Unduh Aplikasi
20% Mr. Lover Meets Ms. Simple / Chapter 2: Chapter 1

Bab 2: Chapter 1

"Maam Ivy gising na po kayo mala-late na po kayo sa klase n'yo andito na rin po si Maam Gaile iniintay po kayo sa baba"

Nagising ako sa gising ni Manang Gine antok na antok pa rin ako pero kailangan ko na bumangon andyan pala si Gaile sa baba ang aga naman nya sabagay nangako nga pala ako na sabay kami papasok.

Bumangon na ako at nag ayos ng sarili hindi naman ako pala make up na babae kaya pulbos lang ginamit ko at lip balm ewan ko ba pinakalaki naman ako ng mga magulang ko na may taga pag ayos pero hindi ko naman sila pinapapunta dito.

Tumingin ako sa whole size mirror ko atsaka lumabas na ng kwarto ko naabutan ko pa si Gaile sa salas na naka upo habang umiinom ng hot choco sanay na sanay talaga s'ya dito samin porket magkadikit lang bahay namin.

"Gaile! Goodmorning ang aga mo naman ata 8:30am pa klase natin ah" 7am pa lang pero andito na sya agad sa bahay namin

"Ate Ivy! Goodmorning! Si kuya Jv kasi umuna na sa school may practice daw kasi sila para sa laro nila mamaya"

Tumango na lang ako sa kanya saka dumeretsyo sa kusina niyaya ko na rin si Gaile kumain pero tinanggihan nya for sure naka kain na s'ya bago s'ya pumunta dito.

Tinapos ko na agad ang pagkain ko at saka nag paalam kay manang Gine na papasok na ako may driver naman kami pero mas prefer ko na ako ang magdri-drive pumayag naman sila daddy kaya nagagamit ko mag isa ang kotse.

Hindi kami magkaklase ni Gaile pero same kami ng sched 8:30 rin ang klase ko kaya madalas kami talaga magkasama at magkasabay sa uwian pero minsan hindi ako nakakasabay sa kanila kasi marami rin ako ginagawa as a graduating student.

"Ate Ivy wala ka ba talagang gusto kay kuya Jv? Kasi kung meron man tapos dine-deny mo lang please aminin mo na sa akin promise tayong dalawa lang makakaalam"

Pangungulit ni Gaile sakin gustong gusto daw nya ako para sa kuya nya pero wala talaga ako maramdaman para sa kanya siguro dahil tinanggap ko na magkaibigan lang kami mag bestfriend.

"Alam mo Gaile kahit kulitin mo pa ako ng kulitin hindi ko talaga gusto ang kuya mo ok. Mag bestfriend lang talaga kami atsaka hindi nya ako magugustuhan kasi simple lang naman ako"

"Hindi pwede ate! Ikaw ang nababagay kay kuya hindi yung mga lintang nagiging girlfriend ni kuya hmp"

Natawa na lang ako at Itinuon sa daan ang isip ko baka mamaya kung ano pang mangyari samin ni Gaile dahil sa nagiging lutang na naman ang isip ko.

~ Andito na kami sa school nagpaalam na rin siya sa akin na uuna na sya kami malayo-layo ang pinagparkingan namin sa building ng klase nya ngayon sakto wala pa ang prof namin at mukhang late na naman sya 8am na at may 30 minutes pa naman s'ya kokonti pa rin ang mga kaklase ko na nandito sa room.

Umupo na ako at saka inayos ang gamit ko na gagamitin mamaya inabala ko na rin ang sarili ko sa pagbabasa nitog Romance Book na nabili ko sa NBS hindi naman ako mahilig mag basa ng ganitong genre ng story pero dahil nagandahan ako hindi ko na matigil ang pagbabasa nito.

"Ivy!" Pang gugulat ni Alvin pasalamat sya hindi ko naibato sa kanya itong librong binabasa ko napaka hilig nyang mang gulat.

"Ano ba Alvin! Ang hilig mo talagang mang gulat nakakainis ka! Pasalamat ka hindi ko naibato sayo itong librong binabasa ko"

"HAHAAHA! Sorry na Ivy napaka seryoso mo kasi sa binabasa mo. Ano ba kasi yan?"

"Wala! Alis dyan bumalik ka na dun sa upuan mo teka asan pala sila Jv bakit hindi mo sila kasabay"

Napansin kong si Alvin lang ang pumasok dito sa room hindi ko alam pero sa tuwing hindi ko nakikita si Jv hindi ko mapigilan ang sarili kong hanapin sya dapat naman wala akong pake sa kanya kasi baka kasama nya ang Girlfriend nya pwede rin naman na concern lang ako as his Bestfriend.

"Nasa shower room pa rin sila umuna ako sa kanila kasi nangako ako kay Jomari na sasabay ako sa kanya pagpasok"

Buti pa si Alvin happy ang lovelife nya sobrang tagal na rin nila ni Jomari 2nd year College pa lang ata kami nung maging sila baka iniisip nyo bakla si Alvin dahil sa pangalan ng Girlfriend nya hindi bakla si alvin talagang Jomari lang pangalan ng Girlfriend nya nameet ko na si Jomari maganda sya, matangkad, mayaman rin at matalino kaya inlove na inlove sa kanya si Alvin.

" Ah sige na umupo ka na baka biglang dumating yung prof natin"

Umupo na sa likod ko si Alvin kaklase ko silang apat bali samin anim si Gaile ang pinaka bunso kasi sya yung bunsong kapatid ni Jv at ilang saglit dumating na rin sila Jv mukhang maganda ang araw nilang tatlo nakikita ko sa mga awra ng mukha nila siguro naging maganda ang practice nila.

Nginitian ko na lang sila nang makaupo sila sa kani-kanilang upuan nasa iisang row lang naman kami kaya binati ko na sila agad baka isipin naman nila napaka suplada ko. Hindi ko nga akalain na makaka-close ko sila kahit sikat sila dito at ako ito hindi naman kapansin-pansin dito sa school.

"Hi Ivy! GoodMorning! Lalo ka atang gumaganda ngayon anong meron? Inlove ka na siguro" pang aasar ni Allan sarap tuktukan nitong si Allan hays napaka daldal. Ako maiinlove? Ni hindi nga ako nagkakaroon ng Crush eh abnormal ata ako eh.

"Oo nga Ivy btw Goodmorning Ivy! Atsaka dude tingnan mo naman napaka blooming ni Ivy ngayon" Isa pa itong si Mikko kaya napaka close ko sa kanila never nila ako hindi napangiti kahit sobrang mapang asar nilang lahat.

"Araw-araw naman maganda si Ivy at Blooming" seryosong sagot ni Jv.

"Mga baliw kayo kung ako sa inyo mag re-review na lang ako kasi baka magpa surprise recitation si sir"

Hindi ko na sila pinansin ibinaling ko na lang sa pag babasa ang atensyon ko ramdam ko ang init ng pisngi ko hindi ko alam bakit bumilis ang tibok ng puso ko nung sabihin iyon ni Jv normal naman samin na sabihan nya ako ng ganon sa harap ng mga kaibigan nya pero this time hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.

Sakto naman na dumating yung prof namin and ano pa ba aasahan syempre late rin ulit sya sanay na kami sa kanya itinuon ko na lang atensyon ko sa klase nya at hindi pinansin itong nararamdaman ko baka infuatation lang ito bestfriend kami at hindi na mag babago yon atsaka alam ko sarili ko na hindi si Jv yung type ko kahit ang tingin sa kanya ng lahat ay Mr. Lover.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk