Unduh Aplikasi
3.82% My Beautiful ... Me / Chapter 17: Kalimutan?!

Bab 17: Kalimutan?!

"Bakit anak? Bakit ka umiiyak?"

Pero hindi nagsalita si Eunice, umakap lang ito sa Mommy nya at humuhikbi. Halatang takot.

Si Erica naman ay napansin ni Nicole na nagpupuyos sa galit at na nakatingin sa principal.

Hindi nito mapigilan ang sobrang pagkadismaya nya sa principal nila.

Wala man dito sa loob sila Nicole at Jeremy kanina, ramdam nila na may tensyon sa paligid.

"Mr. Principal sorry po hindi ko sya napigilang pumasok! Sumabay po kasi sya kay Jeremy!"

Pagdadahilan ng secretary.

"Sige hayaan mo na at patapos na rin kami dito!"

Nakangiwi nitong tiningnan si Nicole.

'Tutal wala na naman syang magagawa dahil nakapag desisyon na ako!'

"Jeremy, my boy, nakausap ko na ang mga batang ito at nagkasundo na kami. Nagsisisi na sila kanilang ginawa at nangako na rin sila na hindi na nila ito uulitin iyon sa iyo!

Kaya hinihiling ko na sana mapatawad mo sila!"

"Hindi!"

Matigas na sagot ni Jeremy sa principal.

Napatigil ang principal.

'Tama ba ako ng pagkadinig?'

"Anong sabi mo Jeremy?"

"Sabi ko, hindi ko sila mapapatawad Mr. Principal!"

'Mukhang galit pa sya sa nangyari.'

At dumapo sa ilong nito ang amoy ni Jeremy.

'Kaya siguro!'

Mukhang kailangan kong gamitin ang principal power sa batang ito!'

"Uhm...Jeremy, iho! Ikaw ang mas matanda sa kanila, hindi ba dapat nag se set ka ng good example para sa mga kabataang ito?"

"Come on Jeremy, show them how to be a Big Brother!"

"Nagsisi na sila hindi ka man lang ba naawa?"

"Pag hindi mo sila pinatawad ikaw ang lalabas na bad and cruel Kuya!"

"Mr. Principal read my lips, I.DON'T.CARE!"

"Wala akong pakialam kung bad and cruel ang tingin nila sa akin! Bakit, sino ba sila para need kong magpaka good goody sa kanila? At isa pa, they don't even have the rights to call me Kuya! They don't deserve it! Hindi ko sila mga kapatid o kamaganak! At mas lalong hindi ko sila close!"

Sarkastikong sabi nito.

Napatigil ang principal. Ngayon lang nya nakitang galit si Jeremy. Mabait itong bata at hindi sumusuway kaya bakit siya ganito ngayon?

'Naku naman, ano bang nangyayari sa batang ito bakit ba nuknukan ang tigas ng ulo ngayon!'

"Jeremy, ano bang gusto mo mag apologize sila sa'yo? Fine they can apologize now, kung yan ang gusto mo para mabawasan ang galit mo! Pero sana after this kalimutan na natin ito! Okey!"

"Mr. Principal, hindi ba bilang nakakatanda yan ang dapat nyong unang itinuturo, ang humingi ng sorry kapag nagkakamali! Hindi yung pinupwersa nyo ang biktima na magpatawad sa mga nagkakasala at ipagdidiinan nyo sa mga biktima na dapat nilang magpatawad dahil kung hindi ang biktima ang lalabas na masama?!"

"Diba parang inabaligtad nyo ang sitwasyon? Ang biktima ang palalabasing may kasalanan at inosente naman ang mga totoong nagkasala?"

"O baka naman depende sa kung gaano kalaki ang pabor na ibibigay ng mga magulang nila sayo?"

Nanginginig na sa galit si Jeremy.

Hinampas ng principal ang mesa nya sa inis. Hindi na nya gusto ang tono ni Jeremy.

"Ang tanging guston ko lang naman ay matapos na ito, marami ng naabala sa usapang ito!"

"Okey Jeremy, para matapos na ito, ano bang gusto mo para mapatawad mo ang mga batang ito?"

"JUSTICE!"

"I want justice for me and for Eunice!"

"Bakit kasama si Eunice? Wala naman silang ginawa kay Eunice?"

"Seriously, Mr. Principal?! Kailangan ko pa bang i explain kung bakit?"

Ang hindi alam ng principal naginit ang ulo ni Jeremy pagpasok nya kanina ng makita nitong umiiyak si Eunice at lihim naman nakangisi ang mga nambully sa kanya.

Napipikon na ang principal kay Jeremy. Naiinsulto ito sa mga sarkastiko nitong sagot.

'Lintek na ito, kanina pa ako minamaliit!'

"Teka lang! Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang principal dito Mr. Alvarez! Irespeto mo naman ako!"

"Kung gusto mong respetuhin kita bilang principal kumilos ka bilang principal hindi yung para kang tuta ng mga magulang ng mga batang yan!"

"JEREMY!"

"Graduating student ka, baka gusto mong hindi ka maka graduate?"

Banta nito kay Jeremy.

"Haha! Now your bullying me!"

"Nakuhanan nyo ba ng video ang sinabi ng principal?"

Tanong nya sa mga boys na kaklase ni Eunice.

"Yes, Idol! He he!"

Sagot nila.

Hindi involve ang mga ito sa pambubully kay Eunice at ang trip lang nila ay mag video ng mag video. Kaya isinama sila dito ni Teacher Erica para maging witness.

"Isend nyo sa Messenger ko at ipapakita ko sa Lolo ko at sa Tita ko!"

Sabi ni Jeremy sa kanila.

Natatarantang bigla ang principal. Nakalimutan nyang tyahin ni Jeremy ang may ari ng school.

"Teka, bakit kayo kumukuha ng video? Diba dapat na bumabalik na kayo sa classroom?"

"Sir Principal, wala pa po kaming teacher dahil andito pa po si Teacher Erica!"

"Saka hindi pa po tapos ang aksyon!"

Nanggigil na sa galit ang principal.

'Lintek na mga batang ito inuubos ang pasensya ko!'

Pinilit nyang kumalma at muling kinausap si Jeremy.

"Iho, bakit ka ba ganyan? Bakit kailangan malaman ng Lolo mo ito?"

"Kung ayaw mong patawarin sila, Fine! Kalimutan na lang natin ito!"

"Kalimutan?!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk