"Ang aga mo, ah," puna ko nang makalapit na ako sa kinauupuan ni Trev. Himala nga at mas nauna pa itong nagising kaysa sa akin. Tulog-mantika pa naman ito. Yung tipong kahit na magka-earthquake na yata ay hindi nito mararamdaman for sure. Ganun kasarap ang tulog nito.
He jokingly punched my arm. "Anong problema mo? Sa maaga ako nagising, eh. Ikaw nga ata ang napasarap ang tulog, eh. Dapat ikaw ang excited sanating dalawa."
Napangisi ako sa kanyang sinabi. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Is she awake now? Kumain na kaya siya? Iniisip kaya niya ako? Naging masaya man lang ba siya kagabi?
"You look creepy, man."
I shot him a glare bago umupo sa katapat nitong upuan. Kung wala talaga si Trev ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. He gave me hope and support when nobody else would. He saw how terribly sorry I am kaya binigyan niya ako ng chance na makabawi. Tama naman kasi ito. Asawa ko na si Eevie at bago pa kami umabot sa ganitong estado ay naging magkaibigan muna kami. Sana iyon na lang ang aking naisip. Sana hindi na lang ako nagmatigas.
Bago na naman ako kainin ng pagsisisi, na siyang ginagawa ko simula nang umalis siya ay inilagay ko muna iyon sa likuran ng aking utak. I have an objective here. Iyon ang makuha ulit siya nang hindi ko siya pinipilit. Na mahalin niya ako dahil iyon ang kanyang nadarama.
"I have good news, bro. I saw her last night. We had the chance to talk."
"Who?" nakakunot-noong tanong nito habang nilalantakan nitonang kinakaing belgian waffles. His eyebrows were knitted together like he was clueless. Then, his face suddenly lit up at saka nag-angat ng mukha. "Eevie?"
I sarcastically laughed at his reaction. May pagka-slow din itong kaibigan ko, eh. "Yup," pagkompirma ko at saka napangisi. "It was an accident. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Pinag-uusapan lang natin siya kahapon tapos ayun. We had dinner pero siyempre hindi ako nagpakilala," masayang kwento ko sa kanya. Kung panaginip lang ito ay ayoko ng magising. But I pinched my cheeks this morning and I know this is real. Yeah, this is fucking real!
"So, how is she? Kwentuhan mo naman ako!"
Napawi ang ngiti sa aking mga labi. Sadness is starting to build up inside my chest. Napabuntung-hininga ako ng malalim. Masaya ako na nakita ko ulit siya ngunit malungkot dahil hindi na niya ako makilala. Mas gugustuhin ko pang galit siya sa akin. Gusto kong sumbatan niya ako sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko sa kanya at sa aming pagsasama. Hindi yung nginingitian niya ako ng wala siyang kaalam-alam. Na parang wala akong ginawa sa kanyang katarantaduhan. "She was totally different from the Eevie we once knew," malungkot kong ani. "When she looked at me like a stranger last night ay para akong nasampal ng paulit-ulit, pre. Masaya ako dahil nakasama ko siya kagabi pero parang kulang. Ibang-iba na. There is still a hole in my heart that only her could fill."
Trev sighed and tapped my shoulder, consoling me. "Wala na tayong magagawa diyan. Nangyari na ang nangyari. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Kung iiyak ka ba ngayon ay may magbabago ba? Kung patuloy ka bang magagalit sa sarili mo ngayon ay tatakbo ba siya pabalik sa iyo? Nothing will change, pre. You should focus what's ahead of you. Yun na ang importante sa ngayon. Trapping yourself in the past, you will never find your way out."
I frustratedly pulled my hair dahil sa lahat-lahat ng mga nangyari. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa aking sarili. Yes, I should focus on the future but my past kept pulling me down. Madali mang sabihin ang 'move on' kaso mahirap simulan. Hindi mo alam kung paano ka muling hahakbang. Saan ka tatapak para hindi ka mabuwal. Lalo at alam kong ako ang may kasalanan.
"Pre, I'm not telling you to forget the past. Damn it. Isa ka't kalahating gago noon. Pero kaibigan niyo ako ni Eevie and I'm cheering you to get her back. Noon, I was hesitating to help you but seeing you like this ay alam kong tama ang pagtulong ko sa'yo. Alam kong mahal mo na siya. O baka nga mahal mo na siya noon ngunit in denial ka lang."
I gave him a warm smile. I know, he will always have my back. That's friendship. Even if he sees the worst part in you, he won't leave. If he truly cares, he will give you advices and shook you to your senses.
"Salamat, Trev. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."
"Don't mention it. That's what are friends for. Ginagawa ko rin ito para kay Eevie. She loves you, pre."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya sinabi. A true friend will never leave you even if he sees the worst part in you.