"Tapos na?" gulat na tanong ni Chase sa kanya nang makita siyang pumasok ng kotse.
Hera made a face. "Tapos? Are you kidding me? Almost 8 o'clock pa lang, ni hindi pa nga kami nakakanta ng happy birthday," pabirong sagot niya. Ikinabit niya ang kanyang seatbelt. Sinenyasan niya si Chase na paandarin ang kotse ngunit hindi ito sumunod. Nakatingin lang ito sa kanya, nag-aabang ng eksplanasyon niya.
"Did something happen?"
Umiling siya. "Nothing."
Aside from that terrible conversation with Jon, wala na namang ibang nangyari. Nang mabasa kasi niya ang text ni Chase, kusang kumilos ang katawan niya upang makaalis. Tinangka siyang pigilan ng dating boss at ng mga kaibigan pero hindi na siya nagpaawat. Idinahilan niyang hinihintay na siya ng guardian niya. Which was partly true because Chase labeled himself as her guardian.
She just muttered an apology to Jon (she thought he still deserved it no matter how annoying of a person he was), before stepping out of that damned VIP room.
Huminga siya nang malalim. Inayos niya ang suot na blouse bago naglahad ng palad kay Chase. "Where's my food?"
Bahagyang umangat ang labi nito. "It's already cold."
Natigilan siya. Inangat niya ang kanyang hintuturo at inilapit sa mukha ni Chase.
"Ngumiti ka?"
Kumunot ang noo nito. "Masama?"
"Hindi! I mean, ngayon mo lang ako nginitian," manghang sagot niya.
Nag-iwas ito ng tingin. "The food is already cold," pag-iiba nito sa usapan. Dumako ang mga mata nito sa back seat kung saan nakalagay ang dalawang paper bag na may lamang Chinese food takeout.
Napairap siya. Okay, fine, hindi nga siguro big deal ang pagngiti niya sa 'kin. Get over it, Hera.
"I don't care, I'm starving. Kumain ka na ba?" Umiling ito sa tanong niya. Now it's her time to smile. "Hinintay mo talaga ako? Wow!"
Hindi ito sumagot. Ini-start lang nito ang kotse at walang pasabing pinaandar iyon. Nagulat siya nang baybayin nila ang kahabaan ng Timog Avenue.
"Where are we going?"
"Kakain," simpleng sagot nito. "Saan mo gusto?" Bumagal ang pagmamaneho nito nang madaanan nila ang tabi-tabing restaurant at iba pang kainan.
"We already have the food," litong sabi niya.
"Malamig na nga."
Nanlaki ang mga mata niya. Seriously? "Hindi ka kumakain nang pagkaing lumamig na? For real?!" may bahid ng pang-aakusa ang boses ni Hera.
Tumikhim si Chase at umiling. "Kumakain."
Umawang ang labi niya. "Then why?"
"Baka ikaw ang hindi kumakain."
She rolled her eyes. "Ganyan kaarte ang tingin mo sa 'kin?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Umamba itong magsasalita ngunit inunahan na niya ito. "Drive straight then turn left on the second street, may park tayong madadaanan. Doon tayo kakain."
—x—
"The food was good," ani Hera nang maubos ang kanyang pagkain. Sinaid niya ang wonton soup at hinanap-hanap ang sarap ng dim sum.
Nilingon niya si Chase. Katatapos lang nitong isubo ang huling piraso ng dim sum at ngayon ay umiinom na ng iced tea. Tumingin ito sa kanya at nagtaas ng kilay. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"See? Mas masaya pang kumain outdoor kaysa sa restaurant," pagmamalaki niya.
She eyed the place. It was a nice and wide park—may palaruan at fountain sa gitna. Maraming bleachers at pami-pamilya ang halos nakatambay sa lugar. May iba pang naglatag na lang ng tela at doon na nag-picnic.
Umiilaw ang mga puno sa paligid dahil sa nakakabit na led lights na may iba't ibang kulay. Madalas niyang madaanan ang parke ngunit iyon ang unang beses na nanatili siya roon. Ditching Jon's birthday bash for this was one of the best decisions she ever made in her twenty-seven years of existence. Of course, she was exaggerating.
Iniligpit niya ang pinagkainan at ipinasok ulit sa paper bag. Gano'n din ang ginawa ni Chase. Pagkatapos ay pareho nilang itinuon ang atensyon sa mga batang nagtatakbuhan patungo sa palaruan. She giggled when she saw a child posed like a superhero. Nagtaas ito ng isang kamao at umambang lilipad bago tumakbo nang mabilis.
"He is so cute!" nangingigil na sabi niya. "I hope Kuya Louie and Ate Mica's children will be as cute as that kid."
Tiningnan niya si Chase. Nakatingin lang ito sa kanya kaya napakurap siya. "Bakit?"
Umiling ito. "How old are you?"
"Twenty-seven. Why?"
"Paano kayo nagkakilala ni Lynne?"
Kumunot ang kanyang noo. What's this? "Hindi ba niya nabanggit? Well, nanakawan ako that time and she saw what happened. Nagkausap kami. Basta, long story short, we just clicked."
Tumango ito nang ilang ulit.
Pareho silang natahimik. Inayos niya ang suot na skirt bago tumayo at naglakad-lakad sa harap ni Chase. Napaatras siya nang tumayo rin ito at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
"Let's take a walk."
Tumango siya bago sumunod dito. Naglagay siya nang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Inaliw niya ang sarili sa mga bata at mga pamilyang nadaraan nila habang naglalakad. Being with Chase still feels awkward. Pero hindi na katulad noon na kulang na lang ay ginawin siya sa sobrang cold nito.
"Ano na nga palang gagawin natin kay Lynne?" tanong niya nang biglang maalala ang matalik na kaibigan.
"What do you mean?" Tinitigan siya nito ngunit agad ding nag-iwas ng tingin.
"Your problem with Lynne. May naiisip ka bang puwedeng ipakilala sa kapatid mo?"
Huminga ito nang malalim. Parehong mabagal ang paglalakad nila. Papunta sila sa direksyon ng palaruan kung saan may mangilan-ngilang batang nagtatakbuhan.
"Do you think that is the right thing to do? For Lynne?"
"Why not? Your intention is good." Lumapit siya sa bakanteng swing at umupo roon. Binati niya ang batang lalaking nakaupo sa kabilang swing.
Ngumiti ang bata at naglahad ng palad. "Penge pong kendi."
Napakurap si Hera. "Wala akong candy."
Tinitigan niya si Chase na ngayon ay nakahalukipkip habang nakatayo sa harap niya. "May candy ka?" tanong niya rito.
Umiling ito.
"Pero ta Patko, darating po ti Tanta, bibigyan ako kendi?" the kid innocently asked. Mukhang tatlo o apat na taon ito, bulol pa sa letrang s.
"Hindi totoo si Santa Claus," pirming sabi ni Chase.
Nalaglag ang panga ni Hera. Lalo na nang malukot ang mukha ng bata at mukhang ano mang oras ay handa nang humagulgol ng iyak.
"No, Baby! 'Wag kang maniwala sa lalaking 'yan. Totoo si Santa, bibigyan ka niya ng gift kapag good boy ka."
Kinagat ng bata ang sariling labi, mukhang pinipigilan ang paghikbi. "Talaga po?"
"Oo. Sige na, punta ka na sa Mommy mo, baka nag-aalala na 'yon."
Tumango ang bata at nagmadali sa pagtakbo palayo. Napangiti siya nang makitang ang pamilya pala nito ay nakatingin sa kinaroroonan nila. Napawi ang ngiti niya nang maramdaman ang pag-upo ni Chase sa nabakanteng swing sa tabi niya.
"Bakit mo naman sinabing hindi totoo si Santa? You are so heartless!"
"You are making the kid hold onto something that isn't true." Kibit-balikat nito.
"Santa is true! As long as that belief is making kids happy, Santa is and will always be true."
Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago marahang umiling. "Do you know what fallacy is that?"
"I don't want to know." Humalukipkip siya.
"I will say it, anyway. That's ad consequentiam. Arguing that something is true because it has good consequences, or that it is false because it has bad consequences."
She bit her lips. Hindi malaman kung ano ang dapat sabihin. She wanted to snort in annoyance but a big part of her was happy because somehow, it was not awkward anymore.
Chase just casually eyed her, watching her every move. Mabilis niyang inalala kung ano ang pinag-uusapan nila bago pumasok sa eksena ang batang lalaki.
Tumikhim siya. "Well… your intention is good."
Kumunot ang noo ni Chase. "What?"
"I mean, sa pagrereto kay Lynne. What should we do?"
Nagulat siya sa biglaang paghalakhak nito. He was laughing so hard that his muscles began flexing and his eyes were almost gone. Kumurap siya.
Is this even real? I made Chase laugh? 'Yung taong-bato?
"What's funny?" tanong niya nang sa wakas ay huminto ito.
"Even the way you changed the topic was absurd. Now I get it, your thoughts are really incoherent most of the time."
"I am not changing the topic. Ibinalik ko lang," apela niya.
Ngumiti si Chase at umiling. "If you say so."
She made a face. "So really, what should we do to Lynne?" she asked for the nth time.
Umihip ang malakas na hangin. Napalitan ng katahimikan ang kaninang maingay na sagutan nila ni Chase. Nagbilang si Hera hanggang sampu. The guy was still silent… and serious. Parang hindi ito ang parehong lalaking humalakhak limang segundo ang nakalipas.
Tumikhim si Hera at muling nagbilang. Kapag hindi pa rin ito sumagot pagkabilang niya ng sampu, iibahin na niya ang usapan.
Seven.
Eight.
Nine.
"I don't know. Sometimes… I mean, most of the times, I feel like my idea sucks."
He answered! But that wasn't what she expected to hear. Mabilis siyang nag-isip ng sagot. "It's not as if you're marrying her off for the sake of business or something. Hindi naman arranged marriage ang gusto mong mangyari. Walang merger na magaganap sa pagitan ng dalawang malaking kompanya. You're just… you want to help your sister."
Chase chuckled. "Arranged marriage? You watch too much dramas, Miss."
Ang haba ng sinabi ko just to make you feel better and yet, 'yon lang ang napansin mo? Umirap siya sa kawalan.
"Kung sasabihin ba sa 'yo ni Louie na may ipakikilala siya sa 'yo, papayag ka?"
"Of course!" Mabilis pa sa alas kwatro ang naging sagot niya.
"You didn't even think twice."
Humalakhak siya nang mapansin ang biglang pag-angat ng kilay nito. "Inggit ka? Sana ako na lang si Lynne para madaling kausap?"
Bahagyang umigting ang panga nito. Gamit ang paa, itinulak niya ang sarili sa swing. Paminsan-minsan ay nililingon niya si Chase at niyayayang gayahin siya. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya.
"Pero bakit ba kasi gano'n na lang katindi ang galit ng kapatid mo sa mga lalaki?"
"Because of you."
Inilapat niya ang kanyang paa sa lupa. Huminto ang swing kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay. "Do you really think na gano'n kababaw ang kapatid mo? Dahil lang nakita niya 'kong devastated sa pag-ibig, natakot na siya? I have to admit, I almost believe that lame excuse but now, nope, I won't buy it."
"I think…" Huminga ito nang malalim bago umiling. "Nevermind."
"Ano?"
Muli itong umiling. "Wala."
Hera sighed. Tahimik niyang pinanood ang mga tao sa paligid. Napansin niyang unti-unti nang nag-uuwian ang mga ito. Ang natira na lang ay magkasintang naglalampungan malapit sa isang higanteng puno ng Narra at isang lalaking abala sa pagsi-cellphone. It was past ten already.
"So, why did you leave your friend's birthday bash that early?"
Napatingin siya sa katabi. Seryoso ang mukha nito habang naghihintay sa isasagot niya. Kinagat niya ang kanyang labi.
"Boring."
"Really?"
Ngumuso siya bago nagbuga ng hangin. "The birthday boy is hitting on me. Bigyan ko raw siya ng chance at siya na ang bahala sa future ko." Humalakhak siya nang maalala si Jon.
"Bakit ayaw mong bigyan ng chance kung gano'n?" seryosong sagot ni Chase.
Nahinto siya sa pagtawa. "I don't like him. Kapag ba may magandang babaeng mayamang nag-alok magpakasal sa 'yo, papayag ka?"
"No."
"Kahit mahal mo?"
Tumikhim ang lalaki. "Kung mahal ko, ako mismo ang magmamakaawang magpakasal kami."
Natawa nang bahagya si Hera. "Magmamakaawa talaga? That was so… lame." Cute.
She cleared her throat. "How 'bout you? Bakit mo 'ko ipinagmaneho?"
"I'm your guardian for now," simpleng sagot nito.
Umarko ang kilay niya. "I don't like you as my guardian."
Umawang ang labi nito ngunit bago pa man makapagsalita ay kinailangan na nitong sagutin ang cellphone nitong bigla na lang tumunog.
Tumayo ito. "Excuse me, I have to answer this." Bahagya itong lumayo sa kanya. "Hello, Ai?"