Unduh Aplikasi
100% The Pain In My Heart / Chapter 1: THE PAIN IN MY HEART (ONE SHOT)
The Pain In My Heart The Pain In My Heart original

The Pain In My Heart

Penulis: iamjeyel01

© WebNovel

Bab 1: THE PAIN IN MY HEART (ONE SHOT)

♥SHIN's POV♥

Masaya sa pakiramdam ang ma-in-love ka. From a simple admiration na habang tumatagal ay palalim din ng palalim ang nararamdaman mo hanggang sa ma-realize mo ang isang bagay... Mahal mo na pala siya.

Wala namang masama sa magmahal, eh. Sabi nga doon sa palagi kong nababasa sa mga story, which is gasgas na masyado-wala daw masama sa magmahal. Ang masama doon ay yung ipagsiksikan mo ang sarili mo sa taong ayaw sa 'yo. So, masama na ba itong ginagawa ko? May mahal kasi ako ngayon at sa kasamaang palad, hindi niya ako gusto bilang ako.

Pero alam niyo yung feeling na nasa harapan mo lang siya? Di ko maiwasan ang mapangiti at lihim na kikiligin makita ko lang siya o maramdaman ko lang ang presensya niya. Yung feeling din na mahawakan ng taong gusto mo ang kamay mo? Grabe, HEAVEN lang talaga! Yes, luckily, nakikita ko siya araw-araw, nakakausap, at kung minsan ay nakakayakap ko pa siya. Swertehan lang 'yan! I don't know exactly when I started to love him, basta dumating lang yung araw na kapag niyayakap na niya ako ay may kung anong ewan na di ko maipaliwanag sa tiyan ko. Tapos kapag tumitingin naman siya sa akin at ngingiti, parang sasali na sa karera ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Corny. I know, ganun naman talaga sa love, eh. Nagiging corny ka na. Ganun ang epekto niya sa akin. How I wish na ganun din ang nararamdaman niya para sa akin.

"Shin, kain na tayo. Naghanda na ako."

For the nth times ay nanayo na naman ang balahibo ko sa katawan nang banggitin niya ang pangalan ko. Palagi na lang kasing ganun. Natataranta ako kapag nalaman kong malapit lang siya.

"O-Ok," utal kong sagot. Nasa kama ako ngayon ng kuwarto ko at nasa may pintuan naman siya nakatayo. As usual, boxer shorts na naman ang suot niya. Naka-expose ang oh-so-yummy niyang katawan. Hindi na ako nagulat, sanay na rin naman kasi akong araw-araw niyang ginagawa yun. Call me pervert, pero wala eh. Enjoy na enjoy kong tinitingnan ang katawan niya, lalo na doon sa bandang ibaba. Kahit sino naman sigurong nakakakita ng guwapong naka-topless at naka-boxer shorts lang ay napapatingin din sa 'ano' nila. Diba? Aminin mo man o hindi, mapapalunok ka nang talong beses nang sunod-sunod pag nakikita mong medyo bakat iyon. Pervy, I don't care! Kasalanan niya kasi ganun ang suot niya. Hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung ano-ano. Ang yummy kaya niya! Haha. Ngumiti lang siya saglit saka umalis na sa harapan ko. Tumayo naman ako at hinarap ang human sized mirror at nag-ayos muna ng sarili bago pa sumunod sa kanya.

"Abnormal ka!" sigaw ng konsensya ko. Napaisip ako saglit pero nang ma-realize ko na ang ibig niyang sabihin ay di ko na lang iyon pinansin. I don't care!

I am Shin Mia Rodriguez. My friends call me Shin-17 years old and a high school student. At yung lalaking nagpapatibok ng puso ko, araw-araw? He's my Prince. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ngayon sa iisang bahay. Well, nasa probinsiya kasi ngayon ang mga magulang ko. At pinagpala lang talaga ako na siya ang nakakasama ko ngayon.

"Anong ulam?"

"Corned beef lang. Wala nang laman yung ref, eh."

Ngumiti na lang ako saka umupo. Sinabayan naman niya ako sa pagkain.

"Sabay na pala tayo pumasok bukas."

"Ok," ngumiti lang ako. Ayokong ipahalata sa kanya na kinikilig ako sa tuwing kinakausap niya ako. Nakakahiya!

-----***-----

SCHOOL...

How lucky I am, right? Iisa lang ang bahay na tinutuluyan namin ng Prince charming ko. Sabay kaming kumakain, sabay na pumapasok sa school, sabay pa kaming nag-la-lunch, tapos palagi pa kaming magkatabi sa upuan sa klase. Kahit yun lang, sobrang saya ko na. Kahit hindi naman kami at hindi siya nanliligaw sa akin, ok lang. At least, kasama ko siya araw-araw. Sapat na.

Nasa may garden ako nun, malapit lang sa canteen. Naka-upo sa may bermuda at nagsusulat. Lahat ng sikreto ko, si PS lang ang nakakaalam. By the way, PS ang pangalan ng diary notebook ko. Hindi ko naman alam kung saan nagpunta si Prince charming ko kaya naisip ko munang magsulat.

"Shin!" halos matapon na yung diary notebook ko pati ballpen dahil sa sobrang gulat, buti na lang ay nasalo ko rin ito kaagad. Nang makita kong si Prince charming pala yung nanggulat ay dali-dali ko rin naman itong tinago sa likuran ko. Naku, wag sana niya mapansin.

"Nagsusulat ka ba ng diary?"

Naku, patay! Anong isasagot ko?

"Ah... Ano..." waaah! Di ako makapagsalita nang maayos. Pa'no ba naman kasi ang lapit ng mukha niya sa akin. Naka-upo ako sa damuhan samantalang naka-luhod naman siya at promise, malapit talaga yung mukha niya sa akin. Waaah! Di ako makapag-isip nang maayos. Anong gagawin ko? Shin, wag ka munang magpantasya ngayon. Alalahanin mo, diary mo ang tinutukoy niya. At SIYA ang laman ng sinusulat mo.

"Siguro nakasulat doon ang pangalan ng crush mo, noh?"

Oo! Nakasulat doon ang pangalan ng crush ko-kung crush pa ngang matatawag yun kasi mahal ko na siya. Nandun din ang mga stolen pictures niya na kinukuhanan ko pag di niya napapansin. At higit sa lahat, IKAW ang taong yun! Gusto kong sabihin yun kaya lang nahihiya ako.

"Ano... Bakit ka ba nanggulat kanina? Kainis ka ah!" sabi ko na lang. Pero nagulat na lang ako nang nilapit pa niya yung mukha niya sa akin. Juice colored! Sobrang lapit na talaga ng mukha niya sa akin to the point na nararamdaman ko na yung paghinga niya. Pati yung pabango niya naaamoy ko na rin. Yung ka-guwapuhan niya natatanaw ko na. Gosh! Pati yung lips niyang ang sarap halikan!

OH MY G!

"Uto-uto! HAHAHA!" Di ko siya na-gets nung tumawa siya tapos tumayo na rin siya nang ma-realize kong wala na pala akong hawak na gamit kasi nasa kanya na. WAAAH! Paano niya nakuha yun!? Tumayo naman ako.

"Hoy! Akin na 'yan! Wag mong basahin yan!"

Natatakot kasi ako. Natatakot ako sa maging reaksiyon niya pag nalaman na niya ang sikreto ko. Natatakot ako na baka lumayo siya sa akin. Natatakot akong malaman niyang mahal ko siya. Ayokong magkaroon ng awkward sa aming dalawa. Ayokong mangyari yun.

"Nye nye nye nye nye! Ayoko!" Pero binelatan niya lang ako. Promise kahit ganun yung hitsura niya, ang guwapo niya pa rin. Wala kang mapipintas sa kanya kasi kahit na anong gawin niya, ang guwapo niya pa rin. Gusto ko na lang sana siyang titigan dahil sa kaguwapuhan niya. Kaya lang, nasa kanya ang pinaka-iniingat-ingatan ko, eh!

FOR PETE'S SAKE, NASA KANYA ANG DIARY KO AT LAGOT AKO PAG NABASA NIYA YUN!

"Akin na sabi, ano ba!?" naiinis na ako habang hinahabol pa rin siya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Yung iba, natutuwa dahil para raw kaming aso't pusa kung maghabulan. Tss. Wala pa akong panahon sa ngayon para kiligin. Gusto kong makuha yung diary ko!

"Shin!" napahinto ako sa tumawag. Si Jean pala, kaibigan ko.

"Bakit?"

"Ano na naman bang pinagtatalunan niyo at nagiging aso at pusa ang peg niyo ngayon?" hindi pa man ako nakasagot ay nagsalita na siya ulit.

"Ang cute niyo talagang tingnan. Para kayong mga bata," nakangiti pa niyang sabi. Ok? Sabi ko ayoko munang kiligin eh! Pero takte! Kinilig ang lola niyo!

"Eh kasi naman, nakakainis siya eh! Nasa kanya yung diary ko." turo ko pa sa magnanakaw ng diary. Pero nung nakita kong bubuklatin na niya sana ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. Please, Lord, gumawa po kayo ng paraan para di matuloy yung pagbuklat niya. Please, don't let him see his pictures in my book, even my feelings for him sana di niya malaman. Please...

But too late.

Masyado bang mabagal ang pagtakbo ko o sadyang mabilis lang talaga ang mga kamay niya para mabuklat kaagad iyon? Napatigil ako sa harapan niya nang makita kong nag-iba ang expression ng mukha niya.

"I LOVE YOU. GUSTO KONG DUMATING YUNG ARAW NA MAGING TAYO PERO ALAM KONG DI MANGYAYARI YUN."

Iyon ang nakasulat sa first page ng diary ko with matching picture pa niya kaya ganun na lang kabilis siyang nakapag-react. Now, I'm dead. How I wish na biglang may humugot sa paanan ko at dalhin ako sa ilalim ng lupa dahil sa kagagahan ko.

"Magpapaliwanag—"

"Are you crazy!?" sigaw niya sa akin. Kahit hindi ko nakikitang nasa amin ang tingin ng mga tao ay alam kong naagaw namin ang pansin nila, dahil sa sigaw ng kaharap ko.

"I'm sorry. Magpapaliwanag ako," sabi ko. Pero hindi pa man ako matapos sa pagsasalita ay binangga na niya ako sa balikat dahilan para matumba ako. Bakit ganun? Ang hina lang nung pagkabangga niya pero napaupo pa rin ako? Siguro ay dahil sa nanghihina na pati mga tuhod ko. Ang sakit. Kanina lang ang saya namin... Pero ngayon... Bakit ganun?

"What happened? Anong meron doon sa diary mo, bakit ganun yung reaksiyon niya? For the first time, ngayon ko lang siya nakitang nagalit." hindi ko na napansin ang paglapit ni Jean sa akin. Inalalayan niya akong makatayo at nang makatayo na ako ay dali-dali ko naman siyang niyakap at doon na ako umiyak.

"Di ko naman kasalanan yun, eh! Di ko mapigilang magkagusto!"

"Teka, teka! Di kita maintindihan, eh. Ano bang sinasabi mo? Magkagusto? Kanino?" kita ko namang naguguluhan na siya. Pero I'm sorry Jean, kasi kahit ikaw na kaibigan ko, wala rin akong balak na sabihin itong nararamdaman ko para sa kanya. Only PS knows all about my feelings for him. Pero ngayon, may iba nang nakakaalam. At natatakot ako.

"I'm sorry pero kailangan ko nang umuwi," paalam ko na lang.

-----***-----

"Miko, buksan mo naman itong pinto!" sigaw ko. Kanina pa kasi ako katok nang katok dito sa pintuan ng kuwarto niya pero di man lang niya ako pinagbubuksan.

"Please, talk to me. Alam kong nand'yan ka sa loob. Kausapin mo ako," halos magmakaawa na ako sa pinto para lang bumukas iyon pero wala talaga. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napaiyak na naman ako. Maya-maya lang ay nagbukas na ang pinto at sa gulat ko ay hindi na siya naka-boxer shorts ngayon pati topless. Titig na titig lang ang guwapo niyang mukha sa akin. Galit siya at alam kong nabasa na niya ang lahat ng nakasulat doon sa diary ko.

"Miko..."

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shin? Nababaliw ka na ba?"

"Ano bang magagawa ko eh sa mahal nga kita!?" sigaw ko. Hindi ko na mapipigilan pa, eh. Ano pa bang ililihim ko sa kanya eh nabasa na niya ang nakasulat doon?

"Ayokong tanggapin 'yang pagmamahal na 'yan." matigas niyang sabi. Bigla namang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko at bigla itong kumirot.

"Pero Miko, mahal talaga kita!"

"Shin, puwede ba!?" nagulat ako sa sigaw niya. "Hangga't maaga pa, itigil mo na 'yang kahibangan mo."

Galit siyang tumalikod sa akin at papasok na sana ulit sa kuwarto niya nang hilahin ko ang braso niya at nang saktong pagharap niya ay hinalikan ko siya sa labi. Call me crazy, desperate at kung ano pa, gusto ko talagang gawin yun. Pero wala pang dalawang segundo ay nasa sahig na ako. Tinulak niya ako.

"Nandidiri ako sa 'yo ngayon. Alam mo ba yun? Ha!?"

Ang sakit ng sinabi niya.

"Shin, naman! Ang dami-daming tao sa mundo, bakit ako pa? Bakit sa akin ka pa nagkagusto!?" hindi niya napigilan ang sarili at napa-sabunot na sa sariling buhok. Yung luha ko, ayaw magpapigil dahil sa sakit.

"Hindi ko alam! Oo nga naman, noh? Bakit sa dinami-rami ng tao, ikaw pa? Sorry ah? Sinubukan ko naman kasing pigilan ito, eh! Kaya lang wala akong nagawa. Bakit, akala mo ba ginusto ko rin ang nangyari? Ha!? Akala mo ba ginusto kong magkagusto sa sarili kong kapatid!?" wala na. Ayaw talagang tumigil ng luha ko sa pagpatak at mas lalong lumakas ang paghikbi ko dahil sa masakit na katotohanang binigkas ko.

"God knows kung paano ko pinigilan itong nararamdaman ko kasi sobrang mali nito. Pero presensiya mo lang nararamdaman ko, wala eh. Nakakalimutan kong kapatid ko nga pala ang nagugustuhan ko. Kaya nga wala akong ibang sinabihan nito, diba? Kasi alam kong mahuhusgahan ako pag nalaman nila ang sikreto ko."

"At alam mo kung bakit ka mahuhusgahan."

"Alam ko at hindi ko nakakalimutan iyon. Ginusto kong maging boyfriend kita, pero ang tanga lang ng iniisip ko, diba?" I fake a smile. "Alam mo bang isinumpa kita? Na sana ay hindi na lang tayo naging magkapatid nang sa ganoon ay puwedeng maging tayo."

Yun yung masakit na katotohanan, eh. Na hindi puwedeng maging kami dahil magkapatid kami.

"Alam mo, siguro kung ampon lang ako, puwede pang mangyari yang gusto mo. Kaso hindi, eh! For pete's sake, kambal tayo, Shin! KAMBAL! At iisa lang ang magulang natin at sabay tayong nag-exist sa mundo!"

And that truth really gave me a hundred and times painful heartache. Sobrang sakit, eh! Ang magkagusto ka sa sarili mong kapatid-mas worst kasi kakambal mo siya. Sobrang sakit. Mahal na mahal ko talaga siya, eh. Mahal ko siya di dahil sa kakambal o kapatid ko siya, mahal ko siya bilang siya. At magkaiba ang dalawang yun. To the point na pinagpapantasyahan ko na siya.

"Wag mo nang ipaalala pa, SHAN MIKO RODRIGUEZ, dahil kahit kailan hindi 'yan nawala sa isip ko!" and with that, kahit sobrang sakit ng kalooban ko ay umalis na ako ng bahay. Nagtatakbo habang umiiyak.

"Pesteng buhay 'to!" I cursed. "Bakit kailangan ko pang magkagusto sa kakambal ko? Puwede namang sa iba, eh! Sa ibang tao na hindi ako masasaktan."

Para na akong baliw. Kinakausap ang sarili habang mag-isang umiiyak.

Siguro nga ganun talaga pagdating sa love. Na kahit alam mong bawal at masasaktan ka, pinagpapatuloy mo pa rin yung kabaliwan mo. Katulad na lang sa akin ngayon, kakambal ko si Shan pero sa kanya pa ako nagkaganito-nagkagusto. Sa simula pa lang, maling-mali na pero pinagpatuloy ko pa rin. Wala na akong nagawa, eh. Pinigilan ko ito pero talo pa rin ako. Kaya ang resulta? Para akong tinusok ng hindi lang sampung kutsilyo sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Minsan nga naisip ko, bakit pa ako nabuhay sa mundo? Bakit ang unfair nito sa akin?

"Shit!" I cursed for the nth times.

Shit lang talaga. Sana hindi na lang siya ang naging kapatid ko. Sana nga naging ampon na lang siya. Sana magkaiba na lang kami ng magulang. Sana... Sana... Peste! Ang daming 'sana'!

Sana lang magkatotoo ang mga sana ko.

—WAKAS—


Load failed, please RETRY

Bab baru akan segera rilis Tulis ulasan

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk