Chapter 8
JOBETH POV
Nandito ako ngayon sa aking tunay na teritoryo, Hulaan ninyo kung saan hahaha sirit na kayo pwes ang sagot ay tantararan..... Ang tunay kong teritoryo ay walang iba kundi isang mall just kidding hahaha sementeryo talaga ang tunay kong teritoryo dahil dito marami akong alagad na bangkay, bangkay na katulad ko.
Pero hindi ninyo alam kung papaano ako naging alagad ni Reyna Mala pwes panoorin ninyo ito ROLL VTR PLEASE hahaha just kidding ulet iflashback na lang natin para mahirapan sa pagtatype si author hahaha.
FLASHBACK
Isa akong janitor sa Serdin Royale University kung saan nag-aaral ang limang elitistang mag-aaral at ang bagong TRANSFEREE STUDENT na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nagmula sa bawat araw na lumilipas araw araw kong nakikitang magkakasama ang magkakaibigang elitista at palaging mag-isa naman yung bagong estudyante kapag oras ng vacant.
Makalipas ang unang araw ng pasukan para sa second semester ginulantang kami ng isang balita tungkol sa estudyanteng pinatay mismo sa may school garden ni hindi nga nahuli ng mga pulis ang kriminal na may gawa sa naganap na krimen na iyon.
Hanggang sa magkakasunod na nawala ang limang estudyante na hindi na rin natagpuan ang kanilang mga katawan kailanman.
Nang humupa na ang balita tungkol sa limang estudyanyeng nawawala ay naging matiwasay na ulit ang buong eskwelahan.
Hindi ko na rin nakitang pumasok ang transferee student dahil siguro natatakot siya na baka siya ang isunod ng killer.
Lumipas ang anin na buwan ng biglang may nagpakitang isang babaeng nakalutang at may hawak na libro at manika sa tig-isa nitong kamay at tila ba may binibigkas ito sa hangin.
Kasunod ng pagtatapos ng kanyang ibinubulong sa hangin ay bigla na lang lumindol ng napakalakas halos lahat ng gusali ay gumuho.
Sa bawat lugar ay may mga taong nabagsakan ng malalaking bato nakakaawa silang tignan ng biglang may bumagsak sa akin na isang malaking tipak ng bato na halos kalahati ng katawan ko ang nadaganan naisin ko mang kumilos ay hindi ko magawa dahil nahihirapan na akong huminga siguro ilang minuto na lamang ang aking hihintayin bago ako malagutan ng hininga ng biglang lumapit sa aking ang babaeng nakalutang.
Gusto mo pa bang mabuhay?tanong sa akin nung babaeng lumikha ng napakalakas na lindol.
Oo!!! sagot ko naman sa nagpangiti sa kanya.
Tutal naman at naghihibgalo ka na gagawin na muna kitang isa sa aking mga alagad at kapag nasakop ko na ang buong mundo saka ko ibabalik ang tunay mong anyo sabay tawa ng malakas na tila ba wala ng bukas.
Ano pumapayag ka na ba muling tanong sa akin nung babae.
Oo! Pumapayag na ako sagot ko naman dun sa babae.
Sa pagsagot ko ng oo dun sa babae bigla na lang siyang ngumisi at nagpalabas ng itim na salamangka.
Habang binibigkas niya ang mga salitang lumalabas sa hawak niyang libro ay nagsimula na siyang sumayaw para tuloy siyang bulate na inasinan naroong magbending, magvertical sabay perfect split at nang matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon at sumayaw bigla siyang nag flying kiss isang itim na puso ang dahan dahang lumipad papunta sa akin.
Nang nasa harapan ko na yung itim na puso bigla bigla itong bumagsak sa akin at pumasok sa loob ng aking katawan.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan ng bigla na lang akong iniangat sa ere at tila ba sinusunog ang aking katawan.
Matapos ang kahindik-hindik na pangyayari bigla akong ibinaba ng itim na aurang nakapalibot sa akin, nung una akala ko walang nagbago sa akin yun pala kalahating katawan ko lang pala ang nagbago.
Ang itsura ng aking katawan ay tila ba natupok ng isang malakas na sunog halos wala na itong balat at may masangsang pang amoy na tila ba nabubulok na katawan ng tao.
Hindi ako makapaniwala sa bago kong anyo isa akong zombie na marunong mag-isip tulad ng isang normal na tao.
Pumayag lang naman ako sa kasunduan namin ni Reyna Mala dahil sa kagustuhan ko pang mabuhay pero hindi na pala iyon matutupad dahil muli akong ginamitan ni Mala ng isa pang panibagong salamangka.
Binura ng salamangkang ginamit ni Mala ang lahat ng aking alaala simula pagkabata hanggang sa mangyari ang ginawa niyang sakuna.
At simula noon naging sunud sunuran na ako kay Reyna Mala lahat ng pinapagawa niya ay aking sinusunod ng walang pagtutol.
TO BE CONTINUED...
*************************
MIDNIGHT'S NOTE
NEXT CHAPTER 9 "ANG PAGSUBAYBAY SA IKALAWANG MANDIRIGMA NG LIWANAG"