"Maaari bang magtanong sa'yo?" siya ulit ang unang nagsalita.
"A-Ano 'yon?" walang gana ang aking tono.
"Maganda ba ako?"
Nagulat ako ng husto sa naging tanong niya.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"
"Please, just answer me honestly!" she emphasized the last word she just uttered.
"O-Oo naman!" may kaunting pag-aalinlangan sa naging sagot ko dahil hindi ko maintindihan kung ba't pa niya kailangang itanong ang ganung bagay dahil obvious naman na talagang maganda siya.
"Sexy din naman ako 'di ba?"
Hindi muna ako nakasagot.
"Mmm . . . Hindi naman maipagkakaila iyon." Ang maikli kong tugon sa kanya.
"Kung ikaw ba ang naging boyfriend ko, ipagpapalit mo rin ba ako sa iba?"
*****
Hi! Thank you po sa pagbabasa. The increasing number of reads, the power stones you cast as votes, and the collections, somehow tell me na may mga silent readers out there na nagbabasa at sumusubaybay sa story na to. Thank you for the "push". Please don't hesitate to rate or review the story by the way. This is a raw manuscript, which means hindi siya nag-undergo ng proper editing, pagpasensyahan niyo na po kung may mga errors. More chapters are coming. Please stay tuned. :)
-SecondHandBoyFriend, author