Unduh Aplikasi
10.07% FLOWER OF LOVE / Chapter 13: JUST PRETEND NOTHING HAPPENED

Bab 13: JUST PRETEND NOTHING HAPPENED

Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanya nang imulat ang mga mata. Wala itong kurap na kakatitig sa mukha niya habang hawak ang kanyang kamay na para bang bigla siyang maglalaho 'pag napapikit ito kahit saglit lang.

"Dixal..." anas niya.

Nagliwanag bigla ang kanina'y malungkot nitong mukha.

"Amor..." usal nito, hinalikan ang likod ng kanyang palad.

"Nasa'n tayo? Uuwi na ako."

Nag attempt siyang bumangon pero biglang sumakit ang kanyang ulo.

"Ssshhh. Just lie down. Hindi ka pa magaling," saway nito.

Ipinikit niya ang namimigat na namang mga talukap.

Naaalala niya, ando'n siya sa loob ng simbahan at kausap si Anton. Pero biglang sumakit ang kanyang dibdib. Pagkatapos no', 'di na niya alam ang sunod na nangyari.

Pinilit niyang idilat ang mga mata. Ang papa niya. Kailangan niyang hanapin ang ama. Pauuwiin niya ito sa kanila, hindi pwedeng mawala ang ama sa buhay nila.

"Dixal si papa. Hahanapin ko siya." Mahina ang boses niya pero alam niyang dinig iyon ng nobyo.

"Ssshhhh."

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.

Gusto na niyang umuwi. Itatanong niya sa ina kung nasaan ang kanyang papa. Pauuwiin niya ito.

"Dixal, ang papa ko. Pauuwiin ko ang apa ko," sa mahinang boses ay paulit-ulit niyang sambit.

"Okay, sweetie. Let's do that 'pag magaling ka na," anang binata habang pinipigilan siyang bumangon.

Ang bigat ng kanyang mga talukap. Ang sakit ng kanyang ulo. Ano'ng nangyayari sa kanya, bakit siya nanghihina?

Napapikit na uli siya. Naramdaman niya ang marahang paghalik ni Dixal sa kanyang noo.

"Dixal, ibi-break kita. 'Di ako bagay sa'yo." Hindi niya alam kung lumabas 'yon sa kanyang bibig.

Pakiramdam niya para na uli siyang idinuduyan sa alapaap. Pero ayaw niyang matulog. Gusto niyang bumangon.

"No, sweetie. I don't care about your family background. Your love is enough for me. You just don't know how much I love you, Amor. Don't break me up."

Bago siya tuluyang makatulog, narinig niya ang mga salitang 'yon mula sa bibig ng binata. Kay sarap pakinggan. Ang lalaking ito, sa maikling panahon lang ay napamahal na sa kanya. Paano kung dumating ang araw na ito naman ang mawala? Matutulad ba siya sa inang gabi-gabing mugto ang mga mata?

"Dixal... Dixal... wag kang mawawala sakin,"

anas niya hanggang tuluyan nang makatulog.

-------

Hindi napigil ni Dixal ang pagpatak ng luha sa mga mata. Sa tanang buhay niya, kahit no'ng mamatay ang kanyang papa, hindi pumatak ang kanyang luha. Ni 'di siya narinig na humikbi. Pero ngayon, narinig niya lang na hihiwalayan siya ni Amor, bigla siyang natuliro, bigla siyang nakaramdam ng takot. Hindi niya kayang mawala ang babaeng ito sa kanya.

Nagpahid siya agad ng luha nang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Ito na 'yong mga pinabili mong pagkain," si Lemuel.

Inilapag nito ang dalang supot sa ibabaw ng kabinet sa tabi ng higaan.

Wala sa sariling suminghot siya. Nagulat ito't humarap sa kanya saka siya pinagmasdang maigi.

Yumuko siya.

Tumawa ito nang malakas, may halong pang-uuyam.

"Are you kidding me, Dixal Amorillo? You already know how to cry just because of this girl?!" bulalas nito.

Hindi siya sumagot.

Pinagpalit-palit nito ang tingin sa kanya at sa nobya pagkuwa'y napabuntunghinga.

"It seems that you really are in love," anitong sumeryoso ang tinig saka siya tinapik sa balikat.

"I will say no more but good luck," saad nito.

"What makes this girl so different from others?" takang pinagmasdan nito ang mukha ng natutulog na dalaga.

Hindi niya mapigil ang marahang pagtawa.

Si Lemuel, maliban sa ina'y ito lang ang nag-iisa niyang matalik na kaibigan. Parang babae ito kung magbunganga pero mapagkakatiwalaan niya sa lahat ng oras lalo pagdating sa trabaho.

-----

MULING nagising si Flora Amor sa matagal na pagkakatulog. Pinagmasdan niya ang buong paligid. Nasa isang maluwang na silid siya.

Sa gawing uluhan niya'y isang stand na pinag-hanger-an ng dextrose at may extension tube na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.

Tinanggal niya yun.

"Ouch!" napahiyaw siya sa sakit. Namamaga na ang kamay niyang pinagkabitan ng tube na 'yon.

Bumangon siya at dahan-dahang tumayo. Nasa'n kaya siya? Bakit walang tao? Nasa'n si Dixal?

Naiihi siya. Bakit parang ang kapal ng kanyang panloob.

Muli niyang sinuyod ng tingin ang buong paligid at hinanap ang kinaroroonan ng banyo. Nang makita ang isang pinto ay lumapit siya at binuksan iyon.

"What the--!! " bulalas ni Dixal.

Gulantang na napatitig ang dalaga sa nagbibihis na nobyo.

Nakabrief pa lang ito nang buksan niya ang pinto ng banyo. Laki ng bukas ng kanyang bibig at namimilog ang kanyang mga mata nang mapagmasdan ang halos hubad nitong katawan na tumambad sa kanyang harapan.

Ngayon lang siya nakakita ng katawan ng lalaki kaya 'di niya alam kung pa'no ito ilarawan. Pero bakit napalunok siya nang makita ang tila matitigas na tinapay sa bandang tyan nito at ang nakaumbok na 'yon sa loob ng brief nito?

Namula agad ang kanyang pisngi.

Ano'ng gagawin niya? Isasara ba ang pinto o lalapit na tila walang nangyari?

Wala siyang choice. Ihing-ihi na siya.

"Lumabas ka! Naiihi ako!" hiyaw niya saka pumasok ng banyo at itinulak palabas ang binata bitbit ang damit nito.

Pero maya-maya din ay tumitili na siya. Napapasok uli ito sa pag-aalala. Nakadamit na ito.

"Ba't may diaper ako?" gulat niyang tanong.

Hindi nito alam kung matatawa o maiinis sa ekspresyon ng mukha niya.

"Dalawang araw ka kasing nakahiga sa bed kaya nilagyan ka na ng diaper," paliwanag nito.

"Ikaw ang naglagay?" namumula ang pisnging usisa niya.

Tumango ito pigil ang tawa.

Gusto niyang bumulyahaw ng iyak ng mga sandaling 'yon. Wala na! Wala na siyang maitatago pa sa nobyo. Lahat nakita na nito.

Pero puputok na ang pantog niya. Ihing-ihi na talaga siya.

"'Sara mo pinto, bastos!" sa inis ay inihagis niya ang nadampot na sabon sa lababo.

Umilag ang huli sabay sara sa pinto.

Dinig na dinig niya ang halakhak ng binata sa labas ng banyo habang tinatanggal niya diaper.

Sa wakas nailabas din niya.

"Mamaya ka lang." Nanggigigil na hinanap niya ang nakitang sabon kanina.

"Ouch!" napakagat-labi siya. Naihagis pala niya 'yon kay Dixal.

Ano'ng gagamitin niyang panghugas?

Iniikot niya ang paningin sa loob ng banyo.

May nakita siyang liquid soap. Salamat naman.

Pagkalabas lang ng banyo ay hinanap niya agad ang binata para umbagan nang maraming beses.

Ano pang itatago niya rito? Nikita na nito lahat-lahat sa kanya.

"Walanghiya 'yon, mapagsamantala!" gigil niyang sambit.

"O, anak. Nagising ka na raw sabi nitong si Dixal," salubong ng ina niya pagkakita sa kanya.

"Ma!?" bulalas niya uli.

'Andito ang ina niya?

"O, ba't para kang nakakita ng multo d'yan? Sinabi sakin ng jowa mo na naospital ka raw dahil sa nangyari sa likod mo. Bakit 'di mo sinabing malaki pala ang pasa mo sa likod? Ayan tuloy, naospital ka ng 'di oras."

"Ha?"

Pasa sa likod? Aba'y last week pa 'yon!

Lumapit ang binata sa kanya nang mapansin siyang naguguluhan.

"Amor, tinawagan ko ang kaibigan mong si Anton. Sinabi kong papuntahin dito ang mama mo at nagkaroon ng infection ang pasa mo sa likod," bulong sa kanya.

Tinitigan niya ito.

Hindi nito sinabi ang totoong nangyari sa kanya?

"Napa'no ba 'yang likod mong bata ka, ba't nagkapasa nang ganyan? Aba'y nakakahiya sa nobyo mo, private room 'tong inukupa mo dito sa ospital. Laki na ng gastos niya sa'yo. Wala naman tayong pambayad d'yan" anang ina habang inilalapag sa kabinet ang bitbit na bag.

Hindi siya makapagsalita, naguguluhan pa rin.

Inakbayan siya ng binata at iniharap sa ina.

"'Wag po kayong mag-alala. Ako po bahala sa lahat. Tsaka sinabi na po ng doctor na pwede na siyang ilabas ngayon," anang binata.

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa do'n ang dalawang kaibigang may dalang tig-isang tray ng mga prutas.

"Beshie!?" takang bumaling siya uli sa binata.

Tinanggal nito ang braso mula sa pagkakaakbay sa kanya saka ngumiti.

Agad na lumapit sa kanya si Mariel.

"Walanghiya ka, Beshie. Kung 'di ka pa tinanong sakin ng jowa mo no'ng isang araw, 'di ko malalamang may bf ka na pala," nakasimangot nitong sabi.

Nilingon niya si Dixal. Nakangiti lang ito sa kanya.

Napabaling ang tingin niya kay Anton na sobrang tahimik pero ang mga mata'y tila nag-aapoy sa pagkakatitig kay Dixal.

"Sorry Beshie ngayon lang ako nakapunta dito. Ngayon lang kasi sinabi sakin ni bakla eh. Kumusta ka na?" dugtong nito.

"Ok na ako, Beshie. Lalabas na ako ngayon," sagot niya.

"O Flor, magbihis ka na nang makalabas na tayo rito. Laki na ng bayaran niyang jowa mo," tawag ng ina.

"Ako po magbabayad ng gastos dito," sabad agad ni Anton.

"It's already settled," ani Dixal.

Nagkatinginan ang dalawa, matatalim ang mga titig sa isa't isa.

Kinabahan siya nang makita ang tila cold-war ng dalawa. May lihim bang alitan ang mga 'to?

"Ma, 'di ba pwedeng kumain muna? Nagugutom na ako," pakli niya para maiba ang usapan.

Napalingon ang ina sa kanya saka biglang pumilantak.

"Muntik ko nang makalimutan. May binili pala si Dixal kaninang pagkain. Kainin natin," anito.

Pero silang tatlo lang ng ina at ni Mariel ang kumain. Ang dalawa'y lumabas saglit ng kwarto.

"Ma, kelan ka pa rito?" usisa niya.

"No'ng isang gabi pa. Sabi ni Dixal no'ng hapon ka pa raw dinala rito kasi sumakit daw bigla ang likod mo tapos hinimatay ka raw. No'ng in-examine ka, dahil nga raw 'yon sa malaki mong pasa sa likod. Pero tiningnan ko kaninang tulog ka anak, medyo nawala na ang pangingitim niya," paliwanag nito.

Tumango-tango siya. Gano'n lang kadaling ipinaliwanag ni Dixal ang nangyari, naniwala agad ito?

"Beshie, ang galing mong pumili ng jowa. 'Di ba't 'yan 'yong tinitilihan ng mga kaklase natin sa ginagawang building sa school?" pakli ni Mariel.

Nahihiya siyang tumango saka sumubo ng pagkain.

"Kaya pala lakas ng loob na umupa ng private room. May trabaho na pala," anang ina.

"Isa siyang engineer, Ma," pagmmalaki niya.

"Galing mong pumili anak." Nakangiti ang ina.

Napatitig siya dito. Kung makangiti ito parang walang problemang dinadala sa dibdib. O ayaw lang nitong ipahalata sa kanya ang nararamdaman. Hanga siya sa galing magdala nito ng problema. Pero siya, heto't naospital dahil hindi matanggap ang natuklasan.

"Ma, sorry," napahagulhol siya ng iyak.

Biglang bumukas ang pinto ng silid.

"O bakit?" takang tanong ng ina, agad siyang niyakap.

"Ma, sorry!"

"Amor!" tawag ng nobyo. Tumatakbo itong lumapit sa kanya. Kasunod si Anton.

Hinagod nito ang kanyang likod.

"O, bakit? Buntis ka na agad?" sa kabila ng nangyayari ay nagawa pa rin nitong magbiro.

Hindi niya alam kung magagalit o hahanga dito. Hinampas niya ito sa balikat na parang ka-edad lang. Doon siya natigil sa pag-iyak.

"O bakit nga? Aarte ka d'yan ng iyak, di ka naman pala buntis."

Tumahimik siya at pinahid ang mga luha.

Magkasabay na huminga nang maluwang ang dalawang binata.

"Flor!" tawag ni Anton nang palabas na sila sa kwarto.

Galit siya sa kaibigan pero nang mga sandaling 'yon ay napilitan siyang lumapit.

"Mauna na kayo Ma, susunod na lang kami," sabi niya saka bumaling kay Dixal. Tumango lang ang binata.

"Flor, could you please pretend that nothing had happened two days ago?" pakiusap nito.

Nagsalubong agad ang mga kilay niya.

"You have been monitoring me for all these years para wala akong malaman about sa issue ng pamilya ko. But here you are, imbes na humingi ka ng tawad sakin, sasabihin mo pang mag-pretend ako as if nothing had happened? Who do you think you are?!" puno ng galit na hiyaw niya.

Agad nitong tinakpan ang kanyang bibig.

"Flor, I'm doing this for your mother. For your own mother!" pigil ang pagtaas ng boses.

Itinulak niya ang binata.

"Flor, listen to me. Just this one! Sa tingin mo ba superwoman ang ina mo, manhid at kayang tanggapin lahat ng nangyayari sa pamilya mo?"

Natigilan siya.

"'Di mo ba nahahalatang kunting-kunti na lang at bibigay na siya? Kung sasabayan mo siya ngayon, sa tingin mo ba makakatulong 'yon sa kanya?" paliwanag nito.

"Just pretend you haven't discovered yet para mapanatag ang isip niya. Kung malalaman niyang alam mo na ang totoo, ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanya? Siya ang nakiusap saking 'wag sabihin sayo ang lahat. Ngayon, ako naman ang makikiusap na 'wag mong ipapahalatang alam mo na ang nangyayari sa pamilya mo."

Hindi siya nagsalita. Pero sa mga mata ay naro'n pa rin ang galit para sa lalaki.

Mula sa pinto ay pumasok si Dixal.

Mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanila at agad siyang hinawakan sa kamay saka inilabas sa silid pagkatapos magpakawala ng matalim na titig para kay Anton.

---------

HINDI na nakisabay ang dalawang kaibigan sa pag-uwi kina Flora Amor. Gamit ang scooter nito ay unang nagpaalam si Mariel na uuwi na. Sumunod naman si Anton gamit ng motorsiklo.

Sasakyan naman ni Dixal ang gamit nila pauwi.

"Ma, sino'ng naglagay sakin ng diaper?" mahina niyang bulong sa ina.

"Natural ako, sino pa ba?" sagot nito habang deretso ang tanaw sa labas ng sasakyan.

Sumulyap siya sa binata through rearview mirror.

Nakahinga siya nang maluwang.

Sumulyap din ang lalaki sa kanya. Nagtama ang paningin nila, napangiti itong may halong panunudyo na tila narinig ang itinanong sa ina.

Napairap siya sabay iwas ng tingin pero kinikilig siya.

"Ma," humilig siya sa balikat nito.

"Hm?"

"I love you."

"Tse! 'Wag mo nang sundan. Alam ko na ang sunod no'n." Pigil ang ngiti nito habang nakatingin sa labas.

Napahagikhik siya sabay tingin uli sa rearview mirror.

Nakita niyang napapangiti din ang nobyo sa kanya.

'Ma, anong nararamdaman mo ngayon? Sabihin mo naman sakin,' gusto niyang ibulalas 'yon sa ina.

Gusto niyang itanong kung okay lang ba itong wala ang ama sa tabi nila.

Pero mas pinili niyang tumahimik. Wala talaga siyang kwentang anak. Mas alam ni Anton ang nararamdaman nito kesa sa alam niya.

Saan kumukuha ng lakas ang kanyang mama para kayanin ang lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon? Totoo ba ang sinabi ng kaibigang kunti na lang at bibigay na ito? Ga'no kasakit ang nararamdaman nito ngayon?

"Ma,"

"Hm?"

"I love you," usal niya uli.

Hindi ito sumagot pero naramdaman niyang yumugyog ang balikat nito.

Pumatak bigla ang luha niya.

'Ma, wag kang mag-alala,' gusto niyang sabihin. 'Lalaban tayo. Hindi ko na hahayaang apihin ka ng iba. Ako ang magiging lakas mo.'

Gusto niyang paulit-ulit iyong sabihin sa harap nito.

Pero nagpigil siya at hinayaan lang pumatak ang mga luha sa mga mata.

Tama si Anton. Hindi nito kailangang malaman na alam na niya ang lihim nito. Mananatili siyang si Flora Amor na tanga at walang pakialam sa mundo sa harap nito, kung 'yon lang ang paraan para kahit paano lumakas ang loob nito para ipagpatuloy ang hamon ng buhay.

Ang kailangan niyang gawin ngayon ay maghanap ng trabaho.

Pagsisikapan niyang makahanap ng trabaho para makatulong rito at sa mga kapatid niyang nagsakripisyo para lang makapagpatuloy siya ng pag-aaral.

'Ma, you're the best mother in this world,' sigaw ng kanyang isip.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk