Unduh Aplikasi
84.82% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 92: Kabanata 19

Bab 92: Kabanata 19

[LOUISE'S POV]

Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakahintay kay Billy. Paggising ko ay wala pa rin siya sa tabi ko. Saan kaya siya natulog?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-process ng utak ko ang sinabi niya kahapon na makikipaghiwalay siya sa akin.

Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Kailangan ko siyang kausapin.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan ko sina James at Kate na nanonood ng TV. Nagtatawanan sila habang nanonood ng Spongebob Squarepants. Buti pa sila masaya.

*krrriiiiiiiiinnnnnnggggggg!*

Biglang tumunog ang phone ko.

Lumabas muna ako ng boarding para sagutin ang tawag.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko sa caller. Unknown number kasi ang tumawag. Akala ko nga si Billy. Nag-expect pa naman ako.

("It's me, Jameshin.")

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko.

"I-ikaw? Teka, paano mo nalaman ang number ko?" gulat kong tanong sa kanya.

("I have my ways to get your number.") sagot niya.

"Ha?"

Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.

("Ang sabi ko, ang bingi mo. Linisin mo nga yang tenga mo.") sabi niya na ikinainis ko.

"Tumawag ka lang ba para mang-asar? Sinasayang mo lang ang oras ko." tanong ko kay Jameshin.

("Syempre hindi, gusto ko lang ipaalala sa 'yo na mamayang gabi na yung Dyosa's Ball. I'll fetch you later at 1pm para ayusan ka.") sagot niya sa 'kin.

Oo nga pala, mamaya na pala yung ball. I totally forgot about that.

"Pero teka, pati rin tirahan ko alam mo?"

("Yup.") - Jameshin

"Are you stalking me?" tanong ko sa kanya.

("Of course not.") depensa ni Jameshin.

"Tell me. Paano mo nakuha number at address ng tirahan ko?"

("Nakuha ko lang naman 'to sa asawa mo. You didn't tell me na asawa mo pala si Billy Williams. I've been his fan for four years pero hindi mo man lang sinabi sa akin.") - Jameshin

"Ha? Fan ka niya? Akala ko ba kalaban mo siya sa showbiz?" nagtatakang tanong ko.

("Mga fans lang naman namin ang magkalaban, hindi kami. We've been closed friends since pumasok ako sa showbiz.") - Jameshin

Sa bagay, uso rin naman ang fanwars. Mga muntanga rin ang mga fans nila eh. Alam nilang magkaibigan ang dalawa, pinagsasabong nila ito na parang magkaaway.

("But by the way, I didn't expect na ibibigay agad sa akin ni Idol Billy ang number at address mo. I thought he's going to be possessive but I was wrong. He's been more possessive to Samantha earlier nang nag-uusap kami kanina. Kung sa bagay, mas maganda naman si Samantha compared to you. Kaya mas pipiliin ko siya kaysa sa 'yo.") - Jameshin

Hindi ko mapigilang mainis at the same time masaktan sa sinabi ni Jameshin.

So he's with Samantha.

("Hello? Are you there?") - Jameshin

Pinatay ko ang tawag. Kahit ayokong umiyak dahil baka makaapekto ito sa baby na nasa sinapupunan ko but I need to.

[JAMESHIN'S POV]

"Hello? Are you there?"

*toot toot toot*

Aba't pinatayan ako ng babaeng 'to. Mukhang nasaktan yata siya sa sinabi ko.

Hindi ko namang intensyong saktan siya dahil inaasar ko lang naman siya. Pero kung masaktan ko man siya sa sinabi ko, I don't care.

Wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang babae because I only care about her. But sad to say, she's gone.

Kaya lang ako pumasok sa showbiz is to move on. Si Jameson ang tumulong sa akin para makapasok sa magulong mundong 'to.

By the way, nalaman ko mula kay Samantha na asawa pala ni Louise si Idol Billy. Narinig ko kasi si Idol Billy na may kausap sa phone at sinabing makikipaghiwalay na raw siya sa asawa niya. Hindi ko alam kung bakit.

Biglang lumapit sa akin si Samantha at ikinuwento niya ang tungkol sa asawa ni Idol Billy. Halos negatibo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa asawa ni Idol Billy. She even showed the picture of his wife which makes me surprised dahil sobrang pamilyar ito. I didn't expect na asawa niya si Idol Billy.

I was about to asked more about Louise pero bigla na lang lumapit si Idol Billy kay Samantha. He even said to me that stay away from his girl. Is this the reason kung bakit gusto niyang makipaghiwalay kay Louise.

I know that I don't like Louise but I feel bad for her. Ipagpapalit lang siya dahil mas nagagandahan ang asawa niya kay Samantha at ka-loveteam pa niya ito. Well maganda naman si Samantha pero hindi natural ang kagandahan niya unlike Louise na simple lang ang ganda. Hindi na niya kailangan pang mag-makeup to stand out. But still I don't care.

By the way, kaya ko kasama sina Billy at Samantha dahil may half-day shooting kami para sa isang commercial ng ice cream.

Habang nag-aayos ako ay naririnig ko ang usapan nilang dalawa.

"I'm really excited na maghihiwalay kayo ng asawa mo. Kailan kaya mangyayari 'yon?" - Samantha

"To be honest, mukhang mahihirapan akong makipaghiwalay sa kanya dahil kailangan ko pa ng valid reason para ma-annulled ako sa kanya. Paano kung hindi siya pumayag na makipaghiwalay sa akin? Sa ngayon, we need to hide our relationship first hanggang sa handa na tayo." - Billy

"I'm willing to wait. Pero paano naman ang batang nasa sinapupunan niya?" - Samantha

Teka, buntis si Louise?

"Kapag manganak na siya. Kukunin ko na sa kanya ang anak namin at tayo ang magpapalaki sa kanya." - Billy

Hindi ko mapigilang maikuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Paano niya nasabi 'yon nang gano'n kadali? Hinahangaan ko siya bilang artista pero biglang nawala ang lahat ng iyon. How dare he to be jerk. Hindi siya deserve ni Louise na maging asawa.

Sa ngayon, iniisip kong kailangan kong protektahan si Louise sa mga lalaking katulad niya lalo na't buntis siya. Kahit sandali ko lang siya nakilala ay tutulungan ko pa rin siya laban sa asawa niya.

Fuck! Why I am being like this?

[LOUISE'S POV]

- 12:55 PM -

Pagkatapos kong umiyak sa CR ay sinamahan ko si Kate sa panonood ng TV.

"My god! Sarap sabunutan 'tong Sofia na 'to." inis na sabi ni Kate habang nakatingin sa TV.

"Kawawa naman si Aira. Siya pa talaga ang nagmukhang masama." tugon ko.

"Truth, naalala ko bigla si Samantha kay Sofia. Pareho sila ng ugali. Mga ahas." - Kate

"Naiiyak na nga ako para kay Aira. Tapos idagdag mo pa ang kanta ni Kumareng Jaya na mas lalo pang nagpaiyak sa akin." sabi ko.

"May naghahanap sa 'yo sa labas Louise." sabi sa 'kin ni James.

Agad naman akong tumayo mula sa sofa at lumabas ng boarding house.

And I was surprised nang makita ko si Jameshin na naka-shades at nakasandal pa sa kanyang kotse. Para siyang model sa itsura niya.

"Wow! Ang aga mo yata ngayon. Mukhang hindi ka sumusunod sa Filipino Time." sabi ko sa kanya.

"I hate Filipino Time dahil gusto ko on time." sabi niya sabay tanggal ng shades.

"Ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na. Ang swerte mo naman yata kung pagbuksan pa kita." - Jameshin

Wow! Ang gentleman niya ha.

Agad akong pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin siya sa kotse at pinaandar ang kotse.

- MALL -

Pagkarating namin ni Jameshin sa mall, ang una naming pinasukan ay isang mamahaling boutique.

"Teka Jameshin, sigurado ka ba..."

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang may inihagis sa akin si Jameshin na isang gown na ikinainis ko.

"I-fit mo." utos niya sa 'kin. Wala bang manners 'tong lalaking 'to?

Pumunta ako sa fitting room para isukat yung gown.

Kada isang gown na sinusuot ko, laging walang reaction si Jameshin. Titingin lang siya sa akin mula ulo hanggang paa tapos aabutan na naman ako ng panibagong gown na isusukat.

Haaay! Sigurado akong ni-isa walang bumagay sa akin.

"Sir, may naiwan pa po palang isang gown para sa kanya." sabi ng saleslady at inabot niya yung gown kay Jameshin.

Tinignan ni Jameshin yung gown. "Isukat mo."

Inabot niya yung gown sa akin. Akala ko ihahagis na naman niya sa gawi ko.

Tinignan ko naman yung gown. Kulay red ito na parang isang lava. Ang gandang tingnan.

Pumasok na ako sa fitting room para isukat yung red lava gown.

Pagkasuot ko ay lumabas na ako sa fitting room.

Bigla namang napatayo si Jameshin then he looked at me from head to toe. This time mas matagal niya kong tinignan kaya medyo na-conscious ako.

"Hi-hindi ba bagay?" tanong ko sa kanya.

"Magpalit ka na." sabi niya sabay iwas ng tingin at tumalikod na siya. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

Sinunod ko naman siya.

Paglabas ko ng fitting room, binigay niya sa akin ang paperbag na may lamang gown at naglakad siya palayo.

Tinignan ko naman ang laman nito and I was surprised nang makita ko yung red gown na sinukat ko. Napangiti naman ako dahil do'n.

"Hindi ka ba sasabay sa akin?" naiinis niyang tanong.

Ako naman ay sumunod agad sa kanya. Baka sigawan pa niya ako.

Sunod na pinuntahan namin ay ang shoe shop. Halos matapilok na nga ako sa kakasuot ng mga deadly weapon (high heels) na yan. Kaya pinili ko ang flat sandals na katerno ng red lava gown. Buti na lang at pumayag si Jameshin na kanina pa tawa ng tawa sa kakatapilok ko.

Pagkatapos naming bumili sa shoe shop ay sa jewelry shop naman kami pumunta. Halos ang mamahal ng mga alahas do'n. Mas mahal pa kaysa sa gown na binili namin. Biruin mo, isang singsing lang ay nagkakahalaga na ng 25 million pesos. Tapos nagulat pa ako nang binili ito ni Jameshin. Saan kaya niya 'yon ibibigay? Siguro sa girlfriend niya.

Teka, may girlfriend ba siya?

"Ah Jameshin, saan tayo susunod na pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa beauty parlor." sagot niya.

At dinala nga ako ni Jameson sa isang beauty parlor.

Nilapag ko sa isang upuan yung mga paperbags. Bigla naman ako hinila ni Jameshin. Mukhang kailangan kong sanayin ang panghihila niya sa akin.

"Kayo na bahala sa kanya. Alam niyo naman siguro ang gagawin." sabi ni Jameshin sa isang beki.

"Ay okay Sir. We will make sure na papagandahin namin lalo ang girlfriend mo." tugon ng beki sabay hila niya sa akin.

Teka, hindi ko naman girlfriend si Jameshin ah.

Tapos ay pinaupo niya ako sa harap ng malaking salamin. May kasama siyang dalawa pang beki.

"Kami na po ang bahala sa inyo. For sure gaganda ka lalo. After nito ay maiinlove na sa 'yo nang husto ang boyfriend mo." sabi niya sa 'kin.

"Hindi ko..."

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang tinapik ako sa balikat ni Jameshin kaya napalingon ako sa kanya.

"Alis muna ako. Kukunin ko muna ang susuotin ko mamaya sa ball." sabi sa 'kin ni Jameshin.

Tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos ay umalis na siya.

"Pero infairness miss. Ang gwapo talaga ng boyfriend mo. Nice catch." sabay turo ng beki kay Jameshin na nakalabas na ng parlor.

"Hindi ko naman siya boyfriend." sabi ko sa beki.

"Weh! Wag mo nga kaming lokohin diyan. Kung hindi mo siya boyfriend, ang malas mo naman." sabi sa 'kin ng beki.

"Teka, parang pamilyar ka sa akin." sabi naman sa 'kin ng isa pang beki habang kinikilatis niya ang mukha ko. May dumi ba?

"OMG! Ikaw ba ang asawa ni Billy Williams?" gulat na tanong sa 'kin ng pangatlong beki.

Tumango lang ako.

"Ang swerte mo naman girl. May boyfriend ka na, may asawa ka pa. Sana all happy ang lovelife. How to be you po?"

Para namang sinabi niyang two-timer ako.

After one hour na paggupit nila sa buhok ko at pag-manicure sa kuko ko ay sa wakas natapos na rin. Kanina pa ako kinukulit ng tatlong beki na 'to tungkol kina Jameshin at Billy. Kesyo sino raw ang good kisser. Nakita ko na raw ba ang hot bod nila. At higit sa lahat, sino raw ang mas malaki sa kanila. Tapos nagpustahan pa talaga sila. Ang lalandi.

Lumabas na ako sa parlor. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.

Bigla ko namang nakita si Jameshin na pabalik ng parlor. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Tapos na ako. Okay ba ang itsura ko?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako na parang nagtataka at bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

"Oh, tapos ka na pala." sabi niya nang parang bumalik siya sa huwisyo.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Kumain muna tayo. Nagugutom na rin ako." sabi niya.

*prrruuuuuuuttttttt*

Biglang namang tumunog ang tiyan ko. Nakita kong tumatawa nang palihim si Jameshin. Mukhang nagugutom na rin ako.

Pumunta kaming dalawa sa food court.

"Anong gusto mong kainin? Ako na ang oorder." tanong niya sa 'kin.

"Spaghetti at fries." sagot ko sa kanya.

Tumango lang siya at pumila para umorder.

Pagka-order niya ay excited kong hinalo ang fries sa spaghetti.

"Teka, ba't mo hinalo yung fries at spaghetti?" tanong sa 'kin ni Jameshin.

"Mukhang masarap kasi." natatakam kong sabi at kumain na ako na parang gutom na gutom na talaga ako.

"Dahan-dahan lang sa pagkain. Baka mabilaukan ka." sabi sa 'kin ni Jameshin.

"Esha masharap eh. Shiguro ganitwo tyalaga akoh khumaen dahel buntis akoh." sabi ko sa kanya.

"Baka mapaano yang baby mo sa tiyan." - Jameshin

Napatigil naman ako sa pagkain dahil sa huling sinabi niya sa akin.

"Teka, paano mo nalamang buntis ako?" tanong ko sa kanya.

"Eh sa binaggit mo kanina na buntis ka habang kumakain. At hindi ba obvious sa kinakain mo?" sagot niya.

Napakamot na lang ako.

Kinuha naman ni Jameshin ang tissue sa mesa.

Nagulat ako nang bigla niya itong ipahid sa bibig ko.

"May sauce sa bibig mo." sabi niya.

"A-ako na." sabi ko pero natapos na siya sa pagpahid sa bibig ko.

Habang kumakain kami ay may nakita akong dalawang pamilyar na tao.

Sina Billy at Samantha. Teka, anong ginagawa nila rito?

Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa akin si Billy.

Nakatingin ba talaga siya sa akin o baka namamalik-mata lang ako?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C92
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk