Hatid pa rin n'ya ng tanaw ang papalayong si Angela, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Ang sarap ng kanyang pakiramdam, parang napawi ang sakit ng kanyang katawan at kirot ng tinamo n'yang sugat kagabi. Dahil sa paghabol n'yang mailigtas ito sa kapahamakan.
Kapag pala mahal mo ang isang tao, makakagawa ka ng imposible. Kaya mo nga palang daigin kahit si Superman, dahil ang pakiramdam n'ya lumipad s'ya kagabi maabot lang ito.
Ngayon alam n'yang magagawa n'ya ang lahat mahalin lang s'ya nito. Hindi n'ya ito nagawa kay Liscel noon at hindi rin n'ya naramdaman, ang ganitong uri ng pakiramdam. Kaya naman mas naging bukas na ngayon, ang puso at isip n'ya sa pagpapatawad.
Ngayon lang din n'ya naisip at natanggap ang naging pagkukulang n'ya noon kay Liscel. Kaya marahil nagawa s'ya nitong pagtaksilan noon.
Ang buong akala n'ya, sapat nang gusto mo ang isang tao. Dahil s'ya ang pangarap mong makasama, dahil s'ya ang pumasa sa standards mo. Dahil alam mong marami ang maiinggit at hahanga sa'yo, dahil napakaswerte mo sa kanya.
Pero lahat pala 'yun maaaring mawala. Dahil ang tunay na pag-ibig ay maihahalintulad sa kalaliman ng dagat. Kahit ano pang unos at sakuna ang mangyari dito. Kahit ilang beses pa itong tumapon at lumigwak.
Mananatiling kailan man, ang lalim nito ay hindi mo kayang sukatin.
"Boss, hindi pa ba tayo papanhik sa itaas? Hindi ba sabi ng Doctor kailangan mo pa ng pahinga." Agaw ng pansin ni Russel sa kanya.
"Oo na sige na magpapahinga na ako sandali." Aniya at nagpatiuna na s'ya, papuntang elevator.
Pagdating nila sa room nila sa 8th floor, nahiga muna s'ya sa sofa.
"Boss, hindi ka ba magpapahinga sa kwarto mo?" Tanong ulit ni Russel sa kanya. Pero hindi n'ya ito pinansin kahit narinig naman n'ya.
"Boss," inulit nito ulit ang pagtawag sa kanya. "Grabe Boss, parang nasa cloud nine ka pa ah? Kanina ka pa nangingiting mag-isa." Obserbasyon nito na sinabayan ng tawa. Bigla tuloy s'yang napatingin dito at napaupo.
"Ano naman sa'yo?" Sita niya dito.
"Ngayon ako naniniwala na iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Mukhang umiibig na yata ang bossing ko ah!"
Pumwesto pa ito sa likuran niya at minasa-masahe ang kanyang likod.
"Boss, hinay-hinay lang ah! Baka mabigla ka nanaman, h'wag mong masyadong madaliin. Marami pang pagkakataon para magkakilala kayong mabuti." Pasimpleng payo nito.
"May panahon pa nga ba ako? Paano kung bumalik na s'ya sa Pilipinas?" Bigla na lang n'ya itong naisip.
"Hindi naman 'yun ang problema Boss, maaari naman tayong bumalik rin ng Pilipinas ano mang oras. Dahil ang problema kapag nalaman n'ya kung sino ka talaga at ang kaugnayan mo sa itinuturing n'ya ngayong pamilya." Saglit muna itong tumigil bago itinuloy ang sasabihin na tila naninimbang. "Lalo na sa kaugnayan mo sa bata." Muli s'yang napatitig dito, bigla s'yang natulala sa sinabi nito. Parang bumigat ang kanyang paghinga, hindi pa s'ya handa para dito. Dahil hindi pa n'ya alam kung paano n'ya sasabihin kay Angela ang totoo?
Kung pwede nga lang pigilan n'ya ang bawat oras, h'wag lang s'yang dumating sa oras na iyon.
Gagawin n'ya, kahit pa maging selfish s'ya at masama ang ugali.
Marahan muna s'yang lumunok bago muling nagsalita.
"Ayoko munang isipin 'yun ngayon, ayoko munang sirain ang araw na ito para sa aming dalawa. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Maaari naman 'yun hindi ba? Nakita mo naman, ngayon ko lang nakuha ang loob n'ya. Ayokong sayangin ang pagkakataon na mapalapit s'ya sa'kin. Para kapag may lakas na ako ng loob na sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong maalala n'ya ang araw na ito, bilang isang magandang alaala naming dalawa. Para masabi at maramdaman n'yang minahal ko s'ya ng totoo."
"Tama ka Boss, ano kaya kung magdate kayo mamaya?" Mungkahi pa nito sa kanya.
"Ha?" Biglang gumana ang kanyang utak, bakit nga ba hindi 'yun naman talaga ang plano n'ya ang ayain itong magdinner sila. Hindi nga lang niya naisip na pwedeng ito na rin ang maging first date nila.
"Ano Boss, magpapahanda na ba ako ng exclusive dinner date para sa inyong dalawa ni Miss Angela?" Sabi pa nito sa nagbibirong tono at sagad ang ngiti.
"Okay sige, ikaw na ang bahala."
Aniya, nang bigla n'yang naisip..
"Ah, hindi pala.. Doon na lang kami sa rooftop, mas maganda ang ambiance doon at mas relaxing.
"Okay Boss, leave it to me. Akong bahala sisiguraduhin kong lalong mai-inlove si Miss Angela sa inyo sa date n'yo mamaya." Pagmamayabang pa nito sa kanya.
"Siguraduhin mo lang, dahil kapag pumalpak ka humanda ka talaga sa'kin." Kunwari'y banta niya alam naman n'yang hindi ito papalpak dahil kabisado s'ya nito.
"S'yempre Boss hindi ko kayo ipapahiya, ako pa ba?" Nangiti na lang s'ya sa lakas ng loob nito. Maya maya nagbago na naman ang kanyang isip.
"Ano kaya kung ako na lang ang magluto? Alam kong marami s'yang alam sa pagluluto at hindi ko kayang pantayan 'yun! Pero hindi ba ang mga katulad n'ya, kung minsan gusto rin nilang ipinagluluto sila?" Aniya.
"Tama ka naman d'yan Boss, eh marunong ka bang magluto?" Pabirong tanong nito.
"Hindi!" Nangingiti n'yang sagot.
"Patay tayo d'yan!" Nakangising biro nito.
"Marunong naman akong gumawa ng vegetables salad at saka sandwiches ah!" Aniya.
"Oo naman, kasi 'yun lang alam mong kainin." Bulong ni Russel.
"May sinasabi ka ba?" Nang marinig n'yang bumubulong ito.
"Ah, wala Boss! Sabi ko 'yun lang ba ang kakainin n'yo ni Miss Angela?" Kunwari'y tanong nito.
"Pwede naman akong magluto ng steak o kaya Italian pasta ah?" Sabi niya.
"Grabe Boss! Ang lakas ng fighting spirit mo, naka-shabu ka ba?" Pabiro nitong tanong, alam ni Russel na kapag ginusto n'ya, gagawin n'ya kahit hindi n'ya pa alam pag-aaralan n'ya.
"Bwiseet ka! Anong ginagawa ni Google? Siguro naman kung Italian pasta at steak lang pwede kong iresearch? Maaga pa, marami pa akong oras para matutunan 'yun!" May kump'yansa sa sarili n'yang sagot.
"Kaya bilib ako sa'yo Boss eh! Kapag naman hindi ka pa nagustuhan ni Ma'am n'yan ipapaputol ko na ang daliri ko."
"Sinabi mo 'yan ah?"
"S'yempre naman nagbibiro lang ako, hehehe. Pero s'yempre alam kong kaya mo 'yan Boss."
"Sige na kumilos ka na habang maaga pa, mamalengke ka na!"
"Boss pwede namang kumuha na lang tayo sa Pantry, kung steak at pasta marami tayong stock du'n."
"Bahala ka na kung saan mo gustong kumuha ng stock basta ikaw na bahala." Sabi na lang n'ya dito.
"Boss okay ka na ba talaga? Kung magpahinga ka na lang muna maaga pa naman, saka hindi ka pa nag-aalmusal Boss. Kumain muna kaya tayo?" Maya maya ay sabi nito.
"Okay na ako, sige na kumain ka muna, basta 'yun bilin ko ha. Padalhan mo na lang ako ng pagkain dito. Kakainin ko paggising ko, magpapahinga lang muna ako." Tumayo na s'ya upang pumasok sa kanyang kwarto, matapos n'yang tapikin sa balikat si Russel iniwan na n'ya ito.
"Okay Boss, magpahinga kang mabuti." Pahabol pa nito. Bago pa ito nagpasya nang lumabas upang kumain..
_______///____
Samantala..
"Si-sinong Joaquin? Si Mr. Dawson 'yun hindi ba?" Tanong n'ya.
"Kawawa ka naman, hindi ko alam na ambisyosa ka lang pala talaga. Hindi mo naman pala s'ya kilala? Ginagamit lang n'ya ang Dawson dito dahil sa lolo n'ya, ang dating may-ari nitong Hotel. Alam mo naman siguro na Filipino din s'ya at ang pamilya n'ya nasa Pilipinas din. Dahil kapag nasa Pilipinas s'ya Joaquin Alquiza ang ginagamit n'yang pangalan. Natural hindi ko s'ya tatawaging Mr. Dawson, dahil hindi naman ako katulad mo. Kaibigan ako ng pamilya." Mayabang nitong salaysay sa kanya.
Na walang kamalay-malay sa nararamdaman niya ng oras na iyon..
Wala s'yang nasabi dahil sa rebelasyon na tumimo sa kanyang utak, napatitig lang s'ya dito.
"H'wag ka ngang tumingin sa akin na para kang tanga. Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan ka ng panahon ni Joaquin. Hindi ka naman kagandahan, mas maganda naman ako kaysa sa'yo. O baka naman mangkukulam ka o baka naman kaya.."
"Sandali nga Miss." Putol na n'ya sa iba pang sasabihin nito, dahil hindi na s'ya nakatiis pa.. "hindi ko alam kung anong problema mo! Bakit hindi na lang 'yang Joaquin na sinasabi mo ang tanungin mo? Kung pwede pakitanong na rin, kung bakit ako ang gusto n'ya eh ikaw pala ang maganda? At kung mangkukulam man ako, hindi s'ya ang unang kukulamin kun'di ikaw. Para ipasara 'yang bibig mo para hindi na makapag-salita ng masama laban sa'kin, naiintindihan mo?" Gigil at deretsong n'yang sabi dito na ikinagulat rin ng kaharap. Wala na s'yang pakialam kahit ano pa mangyari pagkatapos nito.
Basta naiinis s'ya, para s'yang pinaglalaruan. Pakiramdam n'ya ang tanga tanga n'ya, ano ba talagang motibo n'ya sa pakikipaglapit sa akin? Bakit ganu'n? Ang sabi n'ya kagabi lang n'ya nakita at nakilala ang babaing ito. Pero kilalang-kilala s'ya, ano ito lokohan? Naitanong n'ya sa sarili.
"Ang lakas naman ng loob mo, sa akala mo ba hindi kita kayang ipatanggal dito ha?" Pananakot pa nito sa kanya.
"Eh-di ipatanggal mo gusto mo ngayon na!" Hindi-hindi s'ya magpapatalo dito, kahit ito na huling araw n'ya sa Hotel. Galit s'ya ng oras na iyon, kaya h'wag n'ya akong susubukan. Itinaas pa n'ya ang kanyang mukha. Para ipakita ang katatagan.
"Sige humanda ka dahil hindi ka na makakapasok dito bukas, naiintindihan mo?" Sigaw nito at bigla nang tumalikod. Naiwan s'yang natitigilan pa rin.
Saglit n'yang kinalma ang sarili. Bago n'ya naisip na magpunta ng Comport Room na gamit ng mga empleyado. Doon n'ya ibinuhos ang kanyang emosyon.
Punong-puno ng tanong ang kanyang isip, subalit isa lang ang alam niyang katotohanan.
Niloloko s'ya nito pero, bakit? Tanong niya. Awtomatikong gumana rin ang kanyang utak. Upang maghanap ng kasagutan, bigla n'yang naalala ang kanyang cellphone. Buti na lang pala naipamulsa n'ya ito kanina. Isa lang ang naiisip n'yang makasasagot sa tanong sa isip niya.
Si Joseph, ang Facebook account nito. Agad n'yang binuksan ang kanyang account, hindi naman na s'ya nahirapang maghanap. Agad na kasi n'ya itong nakita sa kanyang news feed. May bago kasi itong post nakasad-feeling emoticon, may caption na.. "I missed someone very special to my heart. Mukha kasing nalimutan na naman n'ya ako?"
"I'm sorry.." Bulong n'ya dito kahit alam n'yang hindi nito maririnig. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng guilt. Sinikap n'ya munang baliwalain ang nararamdaman. Dahil sa totoong pakay, agad s'yang nagscroll sa timeline nito. Buti na lang may access s'yang isurvey ang account nito. Dahil kasama s'ya sa chosen person.
Una n'yang tiningnan ang mga pictures, hindi naman nagtagal may isang kuha si Joseph na may kasamang isang lalaki. May caption ito na "my brother and I" nahigit n'ya ang kanyang paghinga. Hindi s'ya maaaring magkamali s'ya ito. Kahit bata pa s'ya sa larawang ito. S'ya nga ito kahit wala pa s'yang balbas at bigote, hindi n'ya maipagkakamali ang mukha nito. Pero bakit ngayon lang, ngayon ko lang nasasabi ang lahat ng ito? Ngayon ko lang narerecognized ang buo n'yang itsura. At tama kamukhang-kamukha s'ya ni VJ ko. Pero bakit ngayon ko lang nakita?
Biglang nag-flashback sa kanyang isip ang mga nakaraang pangyayari.
Mula ng aksidenteng makausap n'ya ito sa telepono. Bago s'ya umalis ng Pilipinas. Alam ko s'ya 'yun! Hindi ako maaaring magkamali, kaya pala?
Ang unang pagtatagpo nila sa Hotel at kung bakit may allergy rin ito na tulad ng kay VJ.
Matagal na ba n'yang alam? Hindi n'ya napigilang itanong sa sarili. Imposibleng hindi n'ya alam na parehas kami ng last name. Alam kong alam n'yang ginagamit ko ang pangalan ng kanyang kapatid.
Ano bang binabalak n'ya, ano bang plano n'ya?
Magpakatatag ka Angela, hindi ka pwedeng maging mahina ngayon. Hindi ka pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap n'ya, kailangan mo s'yang harapin.
Kahit s'ya pa ang ama ni VJ, hindi na n'ya napigilan ang mapaiyak. Hindi n'ya kailan man inasahan na magkakaharap sila ng ama ng kanyang anak sa ganitong paraan.
Ramdam n'ya ang takot, dahil ang totoo alam n'yang hindi n'ya maaaring kalabanin ito. Baka sa isang salita lang nito, mawalan s'ya ng pamilya. Mawala sa kanya ang lahat, lalo na ang kanyang anak. Maging ang kanyang pangalan. Saglit n'yang pinahiran ang kanyang mga mata na wala nanamang tigil sa pagpatak ng luha.
Pero niloko s'ya nito, ginawang tanga! Hindi n'ya ito mapapatawad, pinaglalaruan nito ang damdamin n'ya. Kung hindi pa n'ya ito nakilala ngayon, handa na sana n'ya itong mahalin o mas tamang sabihing mahal na n'ya ito.
Maliwanag na pinaiibig lang s'ya nito, pagkatapos ano? Ang tanga tanga mo kasi, bakit ka ba n'ya napaibig ng ganu'n kadali. May Joseph ka na pero nagawa mo pang tumingin sa iba. Siguro karma mo 'yan, ang landi mo kasi. Kastigo n'ya sa sarili.
Matapos ang sandaling pagpapakalma sa sarili, nagpasya s'yang muling bumalik sa trabaho. Tama na ang iyak, aayusin ko ito. Baka nga ito na rin ang huling araw ko dito sa Hotel.
Huminga s'ya ng malalim, kailangan kong tapusin muna ang trabaho ko ngayon. Sa huling pagkakataon..
Mamaya ko na haharapin ang bwisit na lalaking 'yun, humanda s'ya sa akin walanghiya s'ya!
* * *
@LadyGem25
Sa mga nag-aabang sa story na'to, narito na po ang bago nating update. Sana magustuhan n'yo ang pagbabasa.
Sinisikap ko po talaga na mapabilis pa ang pag-updated nito. Sana hindi n'yo kainipan ang paghihintay? Dahil marami pa tayong dapat abangan sa kwento.
Maraming salamat sa inyong suporta at pagbabasa. Thank you rin sa mga comments at vote. Isa lang po ang hihilingin ko.
SANA ALL!? THANK YOU!