Unduh Aplikasi
15.94% Trying Again (Tagalog) / Chapter 11: 7 Ministop

Bab 11: 7 Ministop

Biglang nagdilim yung paningin ko. Akala ko nahimatay ako yun pala tinakpan ni Stan yung mga mata ko. Ramdam ko yung braso niya sa may tyan ko at ang likod ko ay nakadikit sa katawan niya kaya halos amoy na amoy ko na ang kanyang pabango at gatsby sa buhok.

"Ano ba Stan?" reklamo ko sa kanya habang sinusubukan na tanggalin ang kamay niya, "Alisin mo na yang kamay mo."

"Stan!" tawag ko sa kanya. Nakakapit pa din ako sa braso niyang may takip sa mata ko. Sa sobrang higpit wala akong magawa hanggang sa pakiramdam ko iiyak na ako.

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin ng naramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko. May binulong siya sa akin, "Sumama ka na lang muna sa akin sa labas saka ko tatanggalin to ha."

"Bakit kailangan pa?" napalakas ang pagkakatanong ko pero hindi na niya pinansin pa to at dinala na niya ako sa labas o ang tama, kinaladkad na niya ako palabas.

Pagkatanggal na pagkatanggal niya ng kamay niya sinuntok ko siya sa dibdib at sinigawan, "Ano bang problema mong g*go ka? Bakit mo tinakpan yung mata ko at dinala mo pa ako dito?"

Hindi ko na napagilan yung galit ko kaya ayun sigaw pa din ako ng sigaw kay Stan hanggang sa napagod ako at napaupo. Ang sakit ng lalamunan ko at mata dahil iyak na pala ako ng iyak. Wala na akong pakialam sa iba ng naramdaman ko na lang na may nakayakap sa akin. Niyakap ako ni Stan at sinabi niyang, "Sorry Risa. Hindi ko naman gustong gawin yun kanina pero kailangan."

Nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita, "Nagtransfer na ulit siya dito sa school natin at siya nga yung nakita mo sa beach noon."

Tumingala ako at kahit na medyo malabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak, kita kong seryoso siya sa mga sinabi niya.

"Kaklase ko ulit siya Risa," sinabi niya ng mahinahon, "Ayoko pa sana na makita mo siya ngayon kaso hindi ko na napigilan. Excited siya noong nalaman niya na may girlfriend na ulit ako."

Tumungo na lang ulit ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ibinulong ko ng mahina, "Nakakapagod."

"Hindi mo naman kailangan makipagkaibigan ulit sa kanya Risa," paliwanag niya, "Kaso hindi mo maiiwasan na parte siya ng barkada. Wala pang isang taon ng umalis siya at may pag-asang sumali ulit siya sa basketball team."

"Alam ko," sagot ko ng pabarang, "Best friend mo pa din naman yung t*ngang yun."

Itinunghay niya ang ulo ko at iniharap sa kanya. Hawak niya ang dalawa kong pisngi, "Kaya please Risa, wag kang gagawa ng kahit anong ikasasama mo at huwag na huwag mo kaming, lalo na ako, iiwasan."

"Eh?" yun lang ang nasabi ko kay Stan.

"Anong eh ka dyan? Babatukan kita." tanong at banta niya sa akin na medyo pagalit ang boses pero nagbibiro. Tumayo siya at itinayo din niya ako, nakayakap pa din ako sa kanya.

"Hindi ko maipapangako yun pero susubukan ko pa rin," sagot ko sa kanya.

Medyo magaan na sana ang pakiramdam ko kaya lang bigla na lang niya inalis ang pagkakayakap sa akin at napalingon ako sa likod. Nandoon si Denise at katabi niya si Keith. Agad kong iniwas ang tingin ko at kay Stan ako napatingin muli. Halatang namomroblema siya sa sitwasyon niya ngayon. Inaasahan kong pupuntahan na niya ang kanyang girlfriend at hindi ako nagkamali pero, isang malaking pero na ikinagulat ko, higit-higit niya pa din ako ng nilapitan niya si Denise.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil alam kong palapit na din ako kay Keith. Nasa likod lang ako ni Stan habang hawak niya ang kamay ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit wala pa din. Nakatungo lang ako habang kinakausap niya si Denise. Kinabahan ako at feeling ko maiiyak na ulit ako. Nangingilid na yung mga luha ko ng nagsalita si Stan, "Den pasensya na ha. Hindi kita masasabayan maglunch. Kailangan kasi ako ng best friend ko."

"Pero Stan," rinig kong reklamo ni Denise.

Ako din nagulat sa sinabi ni Stan at kahit gayon, hindi pa rin mawala sa isip ko na ilang pulgada lang ang layo sa akin ni Keith. Sinagot naman agad ni Stan si Denise, "Ngayon ko lang siya pipiliin Den. Intindihin mo sana. May bukas pa naman at wag kang mag-alala babawi ako sayo."

"Kahit na Stan," mariing sinabi ni Denise, "Akala ko ba mas mahal mo ako? Akala ko ako lang? Hindi ba best friend mo lang siya?"

Naramdaman kong mas humigpit ang kapit ni Stan sa kamay ko. Alam kong nagpipigil na siya. Kakausapin ko na sana si Stan kaso nagsalita na ulit siya, "Importante pa din si Risa sa akin Den. Diba napag-usapan na natin to? Kahit anong gawin mo, hindi mo maaalis na parte na siya ng buhay ko at mas kailangan niya ako ngayon."

Dahil nag-aaway ang dalawa dahil sa akin mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Para bang pabigat ako at sana hindi ako sobrang hina ngayon.

"Pare, hindi ba mas tama na mas pagbigyan mo ang girlfriend mo?" si Keith na ang nagsalita at noong narinig ko ang boses niya mas lalo akong nanginig at ang mga luhang pinipigil ko at pumatak na. Nanlalambot na ako at kung hindi ako hawak ni Stan siguro napaupo na ulit ako. Walang pinag-iba ang boses niya at kahit anong sakit ang nararamdaman ko, hinahanap ko pa din ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

"Kanina ka pa niya inaantay," dagdag pa niya, "Babae din tong girlfriend mo at alam mong nagseselos lang siya."

Bibitawan na sana ni Stan ang kamay ko kaso hinawakan ko ito ng dalawa kong kamay at alam kong nagulat silang tatlo. Nasaktan ako sa sinabi ni Keith at mas lalo akong naiyak. Nagiging selfish na siguro ako pero hindi ba pwedeng ako muna ngayon, kahit ngayon na lang ulit. Gustong gusto ko ng sabihin yun sa kanila pero tila nawalan ako ng boses.

Mas lalo akong nasaktan sa sunod na sinabi ni Keith, "Masyadong naspoiled yang best friend mo Stan kaya nagkakaganyan yan. Kung ako sayo pagbibigyan ko na ang girlfriend mo. Marami pa naman ibang kaibigan si Risa."

Hindi lang ako nasaktan, nagulat din ako na para bang nasamid ako bigla. Hinawakan ni Stan ang kamay ko at nagbuntong hininga siya, "Sige na. Pumasok ka na muna sa loob. Susunod agad ako. Kakausapin ko lang si Risa."

Doble. Doble pa lang sakit ang mararamdaman ko. Nagsalita pa muli si Stan, "Samahan mo muna siya Keith. Tawagin mo na din sila Aya."

Hindi request ang pagkakasabi ni Stan, inutos niya ito at wala ng sinabi yung dalawa bago sila umalis. Naiwan ulit kaming dalawa at lumuhod siya sa harap ko. Kahit taklob ng bangs ko ang aking mga mata at patuloy pa din ang pagpatak ng aking mga luha, alam kong masama rin ang loob ni Stan. Hawak pa rin niya ang dalawa kong kamay habang humihingi ng sorry, "Risa, sorry kung wala akong kwentang best friend. Ayokong iwan ka ng ganyan ngayo't alam kong mas kailangan mo ako ngayon."

Tumigil siya kaya napatingin ako sa mukha niya. Gulat na may halong pagtataka ng nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya, sakit at pagsisisi ang tanging nakapinta sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng pagiging guilty dahil hindi lang ako ng nahihirapan, pati rin ang best friend ko. Nagpatuloy na siya at hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko at dahan-dahan sinabi ang mga katagang hindi ko makakalimutan, "Hindi ko kayang mawala ang girlfriend ko sakin Risa."

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinagad na ni Stan ang friendship namin. Kanina ready pa siyang hindi samahan ang girlfriend niya para damayan ako at dati-rati naman hinding hindi niya ako iiwan. Pero ngayon dahil sa lecheng girlfriend niya wala na lahat. Napalitan na ng galit at pagkadismaya ang nararamdan kong lungkot.

"Hoy!" narinig kong tawag ni Aya, "Umalis ka na dyan walang kwentang lalaki. Doon ka na sa girlfriend mo."

Lumapit sa amin si Aya at hinablot ang kamay ko. "Hindi ka na kailangan dito. Doon ka na! Chupi!"

Pinagtabuyan na ni Aya si Stan at muntik muntik pang awayin niya si Stan. Pinigilan lang siya ni Dan at ni Andy. Ang hindi ko maintindihan biglang sinungitan niya si Andy, "Hoy ikaw! Sumunod ka na dun sa barkada mong walang kwenta rin."

"Ano ka ba Aya?" si Mia naman ang umawat, "Hindi naman niya kasalanan ang lahat at tsaka dapat nga nagpapasalamat tayo kay Andy kasi tinago niya yung kay Keith."

"Yun na nga eh!" sigaw ni Aya, "Kung sinabi na niya sa atin kanina edi sana hindi nagkakaganito ngayon si Risa!"

Ako, nakatayo lang doon, nag-iiyak pa din parang naiwan na bata. Kasalanan ko to eh kaya niyakap ko na si Aya. "Tama na Aya. Hindi naman kasalanan ni Andy eh."

Niyakap din ako ni Aya at mas lalo pa akong napaiyak. Buti na lang may mga kaibigan pa din akong laging handang tumulong sa akin. Niyakap na din ako ni Mia at Dan, "Huwag kang mag-alala Risa. Nandito lang kami. Kami na lang ang best friend mo."

Makalipas ang ilang minuto tumigil na din ako sa pag-iyak at syempre nasa tabi ko pa din si Aya at Mia. Yung dalawang lalaki, bumibili ng inumin. Cinomfort lang nila akong dalawa at kahit hindi pa din nawawala yung sakit, gumaan naman ang loob ko.

Pagkatapos ng lunch, yung mga natirang klase, wala pa din ako sa sarili hanggang sa nag-uwian na. Naalala ko yung sinabi ni Stan na ihahatid niya ako sa lessons ko ngayon at ngayon hindi na ako nag-expect. Sabay-sabay kaming bumaba ni Aya at Mia. Si Dan kasi may basketball pa yun.

"Hindi mo ba aantayin si Andy, Aya?" tanong ni Mia.

"Oo nga," sang-ayon ko naman habang naghahanap ng cellphone sa bag ko, "Galit ka pa rin sa kanya? Para dun lang?"

"Anong para dun lang?" sagot ni Aya ng pagalit, "Sino bang nag-iyak ng nag-iyak ha?"

"Hay naku," buntong hininga ko, "Tahan na ako diba. Makipagbati ka na dyan."

Kadadal-daldal namin nakarating na kami sa may gate. Paglabas namin napansin ko yung isang kotse. Sinabi ko kay na Aya, "Parang familiar yung kotse?"

"Baka naman kaparehas lang," sagot ni Aya habang tinitingnan din niya yung kotse.

"Lalaki yung driver oh," pansin naman ni Mia.

"Kilala mo yan?" sabay na tanong nung dalawa.

Nilapitan ko naman at bumaba yung driver ng kotse. Nagulat ako at si Jared ang bumaba. Binati niya kaagad ako, "Risa!"

"Oi," ang tipid ng sagot ko, "Jared."

Lumapit na sa akin yung dalawa at nag-intriga. "Sino yan Risa?"

At ayun pinakilala ko na sa kanila si Jared saka ko siya tinanong, "Ano nga pala ang ginagawa mo dito Jared?"

Mukhang nabigla pa ata siya sa tanong ko kasi napaatras siya. Naka-hoodie pa din siya, this time itim naman at faded jeans. Suot pa din niya yung salamin niya at mahaba pa din yung bangs niya. Ngumiti siya, "Susunduin ko sana yung kapatid ko."

"May kapatid ka dito?" gulat ko namang tanong sa kanya. Sina Aya at Mia nakichismis na din samin.

"Ah, oo. Hindi ko nga pala nasabi sayo," sagot at paliwanag niya habang nakapamulsa, "First year pa lang siya ang baby sister ko kaya baka hindi mo kilala."

"Baka kilala namin," sabat ni Aya.

"Ano bang pangalan?" tanong naman ni Mia. Pareho silang nakasilip sa may balikat ko. Sila na nga ang matangkad.

"Teka, ano bang istura?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

Natawa naman si Jared, "Hindi ko siya masyado kamukha at medyo maliit. Medyo may pagkulot kasi ang buhok niya."

Napaisip naman kami kung sino yung ganun sa first year ng may biglang tumawag ng kuya at sabay sabay kaming napalingon. Tila nalaglag yung puso ko ng nakita ko kung sino ang tumawag, si Denise. Napatanong naman kaagad ako, "Teka, paano nangyari yun? Hindi naman kayo pareho ng apelyido ah."

"Kilala mo siya, Risa?" tanong sa akin ni Jared.

"Kilala mo siya, Kuya?" tanong naman ni Denise kay Jared. Nakahawak pa siya sa braso ng boyfriend niya. Tama kayo sa iniisip niyo, hinatid siya ni Stan na ang buong pag-aakala ko ay may meeting sila.

"Kaklase ko siya sa piano lessons ko, Den," sagot ni Jared sa kanyang "baby sister".

Ako naman ang sinagot niya, "Naghiwalay na kasi parents namin kaya magkaiba na surname namin."

Napahiya naman ako kasi naman bakit tinanong ko pa, "Sorry ah. Hindi ko alam."

"Ano ka ba? Okay lang yun," sabi ni Jared habang hinawakan niya yung ulo ko. Iba na nga ang matangkad. Tumingin naman siya sa kapatid niya, "Oh Den, yan na ba yung kinukwento mo sa akin?"

"Ahh, oo kuya," sagot na mahina ni Denise at hinigit na niya palapit si Stan kay Jared. Ipapakilala na niya ata. Bago pa niya magawa yun nagpaalam na ako. Medyo natatawa ako, yung pekeng tawa, "Sige Jared uuna na kami, may lesson pa kasi ako."

"Gusto mo ihatid ka na namin?" pang-anyaya naman niya sa akin at agad agad akong napailing ng todo todo, "Naku, hindi na," dali-dali akong nag-isip ng dahilan, "Dadaan pa kami ng 7 ministop,"

7 ministop? Mali yung nasabi ko, nakakahiya naman kaya agad kong binawi, "Este 7 11 pala. Siya, kitakits na lang. Babye. Ingat kayo."

Hinila ko na agad palayo si Aya at Mia bago pa sila makapagreact. Talk about awkward. At sa pagtakbo ko hindi ko alam na may nabunggo na pala akong babae. Humingi naman agad ako ng paumanhin. Maganda yung babae, ang slim ng katawan tapos yung buhok niya ang haba na medyo wavy at ang mukhang sobrang hinhin pa niya.

"Okay lang yun, miss," sabi ni miss na nabunggo ko, maganda na, mabait pa, "Taga Gregorian Highschool ka pala tapos third year pa."

Napatango lang naman ako, kasi naman nakakagulat magtanong tong si miss. Napangiti naman siya. Yung ngiting, sa wakas nakita din kita. Nagtanong pa ulit siya, "Alam mo ba kung anong room ni Keith Garcia. Transferee siya kaya baka kilala mo."


PERTIMBANGAN PENCIPTA
wickedwinter wickedwinter

“Can I hold you?” he asked, stepping closer.

I gazed at him, and he showed me his clay coated fingers. I raised an eyebrow as I touched his forefinger with mine.

“I’ll take that as a yes.” He slowly put his hands on my cheeks, cupping my face. I shivered, not expecting the wet clay to be that cold.

“You’re the one I want.” His gaze was so intense I would have looked away if he hadn’t held me.

Here I am again promoting my other story called Ugly Little Feelings. The next line of that is R-18. So if you're 18+ and interested, please check it out.

Thanks for reading! Drop a comment or a vote or share.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk