Nakakabinging katahimikan kasabay ng mailap na hangin sa malawak na lugar na kung saan naka upo si Dolores..
(Alaala....)
"Dolores! Dolores!" Biro nitong pagtawag ni Fernando sa kanya. "Ano ba!! pwede ba huwag mo nang tawagin ang pangalan ko ng buo!!" Pag kairita nitong sabi. "Eh! bakit naman. Kinakahiya mo ba na yan ang pangalan mo? Ang ganda kaya Dolores." Sabay tawa nitong sabi.
Pauwi na sila galing eskwelahan palagi syang inaasar nito kapag sila'y umuuwi na. "FERDI!!! TUMIGIL KANA!!" napahiyaw nitong sabi. "Fernando pangalan ko. Hindi Ferdi! Dolores Hahaha."
Binalibag ng aklat ni Dolores si Fernando at tumama ito sa kanyang dibdib. "Hindi lang aklat ibabalibag ko sayo FERNANDO! Kaya ayusin mo na ang tawag sakin!!" "Aray ko wa. kala mo ba manipis yang aklat na yan. Nako Dolores este Dolor este Loris sige na. Di na kita aasarin. Hahaha!" Sabay bigay nitong aklat kay Dolores.
Hindi tugma ang kanilang dadaanan sa kanilang mga bahay kaya sa isang kanto ay maghihiwalay na sila ng daan.
"Loris!" tawag ni Ferdi sa kanya. Lumingon si Loris nakasimangot nitong reaksyon. "Kita ulit tayo bukas sa school. hahaha!" Tinalikuran lang sya nito at nagtuloy na sa paglalakad.
Kinabukasan sa Paaralan.
"Loris, nakita mo ba si Nardo? Naiwan nya kasi tong aklat nya sa ilalalim ng lamesa ko. Pwede ba na ikaw na lang mag abot sa kanya?" -Clara
"Sige. Ilapag mo na lang sa lamesa ko." "Salamat ha." aniya Clara.
Pagkuha ni Loris ng aklat ni Nardo may nalalaglag itong kapirasong papel na kung saan nakita nya ang kanyang pangalan. Dali-dali nya itong pinulot at binasa ang nakasulat dito.
Bigla siyang natawa sa kanyang nabasa at hindi maalis ang ngiti nito sa kanyang labi. Agad nitong binalik sa loob ang kapirasong papel na nakatago sa loob ng aklat at agad nya itong binalik kay Nardo.
"Nardo! Aklat mo pinapabigay ni Clara. Naiwan mo kahapon sa lamesa nya." Nagpapanggap na walang alam sa nabasa nitong sulat patungkol sa kanya. "Nako! salamat Loris. Nakakahiya ikaw pa yung nag abot" nahihiya nitong sabi. "Walang anuman." Biglang talikod at palihim na natatawa.
Sa kabilang banda nakita naman ni Ferdi si Loris na kumakaen mag isa. Kaya sinamahan nya ito. "Loris! may kasama ka ba?" "Wala" tugon ni Loris.
"Nga pala puntahan mo ko sa room namin. Mag papaturo sana ako sayo eh" pakiusap nitong sabi.
"So! Ako talaga pupunta?" pataray nitong sabi. "Eh kasi kapag ako ang pumunta sa room nyo asarin ka naman nila. Akala nobyo moko." Papansin nitong sabi. "Busy ako." seryoso nitong sagot. "Please. pumunta ka Loris. importante kasi we" nagmamaka awa nitong pakiusap. "Magpapaturo ka lang importante na?!" naiinis nitong sabi. "Ikaw lang kasi makakasagot nong itatanong ko we, Ah basta! Hihintayin kita don. Basta hihintayin kita wa?" nagmamadali nitong sabi at biglang umalis. "Labo nya wa. ako lang may utak ganon?!" sabi nito sa sarili.
(Kasalukuyan)
Magdadapit-hapon na nandoon pa din naka upo sa pwesto si Loris. Malayo ang tingin Malalim ang iniisip. "Loris tara na! mag gagabi na oh" -Clara Habang si Loris ay walang imik. Habang nag iintay ng text ni Ferdi. Tahimik lang ang reaksyon nito at sumakay na sila sa sasakyan.
Sa bahay ni Loris. agad siyang pumunta sa higaan nya at binuksan ang cabinet nito at may kinuhang bagay na nagpaalala sa kanyang nakaraan.
(Alaala...)
"Kuya. nakita mo ba si Ferdi?" tanong ni Loris. "nandun sa loob" sagot ng classmate ni Ferdi "Sige salamat." Pagpasok ni Loris madilim at tahimik. "Kuya bakit ang dilim dito?" nagtataka nitong sabi.
"Buksan mo yung ilaw Ate!"
"Asan ba kasi yang Ferdi na yan (switch on)" naiinis nitong sabi.
Biglang nagliwanag ang kwarto at unting unting naaninag ni Loris ang mensaheng naka kabit sa paligid. At sa likod naman niya ay si Ferdi na may hawak na kapirasong papel. Pagharap ni Loris "Dolores. Oh baka manakit ka na naman. Gusto ko kasi yung pangalan na Dolores e. Pero seryoso. Loris. mag papaalam sana ako sayo we. Kung pwede." biglang salita ni Loris "Ano ba Ferdi alin ba yung ipapaturo mo sakin. ano ba to" naguguluhan nitong sabi. "Shhhh. saglit lang wag ka naman nagmamadali. papunta na dun. saglit lang okey? excited?? Hahaha. pero seryoso. Ikaw lang naman talaga makakasagot e. Umiibig na kasi ako eh! Iniibig na kasi kita Loris. Gusto ko lang din malaman kung parehas din ba ng nararamdaman ko yung nararamdaman mo sakin o hindi?" pa amo nitong itsura. Hindi agad nakasagot si Loris sa tanong ni Ferdi. Napatalikod ito ngunit pumunta naman sa harap nya si Ferdi "Okey lang naman Loris. hindi naman hadalian ito we. Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari ngayon pero hindi magbabago yung tanong ko sayo." seryoso nitong sabi.
(Kasalukuyan...)
Nakahiga sa kama si Loris at unting tumutulo ang luha nito. " Tinext nya si Ferdi.
"San kana?"
"Ano na ginagawa mo dyan? Kumaen ka na ba?"
"Hi Ferdi 😊"
"Uuwi na kami Clara"
"Nakauwi na kami"
"Bahay nako"
"Ferdi I miss you"
Kinabukasan. .....
"Loris. Bangon na. nag ayos ka na ba ng gamit mo. ngayon yung flight natin. Ano ba. may balak ka pa ba?" ngmamadali nitong sabi "Ang aga naman. inaantok pako" "Ano inaantok? bahala ka. maiiwan ka. tayo na lang inaantay nila" aniya Clara
"Sunod na lang ako." antok pa nitong sabi. Hindi pumayag si Clara na hindi sumama si Loris. Kaya napilit din nya ito na sumama sa bakasyon nila.
Habang sa Byahe ...
"Best tignan mo oh. maganda ba suot ko?" excited nitong tanong. "Oo. ang ganda mo" "yaaaay. excited nako best. hahaha" "mukha nga eh." tugon nito.
Habang sa byahe nakikinig siya ng love story sa radio sa cellphone nito..
"Ferdi." lumingon si Ferdi at agad na nilapitan si Loris. "Sorry kung bigla akong umalis. pakiramdam ko napahiya ka sa kanila we. Hindi ko kasi alam gagawin ko non. tapos hindi ko din alam ang mga sasabihin sayo kanina. Pasensya ka na Ferdi." mapagkumbaba nitong sabi. "Loris. Alam kong nabigla kita kanina sorry kung biglaan man yon. Pero kung ano yung desisyon mo. Tanggap ko naman e" positibo nitong sabi. "Sa ngayon kailangan na muna nating i priority yung pag aaral natin. Hindi pako handa sa pakikipag relasyon" nag aalala nitong sabi.
"Hahaha" "bakit ka natatawa?" "basta. masaya lang ako kapag nakakasama kita. mas doble tripleng kasiyahan pag kasama ka Dolores Hahahaha" bigla itong sinapak ni Loris. "Aray ko. grabe ang lakas non ha?!" sabay talikod ni Loris sa kanya. Hinabol naman ni Ferdi si Loris. "eto naman. hindi mabiro. nananakit pa! Haha! sorry na. fiancee na kita diba.?" "Ano???! anong fiancee e hindi pa nga kita sinasagot e. ni boyfriend kaya!" inis nitong sabi. "hahaha kapag nakapag tapos n tayo ibig sabihin tayo na non diba? saka naka reserba nako sayo. Diba Loris???" aakmang sasapakin ulit si ferdi "ohh. sa susunod na tamaan ako nya ulit gaganti nako sayo. kakaibang ganti Loris" seryoso nitong sabi. Habang nailang na si Loris sa malapitang mukha nila na nagtititigan. "Basta. Hanggang college dapat." papalayo nitong sabi. "Kahit pang masteral pa yan o doctorate magiging girlfriend kita Hahaha" pahiyaw nitong sabi.
Sa Hotel...
"Tara na daliiiii" nagmamadaling sabi ni Clara. "This is your keys maam' enjoy for staying with us" receptionist. "thank youuuu. Dali Loris. akoy excited na. Sino ba tinetext mo ha. patingin nga!" "Ano ba best. wala to. social media lang." kunwari nitong sabi. "haay nako. basta yung mga 2 piece ko naka ready na. hhahaha" tuwang tuwa nitong sabi.
"Ano hindi ka ba lalabas. mukhang madaming jojowain sa labas oh. yaaaay. bessssst. hahahah" "matutulog na muna ako. wala akong balak sa mga lalake dyan sa labas no" "So ano? bumyahe tayo dito para matulog ka lang? bala ka jan. basta ako I need vitamin Sea&Salt" "Ge naaaa. sunod ako. kapag naisipan ko." tinatamad nitong sabi.
Pumunta si Loris sa balcony at nakita nya ang napakagandang view kung saan mas marerelax sya. (habang nagtetext)
"Ferdi. ngayon nga pala flight namin."
"Ferdi. Nasa plane na kami"
"Lapit na kami"
"Dito na kami sa wakas. sayang wala ka. di ka nakasama."
"Ang ganda dito Ferdi sunod ka dito"
"Ferdi saan kana?"
"Ferdi 😥😥"
(Graduation DAY...)
"Pre congrats." "Pare! congrats!" "congrats brad!" "salamat pre! Congrats satin" galak nitong bati sa mga kaibigan.
"Loriiiisss congratssssss. Proud of youuuu" masaya nitong pagbati. "Clara nasan si Dolores?" "ayun ohh" turo nito "congrats engr!" pagbati nito kay ferdie "salamat. congrats din Loris. Engr. Loris Hahaha" inlove nitong sabi. "pano ba yan. treat ko. sama ka?" paanyaya nito. "Sige ba. basta ikaw. sasama ako" Excited nitong sabi.
Nagsama sama ang magkakaibigan sa pagsasalo salo at pag celebrate din ng kanilang Garduation.
"aahmm. Loris. Bilis ng panahon no.?" "oo nga e." "dati tropa tropa lang tayo. ngayon aaaaaaalam mo na. Hehe" nahihiya nitong sabi. "Oo nga e. dati para lang tayong grade school kahit na high school na tayo non. tapos isip bata ka pa non. ngayon iniisip na kita." "seryoso ka? iniisip moko? pakipot nitong tanong. Ano nga pala regalo mo sakin?" Humarap sa kanya si Loris. "Pikit ka." Pumikit na si Ferdie. "Open mo na!" Pagdilat nya si Loris pa din nakikita nya. "Di nga?" pagtataka nitong sabi. "Oo nga. Ayaw mo ba? Wow nagets mo agad ha" natatawa nitong sabi. Nayakap nya bigla si Loris at tuwang tuwa ito. Sa wakas napasagot nya na si Loris makalipas ang maraming taon na pagkakaibigan nila.
After 7 years....
"Mahal, ganda dito no? Alam mo ba ito yung pagtatayuan natin ng bahay. Bubuo ng pamilya, Ilan bang anak gusto mo?" natutuwa nitong paglalahad. "Hmmm. tatlo, apat, lima. Hahaha! Basta wag mokong iiwan ha?" pag aalala nitong sabi.
"Oo naman no. Nandito lang ako Loris palagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita" At silay nagyakapan sa lugar na kung saan sila'y magsisimula.
(Sa trabaho)
Ali: "Ferds! nasabi mo na ba kay Loris yung about sa next project natin?"
Ferdie: "Hindi pa nga e. Hindi ko pa nasabi sa kanya malamang tatanggihan nya yon."
Pete: "Nako. naka oo kana kay Boss. Alam mo naman yun. Kapag narereject offer non, kala mo naguhuan ng pitongput apat na palapag na building" At sila'y nagtawanan.
Pinag isipan ni Ferdie ang offer ng boss nya kung paano ito sasabihin kay Loris. Ilang araw na lang kasi ay lilipad ng pa ibang bansa ang mga Engr. na natalaga doon. Pag uwi ng bahay hindi na pinatagal pa ni Ferdie at napagtapat na nya kay Loris ang project nila pa ibang bansa. "Mahal. meron nga pa lang project kami na gagawin. E kasi ano..." Pag aalinlangan nitong sabi. "Okey lang Mahal. alam ko na yun matagal na. Sinabi sakin ni Ali. Sa kanya ko pa nalaman. Saka bakit ka nag aalinlangan na sabihin sakin? Hindi naman ako magagalit e." "Talaga? Hindi ka magagalit?" Di makapaniwalang reaksyon nito. "Oo nga. Ilang buwan lang naman kayo doon diba?" "Oo naman. saka hindi din ako tatagal don no! Walang mag aasikaso sakin doon. hahaha" pabiro nitong sabi.
Kinabukasan nagpuntahan na ang iba pang mga kaibigan ni Ferdie sa bahay nito. Si Loris ang nag asikaso ng mga kakainin nila at nag usap usap na din patungkol doon sa gagawing proyekto sa ibang bansa. "Bakit nga ba out of the country yung project nyo?" tanong ni Loris. "Dahil marami si boss na kakilala don at kami yung na recommend nya. Tutal kapag nga pinoy ang worker doon madali trabaho Hahaha" pabirong sabi ni Pete. "Kasi hindi hirap sa English Hahahaha!" Dagdag ni Ali. "Pero ang pagkakadinig ko sa usapan nila Boss parang bahay ata ng anak niya yung gagawin natin don." aniya Rene. "May anak pala si sir na nasa ibang bansa?" tanong ni Ali "Oo. meron. ang alam ko anak nya sa una yon. Kasi parang nahihiya sya na ipakilala dito sa pinas anak nya." Aniya Pete. "Pero bat naman nya ikakahiya e anak nya yon?" tanong ni Loris. "Alam mo Loris kapag talaga maganda yung career mo tapos may ganyang issue sa pamilya mo malamang baka gawin mo din ginawa ni boss. Saka kapag nalaman yan o kumalat yan sa opisina. Nako. hindi lang kami masisibak. Pati career nya." "Hoy tumigil kana nga!" awat nitong sabi "Alam kong may alam k din Ferdie. Kayo palagi magkasama ni Boss diba?" tanong ni Pete. "Ano ba kayo. syempre trabaho lang ano ka ba." sagot ni Ferdie.
Agad pumunta si Ferdie sa Kusina at sumunod sa kanya si Pete. "Pre!" "Don kana. baka mapansin pa tayo ni Loris. saka yang bibig mo ha. ipreno mo naman. Baka kung ano isipin ni Loris" pangamba nitong sabi. "Pre ano kaba. wala ka naman ginagawang mali diba? ano kinakabahala mo?" "Wala. basta tumahimik kana lang" tugon ni Ferdie.
Dumating na ang araw na pag alis nila Ferdie.
Hinatid nila Loris sila Ferdie sa paliparan, alam ni Loris na buwan lang ang tatagal nila doon at kampante naman siya sa kahihinatnan nila doon.
Samantala. Sa Eroplano kung saan magkakasama sina Ferdi, Pete, Ali at iba pa nitong mga kasamahan ay nagtatanungan kung ano ang proyektong naghihintay sa kanila. "Pre excited nako." "Ano kaya unang gagawin natin doon Hahaha" "Hindi nyo ba namimiss mga girlfriend nyo?" tanong ni Ferdie. "Hahaha. miss mo na agad si Loris wala pa nga tayo sa Dubai Hahaha maya maya mag video call kayo haha" pabirong sagot ni Ali. "Loko ka talaga. Oo gagawin ko talaga yan." sagot ni Ferdie.
Kinabukasan...
(phone ringing)
"Mahal koooooo!" pagbati ni Ferdie.
"O san na kayo? Kamusta dyan? Okey lang ba kayo dyan?" sabik na tanong ni Loris.
"Mahal. goodnews. Tutal kulang pa kami dito ikaw na lang ni recommend ko. Sana pumayag ka" "Di nga------? Sige ba susunod ako dyan kelan ba hahahah" sabik nitong sagot. "Sige na. Mamaya na lang ulit. Masyadong matrabaho dito di gaya dyan sa Pinas. Basta Mahal Hintayin mo tawag ko wa? I love you. I miss youu" (video call ended)
Masyadong naging sabik si Loris na sumunod sa nobyo nitong si Ferdie. Sa muli nilang pag uusap na iayos din lahat ng papelis ni Loris papuntang Dubai sa tulong din ni Ferdie. Parehas silang nakapagtapos ng Civil Engr. Makalipas nga ang ilang linggo nakalipad na si Loris sa Dubai. Doon nagsama ulit sila ni Ferdie. Palagi na silang may oras sa isat isa. Mula trabaho hanggang sa pahinga nito ay magkasama silang dalawa. Ilang buwan na din ang nakakalipas at matatapos na nila ang proyekto nila doon. Ilang araw na lang din uuwi na ulit sila sa Pinas.
Samantala sa ibang lugar naman habang namamasyal sila may babaeng lumapit kay Ferdie at binati ito. "Ando!!" pagbsti ng isang mistisang babae na sosyalin ang dating. "Sorry??" gulat ni Ferdie. "Ako to si Yna? remember?" pilit nitong pinapa alala kay Ferdie. "Yna?? Im sorry" sagot ni Ferdie habang nakatingin lang si Loris sa kanilang dalawa. "Ando naman e. Si Yna to. Si Lorna! Lorna kababata mo. " natatawa nitong sabe. Bigla naman nabitawan ni Ferdie ang kamay ni Loris at nsgyskap silang dalawa. Matagal na panahon na nung sila ay nagkita. Si Lorna ang kababata ni Ferdie, na First Love nito. Hindi alam ni Loris ang tungkol sa kanila kaya naisip na lang ni Loris na magkaibigan lang sila. "How long youve live here?" tanong ni Lorna. "Hindi. may project lang kami dito kaya mga ilang buwan na din kami dito. Eto nga pala si Loris. Girlfriend ko." pakilala nito. "Hello Loris. " sagot ni Lorna. "Hi. " sagot ni Loris. "Gaano kana katagal dito Yna?" tanong ni Ferdie. "6-7 years na." "Saang Hospital ka?" "Sa Kings College Hospital" sagot ni Lorna. "Grabe. bigatin ka wa Hahahah! Kamusta na. Sino kasama mo dito?" tanong ni Ferdie. "Sila nanay. mga kapatid ko nandito na din." "Ayos. hindi kana uuwi ng pinas. May asawa kana ba?" Napatingin si Loris kay Ferdie pero hindi pinahalata nito. Sa pag uusap nila ay umagaw ng atensyon si Loris. Umalis ito sa pwesto nito habang naglalakad papalayo. "Loris. San ka pupunta?" tanong ni Lorna. "ayy dito lang may nakita kasi akong pumukaw ng atensyon ko. Excuse lang ha. " medyo malungkot na naiinis nitong sabi. "Paano ba yan Lorna. Dito kaba palagi? Kita ulit tayo kapag paalis na kami ha." "Sige lang. Enjoy kayo dito. Maganda dito sa Dubai" masayang tugon nito. Samantala hinabol naman ni Ferdie si Loris at nakita nya itong naka upo sa duyan na nakatingin sa kawalan. Tahimik ang lugar wala masyadong tao. "Mahal. okey ka lang ba?" Tanong ni Ferdie habang nakatitig kay Loris. "Ang ganda dito no. Tahimik." Habang nakatitig sa malayo. " Alam mo masaya ako kasi ikaw kasama ko ngayon. " seryosong sagot nito. " Ferdie. kelan tayo magpapakasal? " seryosong tanong ni Loris. Nagulat si Ferdie sa tanong nito napayuko siya at hindi nakasagot agad sa tanong ni Loris. Tumayo si Loris sa kinauupuan niya "Biro Lang Hahahah!" Tara na nga. gugutom ako Tara kaen naman tayo. " kunwaring masaya nitong sabi.
Habang sa paglalakad nila na kwento lahat ni Ferdie Kay Loris si Lorna na kanyang kababata. Sa tagal nila sa Dubai maraming mga memories doon Ang naipon ng dalawa. Masayang masaya sila sa karanasang iyon sa kanilang buhay. Ngunit sa kabila ng kasiyahan na iyon ay hindi pa din napagtapat ni Ferdie kay Loris na si Lorna ang First love nito. Samantala, si Loris sapagkat siya at babae may napapansin din ito Kay Ferdie na Hindi niya matumbok Kung ano iyon. Nangyari lamang ito nung nagpunta sila sa Dubai at nung nagkita sila Lorna at Ferdie.
Sa bahay nila Ferdie.
"Mahal, aahm. Nung nagpunta Tayo sa Dubai Yung kababata mo nag cocontact-kan pa kayo non?" Tanong ni Loris. "ahh oo si Lorna. Thru social media. Bat mo natanong?" aniya Ferdie.
" Wala naman. Bigla ko kasi syang naalala." Pakiwari ni Loris. " Osya. Kumaen kana Lang. Ubusin mo na pagkaen mo. "
Kinabukasan sa trabaho ni Ferdie. Nakausap nito si Ali na kaibigan din niya simula pagkabata. Marami silang napag usapan ni Ferdie tungkol sa Dubai na karanasan nila at pati sa kaibigan nilang si Loris na di nila akalain na doon pa nila makikita. Simula pagkabata ay sila na magkakasama simula pagpasok at pag graduate nila. Nagkahiwalay hiwalay lamang sila nang lumuwas na sila Ferdie at Ali para ipagpatuloy nila ang pag aaral nila. Samantala si Lorna naman ay nakipagsapalaran na sa ibang bansa at doon na nagpatuloy ng pag aaral. Matalino at maganda si Lorna maraming nagkakagusto sa kanya simula pa ng Bata pa sila nila Ferdie at Ali. Maalaga si Lorna sa kapwa Kaya dahil sa pagsisikap niya nabigyan sya ng pagkakataon na makapag aral Doon sa ibang bansa at doon na nanirahan kasama ng mga kapamilya nito. Alam ni Lorna na siya Ang First Love ni Ferdie.
(Alaala....)
"Yna! Yna!" tawag ni Ferdie "Tara Ando! dito ka magtago. Makikita ka na nila." aniya Lorna. Dali daling pumunta si Ferdie kay Lorna para magtago. "HULI KAYOOO AHAHAHAH!" pasigaw ni Ali sa kanilang dalawa. "Huli na kayo. Wag na kayo magtago. Ikaw ang nakita ko Yna ikaw naman Ang taya." sabi ni Alisson.
"sige sige. magtago na kayo." sagot ni Lorna. " Ako na taya. Di ka Sana matataya Kung di dahil sakin. sige na magtago na kayo." sagot naman ni Ferdie.
" Naaalala mo ba nung naglalaro Tayo ni Yna? yung tagu taguan Haha." Natatawang tanong ni Ali. " Oo naman. Hindi ko nakakalimutan yon. "
(Alaala....)
" Yna!" tawag ni Ferdie sa kanya. " O baket? Akyat muna tayo sa puno. Pahinga na muna tayo. Tara Dali" nagmamadali nitong sabi. " ayoko. mataas." natatakot nitong sabi. " Ako bahala sayo. Yna. Tara!" lakas loob nitong sabi. Umakyat na nga Ang dalawa at parehas silang nakatingin sa malawak na kabukiran na langhap nila ang sariwang hanging Doon habang hinihingal sila galing sa paglalaro. "Yna. gusto ko paglaki ko. Babalik Tayo dito. Gawin pa din natin to. Sabay tayo aakyat tapos Wala tayong ibang gagawin kundi Ang magpahinga Lang." seryoso nitong paliwanag. " Oo nga no Ando. kaso pano mangyayari yon e magkakalayo na tayo pagkatapos natin sa elementarya diba? Aalis na kayo ni Ali. Malapit na din yun maiiwan ako dito. Susunod na Lang ako sa inyo Doon sa Longsod para magkasama ulit Tayo" galak nitong paliwanag. " Pangako yan ha? Susunod ka samin. Hihintayin kita Yna. " nakangiti nitong sabi sabay akbay Kay Lorna.
Dumating na yung araw na luluwas na nang pa maynila sila Ali at Ferdie Hindi na nakapag paalam si Ferdie sa kanya sa personal ngunit binigyan nya ito ng sulat na pinaabot Lang nya sa isang kaibigan. Natanggap naman ito ni Lorna at Ang nakasaad dito ay;
"Lorna, ngayon Ang alis namin ni Ali paluwas ng Maynila. Patawarin moko dahil Hindi nako nakapagpaalam sayo ng harapan dahil Ang Inay ay nagmamadali ng umalis at baka kami ay maiwanan ng Barko. Maraming salamat sa pagkakaibigan natin Mula noon. Hihintayin ka namin ni Ali sa Maynila para magkasama sama ulit Tayo. mamimiss Kita Lorna Lalo Yung mga ginagawa natin sa isang buong araw na paglalaro kasama si Ali. Lahat nang magagandang nangyari sakin na kasama kayo Hindi ko makakalimutan yon. Saka Isa pa wag ka muna mag nonobyo ha? Kapag nasa tamang edad na tayo liligawan Kita. Pangako yan Lorna. Mag iingat ka palagi. -Fernando"
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan