lang ako

"Pauwi na din ako,sige na.Babye!"-paalam ko saka tumakbo na palayo

-----

Hinayaan kong tumulo muna yung tubig sa katawan ko bago ako pumasok sa loob at dumiretcho sa kwarto ko para maligo at magbihis.Umalis yung boss namin kaya sarado ang shop at wala akong trabaho ngayon

Pumunta ako sa kusina para magluto pero nagulat ako dahil may tatlong lalaking nakatayo sa harap ng ref

"S-sino kayo?anong ginagawa nyo dito?"-tanong ko,baka masasamang loob ang mga 'to at bigla na lang akong patayin!Oh my!

Muntik na 'kong mapanganga nung humarap sila ng sabay sabay

"Kayo?!"

"Miracle?!"

"A-anong ginagawa nyo dito?"-gulat na tanong ko sakanila,stalker ko ba ang mga 'to?!syempre charot lang.Mas mukha pa nga akong stalker eh

"Dito kami pansamantalang nakatira"-sagot ni Yui.Sila ba ang mga bisitang sinasabi ni Tatay?Oh my!

"Ikaw siguro ang sinasabi ni Tiyo Jared na anak nya"-ani Fall habang nakatingin sakin,napabuga na lang ako ng hangin saka napailing.Hayy

*Grooooowl*

Napatingin kami sa isa't-isa ng sabay-sabay na tumunog ang mga tiyan namin,gutom nga pala ako.Nakalimutan ko ang gutom ko dahil sa presensya ng tatlong 'to

"Marunong ka bang magluto,Miracle?"-pambabasag ni Yui sa katahimikan tumango ako saka lumapit sa ref at tumabi naman silang tatlo.

Kumuha ako ng mga kailangan ko at nagsimula ng magluto,nanonood lang naman sila at tila manghang-mangha sa ginagawa ko.Para talaga silang mga taga ibang dimensyon

"Ang bango naman n'yan,Miracle!Ano'ng tawag jan?"-tanong ni Yui kaya tiningnan ko sya.Malalasap na nga ang amoy ng Sopas

"Sopas ang tawag dito,Yui.Sopas"-sagot ko saka pinatay ang kalan at kumuha ng basahan para ilipat ang kaserola sa lamesa

"Ako na ang maglilipat baka mapaso ka"-presenta ni Fall saka tumayo kaya iniabot ko sakanya yung basahan,inilapag nya yun sa lamesa at si Yui naman ang kumuha ng mga mangkok na gagamitin namin

Nagsalin ako sa tatlong mangkok at pinagsaluhan namin yun,tahimik lang sila habang kumakain at parang ngayon lang sila nakakain nun.Kakaiba talaga sila

"Miracle?"-biglang pagsasalita ni Yui kaya binalingan ko sya

"Hmm?"

"Bakit hindi mo hinuhubad yang shocker mo?"-muntik na kong mabilaukan dahil sa tanong nya,bakit ba napaka-matanong nya?

"A-ah kasi..."

End of first Part

Thank you for reading!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk