Matapos ang engkwentrong iyon kay Patricia, natakot na si Jeremy. Naging extra at super sweet na sya at extra and super caring sa girlfriend nyang si Eunice.
Hinding hindi nya hahayaan na maulit ulit ang ganun sitwasyon na makita sya ulit ni Eunice na may kasamang ibang babae.
Wala silang relasyon ni Patricia pero matindi na ang takot na naramdaman ni Jeremy, paano pa kaya kung sila ni Bea ang makita nya?
Ayaw nyang isipin ang kayang gawin ni Eunice. Kilala nya ito pag galit, mahirap awatin at ayaw nyang malagay sa alanganin.
Sa tulong ni Bea naging extra careful sya sa paglabas labas nila.
Dumaan ang mga araw at buwan at naka graduate na rin si Jeremy.
A year pass at wala ng kawala si Jeremy sa Lolo nya, tapos na ang palugit na ibinigay nito sa apo.
Muli nitong tinawagan si Jeremy.
"Pinagbigyan na kita, Jeremy! Ngayon, ako naman!
Panahon na para ikasal ka kay Eunice at gusto ko itong mangyari sa lalong madaling panahon!"
Nataranta si Jeremy, nagisip ng maidadahilan.
"Pero Lolo, paano si Sir Edmund? Hindi pa po nya alam at hindi po yun papayag!"
"Huwag mong intindihin si Edmund, ako na ang bahalang gumawa ng paraan para pumayag yun!"
"Pero lolo, paano po sila Papa at Mama, wala pa din po silang alam?"
"Wala akong pakialam kung alam ng mga magulang mo ang kasal! Hindi naman sila ang mahalaga, KAYO ni Eunice!"
"Hindi ho pwedeng hindi nila alam Lolo, marami pong dapat asikasuhin sa pagpapakasal, kailangan ko po sila!"
"Huwag kang magalala apo, naihanda ko na ang lahat ng dapat ihanda sa darating na kasal nyo dalawang buwan mula ngayon! Isang taon ko itong pinaghandaan, kayo na lang ang kulang!"
Hindi na alam ni Jeremy ang sasabihin, naubusan na sya ng idadahilan at na umurong na rin ang dila nya.
Ito ang problema kay Jeremy, takot sya, kaya madali syang napapaikot ng Lolo nya. Pwede syang humindi sa kasal kung gugustuhin nya pero hindi nya magawa dahil duwag sya. Duwag syang ipaglaban ang tunay na nararamdaman nya.
Ayaw nyang lokohin si Eunice at wala naman sya talagang planong ipagpatuloy ang gusto ng Lolo nya, pero kailangan nyang pagbigyan ito kahit alam nyang ginagamit lang sya nito.
Kaya super ang pagaalaga nya kay Eunice, wala itong maipipintas sa pagaalagang ginagawa ni Jeremy sa kanya.
Kailangan gawin ito ni Jeremy dahil deep inside nagiguilty rin naman sya sa pagpayag sa kagustuhan ng Lolo nya. Alam nyang maiintindihan sya ni Eunice pagnalaman nya ang totoo.
"Meron muna akong kakausapin apo, bago tayo magtungo sa bahay nila Eunice para mamanhikan!"
Ibinaba na nito ang phone.
Unti unting naninikip ang dibdib ni Jeremy ng madinig na mamanhikan na sila.
'Totoo na 'to! Wala na akong kawala! Ano na ngayon ang gagawin ko? Ayaw ko 'to!
Hindi ko maaring pakasalan si Eunice!'
Tila dumidilim ang paningin ni Jeremy. Ginawa nya ang lahat, inipon ang lakas para idial ang numero ni Bea bago tuluyang magdilim ang paningin nya.
"Hello?"
BLAG!
"Hello? HELLO?!"
"JEREMY! HELLO?!"
Tuluyan ng hinimatay si Jeremy. Marami ang nakakita sa pagbagsak nya at may ilan na bumuhat at nagdala sa kanya sa clinic at meron din nagpunta kay Eunice para ibalita ang nangyari.
Kalat na sa campus ang relasyon nilang dalawa.
"Sir, sorry po Sir! Emergency lang po para kay Eunice!"
Sumensyas lang ang professor kay Eunice para lumabas ng classroom.
"Bakit?"
Hindi kilala ni Eunice ang kausap nya kaya nagtataka sya kung bakit sya kilala nito.
Hindi alam ni Eunice na sikat sya sa school dahil sa mga achievements nito lalo na itong nakilala ng malaman ng lahat na boyfriend nya si Mr. romantico na si Jeremy.
"Si Jeremy nasa clinic! Bigla syang hinimatay!"
"Huh?! Anong nangyari?"
Tanong nito na mabilis na lumakad patungong clinic kasunod ang nagbalita sa kanya.
"Hindi namin alam bigla na lang bumagsak! Eto nga pala ang cellphone nya, may tinatawagan sya kanina bago bumagsak!"
"Salamat! Ano nga palang name mo?"
"Charles, sa marketing ako!"
"Salamat ng madami sa'yo Charles!"
Tuwang tuwa ito ng magpasalamat si Eunice sa kanya. Nagpaalam na sya kay Eunice dahil may klase pa ito.
Malapit na si Eunice sa clinic ng mag ring ang cellphone nito.
Tiningnan nya ang numero ng tumatawag at hindi ito naka register sa phone nya, tanging numero lang nya ang nakikita ni Eunice.
Ayaw tumigil ng phone kaya sinagot nya ito.
"Jeremy! Haaay salamat sumagot ka! Tinakot mo ako! Ano bang nangyari bakit ka tumawag at bakit may nadidinig ako sa background na tumumba ka daw?"
Napahinto si Eunice ng madinig ang boses ng babae sa kabilang linya.
"Hello? Sino 'to?"
Natahimik si Bea.