Unduh Aplikasi
89.23% The More You Hate, The More You Love / Chapter 58: Chapter 58

Bab 58: Chapter 58

My Everything

You're my love, my life

The air that I breath

You're my soul, my happiness

The all that I need

You're my light, my dark

The stars in the sky

You're my ups, my downs

The reason I try

You're my strength, my weakness

The love from the start

You're my heartache, my pain

The beat of my heart

You're my tears, my joy

the love that you bring

You're my world, my galaxy

Hayley, you're my everything.

- Unknown -

(Flashback)

"Shit, Levi, could you please drive faster!" Sigaw ni Nico habang hawak ang dalaga na walang malay. Naintindihan naman ni Levi ang nararamdaman ng kaibigan. Halos mawala ng kulay ang mukha ni Nico ng makita ang duguan si Hayley at lalong nagpanic ang binata ng mawalan ng malay ang dalaga kaya walang sabi sabing binuhat agad ito palabas kahit kita niya ang kutsilyo ay nasa tagiliran pa din nito at puno na din ng dugo ang damit na suot. Hinarang naman ng iba pang bodyguard na kasama nila Levi ang mga usisero kaya madali silang nakasakay ng kotse at pinaharurot na nga niya ang sasakyan.

Nakarating sila sa hospital at nagmamadaling binaba ni Nico ang dalaga. Nang makita naman ng mga Emergency nurses ang duguan dalaga ay agad nilang inasikaso ito at tinawag agad ang Resident on Duty. Dumating naman agad ang doctor at tiningnan ang sugat ng dalaga. Sinarado ng nurse ang kurtina pero nanatili si Nico sa tabi ng dalaga na hawak ang kamay nito. Matapos dahan-dahan alisin ang kutsilyo ay agad na nilapatan ng lunas ng doctor ang sugat ng dalaga. Nilinis at pagkatapos ay tinahi. Binihisan siya ng hospital gown dahil napuno ng dugo ang kanyang damit. Nang matapos asikasuhin ay iginaya ng doctor si Nico para sa interview.

Paglabas ni Nico sa Emergency room ay nakita niya sila Levi kasama sila Holden at ang iba pang bodyguard na nasa labas naman dahil alam nilang bawal magstay sa loob ng ER ang madaming tao lalo at hindi naman sila patient. Hawak ni Holden ang damit pampalit ni Nico kaya nagbihis muna ang binata pagkatapos ay saka nakipag-usap sa doctor at nurse.

"Sir, kailangan po namin ang immediate family para po magsign sa admiting paper ng patient." Sabi ng nurse. "Ako na lang." Sabi ni Nico. "Name of patient po?" Tanong ng nurse. Sandaling nanahimik si Nico. "Hayley Bermudez." Nagkatinginan si Levi at Holden sa nadinig. "Ano n'yo po siya?" Tanong muli ng nurse. "She's my wife." Biglang inubo ng sabay sila Levi at Holden na naging dahilan para tingnan sila ni Nico ng masama kaya sabay din silang huminto. Pagkatapos ng interview ng nurse kay Nico ay ang doctor naman ang kumausap sa kanya.

(End)

Nakangisi ang lahat ng nasa kwarto samantalang si Hayley ay nakatingin sa binata na hindi makapaniwala sa kalokohang naisip nito. Kakamot-kamot naman sa ulo si Nico dahil hindi din niya maisip kung bakit ganoon ang sinagot niya sa tanong ng nurse, basta yun ang unang pumasok sa isip niya.

"So, Mrs. Bermudez, baka nagugutom ka na. May dala kaming breakfast." Tukso ni Ashley. "Tiyak namang papakainin ka ni Mr. Bermudez kasi sabi ng doctor ay bawal ka munang magkikilos." Dugtong pa ni Lily. Umikot ang mata ni Hayley sa mga panunukso ng mga kaibigan pero ayaw niyang aminin na gusto din niya ang tunog ng "Mrs. Bermudez".

Matapos magbreakfast ay nagpaalam na sila Ashley at Lily dahil kailangan nilang bumalik sa Kleid dahil kung hindi ay baka makurot sila ni Leandra sa singit. Ihahatid sila ni Holden at pagkatapos ay magpapahinga din. Ganoon din sila Dashiell at Quinn para makapagpahinga naman si Dashiell. Naiwan sila Levi at Holden kasama ng dalawang magsing-irog.

"Ano ng balita sa ginagawa ni Rod?" Tanong ni Nico. "Still on going, mahirap palinawin ang isang madilim na lugar. Kailangan ng madaming chechebureche. Naiinis na nga sila Grey at Jacob dahil sa dami ng utos ni Rod. Nakikipagpalit na nga sa amin kanina bago kami pumunta dito." Nakatawang sabi ni Levi. "Maybe, later this night ay may konting pag-asa ng makita si Rod." Sabi naman ni Holden. "By the way, maya-maya ay pupunta na kami sa airport para sunduin sila Tito at Tita. Do you think you can manage?" Tanong ni Levi na nakatingin kay Nico. "Of course, ng masolo ko naman ang Mrs. Bermudez ko." Nakatanggap ng isang kurot sa kanyang tagiliran si Nico mula sa namumulang si Hayley. "Saka malakas na sa kalabaw ang pasyente natin." Dugtong ni Nico na himas himas ang masakit na balat.

Matapos nga ang ilang oras ng tuksuhan at inisan ay umalis na sila Levi at Holden para sunduin ang mag-asawang Leo at Rose. Hindi naman nag-aalala sila Levi dahil isang katerbang bodyguard ang iiwanan nila para bantayan ang dalawa. Hindi pa man natatagalan ang pag-alis nila Levi ay may kumatok na sa pinto pagkatapos ay pumasok ang head ng mga bodyguard.

"Sir, may gusto pong dumalaw kay Maam." Report ng bodyguard. "Who are they?" Tanong ni Nico. "Sir, Mr. Thomas Ayala and his son, Mr. Toby Ayala." Sabi ng bodyguard. Naikuyom ni Nico ang mga kamay. "Let them in." Sabi ni Hayley na ikinatingin sa kanya ni Nico. "Yes, Ma'am." Sabi ng bodyguard sabay labas na sa kwarto.

"Are you sure with this?" Tanong ni Nico na tumabi sa dalaga. "Yeah, mabait si Tito Thomas." Sagot ni Hayley. "And Toby?" Tanong ni Nico. "I'm with you so I'm okay." Nangiti si Nico sa sinabi ng dalaga kaya hindi niya natiis na hindi ito bigyang ng mabilis na halik sa labi.

Makalipas lang ang ilang minuto ay pumasok na ulit ang bodyguard kasama na ang mag-ama. "Hayley, how are you?" Nakangiting sabi ni Thomas sabay hawak sa kamay ng dalaga. "I'm okay, Tito." Sagot ng dalaga. "That's good to hear, iha. Nag-offer ako ng tulong kay Nico para mapabilis ang paghuli sa gumawa sa iyo noon pero sabi niya ang yakang-yaka na nila." Nakangiting sabi ni Thomas. "He's right, Tito. Madami siyang alipores." Biro naman ni Hayley. "Yeah, there are bodyguards everywhere at ang higpit ng security sa buong hospital." Sabi ni Thomas. "Please, take a seat, Tito." Ganoon nga ang ginawa ni Thomas. Si Toby ay tahimik lang na nakasunod sa ama. Nagkwentuhan sila sandali at maya-maya lang ay nagpaalam na din ang matandang Ayala dahil may tawag mula sa kanyang opisina.

"Can we talk?" Seryosong sabi ni Toby. Nagulat man ang ama ay naintindihan niya ang ibig sabihin ng anak. "Mr. Bermudez, could we leave them for a while?" Tanong ni Thomas sa binata. Tumingin si Nico kay Hayley at ng tumango ito ay wala siyang nagawa kungdi ang magbuntong hininga pero bago sila tuluyang lumabas ay tinawag siya ng dalaga.

"I love you." Bulong ni Hayley sa binata. "I love you more." Ganting bulong ng binata sa dalaga pagkatapos ay binigyan niya ng halik ito sa noo saka lumabas na kasama si Thomas.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C58
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk