Unduh Aplikasi
50% Kadiliman / Chapter 5: 3

Bab 5: 3

"Nasaan yung dalawang nahuli niyo kagabe?" Tanong ko doon sa mga kasama kong kawal nagtago sa damuhan kanina, mali, kahapon na pala dahil sisikat na ang araw.

Nasa labas kami ng bayan dahil hindi kami makabalik sa loob. Agad na may itinalaga doon na bagong heneral.

"Na-nakatakas po sila." Natatakot na sagot ng isa.

"Sa pagkakaalam ng nakararami ay patay na prinsepe at may patunay iton ngunit ang totoo ay buhay at malayang gumagala sa kabundukan habang ang ating heneral ay nasa bingit ng kamatayan." Sabi ko.

"Ano pong gagawin natin?" Tanong naman ng isa.

"Kailangan nating mahanap ang totoong prinsepe at dalhin ito sa Paldreko sa lalong madaling panahon upang mailigtas na Heneral."

Naghiwa-hiwalay kami upang madali naming mahalughong ang kagubatan. Sumabay pa ang masamang panahon ngunit hindi ito naging dahilan upang tumigil ako sa paghahanap.

Malakas na ulan, kulog at kidlat. Dahil doon ay madilim na ang paligid.

Mabuti iyon. "Sige lang." Sabi ko sa panahon. Habang patuloy lang ako sa paghahanap ay natitiyak kong titigil ang paglalabay ng mga iyon pabalik ng Paldreko at magpapalimas muna ng sama ng panahon. Sana rin ay huminto muna ang prinsepeng yon, sa gayon ay hindi ito masyadong makakalayo.

Inuukitan ko ang bawat punong aking dinadaan upang huwag akong maligaw.

Tumila na ang ulan ngunit madilim parin dahil gabe na. May naaninag akong liwanag ng apoy. Nilapitan ko iyon at nakita ang apoy na pinapagitnaan ng mabangis na tigre at ng isang lalaki na walang iba kundi ang hinahanap ko.

Nagliliwanag ng kulay asul ang kamay ng prinsepe at isa iyong majika. Kapansin-pansin rin ang di maayos na maayos na tayo nito na parang may iniindang sakit sa kaliwang paa.

Hindi siya maaaring tumakbo kaya wala siyang pagpipilian kundi ang labanan ang mabangis na tigre.

Tumalon ang tigre papunta sa kinaroroonan niya, hirap siyang umiwas at nahagip pa ng matutulis na kuko ng tigre ang kanyang kanang braso.

Naputol ang isang sanga ng kahoy na pinagtataguan at humampas iyon sa tigre ayon sa kumpas ng kamay ng prinsepe. Gayon pa man ay di natinag ang tigre, umalingaw-ngaw ang tinig nito na parang nagtatawag ng mga kasama. Di nga nagtagal at nagsinatingan ang iba pang tigre at napalibutan na ang prinsepe.

Ano ba ang kakayahang meron ang isang prinsepe na tagapagmana ng truno? Gusto kong makita, gusto kong makita kong paano lalabanan ng prinsepeng ito ang mga sabik na tigre.

Sabay-sabay na nagtalunan ang mga tigre sa prinsepe at sabay-sabay din itong tumilapon at nagtakbuhan palayo habang ako naman ay nasa tabi na pala ng prinsepe, nakahawak sa lupa ang mga kamay na siyang pinagmulan ng majika upang maitaboy ang mga tigre iyon.

Ako yata ang pinansagang 'mangangaso' ng timog hangganan.

Nakita kong humarap sa akin ang mga paa ng prinsepe, ako naman ay di na nag-abalang tumayo pa at lumuhod nalang ako dito sabay abot ng isa kong punyal gamit ang dalawang makay ng nakayuko lang bilang magalang na pagbati ng isang kawal sa kanyang kamahalan.

"Kamahalan."

"Kilala kita, ikaw yung nagpakilalang pinadala ng heneral ng timog hangganan upang bantayan ang prinsepe. At ngayon ay tinatawag mo akong kamahalan? Binibine, hindi mo ba nakikita na isa akong kawal?"

"Ganoon ba?" Tanong ko at tumayo na ako ng hindi na hinintay na patayuin ako nito. "Nakita mo na ako pero hindi mo pa ako kilala."


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk