Unduh Aplikasi
40.38% Platonic Hearts / Chapter 21: Set Out

Bab 21: Set Out

Chapter 21: Set Out 

Haley's Point of View 

  Dumating ang araw kung kailan ang resulta ng mga nanalo sa mga naka line up sa CSSG. Tulala si Rose at marka sa mukha niya ang gulat na hindi siya nanalo. 

Kaya kaming dalawa ni Claire na pinag gigitnaan siya ay halos hindi na malaman kung ano ang sasabihin at mga nakatingin lamang sa magkabilaan  . Pero sinubukan siyang hagurin ni Claire sa likod para bigyang comfort. 

  "Sabi ko naman kasi sa'yo matatalo ka, eh." Sabi ni Claire at umurong ang ulo noong bulyawan siya ni Rose. 

  "Sinusubukan mo ba 'kong pakalmahin o nang-aasar ka talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Rose dahilan para takpan ni Claire ang mga tainga niya samantalang ngumiti lang ako nang pilit. 

  Nandito kami ngayon sa harapan ng bulletin board para makita ang results tutal ay break time namin. 

Dumating si Reed at Jasper. "Nakita ko 'yung result sa Facebook." Sabi ni Jasper habang papalapit sila sa amin. Binigyan niya ng thumbs up si Rose. "May next year pa, bawi ka ulit." 

  "Tingin mo nakakatulong 'yang sinasabi mo sa 'kin?" 

  "I've never seen you get so intense." Nag-aalanganin kong sabi dahilan para sa akin ibigay ni Rose ang atensiyon niya't bigyan ako ng napakatalim ng tingin. 

  "Because I was in an environment that was just THAT exhausting, I have my limits too." Sinabi talaga niya iyan habang nandidilim ang paningin, pero mabilis din siyang nag-iba ng mood at kumapit sa mga braso ko kaya ako naman itong napaatras. "Hug me. I'm sad." 

  "Lumayo ka nga sa 'kin!" Iritable kong sabi habang tinutulak ang mukha niyang na sa dibdib ko. 

  May dumating naman kung nasaan kami kaya pare-pareho kaming mga napatingin na siya namang nagpasurpresa rin sa amin dahil si Miyuki pala ito. 

Ang tuwid ng pagtayo niya at naka chest out talaga, 'tapos diretsyo ang tingin niya't taas-noo. Makikita mo 'yung confidence niya na parang pati ikaw, mapapatingala sa kanya sa sobrang taas niya. 

  Eh, kasi matangkad din talaga siyang babae. Para siyang model dahil maganda rin talaga siya. 

  Tumitig sandali si Rose sa kanya bago maging seryoso ang mukha at humarap kay Miyuki para humakbang nang kaunti.

 

  Ibinaba ni Miyuki ang tingin niya kay Rose at tumango. "You did well." Ngiting wika ni Miyuki at in-extend ang kamay niya. Napatingin sa kanilang dalawa ang mga estudyante dahil nagkaroon din talaga ng popularity ang labanan nilang pareho dahil sa tatlo o dalawang taon na tumatakbo si Miyuki bilang isang presidente ng CSSG ay wala pang kumakalaban sa kanya maliban kay Rose. 

  At ang totoo niyan, isang puntos lang talaga ang pagitan nila. Kung makakakuha ng dalawa pang puntos si Rose, siya na ang bagong president ng CSSG. 

  Naghintay pa kami ng ilang segundo para makita na aabutin ni Rose ang kamay ni Miyuki pero wala pa ring nangyayari kaya taka ko siyang tinawag. 

Kaso nagulat kami dahil inatake nanaman siya ng pagiging competitive niya. Hinakbang ni Rose ang kanan niyang paa. "I'm telling you! Kung hindi ka lang talaga maganda at sexy, ako mananalo!" 

  Napasapo si Claire sa noo niya habang napabuntong-hininga naman ako. 

Samantalang humagikhik nang pilit si Reed at nakapameywang naman si Jasper na parang sang-ayon pa ro'n sa ginagawa ni Rose. 

  "Sisiguraduhin kong ako na mananalo sa susunod na taon!" At mabilis na kinuha ni Rose ang kamay ni Miyuki na nakaangat pa rin. "Watch me!" 

  Nakapamilog ang mata ni Miyuki nang manliit ito dahil sa malapad niyang pagngiti. Tumango siya. "It's a shame that I couldn't get to work with you this year, but I'll be looking forward to vote you any time." 

  Kita ko ang determinasyon sa ngiti ni Rose. "You bet." 

  Na sa likod lang kami na nanonood sa kanila nang mapangiti ako. 'Tapos napatingin kay Reed na pasimpleng sumulyap sa akin pero noong mapansin niya na titingin ako sa kanya ay umiwas kaagad siya ng tingin. 

Kaya noong na sa kanya ang tingin ko na ngayo'y na sa harapan na rin ang tingin ay bumaling na lang ako sa iba. 

  Sa ilang araw na lumipas, bigla na lang talaga kaming hindi nagpansinin. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero nagsimula 'to nang dahil sa tambayan. 

Hanggang sa magtuloy-tuloy. Kung mag-uusap man kami, iyong tungkol lang sa mga academic-related. 

  Muli akong napabuntong-hininga. 

 

  Kung magtutuloy-tuloy pa 'to. Hindi ko na lang alam. 

I am eager to tell him, but at the same time not. 

Kasi kung ako ang unang aamin, hindi niya ako seseryosohin. At baka tumakas nanaman siya na kung tutuusin, malapit ko ng isipin na hindi talaga niya ako gusto. 

 

  Pero kung magtatagal pa 'to. Wala talagang mangyayari sa amin. 

Kaya ano ba'ng dapat kong gawin? Ano ang tama na gawin para sa'ming dalawa? 

*** 

  Time ng P.E. namin. Kaklase pa rin namin sila Jasper at Claire. 

Pare-pareho kaming mga nakaupo sa gilid ng field at napapapikit sa sobang init. 

Hinihintay namin 'yung turn naming tumakbo dahil nagkataon na kami ang susunod. 

  "Ang init. Ang init. Ang init… Gusto ko ng aircon, jusko." Init na init na daing ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang aking kamay. Kunwari mayroon daw'ng hangin na nagagawa. 

  Narinig ko ang pagbuga ng hininga ni Rose. Naka-spread ang mga legs niya habang nakasuporta naman ang mga kamay niya na nasa likuran niya sa pag-upo. "Hearing you talk about it makes it even more hotter."

  Bored akong lumingon sa kanya. "And looking at you makes me feel hot. Tanggalin mo nga 'yang jacket mo." 

  Tumingala siya at pumikit. Tumapat tuloy sa kanya 'yung ray nung liwanag. "I don't wanna. Magkaka sunburn ako." 

  "What are you guys doing?" Sabay kami ni Rose na tiningnan si Claire na nagwa-warm up sa tabi namin sa kanan. "Mag warm up na kayo, malapit na tayo." 

 

  Bumuntong-hininga kami ni Rose. "Wow. Iba talaga kapag athlete." Kumento ni Rose na sinang ayunan ko. 

  Humiga si Rose sa lupaan. "Bigyan mo 'ko motivation na mag warm up." Tinatamad na sabi ni Rose kaya sinimangutan ko siya. 

  "Nasaan na 'yung fighting spirit mo?" Tanong ko. 

  Ramdam ko ang pagharap ni Claire sa amin. "Kung sino ang matalo, siya ang magpapaypay mamaya pagkatapos ng takbuhan." 

  Tumingala naman ako para makita si Claire. "Hindi ba kami luge?" 

  Mabilis na umupo si Rose kaya napatingin kami ni Claire sa kanya. Nandoon nanaman 'yung apoy sa mata niya. 

Tumayo siya at pumunta sa harapan ni Claire. "Bring it on!" 

  Ngumiti si Claire. "Mmh!" 

  Kaya nung turn na namin para sa takbuhan. Hindi pa nga nagsisimula, natapilok kaagad si Rose. Tinawanan siya ni Aiz sa gilid, tapos na kasi siyang tumakbo. 

  "Lampa, Rose! Lampa!" Pang-aasar ni Aiz kaya napikon naman si Rose at mabilis na bumangon para makahabol sa amin. 

Nag slow down kami ni Claire dahil natatakot kami sa itsura ni Rose dahil para siyang mangkukulam na handa kang kainin. 

'Tapos napatili na lang kami dahil tumatawa na siya na parang isang totoo talagang mangkukulam lalo pa noong malagpasan niya kami. "Paypayan n'yo akoooooo ~!" Papalayong boses ni Rose kaya mas binilisan pa namin. 

  Eh, kaso tanga. Natapakan ko 'yung loose kong sintas kaya napatid ako. 

Bago bumagsak sa lupa, tumagilid kaagad ako para 'yung braso ko ang magasgasan kasi kung hindi ko gagawin. Baka mukha ko ang mahalikan ng lupa. 

  At aray. Masakit. 

  Kaya sa huli, hindi na ako sumali sa takbuhan dahil napilay ang mga paa ko. 

Pero kaunting consideration points na lang ang ibibigay ni Sir Santos. 

*** 

  NAKATAAS ANG nakatuping ilalim nung jogging pants ko habang nilalagyan ako ng betadine sa tuhod ni Nurse Charlotte. 

Nakaupo ako sa edge nung kama habang nakaluhod ang isang tuhod niya sa sahig noong siya'y tumayo. "Done. Pwede kang magpahinga na muna diyan." Sambit niya. "May masakit pa ba sa'yo?" Tanong niya na inilingan ko. 

  "W-Wala na po. Babalik na rin po ako mayamaya nang kaunti, salamat po." 

  Ngiti siyang tumango. "Sige at ako'y kakain na muna ng tanghalian ko dahil hindi pa ako kumakain. Tawagin mo na lang ako kapagka may kailangan ka, ha?" Paalam niya't tumalikod bago makaalis. Pero inurong niya muna ang kurtina. 

  Sinusundan ko lang din siya ng tingin nang mapatungo ako para ikot ikutin ang kanan kong paa na napilayan. Ayoko na kasing abalahin pa si Nurse Charlotte dahil nakita ko rin kung gaano siya ka-busy kanina. 

I have to bear this pain. Walang halong biro pero I should be used with it. 

  Humiga nga muna ako sandali dahil sinusulit ko 'yong lamig nung aircon sa clinic. 

Wala kasing aircon doon sa susunod naming classroom dahil bagong renovation lang din kasi iyon at lalagyan pa lang. 

  Naghintay pa ako nang kaunti at tumitig na muna ng ilang minuto sa kisame bago ako magpasyang umupo't tumayo. 

Dahan-dahan kong iniikot ang paa ko para mawala 'yung sakit saka ko ibinaba't akma ng hahakbang nang makaramdam ako ng kakaibang kirot kaya napapikit ang isa kong mata at muli na lamang napaupo. 

  What should I do…? Mukhang napilayan na ako ng tuluyan. 

  May nag-urong ng kurtina kaya napatingala ako. Nanlaki ang mata dahil sa gulat na si Reed itong nagpakita sa 'kin. "Reed?" Taka kong tawag sa kanya. 

Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa paa ko kaya ako naman itong biglang nagbaba ng paa na kanina'y nakaangat. "Bakit ka nandito?" Tanong ko pa pero pumasok lang siya sa area ko at pumunta sa harapan ko. 

  Niluhod niya ang kanan niyang tuhod at kinuha ang paa kong napilayan. Hinayaan ko siya lalo pa noong tinanggal niya ang sapatos ko. 

  'Tapos walang sabi-sabi ay dahan-dahan niyang iniikot ang aking paa dahilan para mapaawang-bibig ako. He noticed? 

  "Does it hurt?" Tanong niya habang nakatuon ang tingin sa paa ko. "Tell me if it does." Dagdag pa niya na tinanguan ko. 

  Medyo masakit pero tiniis ko. 

Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita. Pero naririnig ko 'yung pintig ng puso ko.

  Kinakabahan ako kasi medyo matagal na rin kaming hindi nakakapag interact nang matino. Hindi kami naiiwan mag-isang dalawa. At ngayon, nandito siya ng hindi ko inaasahan. 

  Pagkatapos mo 'kong 'di kausapin ng ilang araw, ngayon nandito ka sa harapan ko?

  "Nangyayari 'to madalas sa training nung nagba-basketball pa ako, kaya alam ko rin kung paano gawin 'to." Kwento niya 'tapos marahan na itinulak ang tuktok nung paa ko para hindi ako magulat. 

 

  Wala ka namang ginagawang kahit na ano, pero… bakit? 

  "It hurts." Panimula ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya at tumingala para makita ako. 

  "Masakit?" Tanong niya na tinanguan ko. 

  "Masakit. 'Tapos… nakaaasar." Nagtaka siya sa sinasabi ko pero ipinagpatuloy ko lamang. "Ang sakit kasi, hindi ko na alam gagawin ko. Ang bigat bigat na. Sobra… Naiinis ako kasi masakit." 

  Namilog ang mata niya. "G-Ganito na ba kasakit?" Parang natataranta niyang tanong 'tapos hinawakan ang binti ko. "O-O tintukoy mo 'yung gasgas mo sa tuhod?" Pag check niya nung peklat ko. 

  Umiling-iling ako kaya muli siyang tumingala. Taka niyang tinawag ang pangalan ko habang nakayuko lamang ako. 

Ramdam ko 'yung malakas na pagpintig nung puso ko hanggang sa magpasya akong tingnan siya ng diretsyo sa mata. Salubong ang kilay ko habang ramdam ang sobrang pagkapula ng mukha. 

  "I'm not sure, Reed. You don't tell it to me but you act like you do." 

  Kumunot ang noo niya. "Haley, I don't quite sure I understand." 

 

  Napakagat labi ako at napapikit nang mariin. Handa ko ng sabihin nang biglang sumingit si Jasper. "Haleeee ~! Bumili ako ng tubig para sa'yo!" Maingay niyang pagsalubong at napatingin kay Reed. "Ah. Nandito ka pala?" 

  Pareho lang kaming nakatingin ni Reed sa kanya nang kumurap-kurap siya. "Eh? Bakit?" 

 

  Huminga ako nang malalim dahil nararamdaman ko 'yung sobrang embarrassment. 

Pumikit ako 'tapos dahan-dahang tumayo para humarap kay Jasper. Mas nagtaka siya dahil doon pero biglang natakot nang makita niya ang mukha ko pagkaangat ko pa lang niyon. 

  "We.Should.Talk." Diin kong sabi. 

  Umatras siya ng isang hakbang 'tapos ngumiti nang pilit. "Ehe. Ah. Mukhang wrong timing yata ako?" 

  "JASPER!!!" Pagsabog ko kaya lumuhod kaagad siya sa harapan ko at ipinagdikit ang mga palad na animo'y humihingi ng kapatawaran. 

  "SORRY, BOSS!!" 

***** 


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C21
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk