Unduh Aplikasi
30% Kadiliman / Chapter 3: 2

Bab 3: 2

Aya's POV

Pagdating namin sa dulo ng teretoryo ay naroon na ang hukbo ng kabilang kaharian. Sa tingin ko ay nagpapahinga ang kamahalan dahil nagtayo sila ng malaking kupon na pinapaligiran ng mga kawal.

Mabuti at marunong pa pala siyang magpahinga sa ganitong kalagayan. Ano mang sandali ay maaari siyang mamatay. Maaaring may lason ang kanyang pagkain o di kaya ay tubig, maaari ding bigla nalang may nakalusot sa mga bantay niya at patayin siya.

Ibinigay ko sa isang kawal na lumapit sa amin ang sulat na ibinigay sa akin ng heneral bago kami magtungo rito.

Tumakbo ito pabalik sa kanilang kota. Di din naman nagtagal ng bumalik ito upang anyayahan kaming lumapit.

Muli akong sumakay ng kabayo at sumunod doon sa kawal. Apat lang ang isinama ko doon at ang iba ay nagtago sa damuhan. Nagbabatay, nag-aabang sa ano mang maaaring mangyari.

Napansin kong may mga kawal doon na ang kasootan ay katulad din ng sa amin.

Sinalubong kami ng sa tingin ko ay siyang pinuno ng mga kawal sa kabilang kaharian. Maayos ang anyo nito at magada ang kagamitang pandigma. Sa unang pagkakataon ay nakita ko na rin ito.

"Gusto ko ang iyong ispada, mangangahoy." Paunang bati ko dito. Hindi ako maaaring magkamali, nasisiguro kong ang nasa harapan ko ay sumasakto sa kwento tungkol sa sikat na mandirigma ng kabilang kaharian na tinaguriang MANGANGAHOY.

Natawa ito. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima." Bilang nito sa amin. "Paumanhin ngunit hindi ko ipinamimigay ang aking ispada lalo na sa'yo, Mangangaso."

Mangangaso ang bansag sa akin. May Pamana, mga punyal at sibat.

"Di ko akalaing batang-bata pa talaga ang karibal ko sa kasikatan dito sa hangganan na kumalahati lang siguro sa edad ko." Dagdag nito. "Naubusan na ba kayo ng kawal at apat nalang ang naisama mo? O sadyang wala na talagang halaga ang buhay ng pamangkin ng aming hari?"

"Sa totoo lang po ay di ko inaasahang may iba pa palang kawal na ipinadala dito ang kaharian." Pagtatapat ko dito at bumaba na ako ng kabayo. "Ang bawat isa sa aming lima ay katumbas ng isang daang barbaro, marahil ay sapat na iyon upang ipakita sayo kung gaano kahalaga sa amin ang buhay ng pamangkin ng iyong hari na siyang kapatid at tagapagmana ng aming hari."

"Ito na ang hangganan at hanggang dito nalang kami. Sayo ko ipinapaubaya ang kaligtasan niya. Naway manatili ang pagkakasundo ng kanya-kanya nating kaharian. Natutuwa akong makita ka."

"Kami rin." Ganti ko.

"Hanggang sa muli." Paalam nito.

"Hanggang sa muli." Paalam ko naman dito at nagsialisan na sila.

Kukunti na lamang kaming natira at kabilang na doon ang mga kawal na ipinadala din ng kaharian ngunit hindi kabilang sa amin.

Malapit ng dumilim, ano bang balak ng prinsepe?

Lumapit kami malaking kupon at may dalawang kawal na humarang sa amin.

"Hindi po kayo maaaring pumasok." Wika ng isa.

"Nais ko lang malaman kong buhay pa ba ang babantayan namin." Paliwanag ko dito.

Nakita kong may lumabas sa kabilang kubol ngunit pinagmasdan lang kami nito. Sa hanging dala nito, may hinuha akong isa itong mahalagang kawal.

"Mahigpit pong ipinagbabawal ng kaharian ang paglapit ng sino man sa kamahalan ng may dalang anomang sandata." Paliwanag naman ng isa pang bantay.

May lalaking kawal na lumabas ng kubol na iyon, ako lang naman yata babae dito. Kasunod nito ang may edad ng utusan ayon sa kasootan. Napasing ako pagkadaan ng dalawang iyon.

"Pinadala ako dito ng heneral ng hangganang ito. At nais ko lang naman makita ang kalagayan ng prinsepe." Pangungumbinse ko pa.

"May lagnat ang prinsepe ayon sa kanyang manggagamot." Sabat ng kawal na bigla nalang sumulpot mula sa likuran namin. "Ako ang pinuno dito. Gustohin ko mang magpatuloy na sa paglalakbay ngunit hindi iyon makabubuti sa kamahalan."

"Tara." Yaya ko sa apat kong kasama.

Pagdating ng gabi ay malayo lang kami ibang mga kawal at sa kupon ng prinsepe pero doon lang nakatutok ang paningin naman.

Tatlo nalang kaming magkakasama dahil naglibot ang dalawa. Nang maluto na ang pagkain namin ay may dalawang lumapit na kasamahan ko pero eba na ito sa kaninang dalawa.

"May dalawa kaming nahuli, isang ibon at isang manok." Wika ng isa.

.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk