"Hoi! ano pa bang ginagawa mo dyan!? tumakbo ka na dito!" Sigaw ni Hiroshi
Bumalik ako sa realidad at tumakbo kung nasaan si Hiroshi! bugla namang lumitaw ang isang babae sa may puno..
"Ahh.. hindi ko inaasahang makakaalis kayo doon.. so ikaw pala ang Hiroshing tunutukoy ng nga naglalakbay? ituto mo saakin ang daan.." Sabi ng babae
"Hhm? pasenysa na pero nakikita mo naman sigurong may pupuntahan kami hindi ba?"
"Hhmp! gusto mo bang mamatay!? kailangan ko doong makarating ng mabilis!"
"Edi patayin mo ako para mas lalong hindi ka makarating ng mabilis sa South"
Umm... grabe rin pala to ri Hiroshi! hindi ko inaasahang kahit pang support lang ang katawan nya ehh.. matapang sya! sumabat naman ako sa usapan
"Eh kung tulungan mo narin kami? para mapabilis!"
"Ahh? saan ba kayo pupunta?"
Ehh? bakit biglang naging kalmado ang boses nya?
"Sa pugad ng Eagle sa bundok"
"Ahh.. Hhm.. malapit na pala kayo! ano bang gagawin nyo doon?"
"Ahh.. Kukuha kami ng itlog ng Eagle" Sagot ni Hiroshi
"Yun lang? tumayo kayo ng tuwid!"
Magatatanong pa sana ako kung bakit pero biglang pumulupot sa paa ko ang lupa at kusang gumalaw! ang bilis nito ahh.. hay kung nakilala namin sya ng mas maaga edi nakarating napala kami sa bundok!
Ilang minuto lang ay makikita na ang bundok na may malaking kweba! dahan-dahan kaming pumasok! wala sa pugad nya ang Eagle..
Nang makarating kami sa pugad.. may tatlong itlog! ang lalaki! gaano kaya kalaki ang Eagle na to... kukuha na kami ng isang itlog pero biglang inataki kami ng Eagle! may lumabas na lupang wall at pinigilan ang eagle sa pag ataki! hinawakan ng babae ang wall at bumato sa eagle ang maraming bato! ahh... nakakadiri ang itsura nang matamaan ang ulo nito!
Ang lakas naman ng babaeng to!.. natalo nya ang Eagle ng ganon ka-dali? ang.. galing!
"Maitanong ko lang.. anong pangalan mo? ako si Misaki! Ang galing mo..! pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Ahh... "
Eh? bakit namula ang pisngi nya? ehh..
"Ka-kaibigan..? talaga?"
Eh? paiyak na sya!
"Kahit kailan sa buhay ko... walang may gustong kaibiganin ako!! haaaa!! talagang willing ka maging kaibigan ko!?" Tanong ng babae
Hinawakan nya ang kamay ko at umiiyak na! parang Tsundere ang boses nya pero.. nararamdaman ko ang nararamdaman nya..
sa past life ko.. wala rin gustong maging kaibigan ko! may isa akong naging bestfriend pero.. gusto lang pala nya akong ipahiya! inaasar nila ako 'Wala daw akong mga magulang!' ang iba sinasabi 'Ampon ka!' haay.. hindi ko sila pinansin at nag focus ako sa studies ko! naging part timer pa nga ako sa magandang restaurant! hindi naman ako pabigat sa tita ko at.. naging magalang ako sa lahat!
"Uh-ha! gusto kita maging kaibigan! anong panglan mo?" Tanong ko
"A-ako si.. Kagome, ang ibig sabihin ng pangalang yun sa Japan ay.. 'Lost'"
"Lost? bakit?"
"Ahh.. wala-wala!"
"Tapos na ba kayo?" Tanong ni Hiroshi
Kumuha sya ng isang itlog at paalis na kami. Ngunit biglang uminit ang pakiramdam ko! may umiilaw na pula sa dibdib ko at bumagsak ako! Nag panic sina Kagome at Hiroshi! rinig na rinig sa boses nila.. kumuha ng patalim si Hiroshi at sinira nya ang damit ko.. halatang na gulat sya na may marka ng ahas sa katawan ko! ahh... ang sakit ng dibdib ko.. nahihirapan akong huminga! a-anong gagawin ko?
"Misaki!? Misaki!? Hiroshi ano to!?" Tanong ni Kagome
Hindi makasagot si Hiroshi.. hindi ba nya alam kung ano to? malamang hindi... pinagpapawisan na ako! ipinikit ko ang mata ko at hinawakan ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gustong kumawala! ano bang ibig sabihin nito?
Unti-Unting bumalik sa normal ang tibok ng puso ko at hindi na sumasakit ang dibdib ko.. ngunit hindi ko maigalaw ang katawa ko! ang hina ko... nakahiga ako doon hangang makatulog ako.
Pagsising ko.. na sa kweba parin ako at may telang naka kumot saakin. Ahh!.. isang image ang lumitaw sa utak ko! may lalaki daw na lumapit saakin at kinumutan ako? ahh malamang si Hiroshi lang yon! na saan nga pala sila? ehh... hindi manlag nila ginalaw yung patay na Eagle dito! Hhm? napansin ko lang.. wala na ang pula sa dibdib ko!