Unduh Aplikasi
75% The So-Called "Ex" / Chapter 15: TSCE: "I've Moved-On!"

Bab 15: TSCE: "I've Moved-On!"

***

Huminga ako ng malalim na para bang nabunutan ako ng isang tinik sa aking dibdib. Kinukusot ni Merlyn ang kanyang mga mata nang binalingan ko siya.

Pagkaraa'y marahan akong lumapit sa kanya. Subalit ay wala pa man akong ginagawa ay bigla na lamang siyang yumakap sa akin, at saka humagulgol siya ng iyak. Nagulat ako at hindi nakapagsalita sa kanyang ginawa.

Nasaktan ulit siya at ramdam ko 'yun!

Batid ko na ganoon ang nararamdaman niya that time kahit na bukambibig niya na wala na siyang pakialam kay Evo, at na naka-move on na siya sa taong sumugat sa kanyang puso at pinaglaruan lamang ang kanyang damdamin. I believe that she still loves my friend!

Nag-aalangan na dinampi ko ang aking kamay sa kanyang ulo hanggang sa marahan ko nang hinahaplos ang kanyang buhok to somehow give her comfort.

***

8 months later...

Marahan kong itinapon ang aking paningin sa napakagandang tanawing taglay ng karagatan sa aming harapan. Nasa may baybayin kami ng San Diego, at sa 'di kalayuan mula sa likuran namin ay ang aming school, ang Vonn Almers Academy.

At napabaling ako kay Merlyn na noo'y abalang nagsusulat sa kanyang notebook doon sa may cottage.

"Mukha 'atang hindi ka maiisturbo diyan ah?" ang pakli ko habang marahan akong lumalapit papunta sa kinaroroonan niya upang kunin ang kanyang atensyon.

Ngumiti siya sa akin.

At nang nangyari iyon ay nahinto akong bigla sa aking paglalakad. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ay tila ba biglang bumagal sa pag-ikot ang aking mundo sa ningning ng kanyang ngiti. Teka, ba't parang kakaiba siya ngayon sa aking paningin? Biglang sumigla ang pakiramdam ko kung kaya ay sinuklian ko rin siya ng isang ngiti.

"Ano ka ba, kahit anong oras ay pwede mo naman akong ma-isturbo. Ikaw pa!" aniya.

Para bang na-energize ako dun sa kabila ng aking pagkatamlay. Dinampot ko ang isang kapiraso ng bato at saka inihagis ko iyon sa dagat. Apat na beses na lumukso ang bato sa tubig.

"Wow, ang galing mo naman dun ah!" ang paghanga niya.

"H-Ha? Ah, hahahaha." Yun lang ang naging reaksyon ko, then I shrugged off my shoulders.

'Yung ngiti niya at ningning sa kanyang mga mata nitong mga nagdaang araw ay tila ba nagsasabi sa aking marahil ay tuluyan na nga siyang naka-move on.

"Ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" ang tanong ko.

Sisilipin ko na sana ang mga bagay na isinusulat niya sa kanyang notebook nang kanya iyong itinago sa kanyang likod.

"Oh, ano'ng meron diyan at itinago mo? Hmm..." ang tukso ko sa kanya.

"Ano ka ba, personal na bagay ang nilalaman nito." Ang paliwanag niya.

"Eh, ano nga 'yan?"

"Isang Journal. Para din siyang isang diary na nagkukuwento sa lahat ng mga nangyaring bagay sa buhay ng isang tao. May lungkot, may saya, may nakaka-inspire, at marami pang iba. Pero itong journal kong ito, para sa akin ay naiiba siya. Alam mo ba kung bakit ko nasabi ang ganun? 'Yon ay dahil naglalaman ito ng mga eksklusibong pangyayari sa love life ko... Nung araw na na-meet namin ang isa't-isa... nung hindi niya lang ako pinansin ng umpisa...'yong feeling ko na, na-heart broken ako...'yong pintig ng puso ko na hindi ko mapigilan sa t'wing nakikita ko siya... nung nagkaroon ako ng maraming pimples dahil 'di ako makatulog sa gabi dahil sa kakaisip ko sa kanya . . . kung papaano ako nagpakabaliw sa kanya... kung papaano. . . at kung papaano niya lang din kay daling paglaruan ang damdamin ko, at saka saktan ng husto ang puso ko... Naisipan kong lahat ng iyon ay burahin na sa isipan ko, at dito ilagay. Pagkatapos ay ibabaon ko ito sa lupa!"

Bahagyang napangiti ako doon sa kanyang mga sinabi sa akin.

"Personal matters nga 'yan."

Ngumiti siya sa akin kahit papaano.

"So pa'no, maiwan muna kita at baka maka-isturbo pa ako sa ginagawa mo..." hahakbang na sana ako paalis nang nagpatuloy pa siya sa kanyang pagsasalita.

"Sa gitna ng lahat ay kinakailangang mag-move on tayo mula sa past, live in the present and forget about everything. Right, Mr. Break?"

Bahagya akong napa-isip sa mga sinabi niya. At sa huli'y hinarap ko ulit siya nang may sigka.

"Yes! Very well said!"

May point siya, we both deserve to continue on moving forward!

***

Pagkatapos ng klase ay nauna na akong lumabas ng classroom.

"Mr. Break!"

Napabaling akong bigla sa aking likuran papunta sa taong tumawag sa aking apilyido. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang naging apilyido ko. Feeling ko kasi ay para bang tinutukso din ako nito, sa pagiging heart broken ko!

Si Merlyn lang pala iyon at kumakaway siya sa akin mula sa dulo ng hallway. Tumugon ako ng isang masiglang ngiti sa kanya.

"Hey, Ms. Thompson!" eh di tinawag ko din siya sa kanyang apilyido.

Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Yes?" ang sambit ko.

"Uhm, p'wede ba akong humingi ng favor sa'yo?" aniya.

"Y-yeah sure. Ano ba 'yun?" aniko.

At ngumiti siya sa'kin.

***

Pinapanood ko lamang siya habang tawa ng tawa sa pinapanood naming comedy movie. Kaagad ko namang binaling ang aking paningin sa movie screen nung nahuli niya akong nakatingin sa kanya. At umayos ako sa aking pagkakaupo.

Ang dami niyang inorder na matamis na pagkain sa food court na siyang ikinagulat ko, saka niya minantakan lahat. Pinanood ko lang ulit siya.

Enjoy na enjoy siya sa carousel ride samantalang ako naman ay hilong-hilo na.

Enjoy na enjoy din siya sa ferris wheel ride samantalang ako ay halos magsisigaw dahil takot ako sa height.

Namangha ako sa galing niya sa target shooting sa mga balloons.

***

"Naka-move on na ako! Naka-move on na ako! NAKA-MOVE ON NAAAAAAAAAAA!" ang sigaw niya.

Nasa loob kami ng kung tawagin nila dito sa lugar namin ng San Diego ay "confession cave". Ito yung lugar kung saan inilalabas mo ang lahat ng galit o hinanaing mo sa pamamagitan ng pagsigaw. Sa pamamagitan daw nito ay gagaan ang iyong pakiramdam.

Pinagmasdan ko lamang siya. Hanggang sa magtagpo ang aming paningin. Sa una ay nagulat ako, subalit nang maglao'y natagpuan ko na lamang ang aking sarili na ngumingiti sa kanya, at saka naman siya ay ngumingiti din sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumitibok na ng malakas ang aking puso habang tumatagal.

Teka---

Kaagad kong inialis ang aking paningin mula sa kanya, at saka tumalikod ako.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ang tanong ko sa aking sarili.

Naramdaman ko ang pagpatong ng isang kamay sa aking balikat. Dahan-dahan ay humarap ako sa kanya.

"Jeyson . . ." siya ang unang nagsalita.

Nung umpisa ay hindi ako makatitig sa kanyang mga mata.

"Thank you . . . ulit." Ang marahan niyang wika.

This time ay tiningnan ko na siya sa mga mata.

"Salamat para saan?"

"For helping me in so many ways. For opening my eyes into reality. For helping me grow and make steps to move on. And now, I finally moved on." Ang sabi niya.

I showed a little smile.

"Mabuti naman kung ganun." Ang maikli kong sabi.

"H-How about you? Naka-move on ka na rin ba?" ang dugtong pa niyang tanong.

Ilang sandali muna akong natigilan sa aking sarili.

And later on, I took a deep breath.

"H-Hi-Hindi. . . Hindi ko pa masabi sa ngayon."

I don't know why, but I felt a sudden sadness and disappointment from her eyes. But then, she still managed to smile.

Yung totoo? Naguguluhan lamang ako, dahil habang tumatagal ay tila nag-iiba na ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi ay buo na parati ang araw ko. At para bang sumisigla na ang araw ko, lalo na pag kasama ko siya. Hindi lamang ako sigurado sa nararamdaman ko kong ito na ba yung tinatawag nilang senyales na tuluyan na ring naka-move on ang isang kagaya ko?

***

"Hey. Okay ka lang?"

Hindi nakinig sa akin si Merlyn.

Apat na bote na ng light drinks na wala nang laman ang nasa ibabaw ng mesa. At saka tumungga siya ng isa pang bote.

"Hey!"

"CHEEEEEEEEERSSSHHH!"

"Hey, ano ba?"

Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Ang akala ko ba ay naka-move on na ang babaeng 'to?

"Wohoooo!!! CHHEEEEEERRRRSHHHH!!!"

"Hey, lasing ka na. Itigil mo na 'yan!" ang sabi ko at nang hindi na ako nakapagpigil ay inagaw ko na ang bote ng inumin sa kamay niya.

"Ano ba? Akin na 'yan!" sinubukan niyang agawin sa akin ang inumin.

"Enough!"

Naalala ko tuloy nung J.S. Prom night namin na kung saan halos ay wala na siya sa kanyang sarili matapos niyang uminom ng marami.

"Ano ba, nag-eenjoy lang ako ah!"

"Shut up! Ang akala ko ba ay naka-move on ka na ha?"

"Akin na 'yan!"

"Ano ba? Tama na! Tama na!"

"Akin na!"

"Ano ba? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Naka-move on ka na 'di ba? 'Yun ang sabi mo!"

"Gusto mong malaman ang totoo? Oo unti-unti nang nawawala ang feelings ko kay Evo. Pero may kulang pa rin doon sa pag-move on na yun . . . AT IKAW 'YUN! I'm falling for you. . . Gusto na kita, Break, pero, damn, 'di ka pa rin pala nakapag-move on!" pagkatapos niyon ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay dahil sa kalasingan niya.

Maagap na kaagad ko naman siyang nasalo sa aking mga bisig. Gulat ako at hindi makapaniwala ng husto.

"He-hey. Hey Thompson! Thompson!" ang sambit ko habang marahan na tinatapik ko ang kanyang pisngi.

Hindi niya siguro kinaya ang epekto ng kanyang inimom. At marahil nang dahil doon kung kaya siya ay nakatulog.

***


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C15
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk