Unduh Aplikasi
8% Fallacious Romance / Chapter 2: Chapter 2

Bab 2: Chapter 2

Panay ang kabog ng dibdib ni Hera. Pinagpapawisan siya nang malamig. Kapatid lang naman ni Lynne ang makikilala niya pero pakiramdam niya, isang taong may matinding galit sa kanya ang haharapin niya. Bad shot na siya rito noon pa lang, paano pa ngayon? Hindi siya nakaayos, basa pa ang buhok niya, malagkit ang braso niya dahil sa mga bula sa foam party kanina, at amoy alak pa siya. Baka isipin nitong bad influence siya kay Lynne.

"Are you sure about this?" bulong niya habang sinusundan ang matalik niyang kaibigan.

Nakapasok na sila sa resto pero agad itong huminto nang marinig siya.

"Bakit? Anong problema?" tanong nito.

"Najejebs ako," pagsisinungaling niya. "Kailangan ko nang umuwi, as in."

Kumunot ang noo ni Lynne. "Ha? Almost thirty minutes ang biyahe—"

"Kaya 'yon! Magta-taxi ako, jebs na jebs na 'ko… ay medyo lang pala, I mean, kayang pigilan for uhm, thirty minutes? Sige ha, kitakits na lang next time." Umamba siyang lalabas na nang may biglang magsalita sa gilid.

"Lynne…"

Awtomatikong napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Napaatras siya. The guy in front of them is a looker. He has these expressive eyes and a chiseled jawline which made him look fatally attractive. But he doesn't look friendly. Not at all. Suot ang puting polo-shirt at itim na pantalon, pormal na pormal itong nakatayo sa harap nila kaya kahit siya ay napaayos ng tindig.

Napasinghap siya nang walang sabi-sabing tumakbo ang kaibigan niya at yumakap sa lalaki.

"Kuya!" impit na sigaw ni Lynne.

Kumurap-kurap si Hera. Tinitigan niya ang kaibigan niya. Sunod ay muling pinasadahan ng tingin ang lalaking yakap nito.

So this is Lynne's brother? This is Chase?

Lumunok siya nang ilang ulit.

Hindi ganito ang inaasahan niya. Akala niya, may edad na ang kapatid nito. Matandang binata kaya mahigpit. Nabanggit ni Lynne na bukod sa pagiging abogado, propesor ito sa isang unibersidad kaya sa imahinasyon niya, kamukha ito ng terror prof niya noong college na siyang dahilan kung bakit siya bumagsak sa Calculus. Hindi ganito… hindi mukhang modelo o artista. Lalo tuloy siyang nahiya sa itsura niya. Kaninang umaga pa yata siya huling nagsuklay.

"Bakit nakatayo lang kayo d'yan?" tanong ni Chase. Mahinahon. Malumanay. Malayo sa makabasag-eardrums nitong boses habang pinagagalitan siya noon sa telepono.

"E kasi 'tong si Hera, ang kulit. Gagamit daw siya ng banyo, taeng-tae—"

"Hoy!" Siniko niya ang kaibigan at pinagkunutan ng kilay. "Ano bang sinasabi mo? Tara na nga, gutom ka na yata, e." Hinigit niya ang kaibigan bago pa nito ibulgar ang mga kalokohan niya sa buhay.

"That's our table." Itinuro ni Chase ang isang bilog na lamesang malapit sa kinatatayuan nila.

"Thank you," bulong niya bago naglakad patungo roon. Binitiwan niya lang si Lynne nang makaupo na ito sa tabi niya.

Nagulat siya nang makitang may nakalahad nang palad sa harap niya. Nakalapit na pala ang kapatid ng kaibigan niya at handa nang makipagkamay sa kanya.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Chase Gabriel Domingo, Lynne's brother." Pormal na pormal ang boses nito.

Napatayo siya at mabilis pa alas kwatrong inabot ang kamay nito. "I'm Hera. Hera Tadea. Best friend ni Lynne. Nice meeting you po, Kuya."

"Tadea? May kakilala ka bang—nevermind, baka 'di mo kilala. Anyway, drop the kuya and po, hindi nagkakalayo ang edad natin."

Yes, of course, mas mukha pa nga yata akong matanda kaysa sa 'yo! Pinigilan niya ang sariling magsalita at tumango na lang.

"And by the way, I'm sorry about before. Medyo kinabahan kasi ako noon, unang beses uminom at malasing ni Lynne, tapos malayo pa siya."

Tumikhim si Hera. His voice sounds so… authoritative. Kahit nagso-sorry ito, parang gusto pa rin siyang utusan—utusang tanggapin niya agad ang sorry nito. Pinilit niyang ngumiti bago muling bumalik sa pagkakaupo. Parang gusto na tuloy niyang umuwi!

"Okay lang po, I mean… okay, naiintindihan ko naman. Ganyan po siguro talaga pag professor, istrikto." Really, Hera? Parang kanina lang, inis na inis ka nang maalala ang insidenteng 'yon, maktol niya sa sarili.

"Ang galang naman," tatawa-tawang sabat ni Lynne sa gilid. Bumubulong pa ito kaya sinipa niya sa binti. "Bakit ka naninipa?"

Umarte siyang nagulat. Konti na lang, Lynne, titirisin na kita! "Ha? Nasipa ba kita? I'm sorry."

"Okay, alam ko namang hindi mo sinasadya. Hindi talaga." Humalakhak ang matalik niyang kaibigan. Gusto niya tuloy itong sabunutan nang wala sa oras.

Tinapunan niya ng tingin si Chase. Bahagyang kumunot ang noo nito habang tahimik na sinusuri ang menu. Tumunghay ito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Anong gusto n'yong kainin?"

She cleared her throat. Alam niyang may posibildad na kumain sila dahil nasa restaurant sila, pero ang marinig na totoo nga ang hinala niya ay hindi kapani-paniwala. Past 12 AM na, gustong-gusto na talaga niyang umuwi! Kung kakain sila ngayon, baka hindi na siya matunawan. But she doesn't want to appear rude either. Ha! Talk about dilemma.

"Kuya, baka gusto nang umuwi ni Hera…"

Parang nagbukas ang langit sa sinabi ni Lynne. Tiningnan niya ito at nginitian nang malawak. Sa wakas, may ginawa rin itong maganda! Muntik na siyang pumalakpak sa tuwa.

Tumango siya. "Actually, yes, parang kailangan ko nang umuwi."

"Jejebs ka talaga?" bulong ni Lynne.

Pinandilatan niya ito ng mata. "Hindi, basta," bulong niya pabalik. "May ka-one night stand ako mamayang alas dos," biro niya. Natawa siya nang irapan siya ng kaibigan.

Tumikhim si Chase. "Nabanggit ni Lynne na taga-Makati ka rin. Ihatid ka na namin," biglang sabi nito.

Her eyes widened. "No! I mean, kaya ko na. Magta-taxi na lang ako."

Nagkatinginan ang magkapatid. Sinenyasan niya si Lynne na 'wag na siyang ihatid.

"Sober ka na ba?" paninigurado ng matalik niyang kaibigan.

"Oo 'no! Mataas ang alcohol tolerance ko, remember?"

Kinagat niya ang kanyang dila. Mali yatang sinabi niya 'yon. Ano na lang ang sasabihin ni Chase? Na totoong lasengga siya? Baka pagbawalan na nitong sumama si Lynne sa kanya. Baka isipin pa nitong kapag kasama niya si Lynne, wala silang ibang ginagawa kundi mag-inuman. Which is so not true; paano naman sila mag-iinuman kung isang shot pa lang, hilo na ang best friend niya?

Tumayo na siya bago pa man humaba ang listahan ng mga naiisip niya. Dinampot niya ang itim na pouch na hindi niya alam na dala-dala pala niya. Buti na lang, hindi 'yun nawala. Nando'n pa naman lahat ng gamit at pera niya.

"Alis na 'ko," pagpapaalam niya sa dalawa.

"Hatid ka namin sa labas?"

Sinimangutan niya si Lynne. "'Wag na! Kaya ko na ang sarili ko. Sorry sa abala, alam kong pumunta ka rito dahil hindi ako sumasagot sa mga text at tawag mo. Sorry, babawi ako." Nakipagbeso siya sa kaibigan.

"Sanay na 'ko sa 'yo. Sigurado kang magta-taxi ka?"

She nodded, twice. "Yup, don't worry, I can manage." Napansin niyang bumubulong si Chase sa gilid. Nilingon niya ito. "Ano po?"

"Just text Lynne when you got home, and again, drop the po," pirming sabi nito.

Napatango na lang siya ulit. Kahit naman hindi nito sabihin, talagang magte-text siya sa kaibigan. And yes, she will drop the po.

"Sige. Bye na sa inyo." Umamba siyang maglalakad nang may biglang maalala. "Ay, Lynne, 'wag kayong kumain ng dessert nila rito, ha?"

"Bakit naman? Pangit ba ang lasa?"

Ngumiwi siya. "No, nakasagutan ko kasi one time 'yung nakatoka sa sweets, e."

"Why?"

"Mali 'yung ibinigay na order… well, akala ko nagkamali. Kasi si Lucas, 'di naman sinabing pinalitan pala niya 'yung order niya."

Lynne rolled her eyes. "Fault mo naman pala. Nag-sorry ka?"

"Hindi."

"Anong sinabi mo?"

"Ang pangit niya."

Itinulak siya ng kaibigan. "Umuwi ka na nga. Wala ka nang pag-asa."

Inirapan niya ito nang pabiro. "Bye!" Naglakad siya bago pa man makapagsalita ulit ang kaibigan niya.

Kumaway siya sa dalawa nang tuluyan na siyang makalabas. Napansin pa niyang kunot na kunot ang noo ni Chase habang nakatingin sa kanya.

Problema no'n? Palihim siyang napairap.

Nang makalayo sa resto ay saka lang siya tuluyang nakahinga nang maluwag. Sinapo niya ang kanyang dibdib.

What was that?

Bakit pakiramdam niya, nakakulong siya sa isang toxic na lugar kanina? She felt suffocated around Chase. Parang kailangan niyang maging instant santa sa harap nito.

Of course, he is Lynne's brother! Pag na-badtrip 'yon sa 'yo, ewan ko na lang kung makita mo pa si Lynne. Napatango siya sa sarili.

Nagsimula siyang maglakad at napatakbo siya nang makakita ng taxi. Pinara niya 'yon pero naunahan siyang sumakay ng isang nagmamadaling magkasintahan. Bad trip!

"Magbe-break din kayo," bulong niya.

Muli siyang nag-abang ng masasakyan. Mabuti na lang at makalipas lang ang ilang minuto ay may paibagong taxi na siyang nakita. Agad siyang sumakay sa takot na baka maunahan na naman siya.

"Kapagod," bulong niya habang umuupo. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kaliwang kamay. "Kuya, sa Highlands po tayo, sa Makati."

"Okay po, Ma'am," sagot ng driver.

Huminga siya nang malalim. Habang nakatingin sa kawalan ay nag-flashback sa kanya ang lahat ng nangyari sa isang buong araw na iyon. Lynne, passing the board exam and throwing an instant party. Lucas, asking her to join him in a foam party. Her, choosing to be with Lucas but ending up like a sore loser. And finally, meeting Lynne's brother in the flesh!

She has a long, rough day. Gustong-gusto na niyang magpahinga. O makalimot. O pareho.

Napaigtad siya nang mag-ring ang cellphone niya. It was Lynne.

"O?" pagod niyang sabi.

"You won't believe this!" High-pitched ang boses ni Lynne, natatawa.

Napaayos siya sa pagkakaupo. Ginagamit lang nito ang boses na iyon kapag may matinding balita siyang kailangang malaman.

"What happened?" excited na tanong niya.

"Bibilisan ko ang pagsasalita dahil baka bumalik na si Kuya, nag-CR lang siya."

"May pa-intro pa, bilisan mo na."

"Okay so, here it goes, 'wag kang mabibigla…" Humalakhak ito kaya bahagya niyang inilayo ang phone sa kanyang tainga.

Nasapo niya ang ulo. "Ano ba kasi?!" Ngumiti siya. Ngunit napawi ang ngiti na 'yon nang sumagot ang kaibigan niya.

"It's official! My brother doesn't like you."

She fell silent. What?

"I repeat, my brother doesn't like you." Lynne laughed liked a witch.

"Wh—what? Why?" May nagawa ba siyang mali? Nagpapa-good shot nga siya para hindi nito isiping masamang impluwensiya siya sa kapatid nito!

Nasagot lang ang tanong niya nang muling magsalita ang matalik niyang kaibigan. "Ikaw naman kasi, bakit mo pa ikinuwento 'yung dessert thingy? Triggered tuloy ang lolo mo. Alam mo kung anong sinabi sa 'kin?"

"Ano?" Kinagat niya ang labi niya. Her heart is beating so fast and doesn't even know why.

"Ad hominem daw 'yon. You cannot produce a valid argument that is why you resorted in attacking the person's character instead. Imbes kasi na mag-sorry at umamin sa pagkakamali mo, sinabihan mo na pangit 'yung staff. He hates that kind of irrational argument."

Nalaglag ang panga niya.

Ano raw?


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C2
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas penulisan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk