Unduh Aplikasi
34.68% My Beautiful ... Me / Chapter 154: Boring daw?

Bab 154: Boring daw?

Dinala ni Edmund si Jaime sa bar ng resort. Duon tahimik lang nitong tinitingan ang baso nyang may lamang alak.

Nalulungkot si Edmund sa nangyayari pero hindi sya naawa sa taong ito. Ginusto nya yan e!

"Jaime, alam mo na ba kung bakit galit sa'yo ang pamilya mo?"

"Oo! Dahil naging kampante ako! Masyado akong nagtiwala na sobra akong mahal ng asawa ko, hindi nya ako magagawang hiwalayan!"

Sagot nito na hindi inaalis ang pagkakatingin sa baso.

"Mukhang hindi mo pa kilala si Nadine!"

Napaisip si Jaime. Hindi nga nya kilala si Nadine. sa loob ng 20 years na pagsasama nila, hindi nya man lang nagawang kilalanin ang asawa nya. Mas kilala sya ni Edmund dahil best mag friend sila.

"Gaya mo, iniwan din ako ni Nadine nuon at hindi na sya bumalik!"

Naguguluhan si Jaime.

Inalis nya ang tingin sa baso at saka tiningnan si Edmund ng buong interes.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bago mo nakilala si Nadine, kami muna! Wala kaming naging relasyon pero minahal nya ako ng hindi ko alam!"

"Nang mapagod syang mahalin ako, umalis sya! Mula noon hindi na muling nanumbumalik ang damdamin nyang yun sa akin!"

"Pre, ginagago mo ba ako? Bakit mo ikinukwento ang bagay na ito? Para ba ipamukha sa akin na ikaw ang unang minahal ng asawa ko?!"

"Hahaha! Tanga!"

"Kaya ko sinasabi ito sa'yo para maintindihan mo ang isa sa ugali ni Nadine!

"Si Nadine kasi kapag natauhan, hindi na nililingon ang nakaraan!"

Namutla si Jaime.

"Hindi, Hindi ito maari! Kailangan makagawa ako ng paraan para hindi nya ako iwan!"

Gustong sabihin ni Edmund na "huwag kang magaalala," pero hindi nya masabi. Sa tono ni Nadine, tyak na nakapag decide na sya.

*****

Kinabukasan, nag ayang mamasyal si Kate at isinama nya si Eunice at Mel. Sinadya nya ito para muling magkaroon ng time si Eunice at Jeremy.

Pero hindi pumayag si Nadine na lumayo sila dahil nag aalala sya na baka nasa paligid lang si Jaime.

"Maaaa, pleaaase!"

Pagmamakaawa ni Kate.

"No!"

Walang nagawa si Kate, ayaw nyang magalit ang ina.

"Tita, pwede po bang sa pool na iyon na lang kami pumunta?"

Tanong ni Nadine.

Hindi muna sumagot si Nadine, nagiisip.

'May sariling indoor swimming pool ang ni rent nilang bahay pero bakit sa ibang pool nila gustong pumunta?'

"Tita, hot spring po yung pool kaya masarap maglublob!"

May duda sa isip si Nadine, pero ayaw naman nyang magpaka KJ kaya sa huli pumayag din sya, pero may kundisyon!

"Okey sige! Kung kasama nyo si James!"

Nagulat si James ng madinig ang pangalan nya.

"Bakit ako?"

Nananahimik syang nakaupo at nagmumuni muni kaya bakit nga naman sya. Ngayon lang sya nagkaroon ng time na magmuni muni.

Tiningnan sya ng matalim ng ina kaya wala syang nagawa kundi tumayo at samahan ang mga bata sa pool.

"Isama nyo na rin sila Earl, Tina at Ian!"

Sabi ni Nicole.

"PO???!!!"

"Mom, ayaw ko po! Boring pong kasama silang tatlo at kukulitin lang po ako ni Kuya James! Saka inaya ko na po sila Tina at Ian na gumawa ng sand castle!"

Napataas ang kilay ng apat sa sinabi ni Earl."At sinong magbantay sa inyo, aber?"

Earl: (roll eyes)

"Mom, big boy pa po ako!"

At umalis na ito Hatak hatak ang mga new friends nya.

Walang nagawa si Nicole.

"Ako na lang ang magbabantay sa kanila!"

Sabi ni Carla.

Habang nasa daan patungng pool, biglang nagsalita si Mel.

"Boring ba talaga tayo?"

"Hahaha!"

Ang dahilan kung bakit nila gustong humiwalay sa kanila ay dahil kay Jeremy.

Hindi ito makaka kapit kay Eunice kung hindi sila magsosolo.

Pag dating sa pool, naroon na si Jeremy. Tinext ito agad ni Mel ng pinayagan sila.

Hindi mapigilan ni Eunice na mangiti ng makita si Jeremy.

"Asus! Kaya naman pala e!"

Bulalas ni James sabay matalim na tiningin si Eunice.

Namula ito, parang guilty.

Samantala, sa di kalayuan, may isang lalaking kanina pa pinagmamatyagan ang isang batang babae sa isa sa mga bahay ng resort

Matagal na sya duon sa resort, sinusundan ang batang babaeng ito. Nagaantay ng pagkakataon.

"Lintek kang bata ka! Kung inaakala mong matataguan mo ako, nagkakamali ka!"

Nanggigil sa galit na usal nito.

"Nadinig nyo ba yun?"

Tanong ni Mel sa kanila. Kinilabutan sya ng madinig ang boses ng lalaki.

"Ano yun Melabs?"

"Para kasing may boses ng lalaki akong nadinig! At ang creepy ng boses!"

"Huh???"

Tumahimik sila, pilit pinakikinggan ang nasa paligid.

At muling nagsalita ang lalaki.

Napakunot ang noo ni Kate.

"Bakit ganun, bakit feeling ko pamilyar yung boses nung lalaki?!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C154
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk