Unduh Aplikasi
24% MOON BRIDE UNIVERSE: Spiral Gang / Chapter 18: Mundong Puno Ng Hiwaga (1)

Bab 18: Mundong Puno Ng Hiwaga (1)

NAPAKURAP si Ruth nang bigla siyang alugin sa braso ni Selna. Naputol ang tumatakbo sa isip niya. Kumunot ang noo niya kasi nang subukan niya sabihin kahit sa isip lang kung anong klaseng nilalang si Lukas, parang may kung anong pumipigil sa kaniya. Kahawig iyon ng ginawang pagkontrol sa kaniya ng lalaking Danag kanina. Ang kaibahan lang hindi siya nakakaramdam ng matinding kilabot at pagrerebelde ngayon hindi katulad kanina. Iyon lang, nakakailang at nakakafrustrate pa rin na may gusto kang isipin o sabihin pero hindi mo magawa.

Inalog uli siya ni Selna kaya sa pagkakataong iyon ibinigay na niya ang kanyang atensiyon sa kaibigan. "Bakit?"

Nakangiti ito, kumikislap ang pag-asa sa mga mata. "Lumiliwanag na, Ruth."

"Oo nga. Bukang liwayway na," sabi rin ni Andres na halata ang relief sa boses.

Tumingala si Ruth at nakitang nawawala na nga ang kadiliman. Sunod niyang iginala ang tingin sa labas ng Sitio Nawawala. Nakikita na niya ang dirt road at ang malawak na damuhan. Ang dilim ay unti-unting umaatras, kasama na ang mga nilalang na nagtatago roon hanggang naaaninag na niya kahit papaano ang anino ng mga puno sa kagubatan kung saan sila galing. Nang lingunin naman niya ang mga residente ng sitio namangha siya nang makitang isa-isa nang nagpapalit ng anyo ang karamihan. Nagiging mga hayop ang tao at nag-aanyong tao naman ang mga hayop.

Hindi kumikilos ang mga ito, nakayuko pa rin, lulugo-lugo at parang hinihintay ang magiging hatol ni Lukas sa mga ito. Si Eugenia na lang, ang anak nito at ang lalaking Danag na nakahilata pa rin sa tabi ng arko ang hindi nagpalit ng anyo.

Sunod siyang napatitig kay Lukas. Nakatingin ito sa mga residente ng sitio. "Maging aral ang gabing ito para sa inyo. Huwag niyo na uli akong gagalitin maliwanag ba?"

"Masusunod, master," magalang na sagot ng lahat.

Tinalikuran na ni Lukas ang mga ito at naglakad palapit sa kanilang magkakaibigan. Naramdaman ni Ruth na natensiyon ang mga kaibigan niya. Hindi naman niya masisi ang mga ito. Kahit siya hindi niya alam kung dapat ba siyang humanga o matakot kay Lukas ngayon. Huminto ito sa harapan nila, walang emosyon sa mukha habang tinitingnan sila isa-isa na para bang iniinspeksiyon kung may injury sila o kung ano pa man. Sa kaniya huling napunta ang atensiyon nito. Napalunok siya nang kumunot ang noo nito habang nakatitig sa mukha niya. Pagkatapos nagulat siya nang umangat ang isang kamay nito at magaan na hinaplos ang pisngi niya.

Napangiwi si Ruth kasi may parte ng pisngi niya na humapdi nang madaanan ng hinlalaki nito. Nang ilayo nito ang kamay sa mukha niya napatitig siya sa dugo na naiwan sa daliri nito. Dugo niya. Bumuntong hininga si Lukas at tumitig sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na sa inyo na hindi kayo puwede masugatan. Kung hindi lang lumiwanag, malamang nagwala na ang mga demonyo sa dilim na malakas ang pangamoy sa dugo. Lalo na sa dugo na mayroon ka."

Kumunot ang noo niya. Nagtaka. Magtatanong pa lang sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin kaso bumara sa lalamunan niya ang mga salita. Inilapit kasi nito ang hinlalaki sa bibig nito at dinilaan ang dugo niya. Pagkatapos umangat ang gilid ng mga labi nito at tinitigan ang kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ni Ruth kasi kung tingnan na naman siya nito ay para bang matagal na siya nitong kilala. Na para bang ang lasa ng dugo niya ang naging kumpirmasyon ng kanyang pagkatao. Sandali ring naging asul ang isang mata nito pero nang kumurap siya ay normal na uli iyon.

"Hey. Harassment 'yang ginagawa mo," reklamo ni Andres. Saka lang sila natauhan nina Selna at Danny.

Sinulyapan ni Lukas ang binatilyo at tumaas ang mga kilay. "Maliit na kabayaran lang ito sa pagtulong na ginagawa ko sa inyo." Umayos na uli ito ng tayo at nagsimula maglakad papunta sa direksiyon ng arko. "Umalis na tayo."

Sumunod sila agad kasi kagabi pa naman nila gusto umalis doon. Nang makarating sila sa arko napansin ni Ruth na wala na roon ang danag. Kung nawala ito kasabay ng gabi o may residenteng nagmagandang loob na kunin ito ay hindi na siya interesadong malaman. Ilang metro na yata silang nasa dirt road nang maisipan niyang lumingon. Nanlaki ang mga mata niya at napahinto siya sa paglalakad nang makitang habang lumiliwanag ang paligid ay unti-unti rin nag fe-fade ang sitio, parang multo na nagiging see-through.

"Ruth? Bakit huminto ka?" nagtatakang tanong ni Danny. Sumenyas siya. Naramdaman niyang huminto rin ang mga kaibigan niya at nilingon ang tinitingnan niya.

"Ang sitio… nawawala!" manghang sabi ni Selna.

"Tapos na ang rituwal kaya maglalaho na sila at lilitaw lang kapag bagong buwan uli para ulitin ang rituwal at manguha ng mga dayong maliligaw," sabi ni Lukas.

Ngayon alam na nila kung bakit Sitio Nawawala ang lugar na iyon. Hindi lang dahil doon napapadpad ang mga nawawala sa daan kung hindi dahil literal pala iyong naglalaho. Matagal pa silang nanatiling nakatayo roon, manghang pinanood ang pagkawala ng sitio. Hanggang maging malawak na damuhan na lang ang kanina ay kinatitirikan niyon.

Tuluyan nang naglaho ang Sitio Nawawala. Kasama na ang mga nakatira roon. Bigla may naalala si Ruth. Nilingon niya si Lukas. "Bakit tinanggihan mo ang alok nilang pakawalan pati ang mga matatanda nilang alipin? Mga tao rin sila na nasa ilalim ng mahika ng mga nakatira roon."

"Mas makakabuti sa kanilang manatili sa lugar na 'to," sagot ni Lukas. Napatingin na rin dito sina Selna, Danny at Andres. Seryoso ang mukha nito nang magsalita uli, "Napansin niyo naman, matatanda na ang lahat ng alipin doon. Gaano katagal na silang nasa bersiyon na ito ng Tala sa tingin ninyo? Marami sa kanila wala nang babalikang buhay at pamilya. At kapag natauhan sila, ano ang magiging reaksiyon nila kapag nakita nilang matatanda na sila kung ang natatandaan nila ay ang batang bersiyon ng mga sarili nila? May kapasidad ba silang maunawaan ang deka-dekadang taon na lumipas na hindi nila namalayan? Wala. Alam niyo kung ano ang mangyayari sa kanila kung babalik sila sa Tala ninyo ngayon? Mababaliw sila, matatakot at magdadala lang ng panganib at kaguluhan sa maayos na takbo ng buhay ng mga tao roon."

Nagkatinginan silang magkakaibigan. Nalaglag ang mga balikat. Kasi tama si Lukas. Malamang din kasi para sa pamilya ng mga naging alipin, matagal ng patay ang mga ito. Pero nakakalungkot lang na hanggang sa huling sandali, hanggang sa kamatayan, hindi makakalaya ang mga ito mula sa mahika ng bersiyon na ito ng Tala. Nakakalungkot na hindi na talaga makakabalik sa pinagmulan ang mga ito.

Pero higit sa mga iyon may isa pang narealize si Ruth. Napatitig siya kay Lukas na nagkataong nakatingin din sa kaniya. Mukhang nabasa nito ang tumatakbo sa isip niya kasi kumunot ang noo nito, sumimangot at tumalikod sa kanila. "Sasabihin ko na para lang hindi kayo magkaroon ng maling ideya. Hindi ko kinakaawaan ang mga alipin na 'yon. Dagdag problema lang sila kapag bumalik sila sa Tala ninyo at mas marami ang makaalam ng tungkol sa lugar na ito." Pagkatapos binilisan na nito ang paglalakad kaya napilitan silang halos tumakbo para lang hindi mapalayo rito.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C18
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk