Unduh Aplikasi
30% Mr. Lover Meets Ms. Simple / Chapter 3: Chapter 2

Bab 3: Chapter 2

Kakatapos lang ng klase namin at andito kami ngayon sa cafeteria isa sa mga paborito naming lugar dito sa school kapag vacant o biglang mawawala ang prof.

"Hon please samahan mo na ako sa mall"

"Sorry Abi but I can't we sti have practice later may laban kami mamaya"

"Wag ka na muna umattend ng practice mo hon alam ko naman na mapapanalo mo yun eh"

Hindi ko intensyon makinig sa usapan nila pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa pano ba naman dito pa sa harap namin nag bangayan.

"Pusta ako Ivy mamaya break na ang dalawang yan" Napatingin ako sa sinabi ni mikko which is totoo naman pinaka ayaw kasi ni jv ay yung pinipigilan sya sa mga gagawin nya.

"Oo nga! At sasabihin nyang babae na yan na magpapakamatay sya" napabaling ang tingin ko kay Alvin ng magsalita rin sya.

"Tapos ang mangyayari to the rescue si Ivy para kay Jv" sagot namin ni Allan.

Kilalang-kilala talaga nila kami andito pa rin sila sa harap namin nag aaway pero hindi ko na sila inintindi kasi masyado na akong gutom na gutom si Gaile wala dito kasi may klase pa sya.

"What?! No! No! No! Hi-hindi tayo mag hihiwalay! Please hon bawiin mo yung sinabi mo! Hindi pwede to! Look I-I'm sorry ok! Promise hindi ko uulitin"

Nagulat ako sa sigaw nung babaeng girlfriend ni Jv dito sa cafeteria dito pa talaga gumawa ng eksena ang dalawang to

"Boom! Tama ako hahahaha" Pabulong na sabi ni Mikko natawa naman ako don kasi yung mga pusta nila nangyayari na nga ngayon sa harapan namin at sa maraming studyante dito.

"Tapos na tayo! Ayoko kasi sa lahat kino-kontrol ang mga gagawin ko! Look dahil lang sa mall mag tatampo ka? What the fuck?!"

"I-I'm so-sorry na nga hon! Hindi na mauulit promise balikan mo na ako bawiin mo na yung mga sinabi mo hindi ka makikipag break diba?!"

Popcorn na lang kulang para na akong nanunuod ng movie in Live tamang iyak lang yung babae habang si Jv pikon na pikon na.

"Pag sinabi kong tapos na tapos na!"

"Hindi mo babawiin?! Sige magpapakamatay ako!"

Hindi na kami nagulat sa sinabi niya na magpapakamatay sya ilang babae na ba nagsabi nyan kay Jv? Hindi ko na mabilang sa daming naging ex ni Mr. lover.

"See tama rin pusta ko hahahaha" singit naman ni Alvin etong mga to hindi ko alam kung anong mind meron eh.

"Edi magpakamatay ka akala mo ba natatakot ako?! I dont care if you want to end your life because of this fucking break up!"

Galit na galit na sabi ni Jv sa kausap nya hindi ko naman sya masisi sa inaasal naman talaga nung babae nakakapikon kahit ako yung lalaki mapipikon rin ako.

"Sige! I will end my life here!" saka nya kinuha ang dispossable knife na pang hiwa sa pizza na order namin na ikinagulat namin lahat normal na samin makakita na may nagtatakang magpakamatay sa harap ni Jv at sa harap namin.

"Oppppsss!! Pasensya na Miss ah? Hindi ko ugaling makinig sa usapan nyo pero pwede ba ibaba mo yang kutsilyong hawak mo kasi hindi naman sapat na dahilan si Jv para magpakamatay ka"

At eto na nga to the rescue na naman ako sa kanya nako Jv dapat ilibre mo ako ng Ice Cream nito mamaya bebenta na naman ang Words of Wisdom ko sa mga ex mong nagtatakang magpakamatay.

"But I love Him! Mas mabuting mamatay na lang ako kung di rin naman ako babalikan ni Jv!"

Sakit sa ulo ng mga ex ni Jv pano ba nya naatim magkaroon ng suicidal girlfriend? Dahil lang hihiwalayan sila magpapakamatay sila ganon ba sila kasatisfied sa pagmamahal ni Jv?

"Oo nga mahal mo si Jv pero sa tingin mo ba pag nagpakamatay ka sa harap ng mga studyante dito sa cafeteria walang mangyayari? Sa tingin mo ba mas magiging masaya si Jv kapag nagpakamatay ka diba hindi kasi habang buhay nya dadalhin ang konsensya na kaya ka namatay kasi kasalanan nya at nakikita mo ba yang mga studyante na yan sa tingin mo ba hindi mag babago ang tingin nila kay Jv? Baka nga pag namatay ka kamuhian nila si Jv and worst baka sa kulungan pa ang bagsak nya kasi nga sya may kasalanan bakit ka namatay"

Mukhang naliwanagan na yung babae kasi tumingin muna sya sa paligid nya at mukhang natauhan na rin sya. Tumingin muna sya sa akin bago nya tinitigan si Jv at bigla na lang umiyak.

"Now give me your knife and fix yourself, stop crying lalaki lang yan marami ka pang makikilala dyan" Binigay nya naman sa akin yung kutsilyo at hinarap ulit si Jv kasi nasa likuran ko si Jv.

"Im sorry Jv nadala lang ako ng emosyon ko! I didn't mean it! I dont want you to be in Jail sorry sorry" saka niyakap si jv at umalis na sa harapan namin.

Hindi na umimik si Jv at nag alisan na rin ang mga studyanteng nakasaksi ng break up nila grabe kung papalabas to sa sinehan pang blockbuster siguro to.

Kasi kanina ok lang sila then biglang break na agad dahil lang sa Mall? Ang babaw naman masyado napahilamos si Jv sa mukha nya nang makaalis na yung ex nya.

"Diba! Tama ako sa pusta ko rin hahahaha sabi na eh To the Rescue na naman si Ivy pano na lang pala dude kung wala si Ivy sa tabi mo edi nag gilit na talaga ng leeg yung babae kanina" siraulo talaga tong si Allan hays

"Baliw ka talaga Allan kilabutan ka nga sa sinabi mo siguro naman matatauhan pa yung babae"

Tiningnan ko si Jv at titig na titig sya sakin may dumi ba ako sa mukha? Panget na ba ako? Oo alam kong simple lang ako pero bakit naman ganito ang titig nya sakin?

"Thank you Ivy. Thank you for always being there for me" saka nya sininandal ang ulo nya sa balikat ko magkatabi kami at nakaharap kami kila mikko.

Hindi ko alam bakit ganito kalakas tumibok ang puso ko lagi naman nyang ginagawa sakin to pero bakit ngayon ko lang to naramdaman?

"Ayyiiee! Si Ivy na lang kaya ligawan mo tutal bagay naman kayo" pang aasar ni Mikko

"Oo nga dude Mayaman, Matalino, Maganda tapos simple pa sya" Sagot naman ni Allan

"Atsaka dude ano pang hihilingin mo at hahanapin mo sa isang babae halos lahat na kay Ivy na" Pang aasar rin ni Alvin

Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko sa mga pinagsasabi nila kay Jv kahit kailan hindi ko hiniling na gustuhin nya kasi alam kong hindi ako ang type nya.

"Alam nyo manahimik na lang kayo at kumain para naman may ambag kayo samin tutal kami rin naman nag bayad nyang kinakain nyo" sagot ko sa kanilang tatlo at nagtawanan lang sila.

Tiningnan ko si Jv at mahimbing syang natutulog habang nakapatong pa rin ang ulo nya sa balikat ko nastress siguro siya sa ex nya kahit naman sino siguro pag ganung hindi kamatured ang ex mastr-stress ka talaga.

Ginising ko na si Jv para mag ready na sa susunod namin klase sobrang sipag kasi ng prof namin na yon always present sa klase wala atang araw o events yon na pinapalagpas basta pag sched nya dapat may klase.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk